Misha’s POVIsang linggo lang ang nakalipas mula nang sumabog at masunod ang swimming pool sa resort namin. Isang linggo lang... Pero para bang ang dami nang nagbago. Halos hindi pa nga ako nakakabalik sa normal na routine ko, pero heto na naman. Isa na namang trahedya ang nangyari. This time, farm naman ng mga magulang ko ang nadamay.Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada, nakatingin sa mga abo at uling na iniwan ng sunog. Ang farm na dati ay kulay luntian at buhay na buhay, ngayon ay wala na. Mga hayop... mga tanim... lahat nawala. Wala namang nasaktan, walang namatay. Pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na parang unti-unti kaming inuubos. Parang isa-isa, lahat ng mahalaga sa akin ay ginagawan nila ng problema.Humigpit ang hawak ko sa mga braso ko habang pilit pinipigil ang panginginig ng katawan ko. “Hindi ‘to coincidence,” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat sisihin, pero ang pakiramdam ko, ako ang target. “Parang may gustong magpabagsak sa akin, paran
Misha’s POVSa mga nakaraang linggo, tila isang masalimuot na mundo ang nabuo sa paligid naming pamilya. Ang bawat araw ay puno ng takot at pag-aalala, kaya’t napagdesisyunan namin ni Everett na si Everisha ay mag-home school na lang. Mahirap na ang labas, lalo na’t kasabay na rin ang takot na dulot ng mga insidente sa paligid. Kahit ako, hindi na ako lumalabas nang wala ang limang bodyguard na kasama. Maging si Everett, ay ganoon din. Laging may kasamang mga bodyguard, para sa kaligtasan.Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, patuloy pa rin ang pagdating ng mga masasamang balita, isa kasi sa mga staff ko sa Tani Luxury Hotel ay wala na. Kaninang umaga, naisip kong parang hindi na matatapos ang mga pagsubok na ito. Ang executive assistant ko na si Trixie ay nabangga kagabi at nahulog sa bangin. Napakasipag at napakabait pa naman ni Trixie. Ang hirap niyang palitan kasi talaga namang alam na alam na niya ang mga gagawin.Pero kailangan kong magpalit na kasi kailangan ko talaga. Kaag
Misha’s POVNgayong araw, hindi maalis sa isip ko ang isang plano para mas mapalakas pa ang kita ng Tani Luxury Hotels. Bilang CEO, responsibilidad kong tiyakin na ang bawat hakbang namin ay magdadala ng tagumpay at lalo pang magpapalawak ng aming pangalan sa industriya. Ngunit sa panahon ngayon, iba na ang laro. Hindi lang serbisyo ang bumebenta, kundi ang imahe—ang tatak na kayang magbigay ng kakaibang karanasan.Habang tinitingnan ko ang mga financial reports na ipinasa ng marketing department, hindi ko maiwasang mapaisip ng mas malalim. Hindi sapat ang mga tradisyonal na paraan ng pag-aanunsyo para makuha ang atensyon ng bagong henerasyon ng mga travelers. Kailangan ng bago—kailangan ng isang mukha, isang pangalan na kakatawan sa kagandahan at karangyaan ng Tani Luxury Hotels.Isang tao lang ang nasa isip ko: si Cassian Monteverde. Ang pinakasikat na fashion model ngayon hindi lang sa Pinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Halos lahat ng gala, fashion week, at exclusive na event a
Misha’s POVHabang hinihintay ko ang pagdating ni Cassian, sinimulan kong pag-isipan ang magiging daloy ng aming pag-uusap. Alam ko na hindi ako puwede maging agresibo—kailangan kong ipakita ang halaga ng aming alok, ngunit kailangan ding ipakita ang respeto sa kaniyang kalagayan sa industriya. Mahalaga na makuha ko ang kaniyang tiwala at interes, hindi lang bilang isang professional model, kundi bilang isang tao.Ilang sandali pa, narinig kong bumukas ang pinto ng conference room at tumayo ako mula sa aking upuan. Si Belladonna ang unang pumasok, sumenyas na dumating na si Cassian.Biglang kumabog ang dibdib ko. CEO ako pero feeling ko parang ako ang mag-a-apply ng trabaho. Aba naman, si Cassian kasi ito. Nahihiya kasi ako at natatakot na baka hindi niya tanggapin ang alok ko.Kasunod niya ni Belladonna na pumasok si Cassian Monteverde, at parang bumagal ang oras sa pagdating niya. Matangkad, matipuno, at puno ng kumpiyansa ang bawat galaw. Parang isinilang talaga siya para sa spotli
