Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Everisha POV Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay. Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami. Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak k
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POV Pagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa. Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin. “Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.” Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos. Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hin
Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang
Czedric POV Tahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa mapa, tinitiyak ang bawat detalye. Si Edric at Mishon ay tahimik, pero kita sa mga mata nila ang kaseryosohan sa magaganap na huling laban. “Everyone ready?” tanong ni Marco. “Always,” sagot ni Edric, sabay sulyap kay Everisha na ngumiti nang bahagya bilang sagot. Napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang oras para magpaka-distracted, pero ang pag-aalala ko para kay Everisha ay masyadong malakas. At si Edric—alam kong kapwa ko siya maaasahan, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may masamang nangyari kay Everisha. Pagdating namin sa resort, nagpaikot muna kami sa harapan. Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi iyon nangangahulugang ligtas kami. Pagbuka
Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno
Everisha's POVPagmulat pa lang ng mga mata ko ngayong umaga, diretso na agad ang kamay ko sa cellphone. Alam ko na ang una kong hahanapin—ang bagong video ni CD Borromeo dahil trending ‘yun ngayong umaga. Nang buksan ko ang social media niya, tumambad sa akin ang thumbnail niya. Walang maskara, at sa unang pagkakataon, ipinakita niya ang mukha niya sa publiko.Kinakabahan akong pinindot ang play button. Kahit alam ko na ang totoo, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa na talaga ni Czedric ang bagay na matagal niyang itinago. Habang pinapanood ko ang video, parang bumalik lahat ng alaala namin. Ang mga plano, ang mga sikreto, at ang mga dahilan kung bakit kailangang manatili siyang anonymous dati.Pero ngayon, nagbago na ang lahat.Pagdating sa bahagi kung saan hinubad niya ang maskara, tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa screen, parang hindi ko pa rin maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Seryoso ang mukha ni Czedric, pero kitang-kita mo ang confidence niya ha
Samira POVNapuno ng sigaw ko ang buong bahay.“Help! Someone, please help!”Nagmadali akong lumuhod sa tabi ni Donya Ria, pero hindi dahil sa pag-aalala. ginagampanan ko lang ang papel ko sa palabas na ito. Sa loob-loob ko, alam kong wala nang silbi ang kahit anong gawin nila. Masyado nang maraming dugo ang umagos sa sahig.Nagsimula nang magsilabasan ang ibang kasambahay na gaya ko, ang ilan ay napatakip pa ng bibig nang makita ang duguang ulo ni Donya Ria. Ang ingay ng mga hakbang nila sa sahig ay parang dumagundong sa aking pandinig. Mabilis silang lumapit habang ang takot nila at pagkabigla ay kitang-kita sa kanilang mga mukha.“Anong nangyari?!” sigaw ni Manang Luz habang namumutla agad ang mukha.Kailangan kong lumabas na inosente ako. Sinigurado kong nanginginig ang boses ko habang sumagot. “Nadapa po siya! Papunta na siya sa kuwarto niya nang bigla siyang nadulas at bumagsak!” Tumingin ako sa kanila na parang litong-lito habang pilit pinapakita ang pekeng pagkabahala sa mata
