Share

Kabanata 3

Author: Eu:N
last update Last Updated: 2024-09-11 22:23:25

Hindi maipaliwanag ni Ligaya ang kanyang damdamin. Walang tigil sa pagkabog ng mabilis ang kanyang dibd*b, ito ang unang beses na nagkita sila ni Dmitri pagkatapos ng nangyari sa kanila ng gabing iyon. Limang taon rin ang lumipas, bahagya itong pumayat ngunit namumukudtangi pa rin ang kagwapuhan nito. Nakakalungkot nga lang at nakaupo na ito sa wheelchair ngayon, at ayon sa kwento ng senyora, malala ang kinasangkutan nitong aksidente.

"May problema po ba sa kanya?" hindi napigilan ni Ligaya na magtanong, para kasing walang narinig si Dmitri, 'di man lang ito kumibo at nanatiling nakatingin sa malayo.

"He had selected memory loss. Ang mga nawalang alaala sa kanya ay iyong mga nangyari sa kanya noong pumasok siya ng huling taon niya sa kolehiyo at bago ang aksidente, bukod sa mga paa niya at memorya na nawala, may trauma rin si Dmitri, hindi gaanong nagsasalita at madalas siyang tulala," malungkot na paliwanag ng senyora.

Nadurog ang puso ni Ligaya sa narinig. Sa loob ng limang taon nagtanim siya ng sama ng loob sa lalaki dahil nawala itong parang bula. Hindi niya ito nobyo, ni wala silang malalim na ugnayan ng lalaki, ngunit nasaktan pa rin siya nang mawala itong bigla pagkatapos nitong malaman ang tungkol sa ipinagbubuntis niya. Hindi niya alam na ganito pala ang nangyari sa ama ng anak niya. Wala siyang kaalam-alam na nasa kabilang Barangay lang ang taong hinahanap niya at nagdurusa.

"Hi, Dmitri! It's a pleasure to meet you. Ako pala si Ligaya," pagkausap niya sa lalaki. Alam niyang hindi siya nito makikilala kaya minabuti niyang magpanggap na ito ang unang pagkakataon na nakilala niya ang lalaki.

"Li...gaya…"

Nagkatinginan si Ligaya at ang senyora nang bigla itong magsalita, pareho nilang ikinagulat ang naging tugon ni Dmitri. Hindi nila inakala na narinig nito ang sinabi niya.

"Anak! S-sabihin mo ulit." Lumuhod ang senyora sa harap ng anak at hinawakan ang magkabila nitong pisngi. "Magsalita ka ulit, please."

"Senyora, huminahon lang ho kayo." Inawat ni Ligaya ang senyora. "H'wag po natin siyang biglain at pilitin," anya at tinulungan ang senyora na tumayo. "Magandang senyales ho na nag-response siya sa sinabi ko, ngunit hindi makakabuti sa kondisyon ng anak n'yo kung pipilitin natin siya."

"Senyora, tubig po." Nag-alok ng tubig ang mayordoma, 'di naman ito tinanggihan ng senyora. "Gusto niyo po bang ihatid ko na lang muna kayo sa inyong silid?"

"Hindi, okay lang ako Maria." Tanggi ng senyora at naupo sa rattan lounge. "Mabuti pa ay ihatid mo muna si Ligaya sa kanyang silid."

"Masusunod, senyora. Babalik din ako agad pagkatapos kong ihatid ang dalaga," saad ng mayordoma bago nilingon si Ligaya. "Sumunod ka sa 'kin, neng…"

Sa second floor ng bahay dinala si Ligaya ng mayordoma, pagkatapos ay huminto sila sa harap ng saradong pinto ng silid sa dulong bahagi ng hallway.

"Ito ang pinahandang kwarto ng senyora para sa 'yo, sana ay magustuhan mo," imporma ng mayordoma at binuksan ang pinto.

"Sigurado ho kayong ito ang magiging kwarto ko? Bakit parang guest room ito?" Nagduda na si Ligaya nang dalhin siya sa second floor. Ngunit bakit naman siya bibigyan ng senyora ng silid tuluyan na para sa mga guest?

"Gusto ng senyora na maging komportable ka sa bahay na ito, at katabi ng silid mo ang silid ng senyorito. Naisip kasi ng senyora na mabilis mong matutugunan ang senyorito kung magkatabi kayo ng silid," mahabang paliwanag nito. "Sige, maiwan na muna kita dito para makapag-ayos ka ng mga gamit mo, babalikan ko lang ang senyora sa ibaba."

