Share

Chapter 3

Author: Kayffzzz
last update Last Updated: 2021-07-04 18:51:04

"Uy babaeng dagat!" Kinamayan ako ni Ted kaya lumapit ako sakanya.

Nasa cafeteria ako ngayon para maglunch.

"Sinong kasama mo?"

"Me, myself and I" maarte kong sagot

"Sabay na tayong kumain, wala kasi sina Trisha at Heather nakikipaglampungan sa jowa nila"

Napayuko at naitikom ko ang aking bibig. Napansin iyon ni Ted kaya iniangat niya ang muka ko

"Anyare sa muka mo Te? Malungkot ka ba dahil wala kang jowa tulad nila Heather at Trisha? Don't worry nandito ako!" Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at binilisan ang paglalakad kasabay niya.

Nakakalungkot lang kasi na sinasama niya lang ako kung wala ang mga main friends niya. Pero hindi ko naman siya masisisi.

"Hoy babae, tutal malungkot ka dahil wala kang jowa. May irereto ako sa'yo" napangiwi ako sa sinabi ni Ted. Nakaupo na kami ngayon at tapos ng mag order ng pagkain.

"Not interested" I said and ate my food. I'm not into relationships right now.

"Bakit naman? Napaka loner mo"

"Kasi naman, hindi ko pa nga nabubuo ang sarili ko wawasakin  naman kaagad ng pag-ibig na 'yan. Kaya no no way!" I saw how Ted's eyes rolled at me.

"Napaka dami mong hugot sa buhay. Listen, first irereto ko sa' yo si Ysmael  Martinez. Bagay kayo dahil napaka funny niya at napaka loner mo naman." saad niya at hindi manlang pinakinggan ang sinabi ko na 'no way!'.

Tinignan ko ang tinutukoy niya at palangiti nga ito. Kulang nalang mapunit ang bibig nito dahil sa kakangiti habang kausap ang mga kaibigan

"Ayoko, baka mapagkamalang galing mental" kibit balikat kong sabi at nilantakan ang ulam ko.

"Si Leonardo nalang kaya lang----"

"Kaya lang AYOKO!" Ayokong magka boyfriend ng isang Aladdin no tsaka ayokong makulong!

Tinignan ako ng nagtataka ni Ted.

"Kilala mo na ba si Leonardo? Kung maka ayoko ka naman parang nakakadiri ah. Ang yummy kaya non"

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Ano bang espesyal sa lalaking yun?" Paghahamon kong tanong. Umayos siya ng upo na para bang ang dami niya sasabihin.

"Well, Leonardo is my classmate and he is very very yummy and handsome" napapikit pa siya habang nagsasalita.

"And he is also very vey very very very very very----"

"Very ano?!" Naiirita kong tanong. Napaka slowmo kasi

"Napaka smart pero ayaw mamansin kaya hindi ko na siya type"

"Anong smart pinagsasabi mo? Stop flattering him Ted, hindi ka niya n

naririnig. Tsaka stop spreading lies ano ka ba" Ted frowned and stared at me with disbelief.

"Pinsan ko si Honesto Amaryliss kaya totoo ang mga sinasabi ko. Tsaka katatapos lang ng midterm at siya ang pinakahighest sa classroom namin. Tinutulugan pa niya ang ibang mga subject kaya doon ako bilib sakanya!" Kinikilig niyang sambit.

Katatapos nga lang ng midterm at halos isang buwan na rin na hindi kami nagpapansinan ni Leonardo. Well, bakit naman kami magpapansinan eh hindi naman kami close diba?

"Pero hindi siya namamansin kaya inerase ko na siya sa crush list ko"

"S-so my possibility na siya ang maging first niyo?" Tanong ko habang sumisilip sa gawi ni Leonardo na tahimik na kumakain.

"Of course!" I bit my lower lip and uttered a soft curse.

I was eaten by my own words! Napakayabang mo kasi Amaryliss!

What the heck?! First impression is really a scam! Nagyabang pa talaga ako na mas matalino ako sakanya!

Napabalik naman ako sa ulirat ng bigla akong subuan ni Ted. Tinignan ko siya ng masama dahil punong puno ang bibig ko. Tumingin ako pabalik sa pwesto nila Marc at nakita si Hugo na may dalang tray. Seryoso ang muka nito na nakatingin saamin ni Ted. Napayuko naman ako at tinakpan ang bibig ko na punong puno. Ng malunok ko ito ay sinapak ko si Ted pero tawang tawa lang ang bakla.

