Misha’s POV“I missed you today,” bulong niya habang hinihila ako palapit sa kama.“Oh, talaga?” biro ko. “Pero hindi ka ba napapagod sa trabaho!” dapat kunyareng pakipot ako. Aba, siyempre, kahit mag-asawa na kami, dapat may ganito pa rin akong paglalandi.“Hindi,” sagot niya na mas malapit na ngayon ang mga labi niya sa akin. Lalo atang tumitigas ang mahabang bagay sa loob ng boxer short niya. Mas lalo akong kinikilig. “This... is what I really missed.”Bago pa ako makapagsalita ulit, naramdaman ko na ang mga halik niya sa leeg ko. “Everett, you really have to—” Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Nawala na ang pagod ko at napalitan ng kakaibang init. Lagi namang ganito si Everett; alam niya kung paano ako pasayahin kahit anong oras ng araw, o kahit gaano pa ako kapagod.Habang hinahalikan niya ang leeg ko, dahan-dahan naman niyang pinapasok sa loob ng panty ko ang kamay niya. Paano pa ako makakagalaw kung alam na niya kung paano ako mag-stay sa ginagawa namin. Heto na naman
Misha’s POVNang magising ako kinaumagahan, narinig ko na ang tunog ng mga paa ni Everisha na patakbo sa hallway. Tumatawa siya habang hinahabol ni Everett. Nagtago ako sa ilalim ng kumot, nakangiti habang naririnig ang tawanan ng mag-ama. Agad-agad akong nagbihis kasi baka makita niya akong walang saplot. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at biglang sumampa si Everisha sa kama.“Mommy, daddy said you’re still sleeping!” sigaw ng anak namin, habang sumampa sa likuran ko. “But you’re awake now!”“Oh no, nahuli mo ako,” sabi ko habang tumatawa rin. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang makita ko si Everett na nakatayo sa gilid ng kama, nakangiti rin at kumakaway pa, palibhasa’t nag-enjoy kagabi. Sa kalibugan, nakatulog na sa ibabaw ko habang nakapasok pa ang hotdog niya sa perlas ko. Ibang klase talaga. Ako pa ang naghugot kagabi.Pagkatapos ng almusal, nakaupo kami sa sala habang pinag-uusapan ang mga plano para sa weekend. Nagpasya kaming magbakasyon ng ilang araw sa isa sa mga luxury h
Misha’s POVPagkatapos ng swimming, dumiretso kami sa restaurant ng hotel para mag-dinner. Dapat relax na sana, pero si Everisha, hyper pa rin. Nag-order siya ng spaghetti na halos kalahati ng noodles ay napunta sa table, at ang sauce, sa mukha niya. Si Everett naman, hindi mapigilang magtawa habang pinupunasan ang anak namin.“Daddy, look! I’m like a clown!” sabi ni Everisha sabay ngiti habang punong-puno ng spaghetti sauce ang mukha.“Yes, sweetheart, a very cute clown,” sabi ni Everett, habang ako naman ay hindi na rin mapigilan ang tawa. Sobrang saya ng moment na iyon, parang wala kaming problema sa mundo.Pagkatapos ng ilang minuto, matapos ang feast na naganap sa mukha ni Everisha, finally, tahimik na siyang nakatulog sa stroller niya habang umiinom kami ni Everett ng wine.“Finally, some peace and quiet,” sabi ko habang nakatingin kay Everett.“Yeah, but it’s never boring with her around,” sabi niya habang iniikot ang wine glass niya. “Just like you. Never boring.”Napangiti ak
Misha’s POVUmaga nun, at kagigising ko pa lang. Nakapikit pa ang mga mata ko habang unti-unting nag-a-adjust sa liwanag ng bedroom namin. Malamig ang hangin na pumapasok mula sa bintana, pero may kung anong mabigat sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero parang may mali sa araw na ‘to. Kinapa ko ang cellphone ko sa tabi ng kama, automatic na routine ko ‘yon sa umaga. Ilang notipikasyon ang bumungad agad sa screen, pero may isang headline ang bumungad sa akin na parang suntok sa sikmura.Breaking News: Isang sikat na swimming pool resort ang sumabog.Napabalikwas ako ng bangon. Agad kong pinindot ang notification at doon ko nakita ang mga larawan ng swimming pool resort na iyon. Ang kauna-unahang swimming pool resort ko... nasunog. Winasak ng pagsabog. Ang kauna-unahang swimming pool resort na minahal ko at pinaghirapan kong itayo noon, tila nabura lang sa isang iglap.“N-No…” Nag-echo ang bulong ko sa kuwarto, na parang ang tinig ko mismo ay ayaw paniwalaan ang nakita.H
