Share

Señorito, The Baby Is Your Child
Señorito, The Baby Is Your Child
Author: Eu:N

Kabanata 1

Author: Eu:N
last update Last Updated: 2024-09-11 22:16:22

Pinagtulakan ng mga kaibigan niya si Ligaya pagpasok nila sa private room ng isang KTV Bar, muntik na siyang masubsob sa sahig, mabuti na lang nakakapit siya sa gilid ng lamesa. Nag-unahan si Marivic at Leah, mga kaibigan niya,  na maupo sa tabi ng dalawang makikisig na mga binata. Tumayo si Ligaya at napailing, pagkatapos ay naupo siya sa tabi ni Marivic, agad naman humingi ng paumanhin sa kanya ang kaibigan na pinatawad naman niya.

“Pasensya na, Aya. Gusto kasing mauna ni Leah, ayaw ko namang maungusan niya kaya naitulak kita,” bulong na paumanhin sa kanya ni Marivic bago nito hinarap muli ang dalawang binata. “Akala ko tatlo kayo? Nasaan na ang isa?”

“Nag-restroom lang, babalik din ‘yon. Nag-dinner na ba kayong tatlo? Gusto niyo ng drinks?” tugon ng lalaking chinito at may hikaw sa kaliwang tenga.

“Ikaw na ang mag-order para sa amin,” tugon ni Marivic at kumindat. Muli nitong inilapit ang mukha sa tenga ni Ligaya. "Aya, sa amin nalang ni Leah itong dalawa, ang popogi kasi! Ikaw na doon sa kasama nila na nag-restroom,” kinikilig na request nito. 

Tumango naman si Ligaya bilang tugon. Hindi niya hilig ang mga ganitong pagtitipon-tipon, wala siyang panahon para mag-aksaya ng oras niya sa mga ganitong bagay, pero dahil makulit si Marivic at sa susunod na linggo na ang graduation nila, pinagbigyan na niya ang kaibigan, ngayon lang naman. Pagkatapos kasi ng graduation nila ay ang bar exam naman ang pagkakaabalahan niya.

Nagpapakilala ng sarili nila ang mga binata nang bumukas ang pinto ng private room, pumasok ang isang matangkad, matipuno at makisig na lalaki. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi ni Ligaya na ikinagulat naman ng dalaga kaya umurong ito sa tabi ni Marivic.

“Ang tagal mo sa restroom, akala namin ni Sol nakatulog ka na!”

“Tumae ako!”

“G*go!" 

"Dugyot mo!”

“D*mn girl! Mas pogi ‘yang partner mo, palit tayo!” bulong na naman ni Marivic.

“Sige," pagpayag agad ni Ligaya. Tumayo siya para lumipat sa pwesto ng kaibigan, ngunit muli siyang napaupo sa couch nang hinuli  ng binatang katabi niya ang kanyang pulsuhan.

"Sorry, pero bawal magpalit ng partner," sabi nito at hilaw na ngumiti kay Marivic. Dismayado naman na hinarap muli ni Marivic ang partner na si Solomon; gwapo rin naman ang binata, ngunit kakaiba talaga ang kagwapuhan ng kapareha ni Ligaya, namumukod tangi. Tinuon ng binata ang tingin kay Ligaya, hawak pa rin nito sa pulsuhan ang dalaga. 

"Hindi ba ako sapat kaya lilipat ka kay Sol?"

"Huh? W-wala naman akong sinabi na ganyan!" 

"Biro lang..." Mahinang itong natawa. Sumulyap ito sa mga kasama nila pagkatapos ay kumuha ito ng plato at nilagyan iyon ng mga nakahain na pagkain sa lamesa. "Hindi ka pa nagdi-dinner, kumain ka muna," sabi nito at binigay kay Ligaya ang plato.

Nahihiyang tinanggap naman ng dalaga ang plato. "Salamat!"

"I'm Dmitri," pakilala ng binata.

"Pleasure to meet you, Dmitri. Ako naman si Ligaya," pakilala din niya at nakipagkamay sa binata. Tinanggap naman iyon ni Dmitri, ngunit 'di inaasahan ni Ligaya ang magaan na paghalik nito sa ibabaw ng kanyang kamay.

"Indeed. It's a pleasure to meet you too, Ligaya." Tumitig ang binata ng taimtim sa mga mata niya. Naiilang na nag-iwas naman ang dalaga na itinuon na lamang ang atensyon sa hawak na plato.

