"Ho! Anong sinabi niyo?"
"You heard me Ligaya…"
"Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—"
"I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him."
"Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"
Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.
Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora."
"Why, not?"
"Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawang kamay ng senyora.
"Alam ko na ginagawa niyo ho ito dahil nag-aalala kayo sa iyong anak. Alam ko po na gusto niyo lang masiguro na mayroon siyang makakasama kapag wala na kayo, pero senyora, bigyan niyo po sana ng kalayaan ang senyorito na pumili ng babae makasama sa habang-buhay, nawala na po sa kanya ang kalayaan na makapag lakad, huwag niyo rin po sanang alisin sa kanya ang kalayaan niyang pumili ng mapapangasawa, iyong babae pong mahal niya at nagmamahal rin sa kanya."
Mapait na ngumiti ang senyora. "You're right. Pasensya na kung nilagay kita sa alanganing sitwasyon."
"Okay, lang po. Ina rin ako kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niyo, senyora. We just want what we think is the best for our son."
Tumango ang senyora. Inabot nito ang pisngi ni Ligaya. "Oo naman, and I really think you are the best for my son. I'm sure kung magagawa mo siyang akitin, walang duda magaganda at gwapo ang magiging anak ninyo. Eh, kung gapangin mo na lang kaya ang unico iho ko? Magpabuntis ka sa kanya—"
"Senyora!!" Na iskandalong saway ni Ligaya sa senyora.
'Kung alam niyo lang talaga, matagal ko nang natikiman ang anak niyo at may unico iho na rin kami,' sa isip ni Ligaga.
"Nagbibiro lang ako, iha." Binitawan nito ang pisngi niya. "Sige na, mauna na kayo ni Maria na kumain, susunod na lamang ako," dagdag ng senyora at tinalikuran siya. Muli itong naupo sa harap ng tukador.
"Lalabas na po ako senyora," paalam ni Ligaya.
Paglabas ni Ligaya ng silid, nagulat siya nang makita si Dmitri, pabalik na ang binata sa silid nito. Agad niya itong tinulungan ngunit timaboy lamang siya ng binata.
"I can return to my room. I don't need your help!" bulyaw ng binata kaya napabitaw si Ligaya sa wheelchair.
"Pero trabaho ko na tulungan kayo, senyorito," dahilan ni Ligaya at muling tinulak ang wheelchair ngunit sinigawan lang ulit siya ng binata. "Hindi ko po alam kung bakit kayo nagkakaganyan, pero huwag niyo naman po sana akong masyadong pahirapan. Hindi sa nagrereklamo ako pero baka po kasi matanggal ako sa trabaho dahil sa mga ginagawa niyo, may anak akong binubuhay kaya hindi ko po afford na mawalan ng hanap-buhay lalo pa't ako lang ang inaasahan sa amin."
Hindi nagsalita si Dmitri. At dahil walang natanggap na pagtutol sa kanyang pasyente, muling tinulak ni Ligaya ang wheelchair ng binata. Ngunit nang makapasok sila ng silid agad siyang pinaalis ng binata.
"You can leave now, and please, pakisabi kay mama na wala akong ganang kumain," malamig nitong sabi at mag-isang dinala ang sarili sa balcony.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ligaga. "Masusunod, senyorito."
7 ng gabi nang pumanik sa kanyang sariling silid si Ligaya pagkatapos kumain ng dinner at tulungan si Maria sa mga gawain nito sa kusina, at dahil ayaw kumain ng pasyente niya at ayaw rin siyang makita, maagang natapos ang trabaho ni Ligaya sa unang araw niya sa mansion ng mga Ivanovsky. Nakapaglinis na siya ng katawan at nagpalit na ng pantulog nang maisipan niyang tawag ang ina para kausapin ang anak.
"Mabuti naman anak at 'di mo nakalimutan na tumawag," sagot ng Nanay Nora niya sa kabilang linya. "Kumusta ang unang araw mo sa trabaho?"
"Ayos lang naman po, nay. Si Ruslan? Tulog na ba siya?"
"Oo, eh. Sayang nga at hindi mo naabutan. Hinintay pa naman niya ang tawag mo, napagod siguro sa paglalaro kaya nakatulog."
"Ganun po ba?" Nanghihinayang na tugon ni Ligaya. Excited pa naman siyang marinig ang boses ng kanyang anak. Isang araw pa lang silang hindi nagkikita pero miss na niya si Ruslan ng sobra, hindi na siya makapaghintay na matapos ang isang linggo at makapag-rest day.
