Home / All / Seductress Portrait / Ikawalong Kabanata

Share

Ikawalong Kabanata

Author: DebtheCulprit
last update Last Updated: 2021-03-18 00:54:39

Portrait

Inatake ako ng hiya. Kung kaya hinila ko si Leticia palayo sa store at nagpakalayo-layo, hindi na hinintay ang milktea na binili ni Yves.

Kasalanan ko naman ang nangyari kaya hindi na kailangang bilhan niya pa ako. I was just really very clumsy earlier. Habang hila hila ko si Leticia ay panay lamang ang pagtatanong niya at hindi na makaayos na nakainom ng milktea.

We were both panting when we stopped at the nearby footwalk. Tagaktak ang pawis ko at nagkagulo ang ayos ng hibla ng buhok ko. Inayos ko ng kaunti at pinahiran ang butil ng pawis.

"What is your problem? Baka naghihintay doon si Kuya Yves." Napalinga-linga at napainom sa milktea niya. Sinipa ko ang maliliit na bato sa paanan ko.

"Hindi naman ako mahilig sa ganoon tsaka second period na. Late na tayo." napatango ako sinabi ko. What if naghintay nga? Second thoughts keep bugging me. Nagmamagandang loob lang naman siguro siya pero iyon pa ginawa ko. Babayaran ko na lamang bukas para hindi ako makonsensiya.

Mabilis na lumipas ang oras. Our afternoon class ended in a blink of time. Napatulala ako sa hangin ng maalala na wala palang pasok bukas. Binabagabag parin kasi ako ng konsensiya ko.

"Do you think this dress will fit on me, Pastel?" ani ni Mommy. Napabalikwas ako. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng paboritong bilihan ng damit ni Mommy. It was owned by her friend based in abroad and she was considered as top buyer in here.

Tumango ako. Sinukat niya iyon sa katawan niya. It was beige colored silk dress with minimal swarovski crystals outline.

Kitang-kita kung gaano kamahal iyon. Hindi naman nagwawaldas ng pera si Mommy palagi. Gusto niya lang talagang palaging paghandaan ang mga business gathering ng malakihang kompanya.

Pumili pa siya ng mga damit at iilang mamahaling sandalyas. I was bored following her. Kung kaya napagpasiyahan ko naring maghanap hanap ng kung ano kahit hindi naman ako bibili.

Una kung pinuntahan ay ang nakahilerang blouses. It was trendy and classy. Pero hindi ako mahilig sa ganito. I prefer simple clothes. Hinimas ko lamang at sinuri tsaka umalis pagkakuwan.

Panay ang sunod sa akin ng sales lady nang nakitang medyo nagulo iyong pagkaayos ng mga sinuri ko. I shrugged.

I stopped in the leather clothes department. Napatingin ako sa uniform kung medyo loose at paldang below the knee. Maayos naman sa paningin ko ang usual uniform attire ko. Pero minsan napagsasabihan ako na out of class and trend.

Nilihis ko ang mata ko sa branded leather clothes.

"That's our newest stock maam. PU Leather Jacket. Uso po iyan." nagulat ako sa biglaang pagsalita ng sales lady. I nodded at her. Itinuro niya iyon at maiging inexplain ang features at detalye ng damit. Nang nakita niyang iba na naman ang tinitingnan ko ay iyon naman ang in-explain niya sa akin.

"What you're looking maam is the Elegant V-neck zipper with color varations of Black, Blue, White and Wine." ani niya.

"Thank you. Pero hindi naman ako bibili." nahihiya kung sambit.

"Pastel?" napalingon ako sa tawag ni Mommy. Marami na siyang dalang sandals, designer bags at nakasunod ang isang saleslady na may hawak ng napili niyang dress. Umalis naman ang kaninang sales lady na nakasunod at alam kung medyo iritado siya sa akin.

Ganoon naman talaga sa mga clothing department hindi lahat nang pumapasok ay bumibili, minsan ay gusto lang makita ang mga damit na gusto nilang bilhin.

"Nakapili kana ba?"

"Hindi ako sasama, Mom." sabay iwas sa kaniya. I know she keeps on persuading me to attend in every business gathering so that I could mingle with other people.

"Na naman?" napabuntong hininga siya. Nagtungo siya malapit sa posisyon ko.

"I will buy you clothes and dress. Just try Pastel." Inangat ko ang tingin kay Mommy na ngayo'y lumamlam ang mata sa akin.

Kahit anong pilit ni Mommy ay hindi ako pumayag. Mabuti na lamang at sumuko narin siya.

Napatungo kami sa isang sikat na restaurant para magdinner. Daddy came for few minutes kaya naman nag-order narin si Mommy.

We ordered Steamed Chinese Sea Bass seasoned with special leaves and a bowl of Soto Ayam, a light and homey traditional Indonesian cuisine of yellow chicken soup.

I started praising the plating and the presentation of ingredients. Kung ordinaryong tao ka lang malamang ay hindi mo magugustuhan ito dahil sa mga di kilalang ingredients nito at may kamahalan ang presyo. I still prefer lutong bahay ni Mommy.

We started eating the foods.

"How's work hon?" ani ni Mommy.

"It's a bit frustrating. Our sales were still stable though pero divided ang buyers natin ngayon." si Dad. Napailing nalang ako sa pinag-uusapan nila dahil hindi ako makarelate.

"Why? Is there someone..you know.. rising?" mommy laughed languidly.

"Maybe they're in the verge of rising now. Honorario Group of Companies has built their own hardware services too. Marami na silang business at mukhang papasukin narin ang hardware service. And they have all those set of strategies that they've honed in the past years." napantig ang tenga ko sa narinig ko. Are they talking about Yves' company? I got curious more when they started talking more about it.

I eavesdrop. Pasimple lamang akong kumakain kahit busog na ako.