Misha’s POVPagkauwi ko sa mansiyon namin ni Everett, halos hindi ko na maramdaman ang mga binti ko sa sobrang pagod. Gabi na at ang dilim ng paligid ay parang bumabalot din sa pakiramdam ko—mabigat, walang sigla at puno ng panghihinayang. Hindi ko inakala na magiging ganito kalaki ang pinsalang dulot ng trahedya sa swimming pool resort. Hindi ko pa rin matanggap na lahat ng mga staff na iyon—mga taong matagal na naming staff sa trabaho—ay wala na.Isa-isa ko silang pinuntahan sa kani-kanilang bahay, sa mga pamilyang iniwan nila. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ng pagharap sa mga magulang, asawa, at mga anak ng mga namatay. Pinilit kong maging matatag, pero sa loob-loob ko, bumabagsak ako sa bigat ng sitwasyon. Sa bawat bahay na binisita ko, ramdam ko ang lamig ng tanong sa mga mata ng mga naulila—mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Paano nga ba nangyari iyon? Bakit sila?At bilang tugon, daan-daang milyong piso ang inilabas namin. Iyon na lang ang naisip naming paraan para ka
Misha’s POVIsang linggo lang ang nakalipas mula nang sumabog at masunod ang swimming pool sa resort namin. Isang linggo lang... Pero para bang ang dami nang nagbago. Halos hindi pa nga ako nakakabalik sa normal na routine ko, pero heto na naman. Isa na namang trahedya ang nangyari. This time, farm naman ng mga magulang ko ang nadamay.Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada, nakatingin sa mga abo at uling na iniwan ng sunog. Ang farm na dati ay kulay luntian at buhay na buhay, ngayon ay wala na. Mga hayop... mga tanim... lahat nawala. Wala namang nasaktan, walang namatay. Pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na parang unti-unti kaming inuubos. Parang isa-isa, lahat ng mahalaga sa akin ay ginagawan nila ng problema.Humigpit ang hawak ko sa mga braso ko habang pilit pinipigil ang panginginig ng katawan ko. “Hindi ‘to coincidence,” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat sisihin, pero ang pakiramdam ko, ako ang target. “Parang may gustong magpabagsak sa akin, paran
Misha’s POVSa mga nakaraang linggo, tila isang masalimuot na mundo ang nabuo sa paligid naming pamilya. Ang bawat araw ay puno ng takot at pag-aalala, kaya’t napagdesisyunan namin ni Everett na si Everisha ay mag-home school na lang. Mahirap na ang labas, lalo na’t kasabay na rin ang takot na dulot ng mga insidente sa paligid. Kahit ako, hindi na ako lumalabas nang wala ang limang bodyguard na kasama. Maging si Everett, ay ganoon din. Laging may kasamang mga bodyguard, para sa kaligtasan.Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, patuloy pa rin ang pagdating ng mga masasamang balita, isa kasi sa mga staff ko sa Tani Luxury Hotel ay wala na. Kaninang umaga, naisip kong parang hindi na matatapos ang mga pagsubok na ito. Ang executive assistant ko na si Trixie ay nabangga kagabi at nahulog sa bangin. Napakasipag at napakabait pa naman ni Trixie. Ang hirap niyang palitan kasi talaga namang alam na alam na niya ang mga gagawin.Pero kailangan kong magpalit na kasi kailangan ko talaga. Kaag
