Share

Kabanata 4

Author: Eu:N
last update Last Updated: 2024-09-24 17:24:52

Natigilan si Ligaya. Hindi siya makapaniwala sa narinig, nagsalita si Dmitri at hindi lang pangalan niya ang sinabi ng binata. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi siya nakapag-usal ng salita nang kunin ni Dmitri ang kamay niya, dinala sa bibig nito at mabining hinalikan ang ibabaw ng kamay niya.

"Naalala mo na ba ako, Dmit—"

"You're the new caregiver, mama told me."

Nabura ang ngiti sa labi ni Ligaya. Ang buong akala niya ay naalala na siya ng binata,  hindi pa rin pala. Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon at umasa para lamang mabigo.

"A-ako nga senyorito,” nanghinayang niyang tugon at binawi ang kanyang kamay mula kay Dmitri. "Ihahanda ko na ang inyong pampaligo," saad niya at tumayo. 

Iniwan niya sa balcony si Dmitri at nagtungo sa banyo upang ihanda ang tubig sa bathtub, katulad ng bilin sa kanya ng senyora, siniguro ni Ligaya na katamtaman lamang ang init ng tubig, at habang pinaaagos niya ang tubig sa tub ay inihanda na niya ang gagamitin ng binata sa pagligo at ang pamalit nitong damit. Pagkatapos ihanda ang lahat, binalikan niya si Dmitri sa balcony at naabutan ito ni Ligaya na pinagpupunit ang mga pahina ng hawak nitong libro.

"Senyorito!" Nagmadali si Ligaya na lapitan ito, agad niyang hinuli ang mga kamay ni Dmitri upang pigilan sa ginagawa. "Huminahon kayo, Senyorito," pagpapakalma niya at tumigil naman ito. “Ano po ba ang problema?” 

Tumingala si Dmitri at tumitig sa mukha ni Ligaya. Ngayon lang niya nakilala ang babaeng kaharap at sigurado siya na hindi pa sila nito nagkikita, ngunit bakit pakiramdam niya at matagal na niyang kilala si Ligaya. Sa kagustuhan niyang makaalala, maintindihan kung bakit familiar sa kanya ang babae, bigla na lang sumakit ang kanyang ulo.

“Gusto ko nang maligo,” saad ni Dmitri at binawi ang mga kamay niyang hawak ni Ligaya.

Tinitigan ni Ligaya ang binata. Mukhang may gumugulo sa isip nito ngunit hindi lang nito masabi sa kanya. Hindi nakatakas sa kanya ang naguguluhan nitong mga mata. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ano man ang gumugulo sa isip nito'y magkaroon sana ito ng kalinawan ng isip. 

"Masusunod po,"  tugon ni Ligaya at tinulak ang wheelchair nito papasok ng bahay patungong bathroom. 

Sa bathroom, tutulungan na sana ni Ligaya na maghubad ng kasuotan si Dmitri nang hawakan ng binata ang kamay niya para pigilan.

"You don't have to undress me."

"Pero senyorito—"

"Kaya ko na ang sarili ko, maari ka ng umalis," taboy nito sa kanya.

Nag-alangan si Ligaya, ngunit nang makitang seryoso ang binata, hindi na siya namilit pa at iniwan na lamang itong mag-isa sa bathroom. Pabor din naman sa kanya dahil 'di na siya mahihirapan pa. Hindi rin naman siya handa na makita muli ang hubad nitong katawan. Baka bigla pang bumalik sa kanya ang mga nangyari sa kanila nang gabi ng mixer. Hindi iyong masamang alala para sa kanya, pero sa sitwasyon nila ngayon ni Dmitri, hindi angkop para sa kanya na alalahanin iyon, pasyente niya ito.

Habang naliligo si Dmitri sa loob ng bathroom, naglinis naman si Ligaya ng study table ng binata. Sobrang kalat kasi, ang daming libro na hindi nakasalansan ng maayos at mga gamit na hindi naman dapat naroon sa lamesa.

