Share

Seduced By The Billionaire
Seduced By The Billionaire
Author: Luna Marie

Chapter 1

Chapter 1

"Kendra, ayos na ba yung gown for Ms. Celine? Sabihin niyo agad kapag nagka aberya. Ayokong makarating iyon sa kanya ng hindi pulido ang gawa natin. Nakakahiya dahil VIP natin siya."

"100% okay na po Ms. Blevine. Idedeliver na po siya tomorrow morning. " Magalang na sabi nito sa akin habang nakangiti.

"Okay, good job Kendra but check it again

Mahaba pa ang maghapon para doon." Sabi ko rito at pumasok sa aking opisina. Hay, nagsisimula pa lamang ang araw ko pero parang pagod na pagod na agad ako. Damn this period.

Nang makaupo sa aking swivel chair ay inumpisahan ko na ang magsketch ng mga gowns sa aking fairytale theme collection. Specially request ito ng pamangkin kong sina Lyra at Lyla, labing dalawang taon na ang dalawa pero mahilig pa rin ang mga ito sa mga ganoong theme ng kanilang mga damit. Mahirap mang aminin ay naspoiled ko ang aking mga pamangkin, pero hindi naman ibig sabihin noon ay iba ang kanilang mga ugali.

"Tsk, ang sakit ng balakang ko." Reklamo ko sa sarili. Tumayo muna ako para mag inat inat ng biglang tumawag sa akin si Tristan. Si Tristan ay dalawang taon ko ng nobyo, mas matanda ako sa kanya ng isang taon.

"Hello babe, nasa Blevine's ka ba? " Bungad nito sa akin ng masagot ko ang tawag niya. Blevine

"Yes babe, may problema ba? "

"Uhm... Wala naman babe. Sabay tayo maglunch? Free ako mamaya." Excited na sabi nito sa akin.

"Okay babe, pwede bang dito na lang tayo sa office maglunch? "

"Sige babe, mag order ka na lang ng food ha? Tapusin ko lang itong shoot ko and then dederetso na ako diyan. " Sabi nito at saka pinatay ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang ako. Palaging ganun ang set up namin ni Tristan kaya nasanay na lang din ako. Nagiging sweet lang naman siya kapag may kaharap kaming camera.

Tinawag ko na lang si Kendra at siya na lang ang pinag order ko ng pagkain, pagkatapos noon ay bumalik na ako sa pagiisketch ko. Limang taon ko ng inooperate ang Blevine's, sa tulong nila ate Lyrica ay naisakatuparan ko ang pagpapatayo nito at nang mapalago ko ito ay nagtayo na rin ako ng ibang shops sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Mayroon na rin akong naipatayong shop sa ibang bansa. Malaki ang papasalamat ko kay Ate dahil sa naging pagsuporta niya sa akin.

Marami ngang nagsasabi na kaya lamang sumikat ang aking fashion line ay dahil sa makapangyarihan ang mga tumulong sa akin. Sa lahat ng pagod at hirap ko upang mapalago ito ay masasabi kong hindi lamang ito basta bastang pinag aksayahan ng pera nila Ate.

Proud na proud ako sa sarili ko dahil nagawa kong palaguin ng ganito ang pinahiram sa akin na puhunan ng pamilya ni Ate Lyrica.

"Ms. Blevine, dumating na po ang order ninyong pagkain. "

"Okay, ilagay mo na lang muna iyan sa kitchen. Aantayin ko pa si Tristan dahil sabay kaming kakain. "

"Sige po Ms. Blevine." Agad itong sumunod sa akin.

Chineck ko ang oras at ala una na ng hapon. Napakunot naman ang noo ko dahil late si Tristan. Tinawagan ko na lamang siya.

"Nasaan ka na Tristan? "

"I'm on my way, babe. Sorry, medyo traffic kasi." Hinihingal na sabi nito sa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ko dahil doon.

"Bakit ganyan ang boses mo? Huwag mong sabihin na tinakbo mo na ang EDSA." Sarkastikong sabi ko rito.

"No babe, may dinaanan lang ako. Sige na, end ko na. Malapit na rin ako, love you. Bye." Nakaramdam naman ako ng inis dahil doon. Palagi na lang ako nitong basta basta na lang pinagpapatayan ng tawag.

Inabot pa siya ng isa pang oras bago siya nakarating. Kaya naman kumain na lamang ako mag isa. Palagi na lang ganito ang ginagawa niya, kung hindi late ay hindi na talaga niya ako sinisipot sa mga usapan namin.

"Babe, sorry late ako. Nagka emergency kasi sa shoot kanina, kinailangan ko pang bumalik doon." Sabi agad sa akin ni Tristan ng makapasok siya sa opisina ko.

Malamig ko lamang siyang tiningnan.

"Babe... Sorry na." Malambing itong lumapit sa akin at iniabot sa akin ang bouquet ng red roses.

"Tsk, you're always late! " Iritang sabi ko.

Tinawanan lamang ako nito na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

"C'mon let's eat babe." Umiiling na sabi nito sa akin.

"Kumain na ako, kumain ka na lang sa kitchen mag isa mo. "

"Babe, ano ba? Sorry na nga e. Nagka emergency kasi sa shoot. Mahirap bang intindihin iyon? " Naiinis na rin ito sa akin.

"Pwede mo naman akong iupdate di'ba? Palagi ka na lang ganyan Tristan. Palagi mo na lang akong pinaghihintay. " Galit na sabi ko sa kanya.

"You're being unreasonable Annika! "

"I'm not! Hindi ko na nga dapat sinasabi sa iyo na dapat mo akong iupdate dahil dapat mo ng kusang gawin iyon."

"Fuck, here we go again. Pati ba naman ito pag aawayan pa natin? Sinabi ko na nga sa iyo ang dahilan kung bakit ako late tapos aartehan mo pa ako ng ganyan. " Galit pa ring sabi nito.

"Wow, parang kasalanan ko pa na nag aaway tayo. Kung marunong ka lang sanang mag update sa akin edi sana hindi ako mukhang tanga na naghihintay sayo rito Tristan! Hindi lang ngayon nangyari ito, palagi mong ginagawa sa akin na paghintayin ako. I'm your girlfriend, right? Sana naman iparamdam mo yun." Mahabang litantya ko sa kanya.

Padabog naman itong umalis ng aking opisina, hinayaan ko na lamang siya at saka nagtungo sa trash bin ng aking silid. Itinapon ko roon ang dala niyang bulaklak. Aanhin ko naman iyon? Ni hindi niya ako ang matrato na girlfriend niya ako.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Sa dalawang taon naming pagsasama ay mas marami pa yata kaming pinag aawayan. I can't break up with him dahil naedad na rin ako... Masyado akong naging busy sa shop this past few years kaya naman hindi ko napagtuunan ang paghahanap sa magiging katuwang ko sa buhay.

Si Tristan naman, ganyan lang siya pero hindi niya ako pinipilit sa mga bagay na ayaw ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status