"Maybe..they're trying to branch out too. Grabe talaga ang impluwensiya nila sa mga OFW. Nang narape ang anak nilang babae doon nakakuha ng simpatya sa iba kaya maraming mas pinipili na bilhan sila ng mga kauuwing OFW galing abroad." she exclaimed.

Napakunot noo ako nang parang may natanto. Bahagya rin akong natigilan at pilit na inaalala ang pangalan ng kapatid nilang namatay.

"Stop it Cecilia..walang kinalaman ang pagkamatay ng anak nila rito.. it's the quality over quantity of the products not the death of Harith Honorario." ngayon ay mas nalinawan ako. The controversial rape incident involving their eldest sibling Harith. Naaala ko pa noong nag-over react si Winona dahil sa Bahrainian dollar.

That must be an agonizing experience for them and was a big blow to their surname. I don't know any details about it. Siguradong hindi iyon basta-bastang krimen lang. O hindi lang talaga ako aware sa mga balita?

Pero ang hindi ko matanggap ay ang pananaw ni Mommy sa pagkamay ni Harith.

"I'm sorry..iyon kasi ang lumalabas na rumors palagi. I bet they are tainting the name of Honorario."

"I think we need to expend extra efforts on this. Alam kung hindi naman natin gustong ilagay ang kompanya natin sa trono gamit ang dahas at paninira ng iba. Mas maiging makuntento muna tayo ngayon na may kinikitang pera at hindi nalulugi."

Napatango si Mommy. "I think so.." ibinaba ni Mommy ang kubyertos at kaaagad na binalingan ang posisyon ko.

"Pastel could help with this." makahulugang sambit niya.

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Mommy. Maraming pumapasok sa ulo ko na ibat ibang depinisyon na gustong ipahiwatig niya.

"What do you mean? She's not yet trained.''ani ni Papa. Tahimik lamang akong nakinig sa kanila at hindi na makapokus sa kinakain.

"Basta. I'm not sure yet Armando."

"Ano po iyon M-ma?" sa wakas ay naisatinig ko ang gusto kung itanong.

"Don't involve her with our errands, Cecilia. I know what you're thinking.." nahihimigan ko ang pagbabanta sa boses ni Papa.

Napasinghap si Mommy. "Ano bang pinag-iisip mo Armando? I am not planning something evil with our daughter..." natigil muna siya sa pagsasalita at ulit na tinitigan ako.

"It's regarding her talent. A paint business with a twist. " she chuckled and smiled at me. May kung ano akong naramdaman sa plano ni Mommy. That sounds exciting! Pero hindi ko alam kung papaano gawin. And I'm still young to think for this business thing. But I'm beyond happy that art is involve with it.

"Sounds great.'' Ngayon ay ibinuhos nila ang atensiyon sa akin, hinihintay ang reaksiyon sa suhestiyon nila.

I cleared my throat. "Kung gusto niyo po.."

"It would be great if you have the willingness anak."

Napaisip ako. Willingness was sometimes the root of all uncertain outcomes. If you are always willing on things without any background details and information it can result to a waste of energy. But I think it can be learned and honed as time passes by.

"She's right Pastel. Malay natin baka magboom ang paint business na ihahandle mo." napaayos ako ng upo.

"P-paano kung hindi magboom?" I was attacked by many what if's. I don't have any trainings or marketing lessons but I think they are with me..

Daddy let out a heavy sigh. "It's normal in the business world to experience. Kung sa buhay nga nangyayari iyan. You risk things because you are just confident with it without thinking the downfall of it. Lahat naman siguro may mga pagdududa pero dapat mas manaig ang tiwala anak." napahanga ako kay Daddy.

He's really a good businessman. Marami nang napagdaanan ang negosyo namin sa Estancia. There were times na nasunog ang malaking bodega namin at nakaranas na manakawan ng mga materyales.

Naalala ko pa na muntikan ng ipapatay si Daddy ng kakompetinsya niya sa karatig lugar ng Balasan. Mayroong nabaon sa utang at loans sa bangko pero sa huli nalampasan parin ang pagkalugmok na iyon. Kaya nga siguro ganito kung mag-isip si Daddy. He's very calculated with things, logical and most of all he knows how to weigh situations.

"Don't worry we will give you time." ani ni Mommy. I just nodded with a lot of realizations in my mind.

Kalaunan, umuwi din kami pagkatapos naming kumain. Pero bago noon ay bumili muna ako ng art materials at iba pang mapag-aaksayan ng oras para sa weekend.

Pagkauwi sa bahay ay nauna na sina Mommy sa mga kwarto nila. Dala-dala ang mga pinamili ko, I decided to go first in the kitchen to hydrate myself.

The defeaning silence of the place made me skeptic to roam my eyes first. The lights we're also off fully. It was just lit by a corner bulb. Nang makitang wala namang kakaiba sa paligid ay tuluyang napatungo ako sa fridge. I took a glass of water. Napalingon ako nang may marinig na ingay malapit sa maid's quarters. I bit the top part of the glass to lessen the fear.

"Sino yan?" hindi ko winala ang paningin ko sa direksiyong iyon. Hinintay kung may magsalita o lumabas sa madilim na parting iyon.

Napabuga ako ng hangin bago napagdesisyunan na puntahan iyon. I keep on telling that it's not Kuya Achim.

"Sino iyan?" may kumawalang iyak. Doon ako nataranta. I took the wooden spatula right beside the table. Hindi naman siguro ito multo.

Dahan dahan kung tinahak iyon. Habang palapit ng palapit ako ay nagiging mas klaro ang iyak. Bahagyang sinuri ko iyong pinagmumulan ng ingay at nadatnan ko si Yaya Marina na umiiyak sa likod ng washing machine. Kaagad na nanlaki ang mata ko kung bakit umiiyak siya.

