Share

Chapter 5

Author: Kayffzzz
last update Last Updated: 2021-07-04 18:52:05

Last day ng Intramurals at papalabas na ako ng bahay. Sumakay ako ng tricycle dahil naka mini skirt ako dahil ito ang pinasuot sa amin para mag cheer sa representative namin sa Intramurals. 

Walang laman ang tiyan ko papunta sa school dahil hindi ako pinakain ni Venice. 

Ng makarating ay agad akong dumiretso sa canteen pero nakalimutan ko ang wallet ko. 

"Bwesit!" Maktol ko at lumabas ng canteen. Gusto ko sanang puntahan si Ted pero ang layo ng room nila. Manghihiram sana ako ng pera sa classmate ko ng makita ko si Marc na lumalamon ng burger habang sa isang kamay niya ay may bitbit na isa. Kaya lang ay nasa likod niya si Leonardo at ang iilang kaibigan nito. 

Psh. Magkakilala nga pala sila Marc at Leonardo. 

Aalis na sana ako ng bigla akong tinawag ni Marc. 

"Amaryliss!" 

Bagot akong nilingon siya at pati mga kaibigan niya ay nakatingin na saakin. 

"Ano?" Tanong ko pagkalapit at napatingin sa dala niyang burger. Napasulyap ako kay Leonardo na busy sa cellphone niya. 

"I cheer moko mamaya ha. Tsaka sabihin mo sa kaklase mong si Stella na gusto ko siya" aniya kaya agad ko siyang binatukan. 

"Bakit ako ang magsasabi? Ang dami mong banat tapos ako uutusan mo?" 

"Edi ituro mo nalang ako tapos sabihin mo. 'Stella kilala mo ba si Marc ng ABM? Gwapo no?'" Tinignan ko siya ng nandidiri. Pero may naisip ako

"Sige pero ibigay mo sa'kin ang isang burger" saad ko sabay turo sa burger na bitbit niya

Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin ni Leonardo sa akin pero pinagwalang bahala ko iyon. 

Siguro iniisip niya na buraot ako.

"Bakit?" Tanong ni Marc

"Nagugutom ako" 

"Palagi ka namang gutom eh" aniya at kinagat ang burger na kinakain niya kanina

"Eh level up na gutom 'to. Hindi kasi ako nag breakfast dahil bawal" napatawa siya sa sinabi ko kaya tinignan ko siya ng masama

"Bakit bawal? Nag didiet ka?" 

"Bakit naman ako magdadiet? Bawal kasi hindi ako papakainin ni Venice ng tatlong araw" kumunot ang noo niya at tinignan ako ng seryoso

"Bakit? Akala ko ba mahal ka 'nun?" 

"Tss. Alam mo sa talas kasi ng dila mo nagkatotoo ang sinabi mo kagabi" 

"Kagabi?" Nag-isip siya at agad nanlaki ang mga mata

"Sinampal ka?!" Tanong niya at halos lumuwa na ang mata niya sa gulat. Buti nalang at busy ang mga kaibigan niya sa likod habang si Leonardo ay nakatitig lang sa cellphone niya. 

"I told you it's possible. Kaya akin na 'yan" kinuha ko ang burger at buti ay hindi niya iyon inagaw saakin. Wala pang five minutes ay ubos ko na iyon. 

"Huwag mong sasabihin kahit kanino ha" banta ko

"Ok ka lang? Bakit parang wala kang trauma or ano. Hindi man lang lumaki ang eyebags mo" 

"Hindi niya diserve yun. Tsaka bakit naman ako matutrauma? Immune na ako sa sakit na binibigay niya" 

"Amaryliss pwede ka naman magsumbong. Sa Daddy mo or sa... DSWD ata?" 

I laughed. 

"Ipapaampon mo ba ako ulit?" Tanong ko at tumawa. "Tsaka ayokong abalahin si Daddy dahil stress pa 'yun sa trabaho niya" 

Napaisip naman siya. Alam naman ng taga amin na ampon ako kaya ok lang na sabihin ko ito sa maraming tao although mga kaibigan lang naman ni Marc ang nandito. 

