Home / All / Seductress Portrait / Ikalawang Kabanata

Share

Ikalawang Kabanata

Author: DebtheCulprit
last update Last Updated: 2021-02-26 08:49:19

Play

Gumawa ng tunog ang mga yapak ng soccer shoes ni Yves. Nahihiya akong yumuko at pinagmasdan maigi ang magarang sapatos niya. Kinakabahan ako na baka hindi niya magustuhan ang portrait na ginawa ko.

Leticia giggled when finally he stopped in our position. Umatras pa ako ng kaunti.

"What is that?" his voice registered a very manly voice to my ears.

Naramdaman ko ang kilos ni Leticia at napasilip ng kaunti sa kaniya na binibigay ang portrait.

"T-This is for you, Yves." ani ni Leticia.

Naglakas loob akong tumingin sa kaniya habang tinatanggap ang portrait. Kapansin-pansin ang pangungunot-noo ni Yves.

Ang kababaihan sa likod ay napasilip din doon kung kaya nahiya ako. Inatae kaagad ako ng kaba ng mariing sinuri niya ito.

"Did you made this?" tanong ni Yves. Nagkabuhol-buhol ang utak ni Leticia dahil sa tanong ni Yves. Kaagad napabaling siya sa'kin at may kung anong ipinapahiwatig.

"Y-yes. Of course." ngumisi si Leticia ng pilit. Tila nasaktan naman ako sa sinabi niya. Hindi sa gusto kung mapuri at kung ano pa. Gusto ko lang naman mabigyan minsan ng pagkakataon na makilala ang talento ko.

"Really?" napatango si Leticia.

"It's nice." ngumuso si Yves. He then winked at Leticia.

Umalis kaagad si Yves bitbit ang portrait. Parang hangin lang na nilagpasan kami ni Yves.

"Bes." sambit ni Leticia habang kami'y naglalakad. Kaagad binalingan ko siya. Napapansin niya narin siguro ang pag-iiba ng timpla ko.

"Sorry nga pala sa pag-angkin ko ng gawa mo ah? Gusto ko lang talaga na mapansin niya ako."

I nodded at her and I let out a heavy sigh. Kahit papaano'y nararamdaman ko rin ang nafefeel niya. To be noticed is worth for smile and contentment. Ang kaibahan lang ay natatakot akong malaman ni Leticia na may pagtingin ako kay Yves.

"Okay lang yun. What friends are for, right?" napangisi siya at nag-apir sakin.

True to her words, she helped me with Winona. Hinanap namin sa buong sulok ng campus si Winona. Nadatnan namin siya na kasama ang mga kaibigan niya sa may field. At first, I'm very hesitant na ibigay sa kaniya pero sayang naman kung hindi ko maibibigay ito.

"Winona." tinapangan ko ang sarili ko. Napabaling halos lahat ng kaibigan niya samin.

"Y-yes?"

Dahan-dahan kung inilahad sa kaniya ang coin portrait. She then held it. Maingat kung pinagtuunan ng pansin ang mukha at reaksiyon. All I could noticed is that she's almost crying and having hard time looking at it.

"What is that?" sulpot ng isang kaibigan niya at sinilip ito.

"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa iyo." nahihiyang sabi ko. Seryoso naman akong sinuri ni Winona.

"S-salamat." she said while wiping her tears. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Somehow I felt my works were appreciated.

"Bakit ka umiiyak?" natatawang kantiyaw nila kay Winona. Napairap si Winona at napahalakhak.

"Ako iiyak? Sobra kasing panget ng gawa niya. Nakakaiiyak naman masyado. Ang trying hard ng paggawa." napahawak pa siya tiyan niya dahil sa tawa. Nagtawan ulit sila at may kung anong pinagsasabi. Ang tanging nararamdam ko lamang ngayon ay ang hiya at sakit dahil sa sinabi ni Winona.

Napaestatwa lamang ako sa posisyon ko at pilit na isiniksik sa utak na wala lang iyon.

"Let's go. Sumosobra na iyang bruhang yan. Gaga talaga." mahinang bulong ni Leticia sakin. Hinawakan niya narin ang braso ko.

"Maganda naman ito eh. Ambabaw niyo naman para pagtawanan ito." nagagalit na sabi ng isang lalaki.

"Duh? Are you kidding me? That's a cheap work. Pang kalyeng work." buwelta ni Winona.

"It's actually nice Winona." segunda ng isa.