Nagkaroon ng sariling mundo ang tatlong magkapares at habang pinapapak ni Ligaya ang pagkain sa pinggan niya ay nagkukwento naman si Dmitri ng tungkol sa mga naging karanasan nito sa Russia. Nalaman ni Ligaya na half-Russian ang ama ni Dmitri, pero dahil lumaki ito sa Pilipinas, mas bihasa itong magsalita ng Tagalog at Ingles. Nag-iisang anak din si Dmitri  at lumaki sa marangyang buhay. Marami pang na kwento sa kanya ang binata, ngunit hindi na halos maalala pa ni Ligaya ang iba dahil tinamaan na siya ng iniinom nilang alak. Ang mga kasama naman nila ay may tama na rin, si Leah at Duke ay nag-make-out na sa couch.

"I'm going to smoke, wanna join?" biglang pag-aya ni Dmitri sa gitna ng kanilang masayang pag-uusap, nahalata marahil ng binata ang pagkailan niya sa mga kasama nila. Kinuha nito mula sa kamay ni Ligaya ang baso ng alak at inilapag iyon sa lamesa. "That's enough alcohol for you, Ligaya," estrikto na sabi nito at hinila patayo ang dalaga.

"Pero hindi naman ako nagyoyosi."

"Then, do you wanna stay here with them?" 

Nilingon ni Ligaya ang mga kaibigan. Wala ng pag-asa, kahit si Marivic ay nakikipag laplapan na kay Solomon. Malalim siyang napabuntong-hininga. Hinarap niya ulit si Dmitri. "Sige, pero hindi ako nagyoyosi."

Pinitik ni Dmitri ang noo niya. 

"Sinabi ko lang 'yon para makatakas tayo sa kanila," saad ng binata at hinila na siya ng tuluyan palabas ng private room.

Sa 7/11 na katabi ng KTV Bar sila nakarating ni Dmitri,  bumili ito ng mainit na kape para sa kanya upang mawala kahit paano ang impluwensya ng alak sa sistema niya. Habang ang lalaki naman ay humihithit ng baon nitong yosi.

"Akala ko ba joke time lang iyong sinabi mo kanina?" Sumimangot si Ligaya, hate na hate niya ang amoy ng usok ng sigarilyo, masama rin ito sa katawan.

Binuga ni Dmitri ang usok sa kabilang direksyon, tinapon ng binata ang mahaba pang stick ng sigarilyo nito sa semento at inapakan iyon hanggang sa mamatay ang apoy.

"Bakit mo tinapon?” Kunot ang noo na tanong ni Ligaya sa binata. “Pwede ka namang mag-yosi doon sa malayo. Ayon, oh! Kita mo iyong sign? Pwede ka magyosi doon kaya bakit mo tinapon?"

"Hindi kita iiwan ng mag-isa dito, baka mamaya lapitan ka ng mga siraulo." Kinuha ni Dmitri  ang kape niya. "Pahingi na lang ako nitong kape mo," paalam ng binata  at dinala ang baso ng kape sa bibig nito.

"May laway ko na 'yan,” anyang hinawakan ang kamay ni Dmitri  para pigilan sa pag-inom.

"Tsk! Para laway lang, gusto mo lamutakin pa kita!" 

Mabilis pa sa kidlat na binawi ni Ligaya ang kamay. 

Si Dmitri naman ay napangisi nang namula na parang kamatis ang mukha ng dalaga.

'Adorable' sa isip ng binata.

"Can I kiss you?" matapang na tanong ni Dmitri. Bumaba ang tingin nito sa matambok na labi ni Ligaya at nang hindi nakatiis ay inabot nito ang ibabang labi ng dalaga at hinimas gamit ang hinlalaki. "D*mn, I can kiss you, right? Don't say no, please." 

Bago pa makasagot si Ligaya ay siniil na ni Dmitri ng mainit na halik ang kanyang labi. Napangiwi siya nang maamoy sa bibig ng binata ang mabahong amoy ng sigarilyo at malasahan ang matapang na lasa ng alak. Bahagya niya itong tinulak sa d*bdib ngunit hindi nagpaawat ang binata, ginalugad ng dila nito ang bawat sulok ng bibig niya, sinips*p ang bibig niya na parang kumakain ito ng suso. Tumigil lang si Dmitri nang pareho na silang kapusin  ng hininga.

"M-mukhang kailangan na nating bumalik," nahihiya at sobrang naiilang na sabi ni Ligaya pagkatapos ng halik. Tumayo siya at parang robot na nagmartsa pabalik ng KTV bar, si Dmitri naman ay nakangiti na sumunod sa dalaga hanggang makabalik sila ng gusali.

