Misha’s POVPaglabas ko ng ospital, masayang-masaya ako kasi kasama na naming uuwi sa bahay ang baby namin ni Everett. Ang init ng araw ay sumalubong sa amin sa labas, pero hindi masakit sa balat, hindi nakakasilaw—tamang-tama lang, parang sumasalamin sa bagong kabanata ng buhay namin. Kasama si Everett, bitbit niya ang car seat kung saan nakahiga si Everisha, ang unang anak namin. Napaka-cute na baya ni Everisha. Pinaghalong itsura namin ni Everett siya, sobrang cute.Tumingin ako sa paligid habang nakahawak sa braso ni Everett, ramdam ko pa rin ang banayad na sakit mula sa panganganak, pero alam kong maghihilom din ito kapag tumagal. Ang mahalaga, kasama ko na ang anak namin. Our baby girl. Nakatingin ako sa maliit na mukha ni Everisha, tulog siya, ang payapa ang itsura niya. Sa bawat malalim niyang paghinga, nararamdaman kong kumpleto na ang buhay ko.Nandito si Everett, ang lalaking mahal ko, at si Everisha, ang bunga ng pagmamahalan namin.Habang papasok kami sa aming sasakyan, t
Misha’s POVNagpalitan kami ng mga yakap at ngiti, at pagkatapos ay narinig ko ang boses ng best friend ko, si Conrad. “Finally, Misha! You’re home!”Napalingon ako at nakita ko si Conrad, kasama ang isa pa isa ko pang bestfriend na si Jaye. Pareho silang nakangiti, punong-puno ng saya sa mga mata nila. Si Conrad ay may dala pang mga lobo at bulaklak, na parang eksakto sa pagdiriwang sa pag-uwi namin dito sa bahay. Si Jaye naman ay abalang kumukuha ng mga larawan gamit ang kaniyang cellphone.“You look amazing, considering you just gave birth!” biro ni Jaye sabay kuha ng candid shot namin ni Everett habang bitbit pa rin niya si Everisha.“Thank you!” Tumawa ako ng mahina, alam kong sinisikap lang nilang gawing masaya ang sandali. “Pero I definitely don’t feel amazing right now.”“Trust me, you do!” sagot ni Conrad habang inabot niya ang isang maliit na stuffed toy na kulay pink para kay Everisha. “For the baby. I wasn’t sure what to get, but I thought this was cute.”Ngumiti ako dahil
Everett’s POVThe sun had just barely risen, casting a golden hue over the skyline as I stared out the floor-to-ceiling windows of my office. Today’s the day. I could feel the anticipation building in my chest, a sense of triumph that I hadn’t felt in a long time. The final step had been taken. I had fulfilled my father’s last will and testament. I had gotten married to Misha, and now, we had a daughter—our little Everisha. The stipulations were clear: as soon as I married and had a child, everything my father built would officially be passed down to me.And that meant today, I would finally take full control of everything. The entire company—all of it, rightfully mine. I couldn’t help but smile. Years of preparation, of waiting, and now, it was happening. The legacy that my father started, one of the largest luxury car empires in the Philippines, would be in my hands.“Sir, the board meeting is set for 10 AM,” sabi ng assistant ko habang naglalagay ng isang folder sa ibabaw ng desk.
Everett’s POVTumayo si Tito Gerald at hinarap ang lahat at nagsalita. “As you all know, today marks a significant change in the company. Everett has fulfilled the last stipulations of his father’s will. He’s married, he has a child... and so, as per his father’s wishes, I will be stepping down as CEO effective immediately.”I watched him closely as he said those words. There was a flicker of reluctance, but also resignation. He couldn’t fight it anymore. I had won.“This company will now be under the full leadership of Everett,” dagdag niya at naramdaman ko ang bigat ng bawat salita niya. “I trust you will all give him the same support you’ve given me over the years.”After the brief speech, everyone turned to me. It was my turn. I stood up, adjusting my suit jacket, and faced the room.“Thank you, Tito,” I began, nodding in his direction. “And thank you, everyone, for being here today. This company has been a part of my life for as long as I can remember. My father built this empire
Everett’s POV“Sir Everett,” narinig kong tawag ng assistant ko habang kumakatok sa pinto. “Everything’s ready at the event hall.”I turned to her, nodding. “Perfect. Make sure everyone’s comfortable and that the entertainment is top-notch.”“Yes, sir. The catering team has already set up, and the performers are rehearsing as we speak. The event should start in about an hour.”“Good,” I replied, adjusting the cufflinks on my suit. I chose an all-black ensemble, sleek and sharp, fitting for the night. I was going for a powerful yet approachable look. Tonight, I wasn’t just a CEO; I was Everett—the man who had finally earned his place at the top and wanted to share it with everyone who had helped him along the way.The event hall was massive, a place fit for billionaires, but tonight it was filled with the laughter and excitement of my staff. Chandeliers glittered from the high ceiling, casting a soft glow over the marble floors. Tables were laid out in elegant fashion, draped with whit