"Ang burara naman sa gamit ng amo kong ito," bulong ni Ligaya sa sarili. Napahinto siya sa ginagawa nang may makitang nakataob na picture frame at nang kunin niya iyon ay nakita niya ang larawan ng mas batang Dmitri at ng isang napakagandang babae. Tinitigan ni Ligaya ang larawan, sa tantsa niya ay high school lamang ang binata ng kunan ng larawan. At sino naman kaya ang babae sa larawan, kapamilya nito? 

"Ligaya!" 

Pagtawag ni Dmitri sa loob ng bathroom ang nakapukaw sa atensyon ni Ligaya. Dali-dali niyang ibinaba ang picture frame at mabilis na nagtungo sa bathroom, naabutan niya ang binata na nakaupo sa bathtub.

"B-bakit, senyorito?" utal niyang tanong at nag-iwas ng tingin dahil hubad itong na nakaupo sa loob ng bathtub.

“Scrub my back.”

Napalunok ng malaki si Ligaya sa narinig. “S-sige po...”

Marahas ang kabog ng d*bdib ni Ligaya na lumapit sa bathtub, napadasal na lang siya ng tahimik at pilit na iniwas ang mga mata na mapatingin sa lower body ni Dmitri. Kinuha niya ang loofah at body wash nang hindi inaalis ang tingin niya sa likod ni Dmitri, pagkatapos ay pumyesto siya sa likod ng binata, naupo siya sa gilid ng bathtub at maingat na kinuskos ang likod nito.

"Scrub this part too—"

"Ay, kamote!" Nabitawan ni Ligaya ang hawak na loofah. Nagulat siya nang abutin ni Dmitri ang kamay niya nang may ituro itong parte sa likod nito.

"Can you do your job correctly?"

"S-sorry, senyorito. Nagulat lang kasi ako," paumanhin ni Ligaya at hinanap ang nahulog niyang loofah. Nanlaki ang mata niya nang makita iyong palutang-lutang sa tubig ng bathtub. Napalunok siya ng malaki pagkatapos makita ang bagay sa ilalim ng tubig, medyo blurry dahil sa mga bula at malikot na tubig pero alam niya kung ano iyon.

"What are you doing?" Kunot ang noong tinulak ni Dmitri ang kamay niya.

"Kukunin ko lang ang loofah—"

"Hindi ba't masyado ka yatang agresibo."

"A-ano?" Umawang ang labi ni Ligaya.

"Are you trying to seduce me?"

"Ano! Hindi, ah!" Tumayo siya at hinuli ang loofah sa tubig. Poker face na hinarap ni Ligaya ang binata. "Senyorito, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Wala akong balak na akitin kayo o kung ano man. Excuse me lang, pero hindi ko kayo type!" anya bago mulig naupo sa likod ng binata at sinabon ang likod nito.

Hindi nakasagot si Dmitri, 'di niya inasahan ang naging tugon ng dalaga. Ang buong akala niya ay ma-iintimida ito, mukha yatang mald*ta ang bagong caregiver niya.

"May boyfriend ka na ba?"

Natigilan si Ligaya, nagdikit ang kilay niya sa tanong ng binata. Guni-guni lang ba niya o talagang tinanong nito kung may nobyo siya? "Tinatanong niyo ba kung single ako?" naninigurado na tanong ni Ligaya.

Tumango naman si Dmitri bilang tugon.

"Bakit niyo naman gustong malaman?" Ang akala niya ay may depression ito at laging tulala. Bakit tila ang daldal naman yata nito ngayon?

"Kung ganun may boyfriend ka na nga?"

"B-bakit niyo nga gustong malaman?"

"Makakaalis ka na," sa halip ay saad ng binata at inilahad ang kamay. Nakasimangot at napipilitan na ipinatong ni Ligaya ang loofah sa nakalahad na kamay ni Dmitri. Tumayo siya at tinungo ang pinto ng bathroom.

"Close the door," bilin ng binata kaya lalo siya sumimangot.

Hindi na muling tinawag pa ng binata si Ligaya, pagkatapos maligo ay nagkulong ito sa kwarto at hapon na ng lumabas para tumambay sa pool area. Si Ligaya naman ay nakabantay lang kay Dmitri at ginagawa ang lahat ng mga utos nito sa kanya. Madilim na nang magkulong itong muli sa silid, habang si Ligaya naman ay tumulong kay Maria sa paghahanda ng hapunan sa kusina, tamang-tama naman na dumating na ang senyora nang maghain sila ng pagkain. Ngunit bago maghapunan ay pinatawag muna si Ligaya ng senyora sa silid nito para kausapin.