"Hindi d'yan ang daan." Hinuli ni Dmitri ang braso ni Ligaya at pinigilan itong tumuloy sa maling direksyon.

"M-mag-restroom muna ako." Hindi pa rin makatingin ng diretso si Ligaya sa mata ng binata. Ang pakiramdam kasi ng malambot nitong labi nito ay parang nararamdaman pa rin niya sa kanyang mga labi. 

"Okay, samahan na kita,” tugon ni Dmitri at hinatak siya patungo sa direksyon ng restroom.

Ilang minuto nang nakaupo si Ligay sa nakasarang bowl ng cubicle. Kanina pa siya natapos umihi, pero hindi niya kayang lumabas ng restroom, ngayon lang nag-sink-in sa kanya ang nangyari, at sobrang kahihiyan ang nararamdaman niya ngayon. Bakit basta na lang siyang nakipaghalikan sa lalaking hindi naman niya nobyo?

“Nababaliw na yata ako,” bulong niya at frustrated na hinilamos ang palad sa kanyang mukha.

“Ligaya?” Boses iyon ni Dmitri.

“B-bakit?” Napatayo siya bigla sa bowl. “Dmitri, hindi ka dapat pumasok sa restroom ng babae.”

“Ako dapat ang magsabi niyan sayo.” Nasa tapat ng pinto ng nakasarang cubicle ang binata. “Basta ka na lang pumasok sa restroom ng lalaki, pinigilan kita kanina pero hindi mo ako pinapansin. Ang tagal mo pang lumabas kaya sumunod na ‘ko dito. Okay, ka lang ba?”

Nanlaki ang mata ni Ligaya. Binuksan niya ang pinto at doon lang niya napansin na restroom nga talaga ng lalaki ang pinasukan niya. Sa pagmamadali niya kanina ay basta na lang siyang pumasok at dumeretso sa cubicle. “Hindi ko alam na—” Natigilan siya nang marinig ang boses ng mga paparating na lalaki. Wala sa sariling hinatak niya si Dmitri papasok ng cubicle at sinara ang pinto. 

Umingay ang loob ng restroom, ngunit tanging ang malakas na pagkabog ng d*bdib niya lang ang tangiang naririnig ni Ligaya. Yakap ni Dmitri ang maliit niyang baywang, nakakulong siya sa maiinit nitong bisig at sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga hininga ay siyang unti-unting pagkalunod nila sa makamundong pagnanasa. Sa isang kisapmata natagpuan ng dalawa ang kanilang mga sarili na pinagsaluhan ang isang mainit na halik, ang halik na nagtulak sa kanilang maghangad pa ng higit. Sa loob ng cubicle, sa gitna ng ingay ng mga taong nasa loob ng restroom, tuluyang nilamon ng matinding pagnanasa ang dalawa at naglaro ng apoy gamit ang kanilang mga katawan. . . .

Pagkatapos ng graduation ni Ligaya, umuwi siya ng probinsya para magbakasyon bago sumuong sa bagong pagsubok na haharapin niya, ang bar exam. Matagal na nung huli niyang binisita ang mga magulang kaya nagpasya siyang manatili muna sa probinsya nila ng ilang linggo. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Dmitri, nag-iwan ito ng contrat number, ngunit hindi sinubukan ni Ligaya na tawagan ang lalaki. Inisip na lamang niyang one-night stand ang nangyari. Hindi naman sa hindi niya gusto si Dmitri, wala lang talaga sa isip niya ang pakikipagrelasyon, priority niya ang makapasa sa bar exam at maging isang registered nurse.

Ngunit, nagbago ang ihip ng hangin nang malaman ni Ligaya na isang buwan na siyang nagdadalang tao, agad niyang tinawagan si Dmitri pero unattended na ang iniwan nitong numero. Sinubukan niyang humingi ng tulong kay Solomon, na nobyo na ng kaibigan niyang si Marivic. Ngunit ang sabi ng binata ay hindi na ulit nito makontak pa si Dmitri pagkatapos nilang ipaalam sa lalaki ang pagdadalang tao niya, kaya naman inisip na lang ni Ligaya na tinalikuran ni Dmitri ang responsibilidad nito sa kanila ng bata sa sinapupunan niya. Naduwag marahil ito nang malamang nagbunga ang ginawa nila ng gabing iyon.

“H’wag kang mag-alala anak. Kakayanin ni nanay… Aalagaan at mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko,” pagkausap ni Ligaya sa dalawang buwan na niyang t’yan. Magaan niyang hinahanplos ang t’yan habang nakatayo sa dalampasigan, pinanood ang paglubog ng araw.