Dinaluhan ko siya at naupo narin malapit sa direksiyon. Ramdam ko ang pangiginig ng katawan niya at hindi rin mapakali ang mga mata niya. Nakakapagtataka kung bakit ditto niya mas piniling umiyak sa likod ng washing machine na parang nagtatago. She's still conscious but her eyes speaks of something...Anong nangyari sa kaniya?

"Ano ang nangyayari yaya? " tinahan ko siya pero patuloy ang pag-iyak niya. Matanda na si Yaya Marina at ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak nang miserable.

"W-wala hija. Namimiss ko lang mga apo ko." gamit ang kulubot balat na kamay niya ay pinahiran niya ang luha na lumalandas sa mukha niya. Should I buy her reasons? Hindi ako naniniwala.

"Are you sure Yaya? You can always tell me." napabaling siya sakin. Mariing tinitigan ko ang mga reaksiyon niya pero hindi ko masyadong mabasa.

Ngumiti siya sa akin. "Namimiss ko lang sila. Sinabihan ba naman ako nilang walang kuwentang lola. Nasasaktan lang ako sa sinabi nila. Nabuntis din ang labing siyam na anyos na babaeng apo ko.. nalulungkot lang ako." she started sobbing. Nahirapan akong huminga sa sinabi niya.

That must be hard for her. Arriving to the state of oblivion is the most painful experience of every older people. Ganitong ganito ang nararanasan ng mga matatanda na nararamdaman nila na pabigat at wala na silang silbi sa pamilya. It just sad to witness her like this thinking of her apo's when in fact she should focus and mind herself first.

But there's this piece of doubt on me with his reason.

Tinahan ko muna siya at binigyan ng tubig na maiinom. Inalalayan ko muna siyang umupo at pinainom ng daily medications niya. She should rest and not dwell with that dahil mas lalong hindi siya makakapagpahinga.

"Magpahinga kana muna Yaya. Day off mo naman bukas. Pero kung ayaw mo pang umuwi sa inyo..dito ka nalang muna magpalipas."

"Hindi, uuwi ako!" bahagyang nagulat ako sa pasigaw niyang sabi sa akin at napatalon sa kinauupan niya. Napangunot noo ako sa reaksiyon niya.

"Dependi sa iyo, Yaya Marina." sa kalmadong boses na sabi ko.

"Salamat sa pag-alala Pastel. Magpapahinga na ako. At ikaw rin."

Kaagad na hinatin ko siya maid's quarters at inalalayan sa paghiga. Hinanda ko rin ang mga gamit niya para sa day off niya at maayos na hinilera para hindi na siya mahirapan bukas.

Nang makitang maayos na siyang nakapuwesto sa higaan niya ay napagpasiyahan ko naring magtungo sa kuwarto at iwinaksi ang mga iniisip ko.

Kinaumagahan, nagising ako sa isang katok ni Mommy. I don't have the choice but to rise up on my bed. Kaagad na pinagbuksan ko siya.

"Goodmorning. Bumaba ka na. Breakfast is ready. At tsaka nariyan ang mga pinsan mo."

"Po?"

"Iyong mga taga Maynila na pinsan mo napabisita. Baka gusto mong maghang out with them."

Napatango na lamang ako sa gusto ni Mommy. Nilubayan ako ni Mommy pagkatapos noon. Malamya akong napabihis at napaayos ng sarili. Napatingin ako sa salamin at nakitang parang lusyang ako sa loose t-shirt na suot ko. Kaaagad na naghanap ako ng mas maayos na damit. Nahagip ng tingin ko ang unused fitted t-shirt at isang short na binili ni Mommy sa akin. Ito ang minsang nakikita kung uso na palaging sinusuot ng mga babae ngayon ang kaibahan lang sa short na na ito ay sakto lamang at hindi bulgar.

I immediately tried it.

Napabaling ako sa salamin. Hindi ko alam pero mas naging maayos ito sa paningin ko. Hindi ko na pinagtuunan ang buhok kung buhaghag at tuluyang bumaba na.

Bumungad sa hapag ang dalawang hindi pamilyar na pigura na hula ko'y kaedad ko. Sinalubong kaagad ako ni Daddy at pinaupo. Ramdam ko ang hiya ng makita ang tingin nilang dalawa.

"These are your cousins Janina and Quevin." ani ni Mommy. Napaangat ako sa kanila ng tingin. Mukhang kilala o nakasalamuha ko na sila pero siguro noong bata pa ako.

"Nice meeting you, Pastel. Hoping we could hang out later." Inunahan ako sa pagsalita ni Janina.

She has the vibe of a matured and empowered woman. She's also a morena beauty with boastful cheekbones that's perfectly sculpted in her round face. While Quevin is more of an athletic person as his biceps were firm and proportioned placement in his body. He has also bulky built of body and a bit light with her sister. They are both in contrast with their physical appearance but alike in my eyes.

"Same, Pastel. Naalala ko pa noong mga bata pa tayo. You used to be playing with us." napahalakhak si Quevin. Ako'y napangiti narin at napabaliktanaw.

"Oh my god! Oo nga... those bahay-bahayan days at nagluluto pa ng mga iba't ibang klase ng dahon. That was fun!" segunda ni Janina.

The memories are still vivid. My childhood days were really enticing to reminisce. Iyong wala kang inaalala kundi maglaro ng buong magdamag at magsaya kapiling ang mga kaibigan. But that was just unstable. Dadating ka parin sa punto ng totoong buhay, hindi na laro at seryoso na dapat.

"Nice meeting you too. Yeah, I think I remember you." hindi ko na napigilan ang paggaan ng loob ko sa kanila. There is really this haunting effect when you have those past memories in the past with people you've shared your precious piece of time.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin. Kahit papano ay sumasali ako sa usapan nila patungkol sa buhay nila sa Maynila at sa pag-aaral nila.