Everett’s POVAs the night progressed, I took the stage. The music died down, and the crowd turned their attention towards me. Standing in front of everyone, I felt the weight of the moment—but not in a burdensome way. It was a reminder of how far I’d come, how far we all had come.“Good evening, everyone,” I began, my voice echoing throughout the hall. “First of all, I want to thank each and every one of you for being here tonight. This celebration isn’t just about me becoming CEO. It’s about all of you—the people who make this company what it is.”I paused, scanning the room. “I couldn’t have gotten here without the support of my team. We’re like a family, and I want you all to know that I appreciate every single one of you.”There was a round of applause, and I felt a surge of pride.“I want tonight to be a reminder that this company isn’t just about business. It’s about people. It’s about making sure we’re all taken care of, that we grow together, and that we enjoy the journey. So
Misha’s POVNasa conference room ako ng isa sa mga Tani luxury hotels namin. Maluwag ang kuwarto, may mga glass walls na nagpapakita ng napakagandang view ng lungsod sa labas. Pero hindi iyon ang importante ngayon. Pinuno ng mga upuan ang lamesa sa harap ko, at ang bawat isa ay okupado ng mga managers at supervisors ng iba’t ibang hotels namin. I can see the tension in their eyes, but they trust me, and that’s all that matters.Nang ipasa sa akin ni Everett ang responsibility na ito, hindi ako nagdalawang-isip. Alam kong kaya ko, at alam kong kailangan ng pamilya namin na pagtuunan ko ng pansin ang ganitong mga bagay. Sino pa nga ba ang magtutulungan kundi kaming mag-asawa?Si Everett ang CEO ng company ng luxury car, habang ako naman ang CEO ng mga luxury hotel namin.“Good morning, everyone,” I started. My voice echoed slightly in the large room. “I’ve called this meeting to address a few things. I want to hear from each of you—honestly—about the most pressing issues you’ve been fac
Misha’s POVTatlong taon na ang lumipas mula nang ipanganak ko si Everisha. Tatlong taon na ring hindi nagpaparamdam sina Tita Maloi, Tito Gerald, at ang mga pinsan ni Everett—sina Teff, Eff, at Rei. Sila ang mga kamag-anak ni Everett na kahit kailan ay hindi naging mabait o suportado sa amin. May kung anong maitim na plano palagi ang mga iyon, at sa tuwing may family gathering noon, nararamdaman ko ang kanilang mga matang tila lagi akong binabantayan, pero ngayon, parang nalusaw sila sa hangin. Buti na lang at wala na silang pakialam sa amin.Ngayong tatlong taon na si Everisha, hindi ko maiwasang mag-isip na kailangan ko nang tutukan ang mga businesses namin. Hindi lang dahil sa responsibilidad, kundi dahil gusto ko rin namang ibigay ang lahat para sa pamilya ko. Kaya naman, nang inalok ako ni Everett na maging CEO ng Tani Luxury Hotels, hindi ako nagdalawang-isip.“Ano ka ba, Everett,” sabi ko sa kanya noon, “kaya ko ‘yan! Para saan pa’t ginawa mo akong asawa mo kung hindi mo rin a
Mishon POVAlas sais ng umaga nang magising ako sa kuwarto sa third floor ng mansiyon. Ilang segundo akong nakatingin sa kisame nun habang pinoproseso ang lahat. Oh, Lord, ngayong araw na ang kasal namin ni Ada. Ngayong araw na magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko kasama ang mahal na mahal kong si Ada.“Good morning, Sir Mishon. Your breakfast is here.” Narinig kong sabi ng isang staff na kumatok sa pinto.Bumangon ako mula sa malambot na kama at pinagbuksan siya. Isang tray ng almusal ang inilapag nito sa maliit na mesa sa gilid ng kuwarto, croissants, scrambled eggs, smoked salmon at isang tasa ng mainit na black coffee ang almusal ko. Simple pero elegante, si Ada siguro ang nagpa-ready nito. Umagang-umaga ay pinapakilig niya ako. Saktong-sakto lang din ito kasi kailangan kong kumain ng almusal para may lakas ako sa buong maghapon.Habang kumakain ako, pumasok ang tatlong lalaki mula sa aking glam team. Ang lead stylist na si Rafael, isang sikat na fashion consultant na naka