Misha’s POVMatapos sabihin ni Cassian na mukhang nasa parehong direksyon ang mga plano namin, nakahinga ako nang maluwag. Ngunit alam kong hindi pa tapos ang laban. Marami pang kailangang ayusin at tiyakin bago kami makapag-finalize ng lahat.“Thank you, Cassian. We’ll make sure to coordinate with your team and move things along smoothly,” sagot ko habang sinisikap na manatiling professional, kahit sa loob-loob ko’y tuwang-tuwa na ako. Ang pagkakaroon ng Cassian Monteverde bilang mukha ng aming hotel chain ay isang malaking hakbang para sa aming brand.Bago kami maghiwalay, nagkapalitan pa kami ng ilang mga detalyadong usapan. Siya ay magpapadala ng kaniyang legal team para suriin ang kontrata at magbigay ng feedback kung may mga bagay na gusto nilang baguhin. Sinasabi niyang malaki ang tiwala niya sa aming kampanya, at alam niyang mayroong malaking potensyal ang proyektong ito, ngunit mahalaga pa ring malinaw sa lahat ang mga legal na aspeto.Pagkalabas ni Cassian sa opisina ko, agad
Everett’s POV“Sir Everett,” ang mahinahong boses ng aking sekretarya, si Isabel, ay tumawag sa telepono.“Yes, Isabel? Is there something you need?” tinanong ko, habang tinatapos ko ang report na isusumite ko sa aking mga investors sa New York.Huminga siya nang malalim. “I need to speak with you in person. It’s urgent.”Agad kong naramdaman ang kaba. Si Isabel ay hindi kilala sa pagiging mapilit o dramatiko, kaya alam kong may seryosong dahilan ang paghingi niya ng oras ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at tinungo ang kaniyang opisina, kung saan nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang lamesa, mukhang matamlay at pagod.“Isabel, what’s wrong?” tanong ko agad habang sinusuri ang tensyon sa kaniyang mga mata.“I’m afraid... I need to resign, Sir Everett,” sinabi niya habang diretsong tumingin sa akin, bagama’t halata ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata.Halos hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Si Isabel ay isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao. Sa loob ng ilang taon b
Everett’s POVIsang linggo matapos ang biglaang pagre-resign ni Isabel, ang mga trabaho sa opisina ay unti-unting nakakaapekto na sa akin. Hindi ko maaaring palitan si Isabel nang basta-basta—isang kakulangan ng secretary ang maaaring magdala ng kapahamakan sa mga proyekto at meeting na nakaplano para sa mga darating na buwan. Kinakailangan kong gumawa ng agarang aksyon.I announced the vacancy of the secretary position immediately, and the applications began pouring in. Pero sa dami ng aplikante, kakaunti ang tunay na kwalipikado. Ang ilan ay tila hindi alam ang kalakaran ng isang korporasyon tulad ng Tani Luxury Cars. Karamihan ay hindi sapat ang karanasan o hindi tugma sa aking pangangailangan.Hanggang isang araw, pumasok sa opisina ang aking HR manager na si Carla, dala ang resume ng isang aplikante.“Sir, we’ve had many applicants, but none seem to fit. However, we have one applicant who stands out.”Tiningnan ko ang resume na inabot niya sa akin. “Gillius. Hmm, lalaki?” napansi