"Shut up. I don't like it. Sobrang panget." nagagalit na sabi niya.

"S-sorry kung hindi mo nagustuhan." ani ko habang pilit na ngumingiti. Kita ang awa sa mata ng mga kaibigan niya para sa'kin.

"W-whatever. Sa susunod gandahan mo pa. Baka naman maimpress ako at ireto kita kay Kuya--"

"Winona tama na." inatake ako ng kahihiyan sa muntikang pagsambit niya ng pangalan ni Yves. Ayokong marinig ng lahat iyon at pati na ni Leticia.

"Tara na. Bwisit." nagpatianod ako sa hila ni Leticia. Pilit kung pinipigilan ang pag-iyak ko. Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi niya. She could just accept and said her thoughts for herself. Hindi iyong pagmukhain akong kaawa-awa sa harap ng mga kaibigan niya.

Pinaupo niya ako sa isang bench. Hindi ko namalayang nasa Science Garden pala kami malapit sa Soccer Department.

"Okay ka lang ba? Ang sama talaga ng babaeng iyon." hindi ako kumibo sa kaniya.

"Pastel!" may diing sambit niya kung kaya napabalik ang ulirat ko.

"Hah?"

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Kasi kahit papaano hindi niya naman sinira iyong gawa ko."

"Pero siniraan niya ang gawa mo."

"It's normal to hear it. Nasasaktan din ako pero I can endure below the belts criticisms. Mas okay na sinabihan ako ng masasamang salita kaysa na sinira niya iyon."

"You sure?"

I sighed and nodded again. "Yes. Huwag mo na pagtuunan ng pansin iyon. Alam kung nagustuhan iyon ni Winona."

Nakita ko kasi na mangiyak-ngiyak na siya kanina. Siguro dala ng kantiyaw at tawanan nadala siya ng hiya na makitang naantig siya.

Umuwi ako pagkatapos noon. Medyo pagod ang katawan ko pero kung kaya napasalampak kaagad ako sa kama. I didn't eat our dinner. Masyado akong pagod para kumain pa.

Niyaya pa ako nina Mommy na kumain pero wala talagang gana para kumain. Hinayaan narin nila ako at binilinan na babawi bukas sa almusal.

I took a short nap. Pero nagulat ako nang may kumatok.

"Pastel?" naalimpungatan ako sa katok.

"Sino iyan?" tanong ko.

"Si Kuya mo ito. May magazine ka ba diyan?" nagulat ako sa tanong niya at kinabahan.

"W-wala kuya." sabi ko habang unti-unting dinadampot ang pamalo sa tabi ko.

"Ah ganon? Okay Pastel. Goodnight." malambing niyang sabi at umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag. Did he really said goodnight? It's good that he's improving now.

Dumating ang umaga. Maaga akong nagising at umalis. I need to pass an individual written project in our English subject. Hindi ako masyadong maalam sa pagsusulat pero tinry ko parin na gumawa.

"Ano'ng title ng written piece mo?

Napatigil ako sa pagrewrite at binalingan ang kaklase ko. "Lost shades in the light. Sa iyo ba?" gumuhit sa mukha niya ang paghanga.

"Ang ganda naman. Sakin kasi "The Rays" tapos wrong grammar pa." napahalakhak siya pero I don't find it funny.

"Nako maganda naman siguro iyan." pangungumbinse ko.

"Crush mo si Yves no?" sulpot niyang tanong na ikinagulat ko. Ngumisi siya. Nawalan ako ng kulay ang mukha ko.

"H-hindi no." pagmamaang-maangan ko.

"Talaga? Ginawan mo siya ng portrait diba? Nakita ko sa bag mo." napalunok ako.

"Pinagawa lang sa'kin yon." I tried to laugh to conceal my actual feelings.

Tumawa siya. "Okay sabi mo eh." at tuluyan na siyang umalis. Mukha naman nakumbinse ko siya kung kaya nakahinga ako ng maluwag.

Dalawang subject pa ang dumaan at napakasakit sa ulo ng math solvings. Kahit anong gawin ko talaga hindi ako makafocus. Idagdag pa rito ang pangungulit ulit ni Leticia na magliwaliw sa field para panoorin ang game ni Yves.

"You know what inadd ko siya sa IG and he accepted my request." napairap ako sa kaniya. Good for her.

"Well congrats to you!" ani ko habang nag-aayos ng mga gamit.

"Of course." parang nililipad siya ng hangin habang masayang nag-iisip.