"Amaryliss hindi ka ba pupunta sa room natin?" Napalingon ako ng tawagin ako ni Pat

"Pupunta na, sabay ako sainyo" 

Tinapik ko si Marc bago pumunta kina Pat. 

Pagkarating sa room ay halos lahat ng babae kong classmate ay nagmimake-up. Napatingin ako sa repleksiyon ko sa aking cellphone.

Ok naman kaya hindi ko na kaipangan ng make-up tsaka hindi naman ako representative. 

"Guys practice na ulit kayo!" Sigaw ni Pat at nilapitan sina Farrah at Drew. 

Ipinatong ko ang paa ko sa upuan at chill na tinitignan ang mga classmates ko na busy. 

"I'm so thirsty na Pat. Wala bang water?" Kunot noo akong napatingin kay Farrah. Bakit nag-iba 

"Uhmm may tubig tayo sa canteen kaso isang container" tumingin ulit siya sa paligid. "Kaso walang boys dito except for Drew" 

Nasaan ba ang mga classmate kong mga lalaki? Napansin ko nga na puro mga babae kami dito.

"Rhea at Irene pwede niyo bang kunin?" Gulat at hysterical na umiling silang dalawa. 

"Naka make-up kami Pat tapos pakukunin mo kami ng isang container na tubig?" Ani ni Rhea. Naparolyo ako ng mata. 

Ang aarte ng mga----

"Amaryliss?" Nasaakin na ngayon ang atensiyon ni Pat. 

"Ako? Ako ang kukuha ng isang container na tubig mula sa canteen hanggang dito?" Tinuturo ko pa ang sarili ko habang nagsasalita. Dahan-dahan siyang tumango

"Well pwede ka namang humingi ng tulong. Marami namang boys doon na tutulong sayo. Please Amaryliss" she pleaded ang twinkled her eyes. 

"Sige na nga. Kapag hindi nanalo candidate natin ipapaligo ko sakanya ang tubig" seryoso kong sabi kaya napanganga si Pat. 

"Joke!" Bawi ko at nakabusangot na lumabas ng room. 

Wala nga akong matinong breakfast tapos papabuhatin ako ng isang container na tubig? 

"Te yung isang container na tubig daw para sa HUMSS" 

Napatingin saakin si Ate at sinusuri kung ako ba ang magdadala ng tubig. 

"Kaya mo ba?" 

"Kaya ko po. Nasaan?" Tanong ko at tinuro niya ang nakahilirang container ng tubig sa gilid. Lumapit ako doon at sinubukang buhatin ang isa pero parang mapuputol ang braso ko. 

Tinignan ko ang paligid kung may tutulong pero wala man lang tumitingin saakin. Kung may nagkakagusto sana saakin edi sana siya na 'yung bumubuhat nito. 

Kaso wala. 

Umupo ako at yumuko habang nakahawak sa container. Para na akong multo sa canteen dahil malapit ng masagi ang buhok ko sa semento. 

"Get up" I lift my head and I met a pair of brown eyes with a serious face. 

It's Leonardo de Okra

"What?" Tanong ko kahit dinig ko naman siya. 

"Tumayo ka diyan. Buti hindi kita nasipa dahil napagkamalan kitang multo" aniya sa seryosng tono

Tumayo ako at tinignan siya ng masama. 

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot bagkos ay kinuha niya ang container at walang kahirap hirap na binuhat iyon. 

Naistatwa ako at hindi nakakilos. What is he doing? Ng maramadaman niyang hindi ako nakasunod ay huminto siya at nilingon ako

"You coming or what?" Strikto niyang tanong kaya agad akong sumunod. Napatingin ako sa kaliwang kamay niya na may dalang plastic at mukang may laman. Gusto ko sanang kunin para hindi siya mahirapan pero naalala ko kasi ang pang-aasar niya kaya bahala siya. Hindi ko naman siya sinabihan na buhatin niya 'yan. 

"Alam mo ba room namin?" Tanong ko habang nakasunod parin sakanya. May mga tumitingin pa habang naglalakad siya dala ang container. Hindi naman talaga kasi bagay sakanya ang magbuhat ng container. 

