Everisha POVIsang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay.Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami.Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak ko
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POVPagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa.Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin.“Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.”Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos.Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hinaham
Everett’s POVKabado at halos hindi ako mapakali. Narito na ako sa hotel room kung saan hinihintay ang hindi ko kakilalang babae na makaka-sëx ko ngayong gabi. Ayoko talaga sa mga ganitong gawain. Ayokong nakikipag-sëx kung kani-kanino. Pero dahil kailangan ko ang mana ko, kailangan kong gawin ito. Kailangan ko ng anak at asawa sa lalong madaling panahon.Sa totoo lang, malungkot pa rin ako sa pagkawala ni papa. Sa mga ganitong panahon pa talaga siya nawala. Kung kailan nag-e-enjoy palang ako sa pagiging binata, saka pa siya namatay. Kaya lang, wala, mukhang tadhana ang gustong mangyari ‘to. Gusto niyang maaga akong magkaroon ng asawa at anak. Hindi naman ako ‘yung klaseng lalaki na madalas manloloko ng babae. Ang totoo niyan, magalang ako sa mga babae, lalo na kapag mahal ko na.Kung sino man itong nakita ni Garil na aanakan at papakasalan ko, bahala na. Sabi niya ay mabait at maganda naman ito, tapos single at virgin pa kaya hindi na masama. Ang gusto ko lang naman din ay mabait ang
Misha’s POVUmuwi ako sa bahay na lugmok na lugmok si papa habang nakaupo sa sala. Ang saya-saya ko pa naman kasi kakatapos ko lang makipag-bonding sa mga kaibigan ko.Napatingin tuloy ako kay mama para magtanong kung anong nangyari sa kaniya. Sinabi niya na niloko si papa ng mga supplier sa mga farm namin. Halos milyon-milyon ang nalugi sa amin kaya naman ngayong araw lang din, lima sa mga malalaking farm namin ay nakasanla na. Hindi na raw alam ni papa ang gagawin para mabawi ang lahat ng ‘yon. Daig pa nito ang natalo sa sugal. Masyado siyang nagtiwala sa mga taong ‘yon na mga scammer pala.Lumapit ako sa kaniya. Ngayon ko lang kasi nakitang ganitong si papa. Siya kasi, madalas masaya lang, palangiti at maingay kapag masaya siya. Ngayon, tulala at parang sinukluban ng langit at lupa.“Papa, huwag ka nang malungkot diyan. Makakaisip din tayo ng paraan para mabawi ang mga nawala sa atin,” sabi ko sa kaniya nang tabihan ko siya sa sofa.Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “Mayroon n
Misha’s POVSabi ni Jake, mag-bar muna raw kami bago kami tumuloy sa hotel na pina-book niya. Natuwa ako kasi gusto niya raw sa hotel kami mag-check in ngayong gabi. Pumayag ako. Gusto ko ring makalimot din kaya nagpakalasing kaming dalawa. Ang saya-saya rin palang mag-bar.Nung malasing na ako, pinauna niya ako sa hotel na sinabi niya. Kahit lasing na lasing na ako, nakaya kong pumunta roon. Ang galante ni Jake kasi ang laki nung hotel na kinuha niya para sa amin. Pagdating ko rito sa hotel, hindi na need ng susi kasi bukas at hindi naka-lock ang pinto. Bedroom agad ‘yung hinanap ko. Gusto ko na muna kasing umidlip habang wala pa siya.Nung makita ko na ang kama, pinatay ko muna ang mga ilaw. Tiyak naman kasi na bubuksan niya ang ilaw pagdating niya rito. Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama nung madilim na ang buong paligid. Kukuha muna ako ng lakas sa pagtulog, para pagkagising ko mamaya, ready na akong magpaangkin sa kaniya.Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang lumipas. N
Everett’s POVNapamura ako nang sabihin ni Garil na hindi pala natuloy ‘yung babaeng ipapadala niya sa akin. Late ko na nalaman, kasi late na rin niya sinabi. Tapos na akong makipag-sëx dun sa babaeng tinawag ako na ninong. Sino ba siya at bakit tinawag niya akong ninong? Inaanak ko ba talaga siya?The next day, my uncles and aunts said they would handle the company for now while I still haven’t fulfilled my father’s wishes. They told me that I could only take control of the company once I got married and had a child.Naisip ko tuloy agad ‘yung babaeng naka-sëx ko kagabi. Sa dami ng sëmilya na naiputok ko sa kaniya, imposibleng hindi ko siya mabuntis. Kung bakit naman kasi tumakbo pa siya. Hindi manlang siya nagpakilala sa akin. Pero alam kong magkikita pa rin kami. Sa akin pa rin ang takbo niya kapag may nabuo na sa tiyan niya.“Sorry talaga, bro. Hindi ko naman inaasahang ibang babae ang makaka-sëx mo sa hotel na ‘yon. Late ko na nasabi sa ‘yo na hindi makakapunta ang babaeng nakau
Misha’s POVPaglabas ko sa kuwarto ko, narinig kong umiiyak si Mama. Kagigising ko lang, mukhang problema na naman ang sasalubong sa akin. Tumakbo tuloy ako pababa ng hadan para tignan kung ano nang nangyayari sa ibaba. Baka kasi nag-aaway na sila ni mama. Nahinto ako sa pagbaba sa hagdan nang makita kong pumipirma na naman ng mga papel si papa. Tila isa sa mga natitirang farm namin ay naisanla na naman niya kung kani-kanino. Palala na nang palala ang nangyayari sa mga ari-arian namin.Pag-alis ng mga taong ‘yon, malungkot na napatingin sa akin ang mga magulang ko.“Wala na ‘yung mga baboy, kambing, manok, isda, baka at kalabaw sa isang farm natin na pinaka mabenta sa lahat. Nakasanla na rin,” sabi ni mama na parang nagsusumbong sa akin. Sa nangyayari, parang pakiramdam ko ay kasalanan ko ang kamalasang inaabot ng business namin.“Isa na lang sa mga farm ang hawak natin. At maaaring sa mga susunod na araw o linggo, maisanla na rin natin ‘yon,” sabi sa akin ni papa na tila nahihilam na