"M-matalino ba talaga yan si Leonardo?" Tanong ko.

"Curious ka? Wala kang chance dun. Sariling pamilya nga lang siguro niya ang kinakausap nun" a pucker formed on my forehead

"Eh kinakausap niya 'ko"

Ted coughed and stared at me with confusion.

"Mag imagine ka ng iba wag lang yan"

"Seryoso nga!" Ibinaba niya ang kutsara at tinidor at tinignan ako

"Napakailap magsalita pero kung kakausapin ka naman, maswerte ka kung maabot ng 1 sentence, well except sa mga teachers at close friends niya"

Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ngayon habang nakikinig sakanya. This is a big joke!

"Kung gusto mo si Hugo nalang, share tayo sakanya"

I glanced at Hugo and eventually the glance turned into a stare. I stared and studied his face. His dark hair accentuated his fair skin. He looked like a goddess with a soft feature. I feel like I really saw him somewhere or before.

"Amaryliss sabi ko sayo hati tayo hindi 'yung titig na titig ka diyan at kulang nalang ay itakbo mo siya"

I rolled my eyes and brought my sight to Leonardo who is looking at me with a serious face. I rolled my eyes again. Hindi pinapahalata na nahihiya ako sa sarili ko dahil sa mga kayabang na nasabi ko sakanya

Umusog ako at kaharap ko na talaga si Ted. Hindi na rin ako kita ni Leonardo mula sa pwesto niya. Gusto kong magtago sakanya dahil nagmayabang pa naman ako na mas matalino ako sakanya.

Sumilip ako sa gilid ni Ted at tinignan si Leonardo. I raised my brows when I saw a girl talking to him. Nakangiti ang babae at ganun din si Leonardo.

"Sabi mo hindi masyadong nagsasalita yang si Leonardo? Bakit enjoy na enjoy?" Napalingon si Ted at agad ibinalik ang tingin saakin.

"That girl is Morgana. ABM yan pero kahit sobrang ganda niya loyal parin ako sa pagiging pink blood"

Tinitigan ko ang babae and she is literally a beauty. Nakalugay ang mahaba at medyo kulot nitong buhok at kahit dalawang lamesa ang pagitan namin ay kitang kita ang maamo nitong muka.

Napansin ko sa kabilang mesa si Marc na nakaupo na katabi si Hugo at katabi na rin nila si Monica. Napatingin si Monica saakin at agad akong kinamayan. Kinamayan ko rin siya at binaling na ang tingin kay Ted na naguguluhan

"Bakit ka kinawayan sa kapatid ni Hugo? Tinatraydor mo ba ako ha? Tandaan mo ako ang unang nakakita kay Hugo" napailing iling nalang ako sa mga sinasabi niya.

                           ✏ ✏ ✏

Sabado at nasa tindahan ako ni Nanay Rosi ng may nag chat sa messenger ko

Marc

      Amaryliss order kami ng softdrinks dalawa tsaka Piattos dalawa din. Nasa plasa kami. Huwag kang mag-alala, we will double the price hehe

Ako

    Hindi ako shoppee

Kumuha kaagad ako ng softdrinks at Piattos. Sayang naman ang double pay niya no.

Marc

    Dali na. Nandito Prinsipe mo

Sinong Prinsipe? Si Jc? I grimaced of the thought of it. Si Jc ay siyang anak ng Kapitan sa barangay namin na palaging renereto ni Marc simula bata pa lang kami. Ayoko kay Jc dahil parang may tililing. Marc and I we're not close but we're friends. Palagi kasi siyang nasa plasa at suki rin siya ni Lola Rosi.

Ako

   Your delivery from J&T is on the way. Please prepare your COD amount of  100 pesos

Marc

    Loko. Bilisan mo na.

"Gorio bumaba ka muna rito at ikaw ang magbantay. May hahatid lang ako!"

"Oo tsupi na!" Sigaw niya mula sa taas.

Kinuha ko agad ang bike at pumunta sa plasa. Nadatnan ko sila Marc na naglalaro kasama si Hugo. Hinanap ko si Jc kung meron pero wala naman

"Hi Amaryliss! Ganda mo!" Sigaw ni Tom na nakakuha ng atensyon ng iba. Inirapan ko siya at tumingin banda kina Marc.