Related chapters

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 2

    Five years later…Abot tenga ang ngiti ni Ligaya pagkatapos makatanggap ng magandang balita, nasa palengke siya nang matanggap ang tawag mula sa trabahong inapplayan niya. Na-meet raw niya ang requirements at siya ang maswerteng pinili ng employer bilang caretaker ng nabaldado nitong anak. Malaki ang sahod kaya sinubukan ni Ligaya na mag-apply, tagilid kasi ang kabuhayan nila ngayon dahil sa kasong kinakaharap ng kanilang pamilya. Pumanaw ang tatay ni Ligaya noong nakaraang taon, dahil dito inangkin ng mga tiyahin niya ang lupain nila ng kopra na siyang pinagmumulan ng kabuhayan nila. Syempre, hindi pumayag ang ina ni Ligaya na mapunta sa mga kapatid ng tatay niya ang lupa, kaya naman nagkademandahan at hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kaso.“Para kuya, d’yan lang ako sa itim na iron bar gate.” Huminto ang tricycle sa tapat ng gate na binanggit niya. Nagbayad si Ligaya ng pamasahe, pagkatapos ay bumaba siya bitbit ang mga pinamili niya sa palengke. Binuksan niya ang maliit nilan

    Last Updated : 2024-09-11
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 3

    Hindi maipaliwanag ni Ligaya ang kanyang damdamin. Walang tigil sa pagkabog ng mabilis ang kanyang dibd*b, ito ang unang beses na nagkita sila ni Dmitri pagkatapos ng nangyari sa kanila ng gabing iyon. Limang taon rin ang lumipas, bahagya itong pumayat ngunit namumukudtangi pa rin ang kagwapuhan nito. Nakakalungkot nga lang at nakaupo na ito sa wheelchair ngayon, at ayon sa kwento ng senyora, malala ang kinasangkutan nitong aksidente."May problema po ba sa kanya?" hindi napigilan ni Ligaya na magtanong, para kasing walang narinig si Dmitri, 'di man lang ito kumibo at nanatiling nakatingin sa malayo."He had selected memory loss. Ang mga nawalang alaala sa kanya ay iyong mga nangyari sa kanya noong pumasok siya ng huling taon niya sa kolehiyo at bago ang aksidente, bukod sa mga paa niya at memorya na nawala, may trauma rin si Dmitri, hindi gaanong nagsasalita at madalas siyang tulala," malungkot na paliwanag ng senyora.Nadurog ang puso ni Ligaya sa narinig. Sa loob ng limang taon nag

    Last Updated : 2024-09-11
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 4

    Natigilan si Ligaya. Hindi siya makapaniwala sa narinig, nagsalita si Dmitri at hindi lang pangalan niya ang sinabi ng binata. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi siya nakapag-usal ng salita nang kunin ni Dmitri ang kamay niya, dinala sa bibig nito at mabining hinalikan ang ibabaw ng kamay niya."Naalala mo na ba ako, Dmit—""You're the new caregiver, mama told me."Nabura ang ngiti sa labi ni Ligaya. Ang buong akala niya ay naalala na siya ng binata, hindi pa rin pala. Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon at umasa para lamang mabigo."A-ako nga senyorito,” nanghinayang niyang tugon at binawi ang kanyang kamay mula kay Dmitri. "Ihahanda ko na ang inyong pampaligo," saad niya at tumayo. Iniwan niya sa balcony si Dmitri at nagtungo sa banyo upang ihanda ang tubig sa bathtub, katulad ng bilin sa kanya ng senyora, siniguro ni Ligaya na katamtaman lamang ang init ng tubig, at habang pinaaagos niya ang tubig sa tub ay inihanda na niya ang gagamitin ng binata sa pagligo

    Last Updated : 2024-09-24
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 5

    "Ho! Anong sinabi niyo?""You heard me Ligaya…""Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—""I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him.""Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora.""Why, not?""Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawa

    Last Updated : 2024-09-25
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 6

    "Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d

    Last Updated : 2024-09-26
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 7

    "Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga

    Last Updated : 2024-10-01
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 8

    "N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig

    Last Updated : 2024-10-08
  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 9