"Samahan mo na ako sa field. May ipapakilala ako sayo." I didn't have the time to react. Kaagad na hinila niya ako kahit na marami na kaming nababanggang mga kaklase sa hallway.

Nang makarating kami sa field ay medyo punuan ang mga seats. Nadismaya ng kaunti si Leticia pero nasisiyahan ako. Gusto ko ng umuwi at magpahinga o gumawa ng artwork.

"Kainis. Paalisin ko kayo iyong dalawa ng iyon." turo niya sa mga nerd.

"Stop it. Nahihibang kana ba? You will trade your manners for this soccer game?" angil ko sa kaniya. Napabelat siya sakin kung kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako bahala." hinila niya ako pero binigitan ko ang katawan ko. I don't want to tug with her doing that unreasonable actions. Kahit gusto ko si Yves hindi ko ata kayang gawin na bastusang paalisin ang mga iyan. They are still harmless regardless of their physique.

Maraming nagpresinta sa kaniyang nag-upo sa mga seats. May itsura si Leticia. Maganda siya at medyo maarte sa katawan. Kumpara sa'kin medyo primitive ako at simple lamang manamit. Marami rin siyang suitors na mga seniors pero nasa isang tao lamang atensiyon at pagkagusto niya.

"Thank you." she winked at them. I just chuckled at her.

Naupo kami ng prente sa upuan. Wala pang nakagoal sa dalawang teams. Pero todo hiyawan ng lahat dahil hindi lamang players ang lumalaro kundi may mga itsura ang mga ito. Ngunit nanaig parin ang nag-iisang hari ng football field na si Yves. Kahit friendly game lang ulit ito ay nag-uumapaw ang supporta at mga banners para sa kaniya.

I kinda like it when he winked at his fans. Naroon ang paggamit ng charisma niya. Hindi naman pala siya ganoon ka suplado. He still has the friendly character that's lacking with others or maybe he's just using it to attract more fans?

Nang nakashoot si Yves ay dumagundong ang field sa hiyawan. Gusto kung tumili rin ng pagkatodo-todo dahil sa angking galing niya sa pagsipa at pagpapaduling ng mga kalaban niya pero pinipigilan ko. Si Leticia ay panay ang tayo at palakpakan.

Natapos ang laro na panalo ang team nina Yves. Dali dali akong hinila ni Leticia pababa sa field malapit sa mga soccer player.

Maraming nakapalibot sa mga players pero tinulak ni Leticia ang nasa unahan kung kaya nakapasok siya at ako'y naiwan sa likuran. Hindi ko sinasadyang natapilok ako sa isang bimpo kung kaya natumba ako.

"A-aray." napahawak ako sa baywang ko dahil sa sakit ng tama sa lupa. Panay parin ang siksikan ng mga fans sa unahan ko at pilit na gustong tumayo. My gazed lowered at my body.

"Are you okay?" nagulat ako ng may lumahad ng kamay sa unahan ko. Napaangat ang tingin ko at nanlaki ang mata nang nakita si Yves sa unahan ko, pawisan na nakalahad ang kamay.

Nagkatitigan kami. Ngayon lang ata ako nakaranas na magkatitigan ng ganito kakaba at parang sinisilaban. I didn't have the choice but to put my hand on his hand. Unti-unti niya akong inangat at kaagad naman akong nahiya dahil sa mga lantang damo sa puwet ko. Pinagpagan ko ito.

Nahagip ng tingin ko si Yves na ngayo'y tinitigan ako. I felt my cheeks turned red because of it.

"S-salamat." mahinang sambit ko.

"What is this bro?" napabalikwas ako nang nakitang nakatitig na ang kaninang nagkukumpulang mga babae sa unahan. Ang iilang soccer players ay napabaling narin samin. Lahat sila ay nakatitig samin at parang nanghuhusga. At ang mas ikinagulat ko ay si Leticia na ngayo'y nakatingin sa'kin. Hindi maipinta ang mukha niya.

"Nothing. Tinulungan lang." he shifted his sight to his teammate then back to me. Ngumuso siya sa'kin. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon.

"Sa susunod mag-iingat ka. Baka matumba ka ulit." he smirked then proceeded to his teammate. Naiwan akong naguguluhan sa iaakto ko. Umalis narin ang mga fans nila ngunit nanatili lamang si Leticia.

Kaagad na nilapitan ko siya sa posisyon niya.

