Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0378: Season 2 (Chapter 82)

Share

0378: Season 2 (Chapter 82)

last update Last Updated: 2025-01-08 18:29:41
Everisha POV

Pagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa.

Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin.

“Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.”

Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos.

Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hin
LiaCollargaSiyosa

Binabasa niyo na rin ba ang “Woke Up Married To The Trillioanire”, guys? Maganda din siya, promise. Search niyo lang dito sa Goodnovel at makikita niyo agad.

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
tnx po sa update, opo nagbabasa ako sa woke up married to the trillionaire, maganda po ang story.
goodnovel comment avatar
Elvira Rondina
salamat sa update ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0379: Season 2 (Chapter 83)

    Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang

    Last Updated : 2025-01-09
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0380: Season 2 (Chapter 84)

    Czedric POV Tahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa mapa, tinitiyak ang bawat detalye. Si Edric at Mishon ay tahimik, pero kita sa mga mata nila ang kaseryosohan sa magaganap na huling laban. “Everyone ready?” tanong ni Marco. “Always,” sagot ni Edric, sabay sulyap kay Everisha na ngumiti nang bahagya bilang sagot. Napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang oras para magpaka-distracted, pero ang pag-aalala ko para kay Everisha ay masyadong malakas. At si Edric—alam kong kapwa ko siya maaasahan, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may masamang nangyari kay Everisha. Pagdating namin sa resort, nagpaikot muna kami sa harapan. Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi iyon nangangahulugang ligtas kami. Pagbuka

    Last Updated : 2025-01-09
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0381: Season 2 (Chapter 85)

    Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno

    Last Updated : 2025-01-09
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0382: Season 2 (Chapter 86)

    Everisha's POVPagmulat pa lang ng mga mata ko ngayong umaga, diretso na agad ang kamay ko sa cellphone. Alam ko na ang una kong hahanapin—ang bagong video ni CD Borromeo dahil trending ‘yun ngayong umaga. Nang buksan ko ang social media niya, tumambad sa akin ang thumbnail niya. Walang maskara, at sa unang pagkakataon, ipinakita niya ang mukha niya sa publiko.Kinakabahan akong pinindot ang play button. Kahit alam ko na ang totoo, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa na talaga ni Czedric ang bagay na matagal niyang itinago. Habang pinapanood ko ang video, parang bumalik lahat ng alaala namin. Ang mga plano, ang mga sikreto, at ang mga dahilan kung bakit kailangang manatili siyang anonymous dati.Pero ngayon, nagbago na ang lahat.Pagdating sa bahagi kung saan hinubad niya ang maskara, tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa screen, parang hindi ko pa rin maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Seryoso ang mukha ni Czedric, pero kitang-kita mo ang confidence niya ha

    Last Updated : 2025-01-10
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0383: Season 2 (Chapter 87)

    Czedric’s POVAbala na ang mga staff ko sa paghahanda ng espesyal na hapunan para sa Pamilyang Tani. Hindi ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ko sila. Napakaganda ng tanawin mula sa bintana ng mansyon ko—ang mga ilaw sa hardin na parang bituin sa lupa, ang magagarbong bulaklak na inayos ng mga florist, at ang malinis na swimming pool na parang salamin sa ilalim ng buwan.Masaya ako ngayon dahil nagagawa ko na ang gusto ko, nang hindi na kailangang magbanat ng buto tulad noong mga panahong itinatago ko pa ang tunay kong pagkatao. Isang senyas lang mula sa akin, agad na kikilos ang mga tao ko para tuparin ang anumang gusto ko. Hindi ko ito tinuturing na kayabangan, kundi isa itong patunay na naibalik ko na ang kontrol sa buhay ko.“Life is good,” bulong ko sa sarili ko habang iniinom ang mamahaling alak na galing pa sa France.“Sir, everything is set for tonight,” sabi ng head staff ko na si Lenard. Tumango siya habang inilalatag ang listahan ng mga detalye sa hapag na nasa harap

    Last Updated : 2025-01-11
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0384: Season 2 (Chapter 88)