Ada POVAlas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako sa tunog ng alarm ko. Dali-dali akong naligo, nag-toothbrush at nag-almusal dahil maaga ring dumating ang glam team na mag-aayos sa akin.Oh, my God! Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng kasal namin ni Mishon. Sa loob ng ilang buwan ng paghahanda, sa wakas ay dumating na rin ang sandaling ito.Pagbaba ko sa hagdan, bumungad sa akin ang buong glam team na abala nang inaayos ang kanilang mga gamit. Ang glam team na ito ay hindi basta-basta lang, sila ang pinakasikat sa industriya ng bridal styling kaya dapat lang na ma-try ko sila sa pinaka-special na okasyon ng buhay ko.Inutos ko sa kasambahay na papasukin na sila sa malaking guest room na kung saan ay doon ako aayusan. Pagkatapos, sisilip dapat ako sa room ni Mishon para sana tignan niya pero pinigilan ako ni Ate Everisha, huwag na muna raw kaming magkita, doon na sa simbahan kami magkikita mamaya.Kaya pumunta na rin ako sa guest room kung saan nandoon na ang glam
Mishon POVNgayong gabi ay ito na ang huling gabi ko bilang binata. Bukas, ikakasal na ako kay Ada, sa babaeng mahal ko, ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Pero bago ang lahat, may isang gabi pa akong natitira para maging isang free man.At siyempre, hindi puwedeng walang party! Kasi si Ada, ginawan din nila Ate Everisha, Verena at Yanna ng party para sa last night na pagiging dalaga niya.Nasa rooftop kami ng mansiyon, kung saan nag-set up sina Marco, Edric at Czedric ng maliit pero solid na inuman. May mga fairy lights na nagbibigay ng cozy na ilaw, may barbecue sa gilid at siyempre, may malaking cooler na puno ng beer at whisky. Walang ibang bisita, kami lang.“Bro, are you ready to say goodbye to your single life?” tanong ni Marco habang binubuksan ang isang bote ng beer at inabot sa akin. Mga topless kaming lahat kasi mainit dito sa rooftop.I smirked and took the bottle. “Man, I’ve been ready since the day I met Ada.”“Hah! Sipsip!” singit ni Edric bago sumimsim ng alak.
Ada POVPagbalik namin sa mansyon ngayong hapon galing sa Baguio ay para bang wala silang kapaguran. Bukas na kasi ang kasal namin ni Mishon kaya, ngayong gabi, ito na raw ang huling gabi ko bilang isang dalaga.Kaya naman sina Verena at Yanna ay gumawa ng party na all-girls celebration para sa akin. Kasama siyempre sina Ate Everisha, Verena, Yanna at iba pang malalapit kong kaibigan na babae.Buong hapon ay hindi nila ako pinalabas sa kuwarto ko kaya naglaro lang kami nang naglaro ni Miro doon. Parang bonding na rin namin ni Miro. Nung gabi na, doon lang nila ako inayang lumabas ng bedroom namin ni Mishon.Pagpasok ko sa malaking event hall ng mansyon namin ni Mishon ay agad akong sinalubong ng mga halakhak at sigawan nila.“Finally! The bride-to-be has arrived!” sigaw ni Verena habang may hawak na isang baso ng champagne.“Oh my God, you are so beautiful tonight, Ada! But after tomorrow, you’ll be Mrs. Tani!” dagdag ni Yanna na may kinikilig na ngiti.Natawa ako at umiling. “You guy
Mishon POVNang umagang iyon, maaga akong nagising upang ihanda ang araw na ito para sa amin naman ni Miro. Alam kong bihira lang kami magkaroon ng pagkakataon na makasama nang ganito, kaya gusto kong sulitin ang araw na ito para sa kanya.Bago ang kasal, dapat lang na mapagbigyan ko na siya sa request niya sa akin na bonding naming mag-ama lang.Pagkalabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Ada sa kusina, nagtitimpla ng kape. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti.“You’re up early,” aniya.Tumango ako. “Yeah. Gusto kong sorpresahin si Miro. Ilalabas ko siya ngayon habang nandito pa tayo sa Baguio.”Hindi naman siya tumutol. Alam kong gusto rin niyang magkaroon kami ng oras na magkasama bilang mag-ama. Kaya matapos kong magpaalam, agad akong nagtungo kay Ate Everisha upang humiram ng sasakyan na dala nila ni Czedric.Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na si Miro mula sa kuwarto niya, suot ang isang makapal na jacket at jogging pants. Nakita ko siyang nag-stretching habang nag-aantay sa
Ada POVPag-uwi namin sa Villa, agad naming naabutan sina Marco at Edric na nasa garden, abala sa paghahanda ng malaking lamesa para sa gagawin naming DIY samgyup. Sabi kanina ni Marco, dinaan nila sina Verena at Yanna sa mall, doon daw sila nakakita ng mga karne na gagawin samyup, tapos doon din daw nila nakita ang ilan sa mga side dish kaya natuloy ang balak ni Yanna na mag-samgyup talaga dito Baguio.Sa loob naman ay nadatnan namin sina Yanna at Verena na maingat na inaayos ang mga hiniwang karne ng baboy, baka at manok. Si Everisha at Czedrick ay nakaupo sa sofa, kapwa nagpapahinga matapos makarating dito sa Baguio kasama sina Miro at Czeverick. Sa wakas ay nakasunod na rin sila rito sa Baguio. Na-late sila ng husto kasi may shooting pang pinuntahan si Czedrick.Pagkakita pa lang ni Miro sa papa niyang si Mishon, agad itong tumakbo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi rin niya ako kinalimutan, niyakap din niya ako na tila ba isa na rin akong pangalawang magulang sa paningin niya.