"What was that Pastel?" bungad niya ng tuluyang nakalapit ko. Nangapa naman ako ng aking sasabihin pero hindi naman iyon sinasadya.

"Aksidenteng natapilok tapos tinulungan niya ako."

Napabuntong hininga siya ng malalim. "Akala ko naman gusto mo rin siya. Ang utak ko talaga masyadong magulo. Alam ko namang ayaw mo sa ugali niya." napangisi ako ng pilit at tumango. Nakaramdam ako ng pait sa sistema ko. Siguro mas maiging itigil ko na itong pagkagusto ko kay Yves. I need to get out of this.

"Sino ba ang ipapakilala mo sa'kin?" pagwawala ko ng topiko.

"Oo nga pala. Soccer player din iyon. Tara sa Soccer Department."

"Bukas nalang kaya?" kinakabahang sabi ko.

"Bakit? He's an artist too. For sure you'll both jive with each others." I shook my head.

"Nahihiya ako."

"Gusto ka kasi niyang makilala eh." ani ni Leticia. Nagulat naman ako na may taong gustong makilala ako.

"Ano naman ang gusto niyang makilala sakin?" inirapan niya ako.

"Ewan ko sa'yo. He's just friendly and he wants an art buddy too."

Pinaunlakan ko nalang. Nang nakarating kami sa soccer department ay dire-diretso lamang ang lakad naman papuntang loob. Naaninag ko ang mga coaches na kasalukuyang nagsesession sa kanilang mga players sa gilid. Napatingin naman ang iilang nakahalf naked na mga players samin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at napahinto sa indoor gym ng mga soccer players. Nagkalat ang mga sapatos ng mga players sa sahig kung kaya pinulot ko ito at inayos.

"Ano ba naman yan Pastel! Marurumi na ang mga iyan." singhal ni Leticia habang pinagpapatuloy ko ang pag-aayos.

"Okay lang sobrang kalat kasi." may amoy nga ang iilan pero ipinagsawalang bahala ko na lamang. Maghuhugas nalang ako ng kamay mamaya.

She just chuckled. May tinatawagan si Leticia sa cellphone kung kaya naging busy siya. Napaupo muna ako sa bench sa gilid ng gym. Naririnig ko ang ingay ng mga soccer players sa loob na siguro'y nagwowork out.

Biglang bumukas ang pinto ng gym at iniluwa ang isang lalaki. Mestiso siya at naglalakihang muscles sa braso. Ngayon ko lang ata siya nakita rito.

"Where is she?" tanong niya kay Leticia nang hindi ako napansin na nakaupo. Kaagad na inginuso ni Leticia ang posisyon ko.

He smiled while cleaning his hand. Inilahad niya ang kamay niya kung kaya napatayo ako.

"I'm Piettro." he radiated a smile on me. I accepted his shake.

"She's Pastel." ani ni Leticia. Napangiti narin ako.

"You're an artist too? Naikuwento ka kasi ni Letty sakin." napangunot noo ko dahil alam niya ang nickname ni Leticia.

"Maybe you're wondering. Cousin ko si Leticia." napahalakhak siya. Napatango na lamang ako.

"Nice meeting you." sa maliit kung boses na sabi.

"Why there are girls in here?" bumungad sa likod namin si Yves na nakahalf naked. Napalunok ako nang napatingin ako sa katawan niya.

"Dude, bumisita lang sa'kin." sabi ni Piettro. Hindi ko ata maalis ang tingin ko sa katawan ni Yves.

"This is my cousin Leticia and Pastel." tinanguan siya ni Yves. Binalingan niya ang mga inayos kung sapatos.

"Sino ang umayos nito?" seryoso niyang sabi. Hindi ko alam if sasabihin kung ako ang umayos o huwag na lang. Mas pinili kung tumahimik na lamang.

"Hindi ako bro."

"I know." ani ni Yves habang matamang tinitigan ang mga nakaayos na sapatos.

"I bet her/his hands are dirty and full of germs now." he smirked and chuckled. Kaagad naman umalis siya. Natamaan naman ako sinabi niya. Maybe I should wash hands now?