"Oo nga pala, anak. Bumisita dito kanina si Nicanor, may mga dala siyang laruan at prutas para kay Ruslan," saad ng ina niya. Si Nicanor ang anak-anakan ng kanyang itay ito ang nagsilbing assistant ng tatay niya sa kopra nilang negosyo. Masugid din na manliligaw ni Ligaya ang lalaki.
"Hindi pa rin pala siya sumusuko," stressed na naupo si Ligaya sa gilid ng kanyang kama. "Binasted ko po siya, nay. Mainam na 'wag na kayong tatanggap ng kahit ano mula sa kanya sa susunod."
"Pero anak, hindi mo ba talaga kayang bigyan ng chance si Nicanor? Mabuting tao siya. Maasahan at mapagmahal sigurado akong magiging mabuting ama siya kay Ruslan," himok pa ng Nanay Nora niya.
"Nay, hindi responsibilidad ni Nicanor ang anak ko. Marami namang babae r'yan, iyong hindi second hand. Isa pa, 'di namin kailangan ni Ruslan—"
"Ligaya, kailangan ni Ruslan ng ama. Walang bata ang gustong lumaki na walang nanay o tatay. Kailangan mo rin ng makakatulong sa buhay, paano na lang kung wala na ako? Sino ang makakatulong mo sa pag-aalaga kay Ruslan? Kung binigo ka ng tatay ni Ruslan dati, 'wag mo namang isara ang pinto ng puso mo sa iba. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko, Ligaya. Para rin sa iyo itong mga sinasabi ko."
"Naiintindihan ko kayo, nay. Kailangan ko lang talaga ng panahon. Sige po, kailangan ko ng ibaba ang tawag," paalam ni Ligaya at binaba na ang tawag. Pagod siyang nahiga sa kanyang kama at tumitig sa kisame, paano niya kaya ipapaliwanag sa ina niya ang tungkol kay Dmitri?
Nasa malalim na pag-iisip si Ligaya nang may kumatok sa kanyang pinto. Dali-dali siyang bumangon at binuksan iyon at nagulat siya ng makita si Dmitri.
"Senyorito…"
"Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d
"Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga
"N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig
"Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag
Nanginginig ang mga kamay ni Ligaya habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang pang-itaas na kasuotan ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa mukha ng binata at napakabilis ng tibok ng puso niya. Unti-unting lumantad sa mga mata ni Ligaya ang hubad na katawan ni Dmitri at nang matagumpay niyang nahubad ang pang-itaas nitong kasuotan, sunod niyang inalis ang pajama ng binata. Napalunok ng malaki ang dalaga sabay iwas ng tingin nang unti-unting sumilip mula sa hinihila niyang pajama, kasama ng itim na boxer ni Dmitri, ang nagtatago nitong alaga.“Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Akala ko ba’y walang epekto sayo ang katawan ko kahit na maghubad ako sa harap mo?” Umigting ang bagang ni Ligaya. “Hindi ako naapektohan,” walang emosyon na tugon ni Ligaya.“Then, don’t look away.”“Hindi ko gustong maasiwa ka.”“Nope.tinatanggal sa pagkakabotones ang pang-itaas ng damit ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa binata at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niyang hindi ito ang unang bese
Pinagtulakan ng mga kaibigan niya si Ligaya pagpasok nila sa private room ng isang KTV Bar, muntik na siyang masubsob sa sahig, mabuti na lang nakakapit siya sa gilid ng lamesa. Nag-unahan si Marivic at Leah, mga kaibigan niya, na maupo sa tabi ng dalawang makikisig na mga binata. Tumayo si Ligaya at napailing, pagkatapos ay naupo siya sa tabi ni Marivic, agad naman humingi ng paumanhin sa kanya ang kaibigan na pinatawad naman niya.“Pasensya na, Aya. Gusto kasing mauna ni Leah, ayaw ko namang maungusan niya kaya naitulak kita,” bulong na paumanhin sa kanya ni Marivic bago nito hinarap muli ang dalawang binata. “Akala ko tatlo kayo? Nasaan na ang isa?”“Nag-restroom lang, babalik din ‘yon. Nag-dinner na ba kayong tatlo? Gusto niyo ng drinks?” tugon ng lalaking chinito at may hikaw sa kaliwang tenga.“Ikaw na ang mag-order para sa amin,” tugon ni Marivic at kumindat. Muli nitong inilapit ang mukha sa tenga ni Ligaya. "Aya, sa amin nalang ni Leah itong dalawa, ang popogi kasi! Ikaw na