Ada POVMula nang ipakita sa akin ni Mama ang ayos ng magiging flower bouquet ko sa magiging kasal namin ni Mishon, hindi ko na napigilang tumawag agad sa flower farm sa Atok na pinuntahan namin kahapon. Gustung-gusto ko ang kombinasyon ng mga bulaklak, mga pulang rosas, puting lisianthus at baby’s breath na bumagay sa tema ng kasal namin ni Mishon.Habang kausap ko ang may-ari ng flower farm, tinanong ko kung kaya nilang mag-supply ng sapat na bulaklak para sa buong entourage. Mabuti na lang at kaya naman daw kaya wala na akong problema doon. Matapos naming magkasundo sa presyo at delivery date, agad akong nagpa-reserve.“Thank you so much! I’ll see you a few days before the wedding,” masaya kong sabi bago ibaba ang tawag.“Sigurado ka na sa mga pinili mong flowers?” tanong ni Mama Franceska habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Opo, Ma. Ang ganda ng arrangement mo, kaya iyon na ang pina-order ko,” sagot ko habang ngiting-ngiti ako na sinusulyapan ang phone ko kung saan
Mishon POVPagdating namin ni Papa Ronan sa La Trinidad Strawberry Farm, agad kaming naglakad-lakad sa loob ng farm. Malamig ang simoy ng hangin at kahit umaga pa lang, ramdam na ang preskong klima ng Baguio. Natutuwa nga si Papa Ronan kasi may malamig ng lugar daw pala dito sa Baguio. Akala niya ay puro tag-init lang dito kasi puro beach daw kasi ang sikat dito sa Pilipinas.Ako ang nag-tour sa kanya, ipinapakita ko sa kaniya ang iba’t ibang bahagi ng farm habang nagkukuwento tungkol sa lugar.“Wow, this place is amazing!” natutuwang sabi ni Papa Ronan habang tinitingnan ang mga hanay ng strawberry plants. “I can already smell the freshness.”Ngumiti ako. “You’ll love it po even more once you start picking them yourself, Papa.”Pagdating sa bayaran ng entrance, ako na rin ang nagbayad ng 300 pesos para sa basket, kaya may sarili kaming lalagyan para sa mga pipitasin naming strawberries. Nakakatawa nga si Papa Ronan dahil hindi siya nakikipag-usap sa mga tao. Sabi niya, ayaw daw niyang
Ada POVMaaga akong nagising ngayon kasi excited ako sa mangyayaring bonding namin ng mama ko. Tumingin ako sa tabi ko, wala na si Mishon, mukhang maaga siyang umalis kasi narinig ko na parang magpapasama si Papa Ronan sa kaniya sa kung saan dito sa Baguio. Bumangon na ako at naglakad papunta sa bintana, sumilip ako sa labas, makapal ang fog, tapos ang malamig na hangin dito sa Baguio ay tila humahaplos sa aking balat na nagsasabi na masarap uminom ng mainit na kape ngayong umaga.Tahimik ang buong bahay at agad kong napansin na wala na sina Verena, Yanna, Marco at Edric. Maaga silang umalis para maglibot sa Baguio, samantalang sina Mishon at Papa Ronan naman ay pumunta pala sa strawberry farm sabi ng isa sa mga kasambahay na na-hire namin kagabi lang para may tagaluto manlang kami kapag ayaw naming lumabas ng villa.Ngayong solo namin ni Mama Franceska ang villa, ito na ang tamang oras para sa aming bonding sa pagpa-practice ng paggawa ng flower bouquet para sa kasal ko.Nang bumaba a