Nang iwan si Ligaya ng mayordoma agad nag-unpack siya ng kanyang mga gamit. Ilang damit lang naman ang dala niya kaya mabilis lang siyang natapos. Sunod na sinuri ni Ligaya ang buong silid, komplete ang kwarto mula sa kama at cabinets, may maliit na lounged kung saan pwede siyang tumambay at mag-relax pagkatapos ng duty niya. Meron din sariling banyo ang kanyang kwarto at halos kumpleto iyon sa necessities, may heater ang shower niya at bathtub. Pagkatapos niyang suriin ang loob ng ng banyo, lumabas si Ligaya ng balcony, ngunit hindi pa nag-iinit ang paa niya sa sahig ng balcony nang kumatong ang mayordoma at inimbitahan siya ng pananghalian.

"Nagustuhan mo ba ang iyong silid?" tanong ng senyora nang maupo si Ligaya sa hapagkainan. Naglalagay ng ulam ang senyora sa sarili nitong plato.

"Opo, ngunit hindi po ba't masyado iyong marangya para sa isang caregiver na tulad ko?"

"I want you to be comfortable as possible in this house. Hindi biro ang maging caretaker lalo na sa kondisyon ng anak ko. S’ya sige, kumain ka na at kailangan mo ng lakas para magtrabaho," wika ng senyora at matamis na ngumiti.

Hindi nakikita ni Ligaya si Dmitri, marahil ay nasa kwarto na niya ang lalaki. Hindi niya rin kasi ito nakita sa pool area kung saan niya ito unang nakita kanina.

"Senyora, gusto ko lang sanang malaman. Ano ho ba ang nangyari sa dating caretaker ng anak niyo?" Na-curious bigla si Ligaya. Hindi naman siya ang tipong nagtatanong ng mga ganito, pero hindi niya maiwasan, gusto niyang magkaroon ng background sa mga dating nagsilbi kay Dmitri para naman alam niya kung panong approach ang gagawin sa lalaki.

"Ilang buwan nang walang caretaker si Dmitri, ako at si Maria lang ang nagsasalitan na alagaan siya. Masipag naman si Joan, maayos niyang naalagaan ang anak ko pero wala akong nakikitang improviments kay Dmitri, masyado ring malikot ang kamay niya kaya wala akong choice kundi ang tanggalin siya."

Tumango-tango si Ligaya. "Problema nga po kong may kasama sa bahay na malikot ang kamay. S'ya nga pala senyora, gusto ko lang malaman kung naglista kayo ng mga bagay na karaniwang ginagawa ni D— ang ibig kong sabihin ng senyorito. Katulad na lang ng routine niya sa umaga, mga hilig niyang gawin at mga pagkain na bawal sa kanya. Kailangan ko kasi ang mga iyon para maayos na maalagaan ang anak niyo."

"Yes, nakalista lahat sa notebook. Nasa kwarto ko, ibibigay ko sa iyo mamaya. Bago ko pala makalimutan…” Ibinaba ng senyora ang hawak na water goblet sa mesa. “Sa bathtub naliligo si Dmitri, ayaw niya ko kasi ng bed bath, hindi ako kontento sa papahid-pahid lang ng basang towel. H’wag kang mag-alala hindi mo naman siya kailaangan na buhatin, kaya na niyang maligo sa sarili niya. Ihanda mo lang ang paliliguan niya tuwing umaga at bago matulog. Ihanda mo rin ang mga gagamitin niya sa pagligo, tulungan mo rin siyang magtanggal ng kasuotan, at  pagkatapos ay ikaw rin ang magsuot sa kanya ng damit.”

Napalunok si Ligaya. “S- sige ho, senyora.”  

Nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na ito. Hindi naman big deal sa kanya ang pagpapaligo sa pasyente ng opposite s*x, trabaho naman niya iyon bilang caregiver ni Dmitri, ang nakakailang lang sa sitwasyon niya ay makikita niya ang hubad na katawan ng binata, makikita niya ang bagay na iyon na siyang nagpalimot sa kanya sa reyalidad ng buhay at nagdala kay Ruslan sa mundo. Handa ba siyang makita iyong muli?