Samira POVHindi ko alam kung anong trip ni Sir Vic at bigla niya akong pinatawag habang nag-aasikaso kami ng almusal sa kusina. Malapit na kaming matapos, pero heto ako ngayon, naglalakad papunta sa garden dahil sa utos niya na sumunod ako doon.Pagdating ko roon, may nakita akong kubo. Nakaupo si Sir Vic sa isang mahabang bangko, naka-de kuwatro at mukhang kampanteng-kampante. Nang makita niya ako, ngumiti siya.“You should rest,” sabi niya at saka tinatapik ang espasyo sa tabi niya. “You deserve it.”Napangiwi ako. Kung puwede lang siyang murahin, ginawa ko na. Alam kong nilalandi niya ako. Halata naman sa kilos niya. Pero hindi ako tanga. Hindi ako madaling madadala sa kabaitan ng mga tulad niya. Sa huli, baka kasing-demonyo lang din siya ng ama niyang si Don Vito.“I’m fine, Sir Vic,” sagot ko nang walang emosyon. “May kailangan po ba kayo?”Tinitigan niya ako. Sa unang pagkakataon, napansin ko ang linya sa pagitan ng mga kilay niya na para bang may bumabagabag sa kaniya.“Your f
Miro POVNasa loob ako ng kuwarto ko, nakahiga sa kama habang tinitingnan ang kisame. Ang dami kong gustong gawin, pero para bang may pumipigil sa akin. Naiisip ko sina Mama Ada at Papa Mishon at si Ahva. Hindi naman sa ayaw kong kasama sila, pero pakiramdam ko, oras na para ako naman ang magdesisyon sa buhay ko. Saka, hindi kasi ako makalantad sa kalaban habang nandito ako. Delikado para sa kanila, ayokong mapahamak sila, lalo na’t malaking kalaban ang babanggain ko, si Don Vito.“How do I even start?” bulong ko sa sarili ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanila na gusto ko nang bumukod? Hindi nila iyon matatanggap nang basta-basta kasi nasanay na silang nandito ako, lalo na ang kapatid kong si Ahva.Napabuntong-hininga ako at umupo. Kailangan ko munang pag-isipan ang bawat hakbang ko. Pero para may magawa ako, pag-aaralan ko na lang muna ang mga galamat ni Don Vito.Si Don Vito. Ang isang tulad niya ay hindi gumagalaw nf mag-isa. May sistema, may istruktura at may mga taong gumagawa ng m
Samira POVMatagal ko nang gustong makapasok sa kuwarto nina Donya Ria at Don Vito. Sa wakas, ngayon, natupad na rin ang gusto ko. Sabi ni Manang Luz ay gusto akong makausap ni Donya Ria sa kuwarto nito kaya naman nakangiti akong naglakad papunta sa pinto ng kuwarto nila.Ang iba ay takot kapag daw pinapapasok doon, pero ako, walang takot na nararamdaman. Eh, bakit ako matatakot e, gusto ko ngang makapasok dito. Alam kong hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino lang sa lugar na ito. At ngayong tinatawag ako ni Donya Ria, ibig sabihin may pagkakataon na akong makita ang pasikot-sikot sa loob ng kuwarto nila ni Don Vito. Mas makikilala ko na kung paano gumalaw ang dalawang pinakamakapangyarihang tao sa mansyong ito. Sa kuwarto na kung saan ay hindi ko pa napapasok.Sabi ni Manang Cora ay maghanda raw akong masaktan kasi kapag daw nagpapatawag si Donya Ria doon ay ibig sabihin ay galit ito at masasaktan ako. Sa akin, ayos lang masaktan kasi gusto ko ngang makita ang bedroom nila.Pagb
Miro POVNasa loob ako ng kuwarto ko at nakaupo sa harap ng computer habang nakatitig sa profile picture ni Samira Gomez. Hanggang ngayon ay hangang-hanga ako sa dalagang babae na ito na alaga ng mga tito-tito-an ko. Ayon sa kanila, magaling daw itong assassin. Gusto kong makita kung gaano siya kagaling.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin para makipagtulungan siya sa akin. Hindi ko gusto ang ideyang wala pa akong ginagawa, habang siya ay tila nag-uumpisa nang lumalim ang kaalaman sa buhay ng Mafia boss na si Vito Monteverde. Nakakainggit na nakakasama na niya ito sa bahay na iyon. Sa totoo lang, tanga rin si Don Vito. Wala siyang ingat. Talagang sa bahay pa niya nakapasok si Samira Gomez na hindi niya alam na papatay sa kanila. Ano kayang pinaplano ni Samira? Nakakainggit talaga. Gusto ko na ring may magawa. Gusto kong tumulong sa kaniya.Kaya nang dumating ang hapon, nagpaalam ako kay Mama Ada at Papa Mishon na may project kaming dapat gawin sa bahay ng kaklase ko. Pero ang