Misha’s POVPagpasok namin sa mall, ramdam ko agad ang kasiyahan ni Everisha kasi alam niyang makakagala na naman siya. Pangako ko kasi sa kaniya na oras na gumaling siya sa sakit niya ay igagala ko ulit siya sa mall. Kaya ngayong magaling na siya, tutuparin ko na ang pangako ko sa kaniya. Kasama ko si Belladonna, suot niya ang kaniyang simple ngunit eleganteng puting dress, habang ako naman ay naka maong at blouse—tipikal na pang-araw-araw na suot ko kapag kasama si Everisha. Hindi naman kami magtatagal, ilang mga kailangan lang para sa anak ko ang bibilhin ko, at gusto ko rin bigyan si Belladonna ng pagkakataong maging mas malapit kay Everisha.Mabuti nga at puwede ngayong araw si Belladonna kahit ang dapat ay mamahinga na lang siya sa bahay kasi walang pasok.Si Everisha naman, nakahawak sa aking kamay, ay parang nahihiya o mailap kay Belladonna. Napansin ko ang mga tingin niyang patago kay Belladonna, na parang may kung anong iniisip na hindi ko magawang hulaan. Pansin ko na iyon
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma
Czedric’s POVMagdamag akong hindi mapakali matapos kong aralin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Marco. Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa pagsisiyasat: saan siya nakatira, ano ang pinagkakakitaan niya ngayon at kung anong yaman na ang nakuha niya sa impostor ko. Pero may isang bagay na hindi ko mawari—walang negosyo si Marco. Sa kabila ng lahat, ang bahay niya ay tila mas lumaki at naging isang engrandeng mansyon pa. Hindi gaya nila Jeric, Mark Joseph at Jonas na halos may kani-kaniyang kompanya na. Natatanging si Marco lang ang parang napag-iwanan.Ngayon, ako na ang gagawa ng hakbang. Kasama ko si Tita Marie at siya mismo ang nag-alok na sumama sa akin.Parang bihasang assassin na rin kasi ngayon si Tita Marie. Sa kanila, natatangi ang galing niya sa lahat ng labanan at sa kung paano siya gumamit ng mga sandata.“Marco is dangerous, Czedric,” sabi niya habang binabasa ang isang mapa ng mansyon. “He’s not just a man with secrets. He’s an assassin. You can’t do this alone.”“K
Everisha’s POVNanlalata akong nagising habang ang ulo ko ay parang mabigat na bato habang sinusubukan kong idilat ang mga mata ko. Nang tuluyan akong magkamalay, napansin kong nasa loob ako ng kotse. Malamig ang paligid at ang amoy ng bagong linis na kotse ang unang bumungad sa akin.Nasa likod ako ng sasakyan, nakahiga sa upuang may malambot na unan. Napaupo ako, hawak-hawak ang ulo ko habang iniisip kung anong nangyari.Paano ako napunta rito? Nasaan si ang impostor na si Reagan?Habang ang kaba ko ay unti-unting bumabalot sa akin, sinilip ko ang driver’s seat. Ang nagmamaneho ay isang lalaking hindi ko agad nakilala. Ang akala ko ay si Reagan iyon—ang impostor ni Czedric.Galit na galit akong bumangon at agad na sinugod ang lalaking hayop na ‘to. Pinaghahampas ko siya sa balikat habang sumisigaw. “What did you do to me?!” sigaw ko. “Let me out of here!”“Stop it, Everisha!” sabi niya habang pilit akong nilalayo sa sarili niya. “I’m not who you think I am!”Hindi ko siya pinakingg
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.
Everisha’s POVPauwi na ako mula sa engrandeng fashion show na iyon. Ang mga ilaw, ang runway at ang misteryosong boses ni Czedric—lahat iyon ay parang panaginip na hindi ko pa gustong matapos. Pero kailangan ko nang umuwi dahil tapos na ang event.Habang naglalakad ako patungo sa parking area ng hotel, inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Halata masyado si Czedric na nakatitig sa akin kanina habang kumakanta. Bakit kaya? Ah, siguro dahil nagulat siya na nakita niyang maganda ang ayos ko ngayon. Sabagay, first time niya akong makita na ganoon kaganda."Miss Everisha, your car is waiting," sabi ng valet habang iniabot ang susi. Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.Bigla akong napatigil. May isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa dilim ng parking lot.Oh shït! Hindi ako puwedeng magkamali. Si Czedric ito na impostor. Bakit ko nalaman na impostor, well, hindi kasi nagtatanggal ng maskara si Czedric sa ganitonh public na lugar. "Good evening," bati niya,