"I hope you can stay for some days here. Kailan ba kayo susunduin ng mga magulang niyo rito?" si Mommy.

"Sadly, tita bukas ata. It doesn't even a visit for me. Mukhang napadaan lang" ani ni Janina.

"Maybe..Pastel can accompany you for a tour here. Siguradong namiss niyo ang probinsiya. Right?" mommy shifted her gaze at me.

"Oo naman." napangisi ako, nag-iisip na nga mga possibleng puntahan.

Pumalakpak si Janina kaya napatawa ako. Kuya Quevin even liked the idea.

"May football field ba rito? Nangangati na ang paa kung maglaro." Quevin chuckled. Napantig ang tenga ko. Talagang kapag napag-uusapan ang soccer ay may naalala akong isang tao.

"Tsk! Kuya, we need to roam around." asik ng kapatid niya. Hindi siya pinagtuunan ng pansin ng Kuya niya.

"Mayroon ata sa plaza pupwedi kang maglaro doon dahil may regular play palagi." suhestiyon ni Daddy.

"Nice!" si Kuya Quevin. Natigil ang pag-uusap namin nang pansamantalang umalis muna sina Mommy at Daddy para maghanda para sa business gathering na gaganapin mamayang gabi. Kaya naiwan kaming tatlo sa hapag.

"Soccer player ka ba?" kahit obvious ay tinanong ko parin. He nodded at me.

"Yeah." simpleng sambit niya. "You know Yves Honorario? One of the best soccer player in the local. Maraming umiidolo doon. I know him." muntik ko ng ibuga ang iniinom kung juice. Mabuti ay napigilan ko.

"Hala, si crush." buwelta ni Janina. "Kaso suplado.." I agree with her. Mukhang sinalo ang kasupladohan nang ipinanganak.

"Kilala mo ba? I bet you're in the same university."

"Ah, oo, nakikita ko siya palagi. He's famous in our school."

"He's famous in Manila too. Kasi parte siya ng Soccer Association na palaging naglalaro sa mga universities at nagti-train sa mga aspiring players.''

May ganoon pala siyang noble deeds? Anggaling naman niya.

"I saw him too. He's smoking hot and attractive. Kaso suplado."

"Stop it Janina. Wala kang pag-asa doon." ani ni Kuya Quevin.

Humalukipkip si Janina.

Ilang minuto ang pa lumipas ay nag-ayos na kami para umalis. Inayusan ako ni Janina at bahagyang nilagyan ng light make up ang mukha ko. I want to disagree but she keeps on telling to have some life with my face. Napaupo na lamang ako at hinayaan siyang asikasuhin ako. Siya rin ang pumili ng susuotin ko.

"I think you need to buy some fitted shirts and much trendy jeans." she said not to offend me.

"Hindi kasi ako mahilig sa mga ganoon. But I'll try." pati si Leticia at Mommy ay sinabihan na rin ako ng mga ganitong suhestiyon.

"You're beauty is classic. Need mo lang pumili ng naayon sa iyo. I mean those loose t-shirts and primitive clothes doesn't suit you. Para sa akin mas bagay ang mga fitted sa iyo."

"Salamat. Maybe I can contact you sometime kapag bibili ako?"

"Of course. Anytime, cous."

"You're an artist?" nahagip niya ang mga artwork ko na nakahilera sa table. Tumango ako. Napako ang tingin niya doon.

"I-paint mo naman ako."

"Sure." Napaisip ako kung saan koi yon gagawin. "Doon nalang sa soccer field. Magdadala nalang ako ng art materials at vellum board." ngumisi siya.

Mabilis naman kaming nakarating sa plaza. Tinulungan ako ni Kuya Quevin sa pagdala ng mga art materials. Si Janina naman ay panay kuha ng litrato sa Town Hall ng Estancia at newly landscaped na plaza.

Tinahak naming ang daan papunta sa soccer field. Medyo may karamihan ang tao kaya mas naganahan si Kuya Quevin na maglaro. Napagpasiyahan namin na maupo sa damuhan at inayos ang mga gamit. Kaagad na naupo narin si Janina.

Nawala ng parang bula si Kuya Quevin at napasali na roon sa gitna ng field. Hula ko'y mag-iistart pa lang laro. They formed a circle.

May kung ano akong nahagip na naglalakad papunta doon sa gitna. It was Yves. He's wearing a white paired soccer jersey, with a bold printed surname at the back of it. Kahit na naglalakad palang siya ay dinagsa agad ang field ng mga tao. Kaagad naman na naagaw ang atensiyon ni Janina at napatingin narin kay Yves.

Napamura siya.

"Is that him? Shucks!"

Naalala ko naman ang pag-alis ko at hindi paghintay ng Milk tea na iyon. Maybe I could pay him later right? Para mabawasan ang guilt ko.

Janina is busy taking pictures of Yves from a far like a celebrity. I just shrugged. Perks of being Yves Honorario! Kinababaliwan ng mga baliw.

Binuhos ko ang atensiyon ko sa pagset-up ng mga gamit ko para ipinta si Janina.

"What the fuck!!" matigas niyang sabi at sa huli ay parang sinisilaban ng kilig. Kuryoso akong napalingon sa kanya na parang may kinakalikot sa cellphone niya.

"Ano ang nangyari Janina?" sambit ko. At pasimpleng tiningnan ang laro na nangyayari at si Yves. He's really good with his field, kicking my heart and a lot of more. Napakagat labi ako sa mga kahalayan ko.

"Take a look on this." kilig na kilig na sabi niya. Inilahad niya ang cellphone niya sa harap ko. Tiningnan ko kaagad ito. Pinamulahan ako pisngi nang makita ang zoomed pictures na iyon. It was a bulge of Yves on his jersey shorts. It was really a huge bulge to be exact.. Nakakaagaw ng pansin. Nag-init bigla ang mukha ko. Nakuhanan niya pa iyon? Anggaling naman ng camera niya.