Para siyang aliping bida sa isang teleserye

"Yes" 

"Bakit mo ko tinulungan? Bawi mo ba' yan sa mga pang-aasar mo sa'kin? Huh? " 

"Nope. Ayoko lang magkaroon ng aswang sa canteen" napabusangot ako. Kainis talaga tong lalaking 'to.

"Akin na nga yan" aagawin ko sana ang container pero umiwas siya. 

"Stop it"

"Kung mang-iinis ka pa rin ako nalang magdadala niyan" narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. 

"Stop saying things that you can't do" 

"I can do it! Sadyang wala lang akong energy ngayon." 

Huminto siya at nilingon ako

"Kunin mo" nginuso niya ang plastic na dala niya

"Bakit? Ako pabibitbitin mo niyan?" 

"Yes, because it's yours" kinunutan ko siya ng noo

"Hindi naman ako nagpabili sa'yo ha" 

"Sa'yo nalang" napatitig ako sakanya. Absorbing what he just said

"Bagong buhay ka na ba talaga? I mean hindi ka na nagnanakaw?" Halos pabulong kong tanong. 

"Tsaka why would you give me this?"

Tanong ko at sinilip ang plastic at laking gulat ko ng makita ang isang lunch box na nakalagay sa Styrofoam. May mga chips at juice pa. 

"I don't steal already and don't assume, sa section namin 'yan. Kinuha ko dahil sobra at binigay ko sa'yo dahil sayang kung itatapon ko lang" diretso niyang sabi. Napaismid ako. Wala naman akong balak tanggihan dahil wala naman akong makakain kung mag-iinarte pa ako. 

Tsaka buti pa ang section nila may libreng pagkain. 

Nakaka turn-off lang dahil magnanakaw nga talaga siya. Mayaman naman sila noon diba? 

Ng makararing sa room ay nagsiglaglagan ang panga ng mga kaklase ko ng makita si Leonardo na pumasok habang buhat-buhat ang container. 

"OMG!" 

"Totoo ba 'to?" 

Sari-saring sabi ng mga kaklase ko at agad napatingin saakin pero nagkibit balikat lang ako. 

Ng mailagay niya na ang container ay bumaling siya saakin. 

"Aalis na'ko" 

Dahan-dahan akong tumango pero ng makalabas siya ay agad ko siyang sinundan

"Hoy!" 

"What?" Tanong niya habang nakapamulsa. His wearing his serious face again.

"Salamat okra" diretso kong sabi at agad tumakbo papasok. Naabutan ko ang mga kaklase ko na nakatingin saakin. 

"Bakit?" Tanong ko sakanila at dumiretso sa inupuan ko kanina bitbit ang mga pagkain na binigay ni Leonardo. Well wala naman talaga siyang balak ibigay to saakin dahil sabi niya sobra 'to at nasasayangan lang siya kaya binigay niya saakin. 

"Bakit si Leonardo ang nagdala ng tubig?!" Exaggerated na tanong ni Farrah. 

"Eh hindi ko kayang buhatin eh. Tsaka sabi niyo humingi ako ng tulong? Well hindi naman talaga ako humingi. Siya iyong nagkusa"

Mas lalong nanlaki ang mga mata nila. Bakit ba ang big deal sakanila ang pagdala ni Leonardo ng tubig sa room namin?

"What?! Gurlll that's Leonardo Valenciaga!" 

"So what? Mag practice ka na nga lang ng lakad mo 'dun. Mabibingi ako sa sigaw mo" utos ko pero inismiran niya lang ako. 

"Baka naman naawa lang sayo 'yun kaya ka tinulungan" sabat ni Rhea. 

"So what again? Ang importante makakainom kayo ng tubig at hindi kayo mauhaw at mawalan ng tubig ang utak niyo" tinalikuran ko sila at nagfocus nalang sa pagkain na nasa plastic. 

1pm nagsimula ang program at nasa hanay ako ng mga kapwa ko HUMSS student. Nakita ko si Hugo at nginitian siya pero umiwas lang siya ng tingin. Nahiya ba siya sa mga pinagsasabi niya sakin? 

Napabaling ako sa hanay ng mga STEM at nakita si Ted na naglalagay ng lipstick sa mga classmate niyang babae pero ramdam ko na gustong-gusto niya ring maglagay sa labi niya. 