Related chapters

  • Seductress Portrait   Ikatatlong Kabanata

    ProtestNapatawa kaagad si Leticia habang nalolokang tinitingnan ang kamay ko. Nahiya naman ako ng bumaling si Piettro doon kung kaya tinago ko."Alis na tayo Leticia." pilit kung sabi at hinila papunta sa'kin si Leticia. Nakakahiya!"That was so fast." Piettro smirked. Napailing ako. I need to wash my hand. I felt ashamed. Mukha kasing alam niya rin na ako ang nag-ayos ng mga sapatos na iyan."Maybe next time." Leticia mumbled, escaping another laugh from her lips."O-okay." tumango si Piettro kung kaya mabilisan ko siyang inilayo sa Soccer Department.Panay ang tawa ni Leticia habang naglalakad kami papuntang comfort room. I was just trying to help okay? At lahat naman siguro ng gamit ay may mga mikbroyo. Pangungumbinse ko sa sarili.Hindi parin mawala-wala sa isipan ko kung papaano diinang sinabi iyon ni Yves na may pandidiri sa mukha.

    Last Updated : 2021-02-26
  • Seductress Portrait   Ikaapat na Kabanata

    Scold"What is this Leticia? Bakit sumasama ang anak ko sa mga ganoong rally." naalimpungatan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ni mommy. Kaagad na napakurap ang mata ko at parang nabuhusan ng malamig na tubig."Ugh." napapiyok ang boses ko nang maramdaman ang bahagyang pagsakit ng ulo ko."My god! Pastel, don't move." napabangon ako sa taranta ng makita ang anino ni Mommy at si Daddy na ngayo'y may kausap sa sofa. Inalalayan ako ni mommy. Parang pinukpok ang ulo ko ng malakihang metal."Mommy." gumaragal ang boses ko nang makita ang pag-aalala sa mukha niya. Bakit nalaman ito ni Mommy? They must be worried."Mabuti na lamang at sinabihan ako ni Leticia. Kung hindi ko pa nalaman baka nagpatuloy ka sa pagsama sa mga ganoong pagtitipon." nailihis ko ang tingin kay Leticia na ngayo'y nakatayo sa gilid na may tinitigan malapit sa direksiyon ni Daddy.May

    Last Updated : 2021-02-26
  • Seductress Portrait   Ikalimang Kabanata

    TaskWeeks had passed. Naging maayos naman ang mga nagdaang araw ko sa school. It's just that sometimes Leticia tugged me with her. Niyayaya niya ako palagi sa practice ng mga soccer players sa field kapag free time. Minsan nauumay na lamang ako dahil nararamdam ko ang mapanuksong tingin ni Yves kapag nahahagip ko siya sa mga ensayo at laro nila.Napadukmo ako sa upuan habang nag-iisip ng konsepto para sa Buwan ng Wika. This past few days I'm really distracted. Wala ni isang pumapasok sa isip ko. Naiinis ako dahil hindi man lang ako sinabihan na ako ang kinuhang representative para sa poster making contest na gaganapin bukas."Ready ka na ba bukas?" napabangon ako sa tanong ni Filomena, presidenti ng room. Siya rin ang pumili sa'kin bilang kalahok para bukas."Medyo." nahihiyang sabi ko. Tinaasan niya lamang ako ng kilay."What? Ikaw pa naman ang sinuggest ni Winona. Baka

    Last Updated : 2021-02-26
  • Seductress Portrait   Ikaanim na Kabanata

    HeldNagtungo muna kami ni Leticia sa classroom. Hindi maalis alis ang sinabi ni Yves sa akin kanina. It's like I'm enchanted with his words. Pero naiisip ko na natural naman talaga iyong sabihin kapag may nagawa kang art. And the audience will be the one to appreciate and will act as spectators.Ilang minuto pa ay namalayan ko na lamang na nakarating na kami sa classroom. Bumungad sa amin ang mga kaklase namin na may kaniya-kaniyang ginawa. Somehow, I'm expecting for their support on that competition even in a last minute. But I know I can't please them to do it."Oh, kumusta ang contest?" bungad ni Filomena."Okay naman. Nakaraos." I smiled."Mabuti naman. I heard angganda raw ng gawa mo." bakas ang panunukso sa tono niya. It's like she's doubtful with my work. Hindi naman ako nag-eexpect ng malaki sa gawa ko. As long as napasa ko on time at kontento ako magaan kung tata