“Kumusta ang araw mo? Hindi ka naman ba pinahirapan ng anak ko?” interesadong tanong ng senyora habang nagtatanggal ng suot na mga alahas. Nakaupo ito sa harap ng tokador, nakatalikod mula kay Ligaya, reflection lang ng senyora ang nakikita niya.

“Hindi naman, Senyora. Buong araw lang naman kasing nagkulong sa silid niya ang senyorito. Sandali lang siyang tumambay sa pool area pagkatapos ay pumasok nang muli sa kanyang silid,” magalang na sagot ni Ligaya.

“Balita ko’y  nakikipag-usap siya sa’yo?”

“Ah, medyo naging madaldal lang ang senyorito kanina nang utusan niya akong kuskusin ang likod niya. Pero pagkatapos po ay hindi na niya ako muling kinausap.” Nakuyom ni Ligaya ang mga kamao. Naiinis pa rin siya sa tuwing naalala ang ginawa ni Dmitri sa kanya kanina. Pagkatapos kasi nitong palayasin siya sa bathroom ay pinalayas rin siya sa kwarto nito, at kahit anong gawin niya’y hindi siya kinakausap ng lalaki. Nagpapatawa na siya’t lahat ay wala pa rin itong reaksyon.

“What do you think of my son?” 

“Ho?” 

“Napakagwapo ni Dmitri, hindi ba?”

“Oo, naman senyora.” Kinamot ni Ligaya ang ulo. Ang awkward naman ng tanong ng senyora sa kanya. Wala naman duda na gwapo ang anak nito, pero kailangan ba talaga na itanong iyon sa kanya?

“Noong bata pa si Dmitri sobrang dami ng nagkakagusto sa kanya. Hindi ko na nga mabilang sa mga daliri ko kung ilang babae na ba ang umiyak sa harap ko dahil hindi pinapansin ng anak ko, gusto nilang tulungan ko silang mapalapit kay Dmitri,” imporma ng senyora at ngumiti sa kanya.

“G-ganun po ba? Nahirapan ho siguro kayo dahil sa kanila.” Hindi alam ni Ligaya kung paano niya tutugunan ang senyora. Bakit ba sinasabi nito sa kanya ang ganitong mga bagay? Hindi naman makakatulong sa trabaho niya ang mga impormasyong ito.

“Medyo suplado ang anak ko, pero sinisigurado ko sa iyong mabuti siyang tao.”

“Oo, naman po. Pero, senyora… Bakit niyo po sinasabi sa akin ang mga bagay na ito?” pranka na tanong ni Ligaya. Hindi kasi niya maintindihan ang gustong ipabatid ng senyora. Ayaw naman niyang mag-assume ng kung anu-ano at baka mapahiya lamang siya.

Humarap kay Ligaya ang senyora. 

“Sa totoo lang ay gusto kita, Ligaya. Unang kita ko palang sayo alam kong maasahan at isa kang responsableng babae.”

“Salamat po sa complement pero 'di ko pa rin kayo maintindihan, senyora. Pwede niyo naman akong deretsahin na. Ano po ba ang gusto niyong sabihin sa akin?”

“Seduce my son and marry him.”

Related chapters

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 5

    "Ho! Anong sinabi niyo?""You heard me Ligaya…""Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—""I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him.""Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora.""Why, not?""Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawa

    Last Updated : 2024-09-25
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 6

    "Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d

    Last Updated : 2024-09-26
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 7

    "Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga

    Last Updated : 2024-10-01
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 8

    "N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig

    Last Updated : 2024-10-08
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 9

    "Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag

    Last Updated : 2024-10-15
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 10