Napatingin siya saakin at biglang tumakbo papunta sa gawi ko dala-dala ang lipstick. 

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko at tinignan ang mga classmates niya na nakatingin saamin. Hindi naman nila alam na bakla si Ted kaya siguro akala nila na may something kami. Yucks. 

"Te parang hindi ka babae. Tignan mo nga 'yang nasa paligid mo ang pupula ng labi tapos ikaw para kang multo na visible" 

"Uy Amaryliss mga STEM pala ang type mo ha" sabay kaming napatingin ni Ted kay Pat. 

"Mga?" Tanong ni Ted 

"You didn't know? Tinulungan lang naman ni Leonardo si Amaryliss buhatin ang isang container ng tubig galing canteen hanggang room namin" 

Nanlaki ang mga mata ni Ted at pinandilatan ako ng mata. 

"Hindi naman 'yun big deal" saad ko. I wandered my eyes to look for Leonardo then realized something

Why am I looking for him? 

I spotted him near the stage. He's with Morgana talking when suddenly his eyes stuck at my direction. Agad akong nag-iwas at bumaling kay Ted. 

Bigla niyang hinawakan ang muka ko at pinanguso. Itinapat niya ang lipstick saakin at agad nilagyan ang labi ko. 

Dinig ko ang paghiyaw ng mga classmates ko. 

Sabay kaming napatawa ni Ted dahil wala silang kaalam-alam na bakla pala itong kaharap ko. 

"Mag-uusap tayo mamaya. Si Leonardo pala type mong babae ka ha" aniya pagkatapos maglagay ng lipstick sa labi ko. Inirapan ko siya at napasulyap ako kay Leonardo na seryosong nakatingin saamin. Umiwas naman ito at kinausap ni Morgana. 

Maya-maya pa ay nagsimula na ang program kaya pinabalik ko na si Ted sa section nila. Hiyawan ang lahat ng lumabas ang mga candidates lalo na ng lumabas si Marc. Agad ko namang naalala ang sinabi niya patungkol kay Stella kaya hinanap ko si Stella pero hindi ko naman kailangang ipakita sakanya si Marc dahil sa pagtingin palang nito ay mas hulog pa ito kay Marc. 

Kalagitnaan ng program ng bigla akong naihi. Naparami kasi ang nainom ko na juice na binigay ni Leonardo.

Walang tao sa CR kaya madali lang akong nakaihi. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin and I admit, I look good with a red lipstick. 

Ng makalabas ay hindi ako dumiretso sa ground kung saan nandoon ang mga kaklase ko. 

Dumaan ako sa harap ng building ng Grade 10 ng maramdamang may nakasunod saakin. 

I saw some students looked at me pero agad din namang umiiwas. 

Agad akong lumingon at nagulat ng makita si Leonardo 

Tinaasan ko siya ng kilay

"Anong ginagawa mo?" 

"Naglalakad" simple niyang sagot at huminto. 

"Edi maglakad ka na ulit" utos ko pero hindi man lang siya kumilos. 

"After you My Lady" nag bow pa siya mas lalo akong nainis

"Sinusundan mo ba ako?" Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay. 

His thick brows are perfectly arching and his brown eyes were focused on me. Agad naman akong nailang

"What if I said yes?" Agad kumabog ang dibdib ko pero isinagwalang bahala ko lang 'yun

"H-hoy kung nandito ka para asarin na naman ako huwag ako Leonardo. Kung tungkol pa rin ito sa kasunduan natin hindi naman talaga kita isusumbong tsaka gusto ko ng mapayapang buhay. Bakit ba ako ang binubulabog mo?" Mahabang litanya ko at huminga ng malalim. 

"You disturbed me first Amaryliss" napatitig ako sakanya dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. 

"Disturbed you? Bakit? Lagi ba kitang jinojoke o di kaya ay inaasar" 

"Not that way Amaryliss. You disturbed me in an unexplainable way." I gave him a puzzled look. Ito na naman siya sa mga matatalinghaga niyang mga salita. 

"Bahala ka nga diyan" tatalikuran ko na sana siya ng magsalita siya

"Come with me" 

"What?" 