Five years later…Abot tenga ang ngiti ni Ligaya pagkatapos makatanggap ng magandang balita, nasa palengke siya nang matanggap ang tawag mula sa trabahong inapplayan niya. Na-meet raw niya ang requirements at siya ang maswerteng pinili ng employer bilang caretaker ng nabaldado nitong anak. Malaki ang sahod kaya sinubukan ni Ligaya na mag-apply, tagilid kasi ang kabuhayan nila ngayon dahil sa kasong kinakaharap ng kanilang pamilya. Pumanaw ang tatay ni Ligaya noong nakaraang taon, dahil dito inangkin ng mga tiyahin niya ang lupain nila ng kopra na siyang pinagmumulan ng kabuhayan nila. Syempre, hindi pumayag ang ina ni Ligaya na mapunta sa mga kapatid ng tatay niya ang lupa, kaya naman nagkademandahan at hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kaso.“Para kuya, d’yan lang ako sa itim na iron bar gate.” Huminto ang tricycle sa tapat ng gate na binanggit niya. Nagbayad si Ligaya ng pamasahe, pagkatapos ay bumaba siya bitbit ang mga pinamili niya sa palengke. Binuksan niya ang maliit nilan
Hindi maipaliwanag ni Ligaya ang kanyang damdamin. Walang tigil sa pagkabog ng mabilis ang kanyang dibd*b, ito ang unang beses na nagkita sila ni Dmitri pagkatapos ng nangyari sa kanila ng gabing iyon. Limang taon rin ang lumipas, bahagya itong pumayat ngunit namumukudtangi pa rin ang kagwapuhan nito. Nakakalungkot nga lang at nakaupo na ito sa wheelchair ngayon, at ayon sa kwento ng senyora, malala ang kinasangkutan nitong aksidente."May problema po ba sa kanya?" hindi napigilan ni Ligaya na magtanong, para kasing walang narinig si Dmitri, 'di man lang ito kumibo at nanatiling nakatingin sa malayo."He had selected memory loss. Ang mga nawalang alaala sa kanya ay iyong mga nangyari sa kanya noong pumasok siya ng huling taon niya sa kolehiyo at bago ang aksidente, bukod sa mga paa niya at memorya na nawala, may trauma rin si Dmitri, hindi gaanong nagsasalita at madalas siyang tulala," malungkot na paliwanag ng senyora.Nadurog ang puso ni Ligaya sa narinig. Sa loob ng limang taon nag
Nanginginig ang mga kamay ni Ligaya habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang pang-itaas na kasuotan ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa mukha ng binata at napakabilis ng tibok ng puso niya. Unti-unting lumantad sa mga mata ni Ligaya ang hubad na katawan ni Dmitri at nang matagumpay niyang nahubad ang pang-itaas nitong kasuotan, sunod niyang inalis ang pajama ng binata. Napalunok ng malaki ang dalaga sabay iwas ng tingin nang unti-unting sumilip mula sa hinihila niyang pajama, kasama ng itim na boxer ni Dmitri, ang nagtatago nitong alaga.“Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Akala ko ba’y walang epekto sayo ang katawan ko kahit na maghubad ako sa harap mo?” Umigting ang bagang ni Ligaya. “Hindi ako naapektohan,” walang emosyon na tugon ni Ligaya.“Then, don’t look away.”“Hindi ko gustong maasiwa ka.”“Nope.tinatanggal sa pagkakabotones ang pang-itaas ng damit ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa binata at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niyang hindi ito ang unang bese
"Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag
"N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig
"Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga
"Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d
"Ho! Anong sinabi niyo?""You heard me Ligaya…""Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—""I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him.""Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora.""Why, not?""Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawa
Natigilan si Ligaya. Hindi siya makapaniwala sa narinig, nagsalita si Dmitri at hindi lang pangalan niya ang sinabi ng binata. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi siya nakapag-usal ng salita nang kunin ni Dmitri ang kamay niya, dinala sa bibig nito at mabining hinalikan ang ibabaw ng kamay niya."Naalala mo na ba ako, Dmit—""You're the new caregiver, mama told me."Nabura ang ngiti sa labi ni Ligaya. Ang buong akala niya ay naalala na siya ng binata, hindi pa rin pala. Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon at umasa para lamang mabigo."A-ako nga senyorito,” nanghinayang niyang tugon at binawi ang kanyang kamay mula kay Dmitri. "Ihahanda ko na ang inyong pampaligo," saad niya at tumayo. Iniwan niya sa balcony si Dmitri at nagtungo sa banyo upang ihanda ang tubig sa bathtub, katulad ng bilin sa kanya ng senyora, siniguro ni Ligaya na katamtaman lamang ang init ng tubig, at habang pinaaagos niya ang tubig sa tub ay inihanda na niya ang gagamitin ng binata sa pagligo