    Nanginginig ang mga kamay ni Ligaya habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang pang-itaas na kasuotan ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa mukha ng binata at napakabilis ng tibok ng puso niya. Unti-unting lumantad sa mga mata ni Ligaya ang hubad na katawan ni Dmitri at nang matagumpay niyang nahubad ang pang-itaas nitong kasuotan, sunod niyang inalis ang pajama ng binata. Napalunok ng malaki ang dalaga sabay iwas ng tingin nang unti-unting sumilip mula sa hinihila niyang pajama, kasama ng itim na boxer ni Dmitri, ang nagtatago nitong alaga.“Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Akala ko ba’y walang epekto sayo ang katawan ko kahit na maghubad ako sa harap mo?” Umigting ang bagang ni Ligaya. “Hindi ako naapektohan,” walang emosyon na tugon ni Ligaya.“Then, don’t look away.”“Hindi ko gustong maasiwa ka.”“Nope.tinatanggal sa pagkakabotones ang pang-itaas ng damit ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa binata at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niyang hindi ito ang unang bese

    Last Updated : 2024-10-22
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 1

    Pinagtulakan ng mga kaibigan niya si Ligaya pagpasok nila sa private room ng isang KTV Bar, muntik na siyang masubsob sa sahig, mabuti na lang nakakapit siya sa gilid ng lamesa. Nag-unahan si Marivic at Leah, mga kaibigan niya, na maupo sa tabi ng dalawang makikisig na mga binata. Tumayo si Ligaya at napailing, pagkatapos ay naupo siya sa tabi ni Marivic, agad naman humingi ng paumanhin sa kanya ang kaibigan na pinatawad naman niya.“Pasensya na, Aya. Gusto kasing mauna ni Leah, ayaw ko namang maungusan niya kaya naitulak kita,” bulong na paumanhin sa kanya ni Marivic bago nito hinarap muli ang dalawang binata. “Akala ko tatlo kayo? Nasaan na ang isa?”“Nag-restroom lang, babalik din ‘yon. Nag-dinner na ba kayong tatlo? Gusto niyo ng drinks?” tugon ng lalaking chinito at may hikaw sa kaliwang tenga.“Ikaw na ang mag-order para sa amin,” tugon ni Marivic at kumindat. Muli nitong inilapit ang mukha sa tenga ni Ligaya. "Aya, sa amin nalang ni Leah itong dalawa, ang popogi kasi! Ikaw na

    Last Updated : 2024-09-11
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 2

    Five years later…Abot tenga ang ngiti ni Ligaya pagkatapos makatanggap ng magandang balita, nasa palengke siya nang matanggap ang tawag mula sa trabahong inapplayan niya. Na-meet raw niya ang requirements at siya ang maswerteng pinili ng employer bilang caretaker ng nabaldado nitong anak. Malaki ang sahod kaya sinubukan ni Ligaya na mag-apply, tagilid kasi ang kabuhayan nila ngayon dahil sa kasong kinakaharap ng kanilang pamilya. Pumanaw ang tatay ni Ligaya noong nakaraang taon, dahil dito inangkin ng mga tiyahin niya ang lupain nila ng kopra na siyang pinagmumulan ng kabuhayan nila. Syempre, hindi pumayag ang ina ni Ligaya na mapunta sa mga kapatid ng tatay niya ang lupa, kaya naman nagkademandahan at hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kaso.“Para kuya, d’yan lang ako sa itim na iron bar gate.” Huminto ang tricycle sa tapat ng gate na binanggit niya. Nagbayad si Ligaya ng pamasahe, pagkatapos ay bumaba siya bitbit ang mga pinamili niya sa palengke. Binuksan niya ang maliit nilan

    Last Updated : 2024-09-11

Latest chapter

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 10

    Nanginginig ang mga kamay ni Ligaya habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang pang-itaas na kasuotan ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa mukha ng binata at napakabilis ng tibok ng puso niya. Unti-unting lumantad sa mga mata ni Ligaya ang hubad na katawan ni Dmitri at nang matagumpay niyang nahubad ang pang-itaas nitong kasuotan, sunod niyang inalis ang pajama ng binata. Napalunok ng malaki ang dalaga sabay iwas ng tingin nang unti-unting sumilip mula sa hinihila niyang pajama, kasama ng itim na boxer ni Dmitri, ang nagtatago nitong alaga.“Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Akala ko ba’y walang epekto sayo ang katawan ko kahit na maghubad ako sa harap mo?” Umigting ang bagang ni Ligaya. “Hindi ako naapektohan,” walang emosyon na tugon ni Ligaya.“Then, don’t look away.”“Hindi ko gustong maasiwa ka.”“Nope.tinatanggal sa pagkakabotones ang pang-itaas ng damit ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa binata at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niyang hindi ito ang unang bese