"I said come with me. May sasabihin ako sa'yo" 

Hindi ko alam pero sumunod ako sakanya. Ng nasa labas na kami ng campus ay pinatigil ko siya

"Ano bang sasabihin mo? Kung aamin ka na may gusto ka sa'kin pwes, I'm already rejecting you" 

He looked at me confused and with a glimpse of amusement. 

"Hey I'm not confessing to you. I'm giving you a deal so stop flattering yourself" 

Napanganga ako at medyo nahiya pero inirapan ko siya para naman isipin niya na wala akong pake kahit na hiyang hiya na ako sa sarili ko.

"Tsaka bakit naman kita magugustuhan? You're too noisy, too frank and your mouth has no filter" ouch naman

"Sobra ka naman! No deal agad ako sa offer mo kung ano man yan! Che!" 

Tumalikod ako pero nagsalita siya peroblakad parin ako ng lakad

"I'm offering you a job. 500 per day." Napakagat labi ako pero nagpatuloy patin sa paglakad

"Free food and hatid sundo but first you have to tell your boyfriend about this" napahinto at napalingon sakanya. What? Naniwala rin siya? 

"Ok lang sakanya yun. Kailan umpisa?" Tanong ko kaya napangisi siya. Sa sitwasyon ko ngayon, kailangan ko na talagang kumapit sa patalim kung hindi magiging isa akong pusang gutom sa bahay nu Venice. 

"What kind of job?" 

"Babysitting my brother" pinaningkitan ko siya ng mata

"Is this your way to spend time with me?" Panunukso ko 

"Sinabi ko na sayo na wala akong interes sa'yo at sa lahat ng mga babae" 

Napasinghap ako

"Bakla ka rin?!" 

"No!" 

"Eh bakit ayaw mo sa mga babae?" 

"Are you getting the job or not?" Napaisip ako. I promised to myself na hindi na ako makikipag deal kay Leonardo pero hindi naman to illegal eh. 

"Bakit ba ako ang pinili mo eh marami namang iba diyan." 

"You didn't tell anyone about our first deal kaya mukang mapapagtiwalaan ka"

"Mapapagtiwalaan naman talaga ako" 

"Then let's go" 

"Anong let's go? Babalik ako sa campus at manonood ako ng program" giit ko

"No. I'll introduce you to my brother" 

I rolled my eyes because of his so bossy voice

"So you're introducing me to your family?" I raised my brow. 

"Could you stop?" Tanong niya ng naiinis

"Stop from what? 

"Stop from being so noisy at lalong-lalo na ang mag-assume"

Napanganga ako dahil sa sinabi niya

"Could you stop from saying that again and again and again? Tsaka dapat ginagaya mo 'yung nasa f******k."

"I don't use f******k often"

"Then tuturuan kita. Kapag magtatanong ka ng Could you stop? I will answer. From what? Then you will tell. From being so beautiful." Ani ko at ngumisi. Hindi naman maipinta ang muka niya

"Seryoso ka ba? That's so cringe" 

Ngumuso ako at tinignan siya ng masama

"Could you stop?" Napatitig ako sakanya ng bigla siyang nagtanong. 

"From what?" I asked. May halong excitement sa boses. 

"From being so childish and cringe." Napabusangot ako at iniwas ang tingin sakanya. 

"Halika na" hinila niya ako papunta sa sakayan ng tricycle at pinasakay. 

"Gusto kong manood ng program at marinig ang mga sagot nila sa QandA. Bakit ba hindi ka makapaghintay?" Tanong ko at pumasok na rin siya sa tricycle. Napalunok ako ng dumikit ang balat niya sa braso ko kaya umusog ako pero napakaliit ng tricycle na nasakyan namin. 

"Walang bantay ang kapatid ko. Nagtext ang Yaya namin at may emergency at kailangan niyang umalis" 

nilingon ko siya pero ang napakalapit niyang muka ang nakita ko. Napakagwapo niya sa malapitan. He's an angel with a blood of devil. 

"Saan ka naman kukuha ng pang sweldo sakin? Eh nagnanakaw ka nga diba?" Mahina kong tanong at sumulyap kay Manong driver na pinaandar na ang tricycle. 

"I will explain to you later" 

Hindi na ako kumibo at itinuon nalang ang pansin sa daan at tanging tunog lang ng tricycle ang naririnig ko kaya nagsalita na ako. 