"Nasaan si JC? Diba siya yung tinutukoy mo na Prinsipe?" Tanong ko ng nilapitan ako ni Marc at kinuha ang dala ko. Ngumisi siya ng nakakaloko at tinignan si Hugo na papalapit.

"Sinong Prinsipe Hugo?" Tanong ni Marc at ngumisi. Tinignan siya ng masama ni Hugo at tumingin saakin.

"Ako na magbabayad" iniabot niya saakin ang isang daan. Nginitian ko siya at napabaling kay Marc na ngising-ngisi

Konti na lang talaga at mag aassume ako na nerereto niya si Hugo saakin. Pero imposible naman.

"Manuod ka muna Amaryliss, para may mainspire"

I saw how Hugo stared at him with rage.

"Sino naman?" Inosente kong tanong

"S-sina Tom, para naman maganahan sila maglaro at gumanda naman ang laban. Sobrang layo kasi nila sa score namin" pagyayabang niya.

"Mahal ang oras ko"

"Pero mas mahal ka niya" kunot noo kong tinignan si Marc

"Natamaan ka ba ng bola at parang nag-iba ang utak mo?" Tanong ko kay Marc pero nginisihan niya lang ako.

"Hugo pahinga ka muna. Kanina kapa ngpapakitang gilas eh" ani ni Mark ay kinindatan niya muna si Hugo bago tumakbo papunta sa court.

Awkward akong napatingin kay Hugo na pawis na pawis.

"Ah gusto mo umupo?" Tanong ko at tumango naman siya. Umupo ako one seat apart sakanya at tumungin sa mga naglalaro. 56-70 ang score. Talagang panalo na nga sila Marc.

"Hugo mas maganda ba maglaro o umupo?!" Tanong ni Marc matapos makashoot

"Masarap manuntok!" Hugo shouted. Napailing-iling si Marc at ngumisi.

Liningon ko si Hugo at tinitigan siya. I can sense that he was tensed because of my stare. I admit he has the looks but I can't feel the spark like Cole Sprouse and Harry Styles gives me everytime I saw their pictures.

Lumingon siya saakin at binigyan ako ng tipid ng ngiti.

"Nirereto ka ba ni Marc sakin?" Diretso kong tanong. I'm not shocked of myself because of what I asked. Minsan kasi pranka ako lalo't malakas ang kutob ko. Assumera na kung assumera pero hindi talaga ako natatahimik kapag hindi ko nakukuha ang sagot na gusto ko.

I saw how his jaw dropped then smiled.

"Same Mary" bulong niya kaya napakunot ang noo ko

"What?"

"I said Holy Mary. It's not what you think. Loko-loko lang si Marc"

Sinali pa talaga sa usapan si Mama Mary. Pero napahiya ako ron ah

"Ah, abswelto ka na sa joke mo. Quits na tayo" this time siya naman ang napakunot ang noo.

"What do you mean?"

"Sa tindahan? Yung tinanong mo'ko kung kilala kita tapos sabi mo joke lang. Pero nagtanong-tanong ako sa iba kung tinanong mo rin sila pero sabi nila hindi daw." His eyes widen, not expecting what I've said.

"Siguradong may tililing ka noon kaya mo natanong 'yun. Tulad ko ngayon parang may tililing kaya quits na tayo. Kakalimutan ko ang tinanong mo saakin at kakalimutan mo rin ang tinanong ko sa' yo" He stared at me confused yet a smile was plastered on his face.

"What tililing?" Napasapo ako sa noo. English nga pala ito.

"A-ano. Uhmmm crazy? Yun ato yun. Basta"

"Ok, tsaka it's okay if you'll not forget what I've asked doon sa tindahan. Lagi ka namang nakakalimot eh" napatingin ako sakanya. Para kasing may laman ang kaniyang mga sinasabi.

"May tinatago ka ba sa'kin? Kilala mo ba ako? Nagkakilala na ba tayo?" Sunod sunod kong tanong.

"W-what? No! You are just very easy to read"

Pinaningkitan ko siya ng mata at sinuri. He slightly smiled then avoided my gaze.

Hindi nalang ako nangulit pa at nagpaalam ng umalis. Nagtext na kasi si Gorio dahil marami na daw ang bumibili.

"Una na'ko ha sabihan mo nalang si Marc" tumayo ako kaya napatingin si Hugo sa'kin.

"Ok"

"Bye Hugo" nginitian ko siya at tumalikod na. Pero bago pa ako nakaalis ay narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Hugo.