Pagkatapos mananghalian nilibot si Ligaya ng mayordoma sa mansion, tinuro ni Maria sa kanya ang mga bagay na kailangan niyang malaman, ang rutina ng mag-inang Ivanovsky sa araw-araw at background ng pamilya. Nalaman ni Ligaya na divorced ang senyora sa asawa nito, hindi raw nagkasundo ang dalawa sa maraming bagay at sa huli’y nagpasyang maghiwalay. Agad napawalang bisa ang kasal ng mga ito dahil sa Russia nagpakasal ang dalawa.

“Kung ganun ay single mother din ang senyora tulad ko.”

“Sa tingin ko nga ay nagkaroon ng malaking papel ang pagiging single mother mo sa pagkaka-hire ng senyora sa iyo.”

“Nakikita marahil ng senyora ang sarili niya sa akin.”

Nakapanlulumo na malaman na lumaki si Dmitri na wala ang ama sa tabi nito, at katulad ng ama ay mukhang ganun din ang mangyayari kay Ruslan. Isipin pa lang ni Ligaya ay nadudurog na ang puso niya, gustuhin man niyang sabihin sa binata ang tungkol sa anak nila ay wala naman ito sa kundisyon, may kinakaharap itong mahirap na pagsubok, bukod pa roon ay wala siyang lakas ng loob para magtapat sa lalaki lalo't hindi siya nito matandaan.

"Sasabihin ko na lamang kapag bumuti na ang kanyang kalagayan," pagkausap ni Ligaya sa sarili.

"May sinasabi ka ba, neng?"

"W- wala naman ho."

"Ganun, ba? Ang akala ko kasi ay may tanong ka. Oh, s'ya ihatid na kita sa kwarto ng senyorito, oras ng nagpaligo niya," imporma ni Maria at nanguna sa paglakad.

Parang tinatambol na drum ang kabog sa d*bdib ni Ligaya habang paakyat sila ng pangalawang palapag ng bahay. Kinakapos siya sa paghinga sa bawat hakbang patungo sa silid ni Dmitri. Ang mga palad niya ay nanlalamig, hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng senyora, 'Tulungan mo rin siyang magtanggal ng kasuotan', isipin pa lang niya na huhubaran niya si Dmitri nanginginig na ang mga kamay niya sa kaba.

"Narito na tayo, kagaya ng sinabi ko kanina magkatabi lang kayo ng silid ng senyorito." Binuksan ni Maria ang pinto at pumasok. Sumunod naman si Ligiya at nakita niya agad si Dmitri sa wheelchair nito, nasa balcony ang lalaki may binabasa itong libro. "Nasa ibabaw ng study table ng senyorito ang notebook na hinihingi mo sa senyora."

"Sige, maraming salamat ho."

"S'ya sige, maiwan na kita dito at marami pa akong dapat gawin sa ibaba. Ikaw na ang bahala sa senyorito,  madalas mo siyang makita na tulala pero pwede mo naman siyang kausapin, minsan ay nakikinig siya at nagsasalita."

"Ganun po, ba?" Nilingon ni Ligaya ang lalaki.

"H'wag kang mag-alinlangan na tawagin ako kapag may kailangan ka," bilin ng mayordoma saka lumabas ng silid.

Pagkatapos isara ang pinto ng kwarto, nilapitan ni Ligaga si Dmitri, naupo siya sa sariling mga paa sa harap ng binata at sinubukan na kausapin ang lalaki na nakatutok lang ang atensyon sa binabasang libro.

"Mahilig ka pa lang magbasa," panimula ni Ligaya upang kunin ang atensyon ng lalaki ngunit bigo siya. "Anong libro ba ang binabasa mo?" Sinubukan niyang muli ngunit hindi talaga siya pinapansin ng binata.

"Ang bilis mo lang nakuha ang atensyon ko nang gabing iyon, pero hindi man lang kita magawang mapalingon sa akin ngayon. Hindi mo ba talaga ako naalala?" malungkot na tanong ni Ligaya sa lalaki. "Dmitri, ako ito, si Ligaya."

Mula sa libro, nalipat ang tingin ng binata sa kanya. "It's a pleasure to meet you too, Ligaya."