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 9

    "Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 8

    "N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 7

    "Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 6

    "Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 5

    "Ho! Anong sinabi niyo?""You heard me Ligaya…""Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—""I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him.""Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora.""Why, not?""Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawa

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 4

    Natigilan si Ligaya. Hindi siya makapaniwala sa narinig, nagsalita si Dmitri at hindi lang pangalan niya ang sinabi ng binata. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi siya nakapag-usal ng salita nang kunin ni Dmitri ang kamay niya, dinala sa bibig nito at mabining hinalikan ang ibabaw ng kamay niya."Naalala mo na ba ako, Dmit—""You're the new caregiver, mama told me."Nabura ang ngiti sa labi ni Ligaya. Ang buong akala niya ay naalala na siya ng binata, hindi pa rin pala. Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon at umasa para lamang mabigo."A-ako nga senyorito,” nanghinayang niyang tugon at binawi ang kanyang kamay mula kay Dmitri. "Ihahanda ko na ang inyong pampaligo," saad niya at tumayo. Iniwan niya sa balcony si Dmitri at nagtungo sa banyo upang ihanda ang tubig sa bathtub, katulad ng bilin sa kanya ng senyora, siniguro ni Ligaya na katamtaman lamang ang init ng tubig, at habang pinaaagos niya ang tubig sa tub ay inihanda na niya ang gagamitin ng binata sa pagligo

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 3

    Hindi maipaliwanag ni Ligaya ang kanyang damdamin. Walang tigil sa pagkabog ng mabilis ang kanyang dibd*b, ito ang unang beses na nagkita sila ni Dmitri pagkatapos ng nangyari sa kanila ng gabing iyon. Limang taon rin ang lumipas, bahagya itong pumayat ngunit namumukudtangi pa rin ang kagwapuhan nito. Nakakalungkot nga lang at nakaupo na ito sa wheelchair ngayon, at ayon sa kwento ng senyora, malala ang kinasangkutan nitong aksidente."May problema po ba sa kanya?" hindi napigilan ni Ligaya na magtanong, para kasing walang narinig si Dmitri, 'di man lang ito kumibo at nanatiling nakatingin sa malayo."He had selected memory loss. Ang mga nawalang alaala sa kanya ay iyong mga nangyari sa kanya noong pumasok siya ng huling taon niya sa kolehiyo at bago ang aksidente, bukod sa mga paa niya at memorya na nawala, may trauma rin si Dmitri, hindi gaanong nagsasalita at madalas siyang tulala," malungkot na paliwanag ng senyora.Nadurog ang puso ni Ligaya sa narinig. Sa loob ng limang taon nag

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 2

    Five years later…Abot tenga ang ngiti ni Ligaya pagkatapos makatanggap ng magandang balita, nasa palengke siya nang matanggap ang tawag mula sa trabahong inapplayan niya. Na-meet raw niya ang requirements at siya ang maswerteng pinili ng employer bilang caretaker ng nabaldado nitong anak. Malaki ang sahod kaya sinubukan ni Ligaya na mag-apply, tagilid kasi ang kabuhayan nila ngayon dahil sa kasong kinakaharap ng kanilang pamilya. Pumanaw ang tatay ni Ligaya noong nakaraang taon, dahil dito inangkin ng mga tiyahin niya ang lupain nila ng kopra na siyang pinagmumulan ng kabuhayan nila. Syempre, hindi pumayag ang ina ni Ligaya na mapunta sa mga kapatid ng tatay niya ang lupa, kaya naman nagkademandahan at hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kaso.“Para kuya, d’yan lang ako sa itim na iron bar gate.” Huminto ang tricycle sa tapat ng gate na binanggit niya. Nagbayad si Ligaya ng pamasahe, pagkatapos ay bumaba siya bitbit ang mga pinamili niya sa palengke. Binuksan niya ang maliit nilan

DMCA.com Protection Status