                         ✏ ✏ ✏

Biyernes at bagot na bagot ako habang nakikinig sa President namin na si Jam. Nagdidiscuss siya about sa darating na intramurals next week. Ng namimili ng representative sa Mr.and Ms. Intramurals ay si Drew at Farrah ang napili. Sinubukan pa akong inominate ng kaklase kong isa pero inawat siya ni Paul na kaklase ko noong Highschool.

Nung highschool kasi ay pinilit niya akong maging representative ng section namin pero tumanggi ako. Pinilit parin niya ako kaya sinuntok ko si Paul.

Hindi ko naman  hate ang pageants at

hindi rin ako natatakot sa mga tao. Ayoko lang ng atensiyon. Hindi ako sanay na maging sentro ng atensiyon.

"Guys, yellow ang HUMSS, Red ang ABM, BLUE ang stem, orange ang TVL at Pink ang GAS" announce ni Jam at nagreklamo naman ang iilang mga kaklase ko dahil yellow kami. Ang ganda kaya ng yellow.

Tinitigan ko ang langit na dumidilim. Mukang uulan pa ata. Kinuha ako ang cellphone at tinignan ang orasan.

4:30

Nag open nalang ang ng f******k dahil wala naman akong maiiambag sa mga sinasabi ni Jam.

A notification popped up on my screen. Tinignan ko ito at nagtaka

Hugo Salvacion sent you a friend request

I bit my lip before clicking the confirm. Wala naman akong rason para hindi siya iaccept.

Sasabihan ko ba si Ted? Baka sabunutan na ako non.

Itatago ko na sana ang cellphone ko ng may nag pop up uli.

You got a message from Hugo Salbacion.

Luminga-linga ako kung may nakatingin pero wala naman kaya binasa ko na

Hugo

   Hey don't assume again. I add you because Marc dared and blackmailed me. Tsaka don't like or react from his posts. May tililing 'yun

I smiled because of the tililing word.

Amaryliss

   Okay.

Hindi na siya nagreply ulit kaya itinago ko na pabalik ang cellphone ko.

Ng matapos ang meeting ay diretso akong lumabas ng biglang umambon.

"Putek ngayon pa talaga!" Reklamo ko at sumilong sa waiting shed. Tatlo lang kaming nakatayo sa waiting shed habang ang iba kong classmate ay nasa room at ang iba naman ay nakasakay na.

"Share nalang tayo" saad ng lalaki sa babaeng katabi niya. Liningon ko silang dalawa at tumango naman ang babae.

Sana all.

I was left alone so I stared the dark sky. I felt the loneliness again. I really hate the rain. It always block the noise and ruining the serenity of the place. Kahit naman maingay ang mga tao ay mas naiingayan ako sa tunog ng ulan. It reminds me of my past that I don't want to remember again. Kapag kasi umuulan ay bumabalik saakin ang lahat.

I was cursing the rain and when I'm about to curse it again, someone talked.

"Galit ka na naman" nilingon ko siya at napatitig sa muka niya. His face lighten the place and his presence diverted my loneliness away.

Then I realized that I hate this man.

Inirapan ko siya at ibinaling ang atensiyon sa malakas na ulan.

"Hey" napalingon ako sakanya ng kalabitin niya ako

"Ako ba kinakausap mo?" Takang tanong ko

"Kakalabitin ba kita kung hindi?"

"Bakit ba?" I tried to look pissed. Natamaan kasi ang ego ko nung nalaman ko na mas matalino siya kesa sakin.

"You're cursing the rain, ba't ka galit sa ulan?"

"Napakaingay" sagot ko.

"Sino?"

"Both of you. Ikaw at ang ulan. Napakaingay niyo"

I saw him licked his lips then put both of his hands inside ahis pocket

"Maingay nga, marami namang benefits" nilingon ko siya. I crossed my arms and looked at him

"I know rain can be benefial to plants,

trees and other natural resources pero pagkatapos? Ingay lang ang binibigay nila"

"You have to focus to inner peace. Hindi 'yong panlabas na  kapayapaan lang ang gusto mo. Don't hate it because you hate it"

"You don't know the reason why I hate it." Saad ko. "Tsaka crush mo ba ang ulan? Grabe kung ipagtanggol ah"

"Of course not, I also hate the rain"

Napanganga ako at hindi makapaniwalang tinitigan siya

"Eh bakit mo dinedefend?" Gago to ah.