"Pupunta muna tayo ng bangko" aniya at napasulyap sa palda ko. Naging maikli kasi ito dahil nakaupo ako kaya kita ang hita ko. Kinuha niya ang bag niya at ipinatong roon. 

Sinubukan kong hindi ngumisi. 

"Kunin mo ang baril sa loob" nanlaki ang mata ko at tinignan siya ng diretso

"What?!" 

"Pupunta tayo ng bangko. Ano bang gagawin 'dun?" Tanong niya at ngumisi. Bigla akong kinabahan at mahigpit na napakapit sa bag niya. 

"W-wag ka ngang magbiro ng ganyan. Itatapon ko tong bag mo sa labas" banta ko pero mas lalo lang siyang ngumisi. Napakacreepy niya. 

"Ready yourself. Malapit na tayo sa ban---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil itinapon ko sa labas ang kaniyang bag. Napanganga siya at nanlaki ang mga mata na tinignan ako. 

"Bakit mo tinapon?!" Sigaw niya at nilingon ang bag na nasa daan. 

"Eh sabi mo may baril!" 

Napasabunot siya sa kaniyang buhok. 

"Manong pakihinto po" 

Bumaba siya at kinuha ang kaniyang bag at ng makasakay uli ay tinignan niya ako ng masama. 

"Sa tingin mo talaga ay may baril ako? Hindi mo ba alam ang salitang biro lang 'yun?" Pinagpagan niya ang bag niya at tumingin uli saakin.

His dark eyes were throwing daggers at me. 

"Bakit nagsabi ka ba na biro lang yun? Hindi naman diba? Kaya hindi ako magsosorry sa'yo" I crossed my arms. Ngumuso ako at tinignan siya ng masama. 

He stared at me for a second then his eyes moved to my lips. I gulped because of his sudden stare. Damn. Why am I affected by his stare?

Bigla siyang may kinuha sa bag niya na tissue at iniabot saakin

"Wipe your lips. Takot ang kapatid ko sa bampira" aniya at iniwas ang tingin. Nalaglag ang panga ko at padabog na pununasan ang labi ko. 

Maya-maya pa ay huminto na ang tricycle. Matapos niyang magbayad ay sumunod ako sakanya papasok. Tinitigan ko ang bahay nila. 

Tulad ng unang kita ko rito ay maganda pa rin at halatang pang mayaman.

It's a modern house but cozy. 

Nakakapagtaka lang talaga kung bakit nagnanakaw si Leonardo. 

"Come in" binuksan niya ang pinto gamit ang susi na dala niya.

Kung nagagandahan ako sa labas ng bahay nila ay mas nagandahan ako pagkapasok. Their house is so homey.

"Levi!" Napatingin ako kay Leonardo ng tinawag niya ang kapatid niya. 

Maya-maya pa ay napatingin ako sa hagdan ng may yapak na mga paa akong narinig. 

Ng makababa ito ay nanlaki ang mga mata ko at kumurap kurap pa kung ito ba talaga ang kapatid na tinutukoy ni Leonardo. 

"Levi this is Amaryliss" ngumiti ito pero ako ay nakatitig lang sakanya

"Amaryliss this is Levi" 

"S-siya ba ang babantayan ko?" Tanong ko at itinuro ang kapatid niyang si Levi

"Yes" 

"Eh bakit ang laki na?!" Hindi ko mapigipang sumigaw kaya napadaing silang dalawa. Muka namang wala ang mga parents nila dito kaya hindi ako kinabahan

Hindi niya ako sinagot bagkos ay hinila niya ako papunta sa kung saan. 

