Ano, nakapunta na rin ba kayo sa Woke Up Married To The Trillionaire? Sabi sainyo maganda din ‘yun e. 🫶🏻 Basahin nyo na rin.
Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno
Everisha's POVPagmulat pa lang ng mga mata ko ngayong umaga, diretso na agad ang kamay ko sa cellphone. Alam ko na ang una kong hahanapin—ang bagong video ni CD Borromeo dahil trending ‘yun ngayong umaga. Nang buksan ko ang social media niya, tumambad sa akin ang thumbnail niya. Walang maskara, at sa unang pagkakataon, ipinakita niya ang mukha niya sa publiko.Kinakabahan akong pinindot ang play button. Kahit alam ko na ang totoo, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa na talaga ni Czedric ang bagay na matagal niyang itinago. Habang pinapanood ko ang video, parang bumalik lahat ng alaala namin. Ang mga plano, ang mga sikreto, at ang mga dahilan kung bakit kailangang manatili siyang anonymous dati.Pero ngayon, nagbago na ang lahat.Pagdating sa bahagi kung saan hinubad niya ang maskara, tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa screen, parang hindi ko pa rin maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Seryoso ang mukha ni Czedric, pero kitang-kita mo ang confidence niya ha
Czedric’s POVAbala na ang mga staff ko sa paghahanda ng espesyal na hapunan para sa Pamilyang Tani. Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ko sila. Napakaganda ng tanawin mula sa bintana ng mansyon ko—ang mga ilaw sa hardin na parang bituin sa lupa, ang magagarbong bulaklak na inayos ng mga florist, at ang malinis na swimming pool na parang salamin sa ilalim ng buwan.Masaya ako ngayon dahil nagagawa ko na ang gusto ko, nang hindi na kailangang magbanat ng buto tulad noong mga panahong itinatago ko pa ang tunay kong pagkatao. Isang senyas lang mula sa akin, agad na kikilos ang mga tao ko para tuparin ang anumang gusto ko. Hindi ko ito tinuturing na kayabangan, kundi isa itong patunay na naibalik ko na ang kontrol sa buhay ko.“Life is good,” bulong ko sa sarili ko habang iniinom ang mamahaling alak na galing pa sa France.“Sir, everything is set for tonight,” sabi ng head staff ko na si Lenard. Tumango siya habang inilalatag ang listahan ng mga detalye sa hapag na nasa harap
Everisha’s POV“Miss, pasensya na po, pero kailangan nating huminto,” sabi ng driver ko habang dahan-dahan niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.Napatigil ako sa pagbabasa ng message sa phone at napatingin sa labas. Madilim, liblib, at wala halos mga bahay. Hindi ko alam kung anong eksaktong lugar ito, pero isa lang ang sigurado, walang gustong maghintay sa ganitong lugar.“Bakit tayo huminto?” tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.“May problema po sa makina,” sagot niya habang bumaba ng sasakyan. Nakaawang ang bintana ko kaya naririnig ko ang pagbulong-bulong niya habang sinusuri ang makina.Tumingin ako sa paligid. Ang dilim at ang katahimikan ng lugar ay parang sumisigaw ng panganib. Sinubukan kong tingnan ang cellphone ko para tawagan si Czedric, pero wala akong signal.Great. Perfect timing talaga, bulong ko sa sarili ko habang napapikit na lang sa inis.“Ma’am,” balik ng driver ko sa gilid ng bintana, “hindi ko po maaayos agad ito. Kailangan kong maghanap
Everisha’s POVPagpasok ko sa mansiyon ni Czedric, agad akong sinalubong ng mabining tunog ng soft jazz music at ang liwanag ng grand chandelier na bumabagsak mula sa napakataas na kisame. Mabilis akong napansin ng mga staff, ngunit mas pinili kong huwag silang pansinin habang dahan-dahan kong tinatahak ang daan papunta sa dining area.Nauna nang pumasok sa loob si Marco kasi nag-retouch pa ako ng makeup ko.Sa lamesa, nakita ko ang pamilya ko na masayang nag-uusap habang nagde-dessert. Naroroon si Papa, si Mama, si Mishon, pati si Tita Marie na mabuti-buti na pakiramdam. Pero hindi ko maiwasang mapansin na tila wala man lang nagtanong kung bakit ngayon lang ako dumating.Late na naman ako, sabi ko sa sarili, napapailing. Ngunit nang umikot ang paningin ko at magtama ang mga mata namin ni Czedric, parang huminto ang oras.Nakangiti siya—isang ngiti na puno ng kasiyahan at kung anong damdamin na tila laging ipinagdadamot niyang ipakita sa iba. Nagbalik ngiti naman ako, bagama’t dama ko