May pa 'don't hate it because you hate it' pang nalalaman.

"Gusto ko lang makipag debate sa'yo."

Napahawak ako sa beywang ko at tinignan siya ng masama.

"Ewan ko sa'yo. Huwag mo'kong idamay sa katalinuhan mo"

I heard him chuckled 

"Thankyou for flattering me"

"I'm not flattering you! Assumero ka!"

"Naperfect mo ba 'yung test mo sa Introduction to Philosophy?" He teasingly asked. Kay tagal na' nun ah

"S-siyempre" I lied. Hindi naman ako bagsak pero sakto lang ang score ko para pumasa.

"That's good" napairap ako sa sinabi niya

That's good ka diyan. Sapakin kita eh.

"Ba't di ka pa lumulusong? Maambon nalang o" saad ko kaya kunot noo siyang napatingin saakin.

"Doon sa tindahan pinigilan mo akong umalis dahil maulan pa. Ngayon naman pinapaalis mo'ko?" Tanong niya at itinuro pa ang sarili

"Yes" sagot ko. He looked at me with disbelief. "Tsaka bakit mo ba ako kinakausap bigla bigla?" Tanong ko at pinatitigan siyang mabuti. Sinusuri kung ano ang magiging sagot niya.

"Ayaw mo no'n? May kumakausap sa'yo bukod sa sarili mo?" Napanganga ako at mas lalong tinignan siya ng masama

"Hindi ko kinakausap ang sarili ko! Loner ka rin naman ah. Sabi ni Ted hindi ka namamansin kaya loner ka rin" he chucked a bit and shook his head.

His dark brown eyes shined because of her smile.

"You're getting the wrong information Miss. Actually, I have friends. Try stalking me next time" he said and smirked. The nerve of this guy!

"Stalk mo muka mo! Basta sabi ni Ted hindi ka namamansin"

"Eh ba't kita kinakausap?" Tanong niya. Napaisip naman ako

"Bakit nga ba?" I asked and took a one step closer to him. Nakita ko ang gulat sa kaniyang muka pero agad rin itong napalitan ng ngisi ng mahina niyang itinulak ang muka ko.

Napadaing ako at tinignan siya ng masama.

"Ang liit ng muka mo. Para kang monggo"

"Kung monggo ako isa kang.. Isa kang..." nag-isip ako ng bagay na mahihintulad sa kaniya. Gusto ko 'ying maiinis talaga siya.

"Isa kang Okra!" Sigaw ko at tumaas ang kilay niya.

Bakit okra ang nasabi ko?!

"Why I am an Okra?" Tanong nito na may halong asar.

"Kasi... Kasi halos lahat ng tao ay ayaw sayo! Ayaw ka nila kainin! Basta okra ka!" I saw how his smiling face turned into a serious one.

"You're right, marami nga ang ayaw sa'kin. Pero salamat at binigyan mo na ako ng nickname katulad ng sinabi ko sa'yo sa library" ngumiti siya ng kaunti.

Gaaaaaddd kung hindi lang ako inaasar nito ay mukang nasa kuwarto ko na ang mga litrato niya.

Inismiran ko siya at masamang tumingin sa kabilang banda.

Maya-maya pa ay nagsalita siya

"Siguro naman medyo nakalimutan mo naang galit mo sa ulan dahil sa'kin. I told you may benefits rin ako. May benefits tayong lahat pero hindi pa lang natin nalalaman"

"Gusto mo bang maging pastor o philosopher? Dami mong alam sa buhay" bulyaw ko at kinain ang bubble gum na nasa bulsa ko. His eyes followed my gestures.

"I don't know. I think, I wanna be a bubble gum right now" seryoso niyang saad. Muntik ko ng malunok ang bubble gum at buti nalang talaga ay hindi

Agad siyang lumusong sa ulan

Nakatunganga ako habang tinitignan siyang tumatakbo hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Ng kumulob ay agad akong natauhan at agad iniluwa ang bubble gum at inis na tinapakan iyon. Pero narealize kung ang hirap pala nitong kuhanin mamaya.

Napapikit ako sa inis at napasigaw

"Leonardo Valencia! Isa kang malas sa buhay ko! Isa kang okra!"