"What can you say?" she giddily said and withdrew her phone. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil naapektuhan ang pag-iisip ko. My god!

"This picture is saved now and will be my wallper." napatawa siya ng pilya. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

I cleared my throat. "Zoomed picture ba iyon? Hindi ko alam kung dibdib ba o ano." painosente kung tanong at ibinaba ang tingin sa vellum board para makapag-umpisa na sa pagpinta kay Janina.

She shook her head. "What? It was his bulge!" she exclaimed. Naurungan ako sa lakas ng pagkasabi niya noon. Kaagad na tinakpan ko bibig niya at nilibot ang tingin sa mga taong napatingin narin sa amin.

"Mapusok na talaga ang mga kabataan ngayon." narinig kung sabi ng isang matanda sa likod namin.

"Mga kung ano na ang pinag-iisip sa murang edad pa lang. Kaya siguro maraming maagang nabubuntis ngayon kasi ganiyan ang mga inaatupag." I pursed my lips with another tirrades against us.

Binalingan ko si Janina na ngayo'y napatikom ang bibig.

"I'm sorry. Masyado bang bastos iyon?" ani niya. I understand her origin and his liberated thoughts.

I nodded. "Hindi kasi lahat parehos ang pagtingin sa mga sensitibong bagay. Pero hayaan muna. Pumwesto kana nang sa gayon maumpisahan na natin.."

Mabuti na lamang ay wala na kaming narinig pa na masasamang komento. Kaya nag-umpisa na kami. I orchestrated her to pose a comfortable position. Inayos ko muna ang buhok niya dahil sa ihip ng hangin at pati narin ang nababay na anggulo ng katawan niya.

I started to sketch her body. Nakaestatwa lamang siya at todo ang pagpapaganda sa harap ko. Pinag-igihan ko ang paggaya sa parti ng mukha niya at nagdadasal na maganda ang kalalabasan ng cheekbones niya.

Medyo mahirap ang posisyon ko pero pinagtiisan ko. Mayroong pagkakataon na napapasulyap ako sa field at tinatanaw ang mga lumalaro. Nang medyo ayos na ang first coating ay sinunod ko ang pag-aapply ng shadings sa mga essential spots at kulay sa background.

"Maganda ba?" tanong niya nang huminto muna ako para uminom ng tubig.

"Para sa akin okay naman. Ewan ko lang para sa iyo. Mamaya makikita mo rin naman." bumalik naman kaagad ako para matapos at maipakita ko na sa kaniya.

Maya maya pa ay sabay na natapos ang laro ng soccer at pagpipinta ko. Pinaulanan ako ng papuri ni Janina at kaagad niya naman iyon kinuhanan ng litrato. Bahagyang nadismaya ako dahil hindi man lang ako nakapanood ng laro nila o naabutan lang man sana.

Napasulyap ako sa field at nanlaki ang mata ng magkasama sina Kuya Quevin at Yves na nag-uusap papunta sa amin. Nawalan ako ng kulay nang maalala na naman ang nangyari kahapon.

Nagpaalam ako kay Janina. Hahakbang palang sana ako ay tinawag ako ni Kuya Quevin. Saan naman ako pupunta? Diba plano ko naman bayaran iyong nagastos niya kung sakali?

"Pastel!" napatigil ako. Nilingon ko sila. Kaagad na sinalubong ako ng tingin ni Yves. Nagkatitigan kami.

"He knows you." ani ni Kuya Quevin. Napalunok ako at medyo tumango.

"Siyempre magkaparehas ng school. Hi, Im Janina." nilahad niya ang kamay kay Yves. He responded too.

"Hi." nginitian niya si Janina. Kitang-kita ang paghihisterikal ni Janina.

"Wanna have some Milk Tea dude? My treat." si Kuya Quevin. Yves shifted his gaze at me. Napataas ang kilay niya at ngumuso.

"Sure. That would be fun." may diin niyang sabi habang nakatutok ang tingin sa akin.

"Ano sayo Pastel? G ka?" tanong ni Janina. Nangapa ako ng salita sa intensidad ng tingin ni Yves. Napaiwas ako ng tingin.

"O-okay."

"Wait. You need to see this Kuya." ipinakita niya ang gawa ko. Si Yves ay napatingin narin. Kinakabahan naman ako sa maari nilang komento doon. Lumapit ako ng kaunti dahil medyo ata malayo ako sa kanila.

"This is nice cous!" mas sinuri iyon nila. Nakahinga ako ng maluwag dahil nagustuhan nila.

"So, you paint portraits too?" salida ni Yves. Tinaasan niya ulit ako ng kilay.

"Y-yes, Kuya Yves." sinamaan niya ako ng tingin dahil sa pagtawag ko.

"Anggalang mo naman, Pastel." natawa si Janina.

"So..who made the portrait of my face?" naagaw ang atensiyon ng dalawang magkapatid. Mariin lamang silang nakikinig sa amin. Should I say my name or Leticia?

"A-hh kay Leticia." His brows furrowed, insinuating something.

"Really?" nahihimigan ko ang panunukso sa tono niya.

Tumango na lamang ako sa kasinungalingan ko. Nilubayan naman niya ako ng mga tanong nang naglalakad kami papuntang milk tea shop malapit sa plaza. Medyo nauna kami ni Janina sa paglalakad kaysa sa mga lalaki. At hindi ako minsan lumingon sa likod.