Related chapters

  • Serenity Breaker    Chapter 1

    I opened my eyes as a wave of water hit my feet. I am in my favorite place where I can control my thoughts.I've been going here in the seaside since I was a child. This is my favorite spot where I can think peacefully. A place full of serenity and calmness.My life has been tough and full of uncertainties but the sea always gives me hope. My life has its highs and lows like the sea but it still finds a way to be beautiful.Noong bata ako ay nakita ako sa dalampasigan.May kwintas na nakasuot saakin at may pendant na singsing kung saan may nakauikit na pangalang Serene. Pero hindi ko iyon sinuot.How come my biological parents gave me a necklace and not a letter? Nakakatawa diba? But I really wished that it was a letter. A letter full of explanations why they left me. I don't want to grow full of questions but here I am compilin

    Last Updated : 2021-07-04
  • Serenity Breaker    Chapter 2

    Nandito ako ngayon sa school para sa enrollment. Nasa probinsya kami nakatira pero sa private school ako nag-aaral while si Kuya ay nasa syudad at nag-aaral sa exclusive school. Dito ako pinaaral ni Venice dahil hindi daw ako pang exclusive school.Ako lang mag-isa na nag fifill-up ng form. I have friends but I have no one that I can call a bestfriend. Ted is my friend but we're not very close. I don't know why people can be with me but not for a long period of time.Napatingin ako kay Ted na kausap si Harold. Lalaking lalaki kumilos si Ted at hindi talaga mapapansin na may halo siyang pink na dugo. Napalingon siya saakin at tinignan ako ng masama na para bang pinagbabantaan ako. Napatawa nalang ako at bumalik sa pag fifill-up.I was busy sa pagfifill-up ng may dumating na sasakyanLike the other student, I was also staring at it as if may artista na nakasakay rito. Bumaba roon ang isang babae.

    Last Updated : 2021-07-04
  • Serenity Breaker    Chapter 3

    "Uy babaeng dagat!" Kinamayan ako ni Ted kaya lumapit ako sakanya.Nasa cafeteria ako ngayon para maglunch."Sinong kasama mo?""Me, myself and I" maarte kong sagot"Sabay na tayong kumain, wala kasi sina Trisha at Heather nakikipaglampungan sa jowa nila" Napayuko at naitikom ko ang aking bibig. Napansin iyon ni Ted kaya iniangat niya ang muka ko"Anyare sa muka mo Te? Malungkot ka ba dahil wala kang jowa tulad nila Heather at Trisha? Don't worry nandito ako!" Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at binilisan ang paglalakad kasabay niya.Nakakalungkot lang kasi na sinasama niya lang ako kung wala ang mga main friends niya. Pero hindi ko naman siya masisisi."Hoy babae, tutal malungkot ka dahil wala kang jowa. May irereto ako sa'yo" napangiwi ako sa sinabi ni Ted. Nakaupo na kami ngayon at tapos ng mag order ng pagkain."Not interested" I sai

    Last Updated : 2021-07-04
  • Serenity Breaker    Chapter 4

    First day ng intramurals at nasa court ako at nanunuod ng basketball. Kailangan kasi naming manood dahil section namin ang lalaban kontra TVL."Uy ano to?!" Napalingon ako sa sumigaw at nakitang may tumatakip sa mata ni Trina na dalawang lalaki."Buti pa si Trina may ka blind date!" Sigaw ni Issa. Sinamahan pa nila ang kaibigan papunta sa booth. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa court. Kung hindi lang sa attendance ay hindi ako pupunta rito eh.I'm not a loner.People are just not approaching me because I look a not approachable person and I don't want to approach them either. Of course I know how to make jokes and I know how to do crazy things but I can only do that with the right circle of friendsHalos tumakbo na ako palabas ng court ng matapos ang laro. Excited na kasi ako pumunta sa Horror booth dahil gusto kong makita kung ano ang theme nila ngayon.Dumiretso ako k

    Last Updated : 2021-07-04

Latest chapter

  • Serenity Breaker    Chapter 5

    Last day ng Intramurals at papalabas na ako ng bahay. Sumakay ako ng tricycle dahil naka mini skirt ako dahil ito ang pinasuot sa amin para mag cheer sa representative namin sa Intramurals.Walang laman ang tiyan ko papunta sa school dahil hindi ako pinakain ni Venice.Ng makarating ay agad akong dumiretso sa canteen pero nakalimutan ko ang wallet ko."Bwesit!" Maktol ko at lumabas ng canteen. Gusto ko sanang puntahan si Ted pero ang layo ng room nila. Manghihiram sana ako ng pera sa classmate ko ng makita ko si Marc na lumalamon ng burger habang sa isang kamay niya ay may bitbit na isa. Kaya lang ay nasa likod niya si Leonardo at ang iilang kaibigan nito.Psh. Magkakilala nga pala sila Marc at Leonardo.Aalis na sana ako ng bigla akong tinawag ni Marc."Amaryliss!"Bagot akong nilingon siya at pati mga kaibigan niya ay nakatingin na saakin."Ano?" Tanong ko pagkalapit at napati