Related chapters

  • Serenity Breaker    Chapter 4

    First day ng intramurals at nasa court ako at nanunuod ng basketball. Kailangan kasi naming manood dahil section namin ang lalaban kontra TVL."Uy ano to?!" Napalingon ako sa sumigaw at nakitang may tumatakip sa mata ni Trina na dalawang lalaki."Buti pa si Trina may ka blind date!" Sigaw ni Issa. Sinamahan pa nila ang kaibigan papunta sa booth. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa court. Kung hindi lang sa attendance ay hindi ako pupunta rito eh.I'm not a loner.People are just not approaching me because I look a not approachable person and I don't want to approach them either. Of course I know how to make jokes and I know how to do crazy things but I can only do that with the right circle of friendsHalos tumakbo na ako palabas ng court ng matapos ang laro. Excited na kasi ako pumunta sa Horror booth dahil gusto kong makita kung ano ang theme nila ngayon.Dumiretso ako k

    Last Updated : 2021-07-04
  • Serenity Breaker    Chapter 5

    Last day ng Intramurals at papalabas na ako ng bahay. Sumakay ako ng tricycle dahil naka mini skirt ako dahil ito ang pinasuot sa amin para mag cheer sa representative namin sa Intramurals.Walang laman ang tiyan ko papunta sa school dahil hindi ako pinakain ni Venice.Ng makarating ay agad akong dumiretso sa canteen pero nakalimutan ko ang wallet ko."Bwesit!" Maktol ko at lumabas ng canteen. Gusto ko sanang puntahan si Ted pero ang layo ng room nila. Manghihiram sana ako ng pera sa classmate ko ng makita ko si Marc na lumalamon ng burger habang sa isang kamay niya ay may bitbit na isa. Kaya lang ay nasa likod niya si Leonardo at ang iilang kaibigan nito.Psh. Magkakilala nga pala sila Marc at Leonardo.Aalis na sana ako ng bigla akong tinawag ni Marc."Amaryliss!"Bagot akong nilingon siya at pati mga kaibigan niya ay nakatingin na saakin."Ano?" Tanong ko pagkalapit at napati

    Last Updated : 2021-07-04
  • Serenity Breaker    Chapter 1

    I opened my eyes as a wave of water hit my feet. I am in my favorite place where I can control my thoughts.I've been going here in the seaside since I was a child. This is my favorite spot where I can think peacefully. A place full of serenity and calmness.My life has been tough and full of uncertainties but the sea always gives me hope. My life has its highs and lows like the sea but it still finds a way to be beautiful.Noong bata ako ay nakita ako sa dalampasigan.May kwintas na nakasuot saakin at may pendant na singsing kung saan may nakauikit na pangalang Serene. Pero hindi ko iyon sinuot.How come my biological parents gave me a necklace and not a letter? Nakakatawa diba? But I really wished that it was a letter. A letter full of explanations why they left me. I don't want to grow full of questions but here I am compilin

    Last Updated : 2021-07-04
  • Serenity Breaker    Chapter 2

    Nandito ako ngayon sa school para sa enrollment. Nasa probinsya kami nakatira pero sa private school ako nag-aaral while si Kuya ay nasa syudad at nag-aaral sa exclusive school. Dito ako pinaaral ni Venice dahil hindi daw ako pang exclusive school.Ako lang mag-isa na nag fifill-up ng form. I have friends but I have no one that I can call a bestfriend. Ted is my friend but we're not very close. I don't know why people can be with me but not for a long period of time.Napatingin ako kay Ted na kausap si Harold. Lalaking lalaki kumilos si Ted at hindi talaga mapapansin na may halo siyang pink na dugo. Napalingon siya saakin at tinignan ako ng masama na para bang pinagbabantaan ako. Napatawa nalang ako at bumalik sa pag fifill-up.I was busy sa pagfifill-up ng may dumating na sasakyanLike the other student, I was also staring at it as if may artista na nakasakay rito. Bumaba roon ang isang babae.