    Last Updated : 2021-02-26
  • Seductress Portrait   Ikapitong Kabanata

    Soccer"Congratulations anak." nagulantang ako sa mahigpit na yakap ni Mommy nang makatungtong ako sa bahay. Bahagyang nag-init ang gilid ng aking mata sa sayang nadarama ko.Hinayaan ko siya sa yakap niya. Napatingin ako sa likod at naroon si Daddy na nakangiting nakatanaw sa amin. Ilang segundo pa ay napahiwalay siya sa akin at mariing sinipat ako.Pinahiran niya ang munting luhang kumawala sa mata ko. "Bakit hindi mo pinaalam sa amin na sumasali ka sa mga ganoong kompetisyon?" ani ni Mommy. Nangapa ako ng salita. She is just staring at me intently with so much flavors in her eyes. A mirror of a mom's eyes is really a scenery worth to dive with."Nahihiya ka ba?" segunda niya pa. Napakapit ako sa bag ko.I nodded at her. I've always been envisioned by my family as someone wholesome who has the standard of rich people. It needs to be reflected in my school activities and as we

    Last Updated : 2021-03-17
  • Seductress Portrait   Ikawalong Kabanata

    PortraitInatake ako ng hiya. Kung kaya hinila ko si Leticia palayo sa store at nagpakalayo-layo, hindi na hinintay ang milktea na binili ni Yves.Kasalanan ko naman ang nangyari kaya hindi na kailangang bilhan niya pa ako. I was just really very clumsy earlier. Habang hila hila ko si Leticia ay panay lamang ang pagtatanong niya at hindi na makaayos na nakainom ng milktea.We were both panting when we stopped at the nearby footwalk. Tagaktak ang pawis ko at nagkagulo ang ayos ng hibla ng buhok ko. Inayos ko ng kaunti at pinahiran ang butil ng pawis."What is your problem? Baka naghihintay doon si Kuya Yves." Napalinga-linga at napainom sa milktea niya. Sinipa ko ang maliliit na bato sa paanan ko."Hindi naman ako mahilig sa ganoon tsaka second period na. Late na tayo." napatango ako sinabi ko. What if naghintay nga? Second thoughts keep bugging me. Nagmamagandang loob lang nama

    Last Updated : 2021-03-18
  • Seductress Portrait   Ikasiyam na Kabanata

    BenchPunuan ang Milk Tea Shop. Isa ito sa mga dinarayong shop sa Estancia kung kaya kapansin-pansin ang dagsaan ng tao sa loob pati narin sa labas. We stopped half way near the entrance to wait for the dispersion of crowd. Kaagad na naagaw ang mga atensiyon ng iilan nang natanaw ang paparating na sina Kuya Quevin at Yves.Kahit sa mismong tindig palang nila malalaman mong may ibubuga sila. Sikat si Yves dahil tanyag ang apelyido nila sa buong bayan. They owned the Honorario Group of Companies together with the medium enterprises in local and neighboring municipalities. No doubt his presence is always bold and could really snatch the spotlight in public. Idagdag pa ang pisikal na pangangatawan niya at itsura na kinahuhumalingan ng mga kababaehan dito. I've know some information about them but not the controversial death of his sibling, Harith.May itsura din naman si Kuya Quevin. He has a fine torso and appea

    Last Updated : 2021-03-19
  • Seductress Portrait   Ikasampung Kabanata

    AidIt was still a shock for me to personally confess my feeling to Yves at a most unexpected place. It was like in a replay button mode. Hindi parin ako makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari kanina. Ilang oras ko ring dinibdib ang kahihiyan na iyon bago ako tuluyang nakatulog sa kakaisip.Kinaumagahan, matamlay akong pumasok sa school. I was expecting that Leticia won't lay her eyes at me. Tanggap ko na naman iyon. Pero hindi. Sobrang nagkamali ako.Sinalubong niya ako ng mataginting na yakap nang makita niya akong naglalakad. Gulat na gulat ako na napatigil sa hallway sa engrandeng salubong ni Leticia. Naagaw namin ang atensiyon ng mga dumadaan sa gilid namin."U-hh..." iyon lamang ang nasambit ko sa gulat.Sa sobrang higpit ng yakap niya ay hindi ako makahinga. Ilang minuto rin bago kumawala siya sa yakap. Naiwan lamang akong nakanganga sa biglaang ginawa niya.