Samira POVUmagang-umaga pa lang, abala na sa kusina ang mga kasambahay ng pamilya Monteverde. Kanya-kanya sila ng gawain at sa akin napunta ang pagkuha ng order na karne sa farm na matagal nang supplier ng pamilyang ito. Nakasalansan na ang mga kahon sa gilid, at tila ba alam na ng lahat kung anong mangyayari.“Samira, ikaw na ang kumuha ng order. Wala pang isang oras, dapat nakabalik ka na,” seryosong utos ni Manang Luz. Ramdam ko sa boses niya ang babala. “Kapag lumagpas ka sa oras na ‘yan, baka may tumagos na lang na bala ng baril sa ‘yo.”Hindi biro ang sinabi niya. Kaya mukhang totoo na wala na akong kawala rito. Alam kong seryoso siya. Ganoon din si Manang Cora na kanina lang ay sinabihan akong mag-ingat bago ako lumabas ng mansiyon. Sabi nila, ako lang talaga ang maaaring makalabas dahil mas bata ako kaya lang ay may oras lang talaga at hindi puwedeng magtagal, kundi ay talagang papatayin ako ng mga tauhan ni Don Vito. Ang dating batang kasambahay ay kaya lang nakakauwi ay dahi
Samira POVNung buhay pa ang mga magulang ko at ang kapatid kong babae, masaya na kami kapag may isang buong manok sa hapagkainan, pero dito sa manisyon ng mga demonyo, tangina, halos lagpas sampu ang putahe sa lamesa. Nagtataka tuloy ako, bakit parang mas masarap pa ang buhay ng mga taong makasalanan? Tapos, kung sino pa ang mga mababait, sila ang hirap na hirap sa buhay? Ang gara lang.Lalo tuloy akong naiinis, gusto kong lagyan ng lason itong mga pagkain nila, gusto ko lagyan ng pako, lagyan ng blade para magkautasan na silang lahat. Nakakagigil, lalo na’t alam kong makikita ko na ngayong gabi ang hayop na Vito na ‘yon.Sa gabing iyon, isa-isa na naming inilagay sa dining area ang mga pagkain para sa hapunan ng pamilyang demonyo este, pamilyang Salvatore. Kabilang ako sa mga naatasang mag-serve ngayong gabi at hindi ko maitanggi ang excitement sa dibdib ko. Sa wakas, makikita ko na siya. Ang taong pumatay sa kapatid at ama ko. Ang demonyong naging dahilan ng pagkamatay sa atake sa
Miro POVPagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa hacienda ng mga tito-titoan kong sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Isang malaking selebrasyon ang mayroon doon dahil birthday ngayon ni Tito Zuko. Sa likod ng sasakyan ko, maingat kong kinuha ang regalong inihanda ko para sa kanya, isa itong mamahaling samurai na in-order ko pa mula sa Japan, last month. Hindi lang ito basta-basta espada, handcrafted ito ng isang sikat na gumagawa talaga ng mga samurai at may halagang aabot sa daang libo. Alam kong magugulat si Tito Zuko, pero deserve naman niya ito kasi malaki ang naitulong nila sa akin para maging magaling ako sa pakikipaglaban.Pagpasok ko sa malawak na courtyard ng hacienda, sinalubong ako ng ingay ng mga bisitang naroroon na. Puro mga assassin at mga taong bihasa sa pakikipaglaban ang naroon, mga kalalakihan at kababaihang sanay sa patayan, ngunit sa ngayon, ang mga kamay nilang madalas may hawak na armas ay puno ng alak at pagkain.Walang gulo.Walang tensyon.Pero alam ko
Samira POVPumasok sa kuwarto ko si Manang Percy, sinabi niro sa akin na pinapatawag ako ni Manang Luz sa kaniyang kuwarto para kausapin. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, matutulog at magpapahinga pa naman ako pero istorbo ang gurang na iyon.Pagdating ko sa kuwarto nito, sumalubong sa akin ang magkasalubong na kilay niya, galit na labi at halos nakayukom na mga kamao niya.“Samira, you have to learn how to behave,” bungad niya sa akin habang malamig ang tono ng boses niya. “Next time Ma’am Via bullies you, just take it. Don’t fight back, or you’ll be the one in trouble.”Tumango ako, hindi dahil sang-ayon ako, kundi dahil wala akong balak makipagtalo ngayon. Kung alam lang niya na sa loob-loob ko ay natatawa ako. Lihim akong napatingin sa mga paa niyang parehong may benda. Satisfying talaga sa akin ang pagsadyang kong pagbuhos ng mainit na kape sa mga paa niya.Sa tingin ko, ako palang ang nakakagawa nun sa kaniya. Well, deserve n