    Everisha’s POV“Miss, pasensya na po, pero kailangan nating huminto,” sabi ng driver ko habang dahan-dahan niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.Napatigil ako sa pagbabasa ng message sa phone at napatingin sa labas. Madilim, liblib, at wala halos mga bahay. Hindi ko alam kung anong eksaktong lugar ito, pero isa lang ang sigurado, walang gustong maghintay sa ganitong lugar.“Bakit tayo huminto?” tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.“May problema po sa makina,” sagot niya habang bumaba ng sasakyan. Nakaawang ang bintana ko kaya naririnig ko ang pagbulong-bulong niya habang sinusuri ang makina.Tumingin ako sa paligid. Ang dilim at ang katahimikan ng lugar ay parang sumisigaw ng panganib. Sinubukan kong tingnan ang cellphone ko para tawagan si Czedric, pero wala akong signal.Great. Perfect timing talaga, bulong ko sa sarili ko habang napapikit na lang sa inis.“Ma’am,” balik ng driver ko sa gilid ng bintana, “hindi ko po maaayos agad ito. Kailangan kong maghanap

    Last Updated : 2025-01-11
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0385: Season 2 (Chapter 89)

    Everisha’s POVPagpasok ko sa mansiyon ni Czedric, agad akong sinalubong ng mabining tunog ng soft jazz music at ang liwanag ng grand chandelier na bumabagsak mula sa napakataas na kisame. Mabilis akong napansin ng mga staff, ngunit mas pinili kong huwag silang pansinin habang dahan-dahan kong tinatahak ang daan papunta sa dining area.Nauna nang pumasok sa loob si Marco kasi nag-retouch pa ako ng makeup ko.Sa lamesa, nakita ko ang pamilya ko na masayang nag-uusap habang nagde-dessert. Naroroon si Papa, si Mama, si Mishon, pati si Tita Marie na mabuti-buti na pakiramdam. Pero hindi ko maiwasang mapansin na tila wala man lang nagtanong kung bakit ngayon lang ako dumating.Late na naman ako, sabi ko sa sarili, napapailing. Ngunit nang umikot ang paningin ko at magtama ang mga mata namin ni Czedric, parang huminto ang oras.Nakangiti siya—isang ngiti na puno ng kasiyahan at kung anong damdamin na tila laging ipinagdadamot niyang ipakita sa iba. Nagbalik ngiti naman ako, bagama’t dama ko

    Last Updated : 2025-01-12
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0386: Season 2 (Chapter 90)

    Czedric's POVTahimik kong hinihintay si Everisha sa labas ng opisina niya. Nakaparada ang sasakyan ko malapit sa entrance, habang pinagmamasdan ang mga empleyadong naglalabasan, mukhang pagod pero masaya matapos ang araw ng trabaho. Malaki na rin ang building ng company ni Everisha. Nakaka-proud na tao si Everisha kasi kahit mayaman na siya, nagpapayaman pa lalo. Sabagay, ganoon naman talaga lahat. At ganoon din ako, mas gusto ko ‘yung mas yumaman pa para maganda ang kinabukasan ng mg future son & daughter ko.Gusto kong makita ang ekspresyon sa mukha niya tuwing lalabas siya mula sa trabaho—ang unti-unting pagbawas ng tensyon sa kanyang mukha kapag nakita niya akong naghihintay.Ito na ang simula, sabi ko sa sarili ko. Gusto kong gawin ang lahat para mapalapit sa kanya.Nang makita ko siyang naglalakad palabas, tumigil ang lahat sa paligid ko. Ang bawat kilos niya ay parang sinadya para makuha ang atensyon ko. Simple lang ang suot niya—isang corporate attire na black pencil skirt at

    Last Updated : 2025-01-12

Latest chapter

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0679: Season 4 (Chapter 107)

    Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0678: Season 4 (Chapter 106)

    Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0677: Season 4 (Chapter 105)

    Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0676: Season 4 (Chapter 104)

    Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0675: Season 4 (Chapter 103)

    Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0674: Season 4 (Chapter 102)

    Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0673: Season 4 (Chapter 101)

    Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0672: Season 4 (Chapter 100)

    Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0671: Season 4 (Chapter 99)

    Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status