    Last Updated : 2021-03-20

Latest chapter

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't limang Kabanata

    Colors Nagising ako sa malamig na pagbuga ng hangin galing sa maalong dagat. Kagabi ay nagkuwentuhan kami sa kung ano ano mang bagay. And we forgot to go to our room. Nakatulog kami sa tent namin katapat ang dagat. Niligon ko si Yves sa tabi ko. He was peacefully sleeping in a handsome way. May mga kaunting buhangin sa mukha niya kaya kinuha ko. I can't believe I was blessed by his genes. Lucky for our child to have a handsome but arrogant father. Nagising din naman siya kalaunan. We enjoyed our day eating and doing things we never done before. We went to ancient caves, huge rainforest and stepped foot on the promising falls. "Kumain kana muna. You need to be healthy." "Andami ko nang nakain." "That's better." "Baka naman masobrahan ako." He smirked. "You think?" Tumango ako. He just chuckled. "Don't worry. I just want the best for you." Panay ang bigay niya sa akin ng samu't sa

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't apat na Kabanata

    RestNapabalikwas ako nang nagising ako na bumulagta ang puting kisame sa itaas ng ceiling. Kinilabutan ako at baka kung ano ang nangyari sa anak ko.Kaagad na dinaluhan ako ni Yves at sakto ring papasok sina Mommy at Daddy sa loob ng hospital room. Kitang kita ko ang pag-aalalang nakapinta sa mga mukha nila.Nakatulog ako? Bigla kaagad na bumalik at sumagi sa isip ko ang kawalang hiyaang ginawa ni Kuya Achim sa akin. It sent shivers to my spine. I felt my feet and hand trembled and became numb. Labis ang pagkamuhi ang naramdamam ko at kasabay nito ang pagpatak ng mga butil ng luhang may halong inis at paghihinagpis.The same Kuya Achim of my cruel past gave me strange nightmares...again. I felt dirty, continuously molested and hammered. It's still fresh. My body could feel and testfiy how a demon laid his hand on my skin and other parts of my body.Naramdaman ko ang paglakbay ng kamay ni Yves. Nagkatingin kami. I saw glint of vul

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't tatlong Kabanata

    ShoutPagkatapos ng tagpo sa office nila ay panay ang tanong ni Yves tungkol sa ipinakuha kong durian sa staff niya. The rumors of the employees even escalated. Mabuti na lamang ay umalis din naman kami."Why do you want to eat it? Baka ikasama ng tiyan mo. You're not fond of it." napailing ako sa paulit-ulit niyang tanong. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol dito. Kinuha ko ang durian dahil nahihiya naman ako na hindi kuhanin kasi parang binili niya pa sa merkado.Napatabon siya ng ilong dahil umaalingasaw ang amoy ng durian. Panay ang mura niya pero kapag binabalingan ko siya ay napapaayos siya."Gusto ko ngang i-try." ulit na sabi ko.He sighed violently. "It is a stinky food. Ang baho na ng kotse ko.""Gusto mo itapon ko nalang ba?" I narrowed my eyes at him."I-I didn't say that." depensa niya. It's true. The durian stinks very hard inside his car. Kahit na pinatay na ang aircon ay grabe parin ang baho."You can always te

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't dalawang Kabanata

    Stinky True to his words, sinamahan ako ni Yves palabas. Napagpasiyahan ni Janina na lumarga kaya naiwan akong mag-isa.Pahamak! "Uh-h, I need to go. May pupuntahan pala ako." "Ano?" Ngumisi si Janina ng pilit. Nakamasid lamang si Yves sa amin. "May pupuntahan nga ako." sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong nagsisinungaling lamang siya para makaalis. "Wala akong naalala na may pupuntahan ka." "Eh, basta! Bahala ka diyan." "Janina." huli na nang bigla siyang umalis ng walang pakundangan. Wala naman talaga akong kukunin sa kotse. It's just that gusto ko lang mawala ang inis ko. Tahimik siyang nakasunod sa tabi ko. Panay ang baling niya sa akin pero hindi ako nag-atubiling lumingon sa kaniya. Am I being reasonable right? I was exhausted. Naroon din ako sa punto na parang ambigat palagi ng katawan ko. I have experienced mood swings. And

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't isang Kabanata

    Girl"What's with the face? Hindi ba kayo nag-usap ni Yves? Magkaaway kayo, no?" napalingon ako kay Janina.I hide my annoyance against Yves. Kakatext ko lang sa kaniya pero hindi man lang ako ni-replyan. Hindi ko pa sinabi sa kaniya na umuwi ako sa Estancia. I want to surprise him but I got irritated right now."I don't know why he's not entertaining me.." naiinis na sabi ko habang nakadungaw sa malaking establisyemento ng Honorario. Sa kabila ay ang site namin na ngayon ay pinatayuan namin ng bagong negosyo. It's now booming. The losses we have in the past have been slowly replaced by good trades of investments and other more."Pastel, he's a busy person. Ano kaba? Huwag ka magpastress! Masama iyan sa condition mo." napahalukipkip siya sa likod ko.Malaki ang naging improvement ng Estancia. There are signs of urban development. Mayroon na ring mga traffic lights and iilang billboards nakalagay sa payapang espasyo doon malapit sa piyer. It was sad