Related chapters

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 4

    Natigilan si Ligaya. Hindi siya makapaniwala sa narinig, nagsalita si Dmitri at hindi lang pangalan niya ang sinabi ng binata. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi siya nakapag-usal ng salita nang kunin ni Dmitri ang kamay niya, dinala sa bibig nito at mabining hinalikan ang ibabaw ng kamay niya."Naalala mo na ba ako, Dmit—""You're the new caregiver, mama told me."Nabura ang ngiti sa labi ni Ligaya. Ang buong akala niya ay naalala na siya ng binata, hindi pa rin pala. Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon at umasa para lamang mabigo."A-ako nga senyorito,” nanghinayang niyang tugon at binawi ang kanyang kamay mula kay Dmitri. "Ihahanda ko na ang inyong pampaligo," saad niya at tumayo. Iniwan niya sa balcony si Dmitri at nagtungo sa banyo upang ihanda ang tubig sa bathtub, katulad ng bilin sa kanya ng senyora, siniguro ni Ligaya na katamtaman lamang ang init ng tubig, at habang pinaaagos niya ang tubig sa tub ay inihanda na niya ang gagamitin ng binata sa pagligo

    Last Updated : 2024-09-24
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 5

    "Ho! Anong sinabi niyo?""You heard me Ligaya…""Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—""I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him.""Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora.""Why, not?""Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawa

    Last Updated : 2024-09-25
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 6

    "Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d

    Last Updated : 2024-09-26
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 7

    "Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga

    Last Updated : 2024-10-01
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 8

    "N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig

    Last Updated : 2024-10-08
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 9

    "Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag

    Last Updated : 2024-10-15
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 10

    Nanginginig ang mga kamay ni Ligaya habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang pang-itaas na kasuotan ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa mukha ng binata at napakabilis ng tibok ng puso niya. Unti-unting lumantad sa mga mata ni Ligaya ang hubad na katawan ni Dmitri at nang matagumpay niyang nahubad ang pang-itaas nitong kasuotan, sunod niyang inalis ang pajama ng binata. Napalunok ng malaki ang dalaga sabay iwas ng tingin nang unti-unting sumilip mula sa hinihila niyang pajama, kasama ng itim na boxer ni Dmitri, ang nagtatago nitong alaga.“Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Akala ko ba’y walang epekto sayo ang katawan ko kahit na maghubad ako sa harap mo?” Umigting ang bagang ni Ligaya. “Hindi ako naapektohan,” walang emosyon na tugon ni Ligaya.“Then, don’t look away.”“Hindi ko gustong maasiwa ka.”“Nope.tinatanggal sa pagkakabotones ang pang-itaas ng damit ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa binata at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niyang hindi ito ang unang bese

    Last Updated : 2024-10-22
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 1

    Pinagtulakan ng mga kaibigan niya si Ligaya pagpasok nila sa private room ng isang KTV Bar, muntik na siyang masubsob sa sahig, mabuti na lang nakakapit siya sa gilid ng lamesa. Nag-unahan si Marivic at Leah, mga kaibigan niya, na maupo sa tabi ng dalawang makikisig na mga binata. Tumayo si Ligaya at napailing, pagkatapos ay naupo siya sa tabi ni Marivic, agad naman humingi ng paumanhin sa kanya ang kaibigan na pinatawad naman niya.“Pasensya na, Aya. Gusto kasing mauna ni Leah, ayaw ko namang maungusan niya kaya naitulak kita,” bulong na paumanhin sa kanya ni Marivic bago nito hinarap muli ang dalawang binata. “Akala ko tatlo kayo? Nasaan na ang isa?”“Nag-restroom lang, babalik din ‘yon. Nag-dinner na ba kayong tatlo? Gusto niyo ng drinks?” tugon ng lalaking chinito at may hikaw sa kaliwang tenga.“Ikaw na ang mag-order para sa amin,” tugon ni Marivic at kumindat. Muli nitong inilapit ang mukha sa tenga ni Ligaya. "Aya, sa amin nalang ni Leah itong dalawa, ang popogi kasi! Ikaw na

    Last Updated : 2024-09-11

Latest chapter

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 10

    Nanginginig ang mga kamay ni Ligaya habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang pang-itaas na kasuotan ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa mukha ng binata at napakabilis ng tibok ng puso niya. Unti-unting lumantad sa mga mata ni Ligaya ang hubad na katawan ni Dmitri at nang matagumpay niyang nahubad ang pang-itaas nitong kasuotan, sunod niyang inalis ang pajama ng binata. Napalunok ng malaki ang dalaga sabay iwas ng tingin nang unti-unting sumilip mula sa hinihila niyang pajama, kasama ng itim na boxer ni Dmitri, ang nagtatago nitong alaga.“Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Akala ko ba’y walang epekto sayo ang katawan ko kahit na maghubad ako sa harap mo?” Umigting ang bagang ni Ligaya. “Hindi ako naapektohan,” walang emosyon na tugon ni Ligaya.“Then, don’t look away.”“Hindi ko gustong maasiwa ka.”“Nope.tinatanggal sa pagkakabotones ang pang-itaas ng damit ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa binata at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niyang hindi ito ang unang bese