Related chapters

  • Seductress Portrait   Ikasiyam na Kabanata

    BenchPunuan ang Milk Tea Shop. Isa ito sa mga dinarayong shop sa Estancia kung kaya kapansin-pansin ang dagsaan ng tao sa loob pati narin sa labas. We stopped half way near the entrance to wait for the dispersion of crowd. Kaagad na naagaw ang mga atensiyon ng iilan nang natanaw ang paparating na sina Kuya Quevin at Yves.Kahit sa mismong tindig palang nila malalaman mong may ibubuga sila. Sikat si Yves dahil tanyag ang apelyido nila sa buong bayan. They owned the Honorario Group of Companies together with the medium enterprises in local and neighboring municipalities. No doubt his presence is always bold and could really snatch the spotlight in public. Idagdag pa ang pisikal na pangangatawan niya at itsura na kinahuhumalingan ng mga kababaehan dito. I've know some information about them but not the controversial death of his sibling, Harith.May itsura din naman si Kuya Quevin. He has a fine torso and appea

    Last Updated : 2021-03-19
  • Seductress Portrait   Ikasampung Kabanata

    AidIt was still a shock for me to personally confess my feeling to Yves at a most unexpected place. It was like in a replay button mode. Hindi parin ako makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari kanina. Ilang oras ko ring dinibdib ang kahihiyan na iyon bago ako tuluyang nakatulog sa kakaisip.Kinaumagahan, matamlay akong pumasok sa school. I was expecting that Leticia won't lay her eyes at me. Tanggap ko na naman iyon. Pero hindi. Sobrang nagkamali ako.Sinalubong niya ako ng mataginting na yakap nang makita niya akong naglalakad. Gulat na gulat ako na napatigil sa hallway sa engrandeng salubong ni Leticia. Naagaw namin ang atensiyon ng mga dumadaan sa gilid namin."U-hh..." iyon lamang ang nasambit ko sa gulat.Sa sobrang higpit ng yakap niya ay hindi ako makahinga. Ilang minuto rin bago kumawala siya sa yakap. Naiwan lamang akong nakanganga sa biglaang ginawa niya.

    Last Updated : 2021-03-20
  • Seductress Portrait   Ikalabing-isang Kabanata

    CemeteryBuong magdamag napadukmo lamang ako sa upuan ko. It was a dreamy experience to touch his firm legs while looking at his enticing facade. However, I can't believe Leticia could make fun on settling our issues. When in fact it's not even an issue. It was purely a misconception.Muntik ko nang malimutan na tinext pala ako ni Mommy na pupunta kami sa puntod ni Lolo sa Dominguez Heights sa karatig lugar ng Balasan para sa Death Anniversary.Lolo Crispino was one of the most prominent figure here at Estancia. Siya ang nagtatag ng dakilang Piyer ng Estancia na nagsisilbing Marine hub sa Panay. He was once a governor and a businessman as well. However, his reign didn't gave him enough time to make our place progress because of his heart illness.Our afternoon class went smoothly. And in a few more hours it ended swiftly at exactly 3PM. Napag-isipan ko nang magpasundo nalang kay Daddy sa s

    Last Updated : 2021-03-21
  • Seductress Portrait   Ikalabing-dalawang Kabanata

    CollectI went home late that night. Pagkatapos na hinatid si Yves ay dumiretso agad ako sa bahay.It has been a tiring day for me. Maraming nangyari ngayong araw. And I couldn't believe I have faced it fiercely even if I'm halfly scared of the possible outcomes.Habang papasok ng bahay ay nakasalubong ko sa paglalakad si Kuya Achim. Napatigil ako.He was holding a glass of wine while staring at me intently. He was a bit new now. Wala na iyong nakakatakot na mga ekspresiyon niya at mga mannerisms."Wala pa sila?" tanong ni Kuya Achim habang lumilinga sa likod ko.Tumango ako. There's still this fear against him.He sipped his wine. I really want to exit but his presence is just bold, blocking the way."A-are you okay now, Kuya?" napatigil siya sa pag-inom. Napaisip siya at napatulala.Hindi ko alam pero nagiging em

    Last Updated : 2021-03-22
  • Seductress Portrait   Ikalabing-tatlong Kabanata

    SiteIt's not even a big deal to others. It's just a mere soccer coach. But for the sports committee of the campus, it was really a controversial scoop.Usap-usapan ang pagbibitaw sa puwesto ng soccer coach. Pati narin ang assistant coach. It was even published in the campus forum and journalism platforms.I don't want this to complicate more. Kung sinabi ko kina Daddy at Mommy ay siguradong ipapakulong nila ang coach na iyon.Somehow, naawa ako dahil nawalan siya ng trabaho. I know it's both his profession and his source of income. Pero mas okay na ang ganito. Because it might lead to more victims of rape incident among girls.Naging malaking tandang pananong kung bakit walang paalam o rason man lang ang ibinilin ng coach. At nabuhay ang hearsays na baka raw may nagawang masama o corruption ng funds sa soccer department.The rest of the details were zippe

    Last Updated : 2021-03-23
  • Seductress Portrait   Ikalabing-apat na Kabanata

    SaveIt was just a usual and gloomy day. Pagkatapos ng class namin ay nag-ayos na ako ng gamit para kumain.Sa hapon ay bali-balitang walang klase dahil sa emergency faculty meeting. It somehow lessen my fear if there are emergencies this afternoon at the site. I could respond and go in there without holding back.I already saved Yves' number in my phone. The delivery is also scheduled 4:30PM. Nahihiya rin akong magtanong sa kaniya o kulitin siya kung ano ang mangyayari kung may delivery. Baka isipin niyang nagpapapansin ako sa kaniya. O kulang ako sa pansin.Kaya mamaya ko nalang siya tatawagan sa mismong pagpunta ko doon. Nakakahiya naman kasi na mas nauna pa siyang dumating sa akin.Kaunti nalang ang tao sa room. Natapos na din ako sa pagligpit ng gamit. Nalingunan ko si Winona at Leticia na nakaabang sa dadaanan ko. They are both raising their on fleek brows and it seems li