Czedric's POVTahimik kong hinihintay si Everisha sa labas ng opisina niya. Nakaparada ang sasakyan ko malapit sa entrance, habang pinagmamasdan ang mga empleyadong naglalabasan, mukhang pagod pero masaya matapos ang araw ng trabaho. Malaki na rin ang building ng company ni Everisha. Nakaka-proud na tao si Everisha kasi kahit mayaman na siya, nagpapayaman pa lalo. Sabagay, ganoon naman talaga lahat. At ganoon din ako, mas gusto ko ‘yung mas yumaman pa para maganda ang kinabukasan ng mg future son & daughter ko.Gusto kong makita ang ekspresyon sa mukha niya tuwing lalabas siya mula sa trabaho—ang unti-unting pagbawas ng tensyon sa kanyang mukha kapag nakita niya akong naghihintay.Ito na ang simula, sabi ko sa sarili ko. Gusto kong gawin ang lahat para mapalapit sa kanya.Nang makita ko siyang naglalakad palabas, tumigil ang lahat sa paligid ko. Ang bawat kilos niya ay parang sinadya para makuha ang atensyon ko. Simple lang ang suot niya—isang corporate attire na black pencil skirt at
Czedric's POVPagtingin ko sa aking email inbox, namutla ako sa sobrang dami ng notifications na natanggap ko mula sa iba’t ibang kumpanya, endorsements, at press releases. Ngunit may isang email ang talagang tumutok sa akin—isang imbitasyon mula sa isa sa pinakamalalaking TV network sa bansa.Subject: Invitation to Perform on Sunday’s Live ShowSender: Talent Management DivisionBinasa ko ito nang mabuti at habang nagbabasa, hindi ko mapigilang mapangiti. Iniimbitahan nila akong mag-guest sa isang sikat na live variety show kung saan palaging nagpe-perform ang mga pinakamalalaking artista. Hindi ko maipaliwanag ang excitement ko. Ito na ba ang pagkakataon kong ipakita sa mas malaking audience ang talento ko?Napaisip ako. Habang lumalalim ang iniisip ko, biglang nag-pop sa isip ko ang mukha ni Everisha. Ano kaya ang masasabi niya kapag nalaman niya ito? Magiging proud kaya siya sa akin?Agad kong kinuha ang phone ko at nag-text sa kanya."Hey, love. I got invited to perform on Sunday
Everisha’s POVNagising ako nang maaga ngayong umaga. Pinilit kong huwag magtagal sa higaan dahil alam kong kailangan kong mag-ayos ng mga gamit ko para sa tatlong araw na bakasyon na pinlano ni Czedric. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero ramdam ko ang excitement. Ngayon lang kami magbabakasyon ng halos tatlong araw.Pagbukas ko ng cabinet, pinili ko ang mga paborito kong outfits—summer dresses, activewear, at ilang casual na damit. Baka naman beach ang destinasyon namin, naisip ko, kaya’t isinama ko na rin ang mga bikini at cover-ups ko. Matapos ang halos isang oras na pag-aayos ng maleta, sinigurado kong wala akong nakalimutan.Nagpatulong pa ako sa mga kasambahay namin kasi mas magaling silang mag-ayos ng mga gamit sa loob ng maleta.**Nung tanghali, nagdesisyon akong pumunta sa gym. Simula nang maging parte ng routine ko ang pag-eehersisyo, napansin ko ang malaking pagbabago sa katawan ko. Mas firm na ang mga braso ko, mas malinaw na ang hubog ng baywang ko at halos mawal