  • Seductress Portrait   Ikalimampung Kabanata

    HomeMabuti na lang at natapos din iyon. Pagkatapos noon ay nagpasa lamang ako ng last requirements sa school.I am wearing a simple white flowing dress paired with stilleto. As of now, I don't feel anything. May part sa akin palagian na pagmomonitor at pinakikiramdaman ko ang sarili ko."Punta tayo sa private clinic maya maya." hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang sinabi ni Janina. Yves only texted me once this morning. Not that I am being demanding but I need him right now. Pero kailangan ko pa muna ng strong confirmation. I won't disturb him for now. Baka nasa trabaho parin siya.Bukas na bukas aalis ako papuntang Estancia. I'll bring good news and blessing to him.Napangiti ako."Huh? Ano ulit iyon?"Binalingan ko si Janina na naiirita na."Sabi ko pupunta tayo sa clinic mamaya para makapagpa-check na tayo.""Okay Janina. Salamat talaga." humalukipkip siya."Tsee. Pero sigurado akong ang gwapo/maganda

  • Seductress Portrait   Ikaapatnapu't siyam na Kabanata

    ConfirmationI enjoyed that night. I guess.Pagkatapos ng gabing iyon, umuwi na kami sa Manila. Yves needs to attend to their operation in Estancia.Mabuti nalang tapos na ang second take report namin ni Fabio. It went well naman kasi pinaghandaan na namin. Requirements at iilang write ups nalang then I am free. Well for now, I need to finish my summer class nang sa gayon ay makabakasyon ako sa Estancia.Yves:Maybe, I can't text with you this day. May inauguration kasi kami and I need to spearhead. I love you.I smiled with his sweet gesture. I mean he doesn't need to make me aware every bit of his work. Naiintidihan ko naman na kailangan siya ng kompanya nila. And I support him with that. Kaya nakakataba ng puso na palagi kang nireremind sa mga ganitong bagay. It feels like you he can't function with my awareness.Magtitipa ako sana ng reply nang biglang sumama ang sistema ko. Kaagaran akong patakbong pumunta sa comfort room. I feel

  • Seductress Portrait   Ikaapatnapu't walong Kabanata

    Stars I wore a layered jacket and sweater. Ganoon din naman si Yves. Baguio's weather is really cold especially we are at its cold peak season. The cold is crawling into my body like wildfire. Napagpasiyahan naming kumain narin sa labas. We ate in a fine dining restaurant. Hindi kami masyadong nagtagal doon. "Mukhang sarado na ang mga tourist attractions." he said while we stopped at Mines View Park. Oo nga sirado. Binalingan niya ako. "You alright? You seem disappointed." I shook my head. "I'm not." "Okay. Let's try another spot here in the vicinity." I was really a bit disappointed. Pero siyempre hindi ko pinahalata. This is our last day. And haven't stroll around here. Hanggang condo lang talaga ako. Naglibot pa kami sa ibang tourist spot. May isang pinuntahan kami pero magsasara na sila. "Wala na po ba? I can pay for the overtime fee of this spot." My eyes widened. Ngumisi

  • Seductress Portrait   Ikaapatnapu't pitong Kabanata

    Symptoms It was really hard to comprehend Yves' weird actions. It was as if he is hallucinating of something. He is also the one who cook for us and paid extra effort to always feed me. "If you are busy, I can cook for us. You don't need to do that." napahawak ako sa sentido. This past days I always experience dizziness. Maybe, because of the shift of environment here in Baguio and the cold temperature. Seryoso siyang nakatutok sa laptop niya bago binalingan ako. "I can do it. Just chill yourself. I'll do the cooking and all." Nagulat ako. I am really touched with his changes. Kung noon medyo arogante siya, now seeing him maturely grown makes me happy. "But I can cook. Ginagawa mo akong embalido rito." naiinis na sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. His playful eyes darted at me with adoration. "You deserve to be worshipped." napapaos niyang sabi. Am I a God? Bigla ko tuloy kwinestiyon sarili ko. I rolled my eyes. "You

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status