Everisha POVPagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa.Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin.“Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.”Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos.Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hinaham
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POVIsang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay.Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami.Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak ko
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak
Czedric POVPagmulat ko ng mata, ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Ang tunog ng mga ibon sa labas ng bintana ang nagsilbing alarm clock ko, at ang malamig na hangin ng umaga ang bumati sa akin. Nasa farm pa rin ako, at tulad ng dati, tila ang kalikasan ang nagbibigay ng sigla sa akin tuwing umaga.Agad akong bumangon mula sa simpleng banig na inilatag ko kagabi. Sa pagtingin ko sa paligid, napansin kong wala na si Marco. May iniwan siyang sulat sa lamesa na agad kong binuksan.Czedric,Maaga akong umalis. Pinatawag kami ni Raegan. Kailangan kong pumunta para mangalap ng impormasyon. Bantayan mo ang sarili mo habang wala ako. Balik ako agad kapag may nakuha akong balita.—MarcoNapabuntong-hininga ako matapos basahin ang sulat. “That guy never rests,” bulong ko sa sarili ko.Bagama’t sanay na akong mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam na wala si Marco sa paligid. Isa siya sa mga pinakakatiwalaan kong tao, at alam kong malaki ang ginagampanan niyang papel sa laban namin.Dahil w
Everisha POVPaglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid. Kahit nasa loob pa lang kami ng airport, alam kong bawat galaw namin ay kailangang maingat. Masyadong mataas ang panganib na makita kami ng mga tauhan ni Raegan o ng mga koneksyon niya. Hindi sa naduduwag kami, ayaw lang namin na magkaroon ng gulo sa airport.“Stay close,” bulong ni papa Everett, habang inayos niya ang kanyang sumbrero. Naka-disguise kami lahat—sumbrero, sunglasses, at mask ang suot naming apat. Si mama Misha ay nakasuot ng plain na hoodie at naka-cap, habang si Edric naman ay halos hindi na makilala sa balbas at faux glasses na suot niya.Tiningnan ko si Edric. Halata sa kanya ang pagod pero nananatili siyang alerto. Excited na talaga siyang makita ang kapatid niya. Pati tuloy ako ay nae-excite na kung anong magiging reaction kapag nagkita na sila.Paglabas namin ng airport, huminga ako nang malalim kahit natatakpan ng mask ang mukha ko.“Saan na po tayo pu
Czedric POVTahimik ang gabi nang magsimula kaming magplano ni Marco. Galit na galit pa rin ako sa paninira ni Raegan sa Pamilyang Tani kaya lalo akong gagawa ng ingay para matakot na siya.Ang liwanag ng buwan ay bahagyang naglalagos sa makapal na ulap, tila isang paalala na kahit gaano kadilim ang paligid, may pag-asa pa rin. Nasa harapan namin ang isang mapa ng Batangas, nilalatagan ng mga marka ni Marco gamit ang pulang tinta.“This is the hacienda,” sabi niya habang tinuturo ang isang lugar sa mapa. “Raegan’s men are training here. Most of them are ex-convicts. He paid their way out of prison.”Napakuyom ako ng kamao. Ang galit ko kay Raegan ay mas lalong lumalim kasi naghahakot pa talaga siya ng mga kapwa niya criminal. “We need to stop them. They’re a danger to everyone.”“Exactly,” sagot ni Marco habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. “We’ll hit them hard and fast. No one gets out.”Tumingin ako sa kanya. “Sigurado ka bang handa ka para dito?”Ngumiti siya ng bahagya. “Czedric
Everisha POVNakatanaw ako sa malawak na tanawin ng South Korea mula sa isang maliit na burol. Ang hangin ay malamig at malinis tulad ng dati, puno ng sariwang amoy ng mga puno at damo. Kasama ko si Edric, ang kapatid ni Czedric, na ngayo’y tumuturo sa maliliit na kabahayan sa paanan ng burol.“This place,” sabi niya habang nakangiti, “was one of my favorite spots when I first moved here. Quiet, hidden, and away from the crowd.”Napangiti ako. “I can see why you love it here. It's beautiful and peaceful.”“South Korea has so many hidden gems,” sagot niya. “Places like this remind me of home, in a way. Simple, but meaningful.”Habang binabaybay namin ang maliliit na daanan sa likod ng burol, nakarating kami sa isang maliit na nayon na halos wala ni isang turista. Ang mga bahay ay tradisyunal, gawa sa kahoy at may mga palamuti sa harap ng bawat pinto.“Everisha, this is one of the places tourists never visit,” sabi ni Edric. “They’re too busy with the big cities and popular spots. But