    Last Updated : 2021-03-24
  • Seductress Portrait   Ikalabing-limang Kabanata

    WaitIt has been two days since the last delivery of the materials. Wala narin akong naging balita kay Yves sa halos dalawang araw. Not that I'm finding his presence but it's just a mystery. Ni hindi ko siya nakita sa campus. O sadyang busy siya sa sports o sa academics?My hobbies are my least priority right now. Buong magdamag school at business lamang ang pinagkakaabalahan ko. Ipinaubaya na rin kasi ni Daddy ang kabuuang operasiyon sa site. I have the over all control both in command and decision making. So I should be wise. But there are times that I forgot that I have my own life.Sa sumunod na araw, maaga akong nagising sa isang tawag ng foreman sa site. Paubos na ang mga materyales. At kailangang magkaroon ng delivery ngayong araw para tuloy tuloy ang trabaho.I sipped first on my glass of milk before shifting my gaze to my cellphone. Tinitigan ko muna ng ilang segundo bago napagpasiyah

    Last Updated : 2021-03-25
  • Seductress Portrait   Ikalabing-anim na Kabanata

    CommunicationNanatili ang sinabi ni Yves sa'kin. I was a bit stunned with his words. It feels like there's something on it. Or I'm just assuming.Nagpatuloy ang pagdidiskarga sa site. I stayed at the table. Pero paminsan-minsan akong nagmamasid sa mga nagtatrabaho at minsanang nalilihis kay Yves.Napatingin ako sa oras. Medyo gabi na at mukhang mag-oovertime pa ata para matapos.Pinaandar narin ang mga ilaw sa site. May parte kasing hindi pa nakakabitan ng ilaw. Medyo naging maaliwalas ang kapaligiran at maayos ang proseso ng pagkakarga nila. Tumulong narin ang mga trabahador namin para mapadali ang gawain.Lumapit ako ng kaunti sa truck kung saan kasalukuyang naroon sila pati narin si Yves."Hindi pa po ba tapos?" napalingon ang iilan sa kanila. Pati narin si Yves. Tagaktak ang pawis nila maliban kay Yves. He's just commanding. And he's not exerting force to i

    Last Updated : 2021-03-26

Latest chapter

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't limang Kabanata

    Colors Nagising ako sa malamig na pagbuga ng hangin galing sa maalong dagat. Kagabi ay nagkuwentuhan kami sa kung ano ano mang bagay. And we forgot to go to our room. Nakatulog kami sa tent namin katapat ang dagat. Niligon ko si Yves sa tabi ko. He was peacefully sleeping in a handsome way. May mga kaunting buhangin sa mukha niya kaya kinuha ko. I can't believe I was blessed by his genes. Lucky for our child to have a handsome but arrogant father. Nagising din naman siya kalaunan. We enjoyed our day eating and doing things we never done before. We went to ancient caves, huge rainforest and stepped foot on the promising falls. "Kumain kana muna. You need to be healthy." "Andami ko nang nakain." "That's better." "Baka naman masobrahan ako." He smirked. "You think?" Tumango ako. He just chuckled. "Don't worry. I just want the best for you." Panay ang bigay niya sa akin ng samu't sa

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't apat na Kabanata

    RestNapabalikwas ako nang nagising ako na bumulagta ang puting kisame sa itaas ng ceiling. Kinilabutan ako at baka kung ano ang nangyari sa anak ko.Kaagad na dinaluhan ako ni Yves at sakto ring papasok sina Mommy at Daddy sa loob ng hospital room. Kitang kita ko ang pag-aalalang nakapinta sa mga mukha nila.Nakatulog ako? Bigla kaagad na bumalik at sumagi sa isip ko ang kawalang hiyaang ginawa ni Kuya Achim sa akin. It sent shivers to my spine. I felt my feet and hand trembled and became numb. Labis ang pagkamuhi ang naramdamam ko at kasabay nito ang pagpatak ng mga butil ng luhang may halong inis at paghihinagpis.The same Kuya Achim of my cruel past gave me strange nightmares...again. I felt dirty, continuously molested and hammered. It's still fresh. My body could feel and testfiy how a demon laid his hand on my skin and other parts of my body.Naramdaman ko ang paglakbay ng kamay ni Yves. Nagkatingin kami. I saw glint of vul

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't tatlong Kabanata

    ShoutPagkatapos ng tagpo sa office nila ay panay ang tanong ni Yves tungkol sa ipinakuha kong durian sa staff niya. The rumors of the employees even escalated. Mabuti na lamang ay umalis din naman kami."Why do you want to eat it? Baka ikasama ng tiyan mo. You're not fond of it." napailing ako sa paulit-ulit niyang tanong. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol dito. Kinuha ko ang durian dahil nahihiya naman ako na hindi kuhanin kasi parang binili niya pa sa merkado.Napatabon siya ng ilong dahil umaalingasaw ang amoy ng durian. Panay ang mura niya pero kapag binabalingan ko siya ay napapaayos siya."Gusto ko ngang i-try." ulit na sabi ko.He sighed violently. "It is a stinky food. Ang baho na ng kotse ko.""Gusto mo itapon ko nalang ba?" I narrowed my eyes at him."I-I didn't say that." depensa niya. It's true. The durian stinks very hard inside his car. Kahit na pinatay na ang aircon ay grabe parin ang baho."You can always te