Misha’s POVNgayong araw, hindi maalis sa isip ko ang isang plano para mas mapalakas pa ang kita ng Tani Luxury Hotels. Bilang CEO, responsibilidad kong tiyakin na ang bawat hakbang namin ay magdadala ng tagumpay at lalo pang magpapalawak ng aming pangalan sa industriya. Ngunit sa panahon ngayon, iba na ang laro. Hindi lang serbisyo ang bumebenta, kundi ang imahe—ang tatak na kayang magbigay ng kakaibang karanasan.Habang tinitingnan ko ang mga financial reports na ipinasa ng marketing department, hindi ko maiwasang mapaisip ng mas malalim. Hindi sapat ang mga tradisyonal na paraan ng pag-aanunsyo para makuha ang atensyon ng bagong henerasyon ng mga travelers. Kailangan ng bago—kailangan ng isang mukha, isang pangalan na kakatawan sa kagandahan at karangyaan ng Tani Luxury Hotels.Isang tao lang ang nasa isip ko: si Cassian Monteverde. Ang pinakasikat na fashion model ngayon hindi lang sa Pinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Halos lahat ng gala, fashion week, at exclusive na event a
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma
Czedric’s POVMagdamag akong hindi mapakali matapos kong aralin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Marco. Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa pagsisiyasat: saan siya nakatira, ano ang pinagkakakitaan niya ngayon at kung anong yaman na ang nakuha niya sa impostor ko. Pero may isang bagay na hindi ko mawari—walang negosyo si Marco. Sa kabila ng lahat, ang bahay niya ay tila mas lumaki at naging isang engrandeng mansyon pa. Hindi gaya nila Jeric, Mark Joseph at Jonas na halos may kani-kaniyang kompanya na. Natatanging si Marco lang ang parang napag-iwanan.Ngayon, ako na ang gagawa ng hakbang. Kasama ko si Tita Marie at siya mismo ang nag-alok na sumama sa akin.Parang bihasang assassin na rin kasi ngayon si Tita Marie. Sa kanila, natatangi ang galing niya sa lahat ng labanan at sa kung paano siya gumamit ng mga sandata.“Marco is dangerous, Czedric,” sabi niya habang binabasa ang isang mapa ng mansyon. “He’s not just a man with secrets. He’s an assassin. You can’t do this alone.”“K
Everisha’s POVNanlalata akong nagising habang ang ulo ko ay parang mabigat na bato habang sinusubukan kong idilat ang mga mata ko. Nang tuluyan akong magkamalay, napansin kong nasa loob ako ng kotse. Malamig ang paligid at ang amoy ng bagong linis na kotse ang unang bumungad sa akin.Nasa likod ako ng sasakyan, nakahiga sa upuang may malambot na unan. Napaupo ako, hawak-hawak ang ulo ko habang iniisip kung anong nangyari.Paano ako napunta rito? Nasaan si ang impostor na si Reagan?Habang ang kaba ko ay unti-unting bumabalot sa akin, sinilip ko ang driver’s seat. Ang nagmamaneho ay isang lalaking hindi ko agad nakilala. Ang akala ko ay si Reagan iyon—ang impostor ni Czedric.Galit na galit akong bumangon at agad na sinugod ang lalaking hayop na ‘to. Pinaghahampas ko siya sa balikat habang sumisigaw. “What did you do to me?!” sigaw ko. “Let me out of here!”“Stop it, Everisha!” sabi niya habang pilit akong nilalayo sa sarili niya. “I’m not who you think I am!”Hindi ko siya pinakingg
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.
Everisha’s POVPauwi na ako mula sa engrandeng fashion show na iyon. Ang mga ilaw, ang runway at ang misteryosong boses ni Czedric—lahat iyon ay parang panaginip na hindi ko pa gustong matapos. Pero kailangan ko nang umuwi dahil tapos na ang event.Habang naglalakad ako patungo sa parking area ng hotel, inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Halata masyado si Czedric na nakatitig sa akin kanina habang kumakanta. Bakit kaya? Ah, siguro dahil nagulat siya na nakita niyang maganda ang ayos ko ngayon. Sabagay, first time niya akong makita na ganoon kaganda."Miss Everisha, your car is waiting," sabi ng valet habang iniabot ang susi. Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.Bigla akong napatigil. May isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa dilim ng parking lot.Oh shït! Hindi ako puwedeng magkamali. Si Czedric ito na impostor. Bakit ko nalaman na impostor, well, hindi kasi nagtatanggal ng maskara si Czedric sa ganitonh public na lugar. "Good evening," bati niya,