  • Serenity Breaker    Chapter 4

    First day ng intramurals at nasa court ako at nanunuod ng basketball. Kailangan kasi naming manood dahil section namin ang lalaban kontra TVL."Uy ano to?!" Napalingon ako sa sumigaw at nakitang may tumatakip sa mata ni Trina na dalawang lalaki."Buti pa si Trina may ka blind date!" Sigaw ni Issa. Sinamahan pa nila ang kaibigan papunta sa booth. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa court. Kung hindi lang sa attendance ay hindi ako pupunta rito eh.I'm not a loner.People are just not approaching me because I look a not approachable person and I don't want to approach them either. Of course I know how to make jokes and I know how to do crazy things but I can only do that with the right circle of friendsHalos tumakbo na ako palabas ng court ng matapos ang laro. Excited na kasi ako pumunta sa Horror booth dahil gusto kong makita kung ano ang theme nila ngayon.Dumiretso ako k

  • Serenity Breaker    Chapter 3

    "Uy babaeng dagat!" Kinamayan ako ni Ted kaya lumapit ako sakanya.Nasa cafeteria ako ngayon para maglunch."Sinong kasama mo?""Me, myself and I" maarte kong sagot"Sabay na tayong kumain, wala kasi sina Trisha at Heather nakikipaglampungan sa jowa nila" Napayuko at naitikom ko ang aking bibig. Napansin iyon ni Ted kaya iniangat niya ang muka ko"Anyare sa muka mo Te? Malungkot ka ba dahil wala kang jowa tulad nila Heather at Trisha? Don't worry nandito ako!" Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at binilisan ang paglalakad kasabay niya.Nakakalungkot lang kasi na sinasama niya lang ako kung wala ang mga main friends niya. Pero hindi ko naman siya masisisi."Hoy babae, tutal malungkot ka dahil wala kang jowa. May irereto ako sa'yo" napangiwi ako sa sinabi ni Ted. Nakaupo na kami ngayon at tapos ng mag order ng pagkain."Not interested" I sai

  • Serenity Breaker    Chapter 2

    Nandito ako ngayon sa school para sa enrollment. Nasa probinsya kami nakatira pero sa private school ako nag-aaral while si Kuya ay nasa syudad at nag-aaral sa exclusive school. Dito ako pinaaral ni Venice dahil hindi daw ako pang exclusive school.Ako lang mag-isa na nag fifill-up ng form. I have friends but I have no one that I can call a bestfriend. Ted is my friend but we're not very close. I don't know why people can be with me but not for a long period of time.Napatingin ako kay Ted na kausap si Harold. Lalaking lalaki kumilos si Ted at hindi talaga mapapansin na may halo siyang pink na dugo. Napalingon siya saakin at tinignan ako ng masama na para bang pinagbabantaan ako. Napatawa nalang ako at bumalik sa pag fifill-up.I was busy sa pagfifill-up ng may dumating na sasakyanLike the other student, I was also staring at it as if may artista na nakasakay rito. Bumaba roon ang isang babae.

  • Serenity Breaker    Chapter 1

    I opened my eyes as a wave of water hit my feet. I am in my favorite place where I can control my thoughts.I've been going here in the seaside since I was a child. This is my favorite spot where I can think peacefully. A place full of serenity and calmness.My life has been tough and full of uncertainties but the sea always gives me hope. My life has its highs and lows like the sea but it still finds a way to be beautiful.Noong bata ako ay nakita ako sa dalampasigan.May kwintas na nakasuot saakin at may pendant na singsing kung saan may nakauikit na pangalang Serene. Pero hindi ko iyon sinuot.How come my biological parents gave me a necklace and not a letter? Nakakatawa diba? But I really wished that it was a letter. A letter full of explanations why they left me. I don't want to grow full of questions but here I am compilin

DMCA.com Protection Status