    Last Updated : 2021-07-04

Latest chapter

  • Serenity Breaker    Chapter 5

    Last day ng Intramurals at papalabas na ako ng bahay. Sumakay ako ng tricycle dahil naka mini skirt ako dahil ito ang pinasuot sa amin para mag cheer sa representative namin sa Intramurals.Walang laman ang tiyan ko papunta sa school dahil hindi ako pinakain ni Venice.Ng makarating ay agad akong dumiretso sa canteen pero nakalimutan ko ang wallet ko."Bwesit!" Maktol ko at lumabas ng canteen. Gusto ko sanang puntahan si Ted pero ang layo ng room nila. Manghihiram sana ako ng pera sa classmate ko ng makita ko si Marc na lumalamon ng burger habang sa isang kamay niya ay may bitbit na isa. Kaya lang ay nasa likod niya si Leonardo at ang iilang kaibigan nito.Psh. Magkakilala nga pala sila Marc at Leonardo.Aalis na sana ako ng bigla akong tinawag ni Marc."Amaryliss!"Bagot akong nilingon siya at pati mga kaibigan niya ay nakatingin na saakin."Ano?" Tanong ko pagkalapit at napati

  • Serenity Breaker    Chapter 4

    First day ng intramurals at nasa court ako at nanunuod ng basketball. Kailangan kasi naming manood dahil section namin ang lalaban kontra TVL."Uy ano to?!" Napalingon ako sa sumigaw at nakitang may tumatakip sa mata ni Trina na dalawang lalaki."Buti pa si Trina may ka blind date!" Sigaw ni Issa. Sinamahan pa nila ang kaibigan papunta sa booth. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa court. Kung hindi lang sa attendance ay hindi ako pupunta rito eh.I'm not a loner.People are just not approaching me because I look a not approachable person and I don't want to approach them either. Of course I know how to make jokes and I know how to do crazy things but I can only do that with the right circle of friendsHalos tumakbo na ako palabas ng court ng matapos ang laro. Excited na kasi ako pumunta sa Horror booth dahil gusto kong makita kung ano ang theme nila ngayon.Dumiretso ako k

  • Serenity Breaker    Chapter 3

    "Uy babaeng dagat!" Kinamayan ako ni Ted kaya lumapit ako sakanya.Nasa cafeteria ako ngayon para maglunch."Sinong kasama mo?""Me, myself and I" maarte kong sagot"Sabay na tayong kumain, wala kasi sina Trisha at Heather nakikipaglampungan sa jowa nila" Napayuko at naitikom ko ang aking bibig. Napansin iyon ni Ted kaya iniangat niya ang muka ko"Anyare sa muka mo Te? Malungkot ka ba dahil wala kang jowa tulad nila Heather at Trisha? Don't worry nandito ako!" Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at binilisan ang paglalakad kasabay niya.Nakakalungkot lang kasi na sinasama niya lang ako kung wala ang mga main friends niya. Pero hindi ko naman siya masisisi."Hoy babae, tutal malungkot ka dahil wala kang jowa. May irereto ako sa'yo" napangiwi ako sa sinabi ni Ted. Nakaupo na kami ngayon at tapos ng mag order ng pagkain."Not interested" I sai

  • Serenity Breaker    Chapter 2

    Nandito ako ngayon sa school para sa enrollment. Nasa probinsya kami nakatira pero sa private school ako nag-aaral while si Kuya ay nasa syudad at nag-aaral sa exclusive school. Dito ako pinaaral ni Venice dahil hindi daw ako pang exclusive school.Ako lang mag-isa na nag fifill-up ng form. I have friends but I have no one that I can call a bestfriend. Ted is my friend but we're not very close. I don't know why people can be with me but not for a long period of time.Napatingin ako kay Ted na kausap si Harold. Lalaking lalaki kumilos si Ted at hindi talaga mapapansin na may halo siyang pink na dugo. Napalingon siya saakin at tinignan ako ng masama na para bang pinagbabantaan ako. Napatawa nalang ako at bumalik sa pag fifill-up.I was busy sa pagfifill-up ng may dumating na sasakyanLike the other student, I was also staring at it as if may artista na nakasakay rito. Bumaba roon ang isang babae.

  • Serenity Breaker    Chapter 1

    I opened my eyes as a wave of water hit my feet. I am in my favorite place where I can control my thoughts.I've been going here in the seaside since I was a child. This is my favorite spot where I can think peacefully. A place full of serenity and calmness.My life has been tough and full of uncertainties but the sea always gives me hope. My life has its highs and lows like the sea but it still finds a way to be beautiful.Noong bata ako ay nakita ako sa dalampasigan.May kwintas na nakasuot saakin at may pendant na singsing kung saan may nakauikit na pangalang Serene. Pero hindi ko iyon sinuot.How come my biological parents gave me a necklace and not a letter? Nakakatawa diba? But I really wished that it was a letter. A letter full of explanations why they left me. I don't want to grow full of questions but here I am compilin

DMCA.com Protection Status