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't dalawang Kabanata

    Stinky True to his words, sinamahan ako ni Yves palabas. Napagpasiyahan ni Janina na lumarga kaya naiwan akong mag-isa.Pahamak! "Uh-h, I need to go. May pupuntahan pala ako." "Ano?" Ngumisi si Janina ng pilit. Nakamasid lamang si Yves sa amin. "May pupuntahan nga ako." sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong nagsisinungaling lamang siya para makaalis. "Wala akong naalala na may pupuntahan ka." "Eh, basta! Bahala ka diyan." "Janina." huli na nang bigla siyang umalis ng walang pakundangan. Wala naman talaga akong kukunin sa kotse. It's just that gusto ko lang mawala ang inis ko. Tahimik siyang nakasunod sa tabi ko. Panay ang baling niya sa akin pero hindi ako nag-atubiling lumingon sa kaniya. Am I being reasonable right? I was exhausted. Naroon din ako sa punto na parang ambigat palagi ng katawan ko. I have experienced mood swings. And

  • Seductress Portrait   Ikalimampu't isang Kabanata

    Girl"What's with the face? Hindi ba kayo nag-usap ni Yves? Magkaaway kayo, no?" napalingon ako kay Janina.I hide my annoyance against Yves. Kakatext ko lang sa kaniya pero hindi man lang ako ni-replyan. Hindi ko pa sinabi sa kaniya na umuwi ako sa Estancia. I want to surprise him but I got irritated right now."I don't know why he's not entertaining me.." naiinis na sabi ko habang nakadungaw sa malaking establisyemento ng Honorario. Sa kabila ay ang site namin na ngayon ay pinatayuan namin ng bagong negosyo. It's now booming. The losses we have in the past have been slowly replaced by good trades of investments and other more."Pastel, he's a busy person. Ano kaba? Huwag ka magpastress! Masama iyan sa condition mo." napahalukipkip siya sa likod ko.Malaki ang naging improvement ng Estancia. There are signs of urban development. Mayroon na ring mga traffic lights and iilang billboards nakalagay sa payapang espasyo doon malapit sa piyer. It was sad

  • Seductress Portrait   Ikalimampung Kabanata

    HomeMabuti na lang at natapos din iyon. Pagkatapos noon ay nagpasa lamang ako ng last requirements sa school.I am wearing a simple white flowing dress paired with stilleto. As of now, I don't feel anything. May part sa akin palagian na pagmomonitor at pinakikiramdaman ko ang sarili ko."Punta tayo sa private clinic maya maya." hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang sinabi ni Janina. Yves only texted me once this morning. Not that I am being demanding but I need him right now. Pero kailangan ko pa muna ng strong confirmation. I won't disturb him for now. Baka nasa trabaho parin siya.Bukas na bukas aalis ako papuntang Estancia. I'll bring good news and blessing to him.Napangiti ako."Huh? Ano ulit iyon?"Binalingan ko si Janina na naiirita na."Sabi ko pupunta tayo sa clinic mamaya para makapagpa-check na tayo.""Okay Janina. Salamat talaga." humalukipkip siya."Tsee. Pero sigurado akong ang gwapo/maganda

  • Seductress Portrait   Ikaapatnapu't siyam na Kabanata

    ConfirmationI enjoyed that night. I guess.Pagkatapos ng gabing iyon, umuwi na kami sa Manila. Yves needs to attend to their operation in Estancia.Mabuti nalang tapos na ang second take report namin ni Fabio. It went well naman kasi pinaghandaan na namin. Requirements at iilang write ups nalang then I am free. Well for now, I need to finish my summer class nang sa gayon ay makabakasyon ako sa Estancia.Yves:Maybe, I can't text with you this day. May inauguration kasi kami and I need to spearhead. I love you.I smiled with his sweet gesture. I mean he doesn't need to make me aware every bit of his work. Naiintidihan ko naman na kailangan siya ng kompanya nila. And I support him with that. Kaya nakakataba ng puso na palagi kang nireremind sa mga ganitong bagay. It feels like you he can't function with my awareness.Magtitipa ako sana ng reply nang biglang sumama ang sistema ko. Kaagaran akong patakbong pumunta sa comfort room. I feel

  • Seductress Portrait   Ikaapatnapu't walong Kabanata

    Stars I wore a layered jacket and sweater. Ganoon din naman si Yves. Baguio's weather is really cold especially we are at its cold peak season. The cold is crawling into my body like wildfire. Napagpasiyahan naming kumain narin sa labas. We ate in a fine dining restaurant. Hindi kami masyadong nagtagal doon. "Mukhang sarado na ang mga tourist attractions." he said while we stopped at Mines View Park. Oo nga sirado. Binalingan niya ako. "You alright? You seem disappointed." I shook my head. "I'm not." "Okay. Let's try another spot here in the vicinity." I was really a bit disappointed. Pero siyempre hindi ko pinahalata. This is our last day. And haven't stroll around here. Hanggang condo lang talaga ako. Naglibot pa kami sa ibang tourist spot. May isang pinuntahan kami pero magsasara na sila. "Wala na po ba? I can pay for the overtime fee of this spot." My eyes widened. Ngumisi

  • Seductress Portrait   Ikaapatnapu't pitong Kabanata

    Symptoms It was really hard to comprehend Yves' weird actions. It was as if he is hallucinating of something. He is also the one who cook for us and paid extra effort to always feed me. "If you are busy, I can cook for us. You don't need to do that." napahawak ako sa sentido. This past days I always experience dizziness. Maybe, because of the shift of environment here in Baguio and the cold temperature. Seryoso siyang nakatutok sa laptop niya bago binalingan ako. "I can do it. Just chill yourself. I'll do the cooking and all." Nagulat ako. I am really touched with his changes. Kung noon medyo arogante siya, now seeing him maturely grown makes me happy. "But I can cook. Ginagawa mo akong embalido rito." naiinis na sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. His playful eyes darted at me with adoration. "You deserve to be worshipped." napapaos niyang sabi. Am I a God? Bigla ko tuloy kwinestiyon sarili ko. I rolled my eyes. "You

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status