    "Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag

    Last Updated : 2024-10-15

Latest chapter

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 10

    Nanginginig ang mga kamay ni Ligaya habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang pang-itaas na kasuotan ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa mukha ng binata at napakabilis ng tibok ng puso niya. Unti-unting lumantad sa mga mata ni Ligaya ang hubad na katawan ni Dmitri at nang matagumpay niyang nahubad ang pang-itaas nitong kasuotan, sunod niyang inalis ang pajama ng binata. Napalunok ng malaki ang dalaga sabay iwas ng tingin nang unti-unting sumilip mula sa hinihila niyang pajama, kasama ng itim na boxer ni Dmitri, ang nagtatago nitong alaga.“Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Akala ko ba’y walang epekto sayo ang katawan ko kahit na maghubad ako sa harap mo?” Umigting ang bagang ni Ligaya. “Hindi ako naapektohan,” walang emosyon na tugon ni Ligaya.“Then, don’t look away.”“Hindi ko gustong maasiwa ka.”“Nope.tinatanggal sa pagkakabotones ang pang-itaas ng damit ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa binata at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niyang hindi ito ang unang bese

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 9

    "Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 8

    "N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 7

    "Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 6

    "Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 5

    "Ho! Anong sinabi niyo?""You heard me Ligaya…""Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—""I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him.""Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora.""Why, not?""Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawa

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 4

    Natigilan si Ligaya. Hindi siya makapaniwala sa narinig, nagsalita si Dmitri at hindi lang pangalan niya ang sinabi ng binata. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit hindi siya nakapag-usal ng salita nang kunin ni Dmitri ang kamay niya, dinala sa bibig nito at mabining hinalikan ang ibabaw ng kamay niya."Naalala mo na ba ako, Dmit—""You're the new caregiver, mama told me."Nabura ang ngiti sa labi ni Ligaya. Ang buong akala niya ay naalala na siya ng binata, hindi pa rin pala. Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon at umasa para lamang mabigo."A-ako nga senyorito,” nanghinayang niyang tugon at binawi ang kanyang kamay mula kay Dmitri. "Ihahanda ko na ang inyong pampaligo," saad niya at tumayo. Iniwan niya sa balcony si Dmitri at nagtungo sa banyo upang ihanda ang tubig sa bathtub, katulad ng bilin sa kanya ng senyora, siniguro ni Ligaya na katamtaman lamang ang init ng tubig, at habang pinaaagos niya ang tubig sa tub ay inihanda na niya ang gagamitin ng binata sa pagligo

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 3

    Hindi maipaliwanag ni Ligaya ang kanyang damdamin. Walang tigil sa pagkabog ng mabilis ang kanyang dibd*b, ito ang unang beses na nagkita sila ni Dmitri pagkatapos ng nangyari sa kanila ng gabing iyon. Limang taon rin ang lumipas, bahagya itong pumayat ngunit namumukudtangi pa rin ang kagwapuhan nito. Nakakalungkot nga lang at nakaupo na ito sa wheelchair ngayon, at ayon sa kwento ng senyora, malala ang kinasangkutan nitong aksidente."May problema po ba sa kanya?" hindi napigilan ni Ligaya na magtanong, para kasing walang narinig si Dmitri, 'di man lang ito kumibo at nanatiling nakatingin sa malayo."He had selected memory loss. Ang mga nawalang alaala sa kanya ay iyong mga nangyari sa kanya noong pumasok siya ng huling taon niya sa kolehiyo at bago ang aksidente, bukod sa mga paa niya at memorya na nawala, may trauma rin si Dmitri, hindi gaanong nagsasalita at madalas siyang tulala," malungkot na paliwanag ng senyora.Nadurog ang puso ni Ligaya sa narinig. Sa loob ng limang taon nag

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 2

    Five years later…Abot tenga ang ngiti ni Ligaya pagkatapos makatanggap ng magandang balita, nasa palengke siya nang matanggap ang tawag mula sa trabahong inapplayan niya. Na-meet raw niya ang requirements at siya ang maswerteng pinili ng employer bilang caretaker ng nabaldado nitong anak. Malaki ang sahod kaya sinubukan ni Ligaya na mag-apply, tagilid kasi ang kabuhayan nila ngayon dahil sa kasong kinakaharap ng kanilang pamilya. Pumanaw ang tatay ni Ligaya noong nakaraang taon, dahil dito inangkin ng mga tiyahin niya ang lupain nila ng kopra na siyang pinagmumulan ng kabuhayan nila. Syempre, hindi pumayag ang ina ni Ligaya na mapunta sa mga kapatid ng tatay niya ang lupa, kaya naman nagkademandahan at hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kaso.“Para kuya, d’yan lang ako sa itim na iron bar gate.” Huminto ang tricycle sa tapat ng gate na binanggit niya. Nagbayad si Ligaya ng pamasahe, pagkatapos ay bumaba siya bitbit ang mga pinamili niya sa palengke. Binuksan niya ang maliit nilan

DMCA.com Protection Status