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 9

    "Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 8

    "N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 7

    "Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 6

    "Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 5

    "Ho! Anong sinabi niyo?""You heard me Ligaya…""Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—""I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him.""Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora.""Why, not?""Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawa

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 4

    Natigilan si Ligaya. Hindi siya makapaniwala sa narinig, nagsalita si Dmitri at hindi lang pangalan niya ang sinabi ng binata. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi siya nakapag-usal ng salita nang kunin ni Dmitri ang kamay niya, dinala sa bibig nito at mabining hinalikan ang ibabaw ng kamay niya."Naalala mo na ba ako, Dmit—""You're the new caregiver, mama told me."Nabura ang ngiti sa labi ni Ligaya. Ang buong akala niya ay naalala na siya ng binata, hindi pa rin pala. Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon at umasa para lamang mabigo."A-ako nga senyorito,” nanghinayang niyang tugon at binawi ang kanyang kamay mula kay Dmitri. "Ihahanda ko na ang inyong pampaligo," saad niya at tumayo. Iniwan niya sa balcony si Dmitri at nagtungo sa banyo upang ihanda ang tubig sa bathtub, katulad ng bilin sa kanya ng senyora, siniguro ni Ligaya na katamtaman lamang ang init ng tubig, at habang pinaaagos niya ang tubig sa tub ay inihanda na niya ang gagamitin ng binata sa pagligo

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 3

    Hindi maipaliwanag ni Ligaya ang kanyang damdamin. Walang tigil sa pagkabog ng mabilis ang kanyang dibd*b, ito ang unang beses na nagkita sila ni Dmitri pagkatapos ng nangyari sa kanila ng gabing iyon. Limang taon rin ang lumipas, bahagya itong pumayat ngunit namumukudtangi pa rin ang kagwapuhan nito. Nakakalungkot nga lang at nakaupo na ito sa wheelchair ngayon, at ayon sa kwento ng senyora, malala ang kinasangkutan nitong aksidente."May problema po ba sa kanya?" hindi napigilan ni Ligaya na magtanong, para kasing walang narinig si Dmitri, 'di man lang ito kumibo at nanatiling nakatingin sa malayo."He had selected memory loss. Ang mga nawalang alaala sa kanya ay iyong mga nangyari sa kanya noong pumasok siya ng huling taon niya sa kolehiyo at bago ang aksidente, bukod sa mga paa niya at memorya na nawala, may trauma rin si Dmitri, hindi gaanong nagsasalita at madalas siyang tulala," malungkot na paliwanag ng senyora.Nadurog ang puso ni Ligaya sa narinig. Sa loob ng limang taon nag

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 2

    Five years later…Abot tenga ang ngiti ni Ligaya pagkatapos makatanggap ng magandang balita, nasa palengke siya nang matanggap ang tawag mula sa trabahong inapplayan niya. Na-meet raw niya ang requirements at siya ang maswerteng pinili ng employer bilang caretaker ng nabaldado nitong anak. Malaki ang sahod kaya sinubukan ni Ligaya na mag-apply, tagilid kasi ang kabuhayan nila ngayon dahil sa kasong kinakaharap ng kanilang pamilya. Pumanaw ang tatay ni Ligaya noong nakaraang taon, dahil dito inangkin ng mga tiyahin niya ang lupain nila ng kopra na siyang pinagmumulan ng kabuhayan nila. Syempre, hindi pumayag ang ina ni Ligaya na mapunta sa mga kapatid ng tatay niya ang lupa, kaya naman nagkademandahan at hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kaso.“Para kuya, d’yan lang ako sa itim na iron bar gate.” Huminto ang tricycle sa tapat ng gate na binanggit niya. Nagbayad si Ligaya ng pamasahe, pagkatapos ay bumaba siya bitbit ang mga pinamili niya sa palengke. Binuksan niya ang maliit nilan

DMCA.com Protection Status