Mishon POVNgayong araw na ang alis ko dito sa Paris para umuwi muna pa-Pilipinas.Ito ang unang beses na uuwi ako sa Pilipinas habang naka-stay sa Parisna, kaya excited ako pero may halong lungkot—lalo na dahil hindi ako ihahatid ni Ada sa airport."I’ll just cry if I see you leave, so I’ll stay here." ‘Yon ang sabi niya kanina habang niyayakap ako nang mahigpit.Natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "I’ll be back soon, babe. Don’t miss me too much.""No promises."Kahit hindi siya sumama sa airport, alam kong suportado niya ang pag-uwi ko. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya.Nakadalawa naman siya ng sunod sa akin sa kama nitong mga nagdaang araw kasi sure akong kahit pa paano ay naging masaya siya bago ako umuwi. Heto nga at parang pagod na pagod at inaantok ako, masyado si Ada. Nung masanay na siya sa pakikipaglaro sa akin sa kama, nawili na, siya pa minsan ang nag-aaya kaya natatawa na ang ako sa tuwing bigla-bigla ay mag-aaya siya.Habang wala ako, nakaatang ki
Ada POVDati, hindi ko akalain na magiging ganito kasarap ang pakiramdam ng tumulong sa iba. Ngayon, habang tinitingnan ko ang excited na mukha ni Yanna, alam kong isa ito sa mga bagay na gusto kong ipagpatuloy—ang makita ang mga pinsan kong unti-unting naaabot ang mga pangarap niya.May Nakapansin na kay Yanna, kaya masaya ako.Kahapon lang, nag-photoshoot kaming tatlo nila Yanna at Verena sa isang simpleng shoot lang na ginawa namin para magpapansin sa social media at sa mga possible endorsers.At hindi lang basta napansin si Yanna—may nag-email na mismo sa kanya!Pagdating ko sa flower farm ni Mama Franceska, nakita kong tumakbo palapit sa akin si Yanna, hawak-hawak ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na parang bata na nanalo sa isang contest."Ada! Ada! Look! I got an email!" sigaw niya habang humahangos sa pagtakbo.Napangiti ako at inabot ang phone niya. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang offer para kay Yanna.Isang shampoo brand ang gustong gawing model s
Mishon POV Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya. Ubos. Sold out! Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim. Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala. Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa. "Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko. Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya. "WE DID IT!" Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang
Ada POVOras naman para suportahan at pasayahin ko naman ang boyfriend ko. Ngayong araw, hindi lang ito tungkol sa isang grand opening ng shop ni Mishon—ito ay tungkol din sa pagtulong na pasikatin ang business niya. At gamit ang power ng pagiging sikat ko, gagamitin ko ang social media mamaya para tulungan siya.Matagal na niyang pinaghirapan ito, at ngayon, sa wakas, binubuksan na niya ang unang wine shop ng Tani Wine Company sa sentro ng Paris. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang buong suporta ko.At hindi lang ako ang pupunta. Kasama ko sina Yanna at Verena, at kahit hindi namin ito planong gawing isang modeling event, gusto kong siguraduhin na magmumukha kaming tatlong diyosa sa gabing ito.Maaga pa lang, pinatawag ko na ang glam team namin.Habang nakaupo sa harap ng salamin, sinisipat ko ang bawat kilos ng makeup artist ko. Gusto kong perfect ang look ko mamaya. Sa gilid ko, si Yanna at Verena ay parehong nakapikit habang inaayusan din."I love this look
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat ayusin. At proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko ito ng maayos kahit minsan ay may mga pagkakamali rin.Nakahanap ako ng isang malaking shop sa sentro ng Paris, sakto sa vision ko para sa Tani Wine Company. Dati itong isang pizzeria, pero ngayon, gagawin ko itong isang eleganteng wine shop na may modernong disenyo—isang lugar kung saan mararamdaman ng mga tao ang kalidad at halaga ng alak na ginawa ko sa sarili kong farm.Oo, mahal ang renta, pero hindi ako nagdalawang-isip. Sa halip na magrenta lang, binili ko na ang buong property. Mas malaking puhunan, pero mas maganda dahil akin na ito nang tuluyan.Nakatayo ako ngayon sa harap ng shop habang pinagmamasdan ang lumang signage ng pizzeria
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala