Chapter 3
Matapos ang encounter ko sa poging lalaki kanina ay umuwi na rin ako. I checked all my emails para maclear ko na ang sched ko bukas. Kapag ganitong walang schedule si Tristan ay dito lang kami sa condo ko namamalagi, ayaw ko rin ng lumalabas kami dahil madalas ay sa fans na lamang nauubos ang oras niya. Thankful ako sa mga fans niya dahil sa suporta nila sa nobyo ko pero Tristan and I also need some privacy. Gusto ko na mayroon kaming alone time. Iyon na rin kasi ang pinakapahinga naming dalawa.Malapit na akong matapos sa aking ginagawa ng biglang tumunog ang phone ko. Nang makita ko ang caller noon ay agad ko iyong sinagot."Hi ate! Kumusta? " Excited na sabi ko, si Ate Lyrica iyon at nasa Spain sila ngayon ng pamilya niya para magbakasiyon."Eto ayos lang naman, kinukulit ako ng kambal na tawagan ka raw namin." Natatawang sabi nito sa akin."Sus, kukulitin lang ako ng dalawang iyan. ""Tita, grabe ka naman sa amin ni Lyra! " Bibong sabi sa akin ni Lyla. Magkamukhang magkamukha ang kambal na ito pero magkaibang magkaiba ang ugali nila. Napabuntong hininga na lamang ako ng maalala noong grade 2 pa lamang sila. May umaway kay Lyla sa school nila kaya naman ginantihan ito ni Lyra, sa kanilang dalawa mas mainitin ang ulo ni Lyra. Ayaw na ayaw nitong nasasaktan ang kapatid niya."Hindi naman kasi namin pwedeng kulitin si Ares. Edi napagalitan kami ni mommy, kaya ikaw na lang." Tumatawang dagdag pa ni Lyra.Si Ares ay ang bunsong anak nila ate Lyrica, dalawang taon pa lamang ito at manang mana sa tatay niyang napakabugnutin."Hindi pa tapos ang inisketch ko na collection, alam ko namang iyon ang itatanong ninyo. ""Its okay tita, dapat nga sumama ka samin dito sa Spain. Pupunta kami bukas sa La Sagrada, sana nandito ka, ang pangit pangit kumuha ng litrato ni Daddy." Parang stress na stress si Lyla dahil doon. Napahagalpak naman ako ng tawa, pagdating talaga dito sa kambal ay walang magawa si Kuya Lucian."Ano ba kayo? Kaya nga kayo isinama ng daddy niyo ay para makapagrelax kayong pamilya, tapos lalaitin niyo naman.""Ganyan talaga iyang mga pamangkin mo Annika, palagi akong binubully ng mga iyan. " Madamdaming sabi pa ni Kuya."Ang drama mo naman Lucian." Nakabusangot na sabi ni Ate kaya mas lalo akong natawa. Palagi talaga nilang binabara si Kuya. Tuwang tuwa ako kapag nakikita ko ang pamilya nila at minsan nakakaramdam din ako ng inggit, hindi ko maiwasan minsan. Iniisip ko na sana 'ako rin' may ganoong klase ng pamilya...Hindi ko ipinahalata sa aking mga pamangkin ang biglang pagtamlay.Inabot na ata kami ng isang oras sa pag uusap. Nang magpaalam sila ay agad ko namang inasikaso ang aking hapunan. Naisipan ko na lang magluto ng adobong manok na may sitaw. Habang nagluluto ay may bigla na lamang nagdoorbell, nagtaka naman ako dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon."Good evening ma'am. Delivery po." Nakangiting sabi sa akin ng delivery boy."Hah? Kuya, wala po akong order." Nagtatakang sabi ko."Tama naman po ang address Ma'am. Kayo po ba si Ms. Annika Blevine? " Pagsisigurado rin niya."Yes po, ako nga po.""Ay ma'am para po ito sa inyo." Nakita ko ang dalawang box ng cake na hawak niya."Galing po sa nobyo ninyo." Nakangiting sabi nito at saka ito ibinigay sa akin."Pasign na lang ako Ma'am. Last delivery ko na po iyan, dahil pauwi na rin po ako. Iniintay na po kasi ako ng anak ko." Magiliw na sabi sa akin ng delivery rider. Mukhang excited siyang umuwi kaya naman tinanggap ko na lamang ang cake na hawak niya." Teka kuya, ito po sa inyo na itong isa. Ipasalubong niyo na po sa anak ninyo." Nakangiting sabi ko sa kanya."Huwag na po Ma'am. Nakakahiya po." Mabilis na tanggi nito sa akin."Sige na po kuya, dalawang malaking cake po ito. Hindi ko po ito mauubos. Sa inyo na po itong isa." Malumanay na sabi ko. Nahihiya man ay tinanggap na rin niya ito."Sige po ma'am. Maraming salamat po, sigurado po akong matutuwa ang anak ko dito." Sinserong sabi niya kaya naman mas napangiti ako."Sige kuya, ingat po kayo pauwi." Sabi ko rito.Nang makaalis ay sinarhan ko na rin ang pintuan. Nagtataka ako kung kay Tristan nga ito galing. Hindi kasi iyon mahilig sa mga ganito.Tiningnan ko ang laman nito at agad naman akong natuwa. Iba't ibang flavor ito ng cake, kada isang slice nito ay iba ang flavor. Naexcite naman akong tikman ito dahil mukhang napakasarap nito. Kumain muna ako ng hapunan bago ko tikman ang cake na ipinadala sa akin ni Tristan. Pagkatapos ko ngang maghapunan ay nagbukas ako ng tv para manood sa n*****x. Inihanda ko na rin ang cute kong dessert.Nang makakita ng papanoorin ay inumpisahan ko na ito, masaya akong kumakain habang nanonood ng biglang may tumunog ang cellphone ko.Tiningnan ko iyon at nakita kong tumatawag si Tristan."Hello, babe?""Hi babe, pauwi na ako ngayon." Dama ko ang saya sa boses niya kaya naman napangiti ko, tiningnan ko ang oras at alas nuebe pa lang ng gabi."Okay babe, ingat pagdadrive ha? ""Oo naman babe. Pwede bang doon ka matulog sa condo ko? " Naglalambing na sabi nito sa akin."Babe, alam mo naman na ayokong nakikitulog sa condo mo.""Tsk, ngayon lang naman." Sa tagal ng pagsasama naming dalawa ni Tristan ay hindi ako natutulog sa tinutuluyan niya. Hindi ko nga rin siya pinapatulog dito dahil napaka kalat niya.Naalala ko nga noong unang beses akong nagpunta sa condo niya, ginawa naming bonding ang paglilinis noon. Napangiwi ako ng maalala iyon."Nope. Bukas na lang tayo magkita, okay? ""Annika, dalawang taon na tayong magkasintahan pero ang ilap mo pa rin sa akin. " Naiiritang sabi nito sa akin.Tama naman siya, hindi ko rin alam kung bakit... Pero hindi ko maipagkatiwala ng buo kay Tristan ang sarili ko."Babe, pagbigyan mo na naman ako." Maamong sabi nito sa akin."Babe, saka na okay? Hindi naman sapilitan ito, hindi ba? Mas lamang naman ang pagmamahal mo sakin kesa sa mga ganyang bagay, di ba? ""Tsk, okay fine. I'll hung up na." Bigla na lamang nitong pinatay ang tawag. Siguradong galit na naman ito sa akin. Tinext ko na lamang siya na iupdate ako kapag nakauwi na siya. Sigurado akong iritable na naman siya bukas sa akin.Chapter 4Mag aalas dose na at hindi pa rin ako nirereplyan man lang ni Tristan. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako mapakali ngayon. Madalas kaming mag away pero kapag sinabihan ko siyang iupdate ako ay ginagawa naman niya, kahit na gaano kalaki pa ang pinag awayan namin. Sa huli, napagpasiyahan kong pumunta sa condo niya para tingnan kung nakauwi na ba siya. Nag aalala ako kung nakauwi na ba siya o ano ng nangyari sa kanya. Nagpalit na lamang ako ng highwaist shorts at isang oversized na tshirt, isinuot ko na lamang din ang aking dior dioract sandals at saka sinuot ang aking bucket hat. Namili na lamang din ako ng maliit na bag na kakasya ang wallet at cellphone ko. Mabilis akong bumaba sa basement para kunin ang kotse ko. Sinubukan ko ulit tawagan si Tristan habang nagmamaneho pero hindi pa rin ito sumasagot. 10 minutes away lang ang condo ni Tristan kaya naman nakarating ako agad. Naalala kong wala man lang akong kaayos ayos kaya naman naglagay na lamang ako ng Liptint bago
Chapter 5Pinauna kong lumabas ang nakasabay ko sa elevator. Nang alam kong malayo na siya ay saka ang naglakad palabas ng building."Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tanong sa akin ni Manong guard."Oo naman kuya." "Maupo po muna kayo ma'am, nanginginig po kayo. " Umiling na lamang ako sa kanya."Ayos lang po kuya, sa kotse na po ako magpapakalma. Baka ho sundan ako ni Tristan." "Alalayan ko na lang kayo ma'am, para po sure akong nakasakay kayo ng maayos sa sasakyan." Tumango na lamang ako sa kanya.Nang maihatid ako sa kotse ko ay nagpaalam na rin ito na babalik na siya sa pwesto niya. Inabot oa yata ako ng isang oras sa parking lot bago tuluyang umalis. Ni hindi man lang ako sinundan ni Tristan, kahit message ay wala rin.Napagpasyahan kong umalis na doon, chineck ko ang oras. Mag aala una na ng madaling araw kaya naman hindi ko na rin nagawang abalahin ang mga kaibigan ko. Mabilis akong umuwi sa bahay para magpalit ng damit, I think I need to chill out a bit. Hindi ko dapat sayangi
Chapter 6(flashback)"Ouch! Fuck, sobrang sakit ng ulo ko." Hinilot ko ang aking sintido. Mas nagising ang diwa ko ng mapagmasdan ang kwarto kung nasaan ako ngayon."Shit! " Napabalikwas ako ng bangon kaya naman nakita kong may katabi pala ako sa kama. Wala akong saplot at alam kong may nangyari sa aming dalawa. "Oh my god... No, no, no! " Ang tanga mo Annika! Ang tanga tanga mo! Bumaba ako sa kama at muntik pa akong matumba. Shit! Nanginginig ang tuhod ko at ang sakit ng pagkababae ko. Ano bang nangyari kagabi? Alalahanin mo Annika! Gaga ka! Sinampal sampal ko ang sarili. Mabuti na lang at masarap ang tulog ng lalaking katabi ko. Nakatalikod ito sa akin kaya naman hindi ko makita kung sino siya. Dali dali akong nagbihis at hinanap ang iba kong gamit. Napansin ko pa ang matipunong likod ng lalaki, may tattoo ito sa batok na itim na rosas. Tsk, napatingin ako sa orasan. 10 am na ng umaga. Baka may makakilala sa akin na ganito ang itsura ko kaya naman naghalungkat ako sa closet ng
Chapter 7Hinayaan ko na lamang ang nga kumakalat na balita tungkol sa pagiging nagkarelasyon ni Tristan at Blaire. May ilan ding reporters ang nais na mainterview ako, pero lahat sila ay tinanggihan ko. Hindi na nila kailangan pang marinig ang panig ko tungkol sa dalawa. Tristan cheated on me.Ayoko namang sabihin iyon sa media dahil lalo lamang gugulo ang sitwasyon. Ayoko rin naman siyang ipagtanggol at sabihing mutual decision ang paghihiwalay namin. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa paggawa ng mga bagong design para sa fashion line ko. Natapos ko na rin ang fairy theme collection ko. "So, kumusta ka namab nitong mga nakaraang linggo Annika? " Tanong sa akin ni Ate Lyrica. Naririto ako sa bahay nila sa Cebu upang magbakasiyon at para na rin makapag unwind. Namimiss ko na rin kasi ang mga pamangkin ko."Okay lang ate. Walang bago.""Si Tristan? ""Ganun pa rin. Palagi akong kinukulit na makipagbalikan na ako sa kanya. " Naiiling na turan ni Annika. Simula ng maghiwalay sila
Chapter 8Naririto ako ngayon sa Shibuya Japan. Tuwang tuwa naman akong tumawid sa sikat na Shibuya Crossing. Naghahanap ako ng makakainan ngayon dahil dinner time na rin."Hmmm..." Pakanta kanta pa ako habang naglalakad ng may makabunggo ako."I'm sorry." Mabilis na sabi ko.Napakunot naman ang noo ko ng makilala kung sino ang nakabungguan ko."Ahm, hi? Hindi ba at ikaw rin iyong nakabungguan ko sa restaurant sa Pinas? " Natatawang sabi ko sa lalaki."Yeah, naaalala mo pa? " Tumatangong sabi naman nito sa akin. May kakaiba sa paraan ng pagtitig niya sa akin."Yes. Pati ba naman dito sa Japan ay magkakabungguan tayo." Nakangiting sabi ko. "Ah, yeah. Saan ba ang punta mo? " Seryosong tanong sa akin ng lalaki."Hmm, dito lang sa paligid. Naghahanap kasi ako ng makakainan." Nakangiting sabi ko sa kanya."Ah, ganun ba. " Mukhang ayaw makipag interact ng lalaki kaya naman napagdesisyunan ko na lang na magpaalam sa kanya."Yes, uuna na rin ako. " Ngiti ko na lang sa kanya. Hindi naman siya
Chapter 9Naging okay naman ang breakfast ko with Zakari. Hindi rin naman siya palaimik at isa pa nilibre niya ako."I have a proposition to make, Annika." Nagulat pa ako sa biglang pag imik ni Zakari."Ano iyon? ""Alam ko ang nangyari sa inyo ng boyfriend mo. It's all over the news. I can pretend to be your boyfriend. " Diretsang sabi nito kaya naman napakunot ang noo ko. "Huh? Hindi naman kailan. Isa pa, bakit mo naman gagawin iyon? Anong kapalit? " Sunod sunod ko namang tanong sa kanya." I'm bored." Seryosong sabi niya."You're bored? Kaya makikisawsaw ka sa issue namin? "Naiiritang sabi ko sa kanya."Yeah. Isa pa, alam ko ring inaabala ka pa rin ng ex mo.""The fuck? Stalker ba kita? " "Don't get me wrong. Nakakatrabaho ng pinsan ko si Tristan at balita ko ay humina bigla ang career niya matapos ang break up niyo. ""Hindi ka nga stalker. Marites ka.""What's marites? " Kunot noong tanong niya kaya naman bigla akong napatawa. Bigla namang tumunog ang phone ko at pangalan ni
Chapter 10"Baby, wake up." "No. Too tired..." Ungot ko at mas binalot paa ng sarili ko ng kumot."C'mon, wake up. May pupuntahan tayo.""Saan naman tayo pupunta? " Nagkukusot matang tanong ko kay Zakari."It's a surprise. Isuot mo iyong damit na nasa paper bag, okay?" Malumanay na sabi sa akin ni Zak."Okay, just 10 minutes ." "Sige, nasa labas lang ako."Nang makalabas si Zakari ay saka lamang bumangon ako bumangon. Hinanap ko ang mga damit ko at maayos na itong nakatiklop sa mesa. Nakita ko rin ang dalawang paper bag ng chanel. What the? Sinilip ko ang laman noon at kumpleto na para sa susuotin ko. Napailing na lamang ako at saka nagtungo sa banyo. Mabilis akong naligo, napakaraming kiss mark sa katawan ko kaya napangiwi na lamang ako.Damn, he's really a beast.Nang matapos maligo at magbihis ay lumabas na rin ako."Saan ba tayo pupunta, Zakari? " Tanong niya sa binata."It's a secret. Hindi naman kita ipapahamak." Masuyong sabi ni Zakari sa akin. Tumango na lamang akonat tum
Chapter 11"Baby, ihahatid na kita sa condo mo. Okay?" Malambing na sabi ni Zakari sa akin ng papalabas na kami ng Airport."Sige, Zak." Matipid akong ngumiti sa kanya. Wala akong sinabihan na ngayona ng uwi ko kaya naman walang susundo sa akin.Paglabas namin ay may ilang kalalakihan ng sumalubong sa amin. Kinuha nila ang mga gamit namin at sila na ang naglagay noon sa kotse ni Zak. "MS. BLEVINE! MS. BLEVINE! " Nagulat ako ng biglang may lumapit sa amin na mga reporters. Mabilis naman akong inalalayan ni Zak at saka pinapasok sa kotse. Ang mga tauhan naman ni Zakari ay hinaharangan ang mga reporters para hindi makalapit sa amin."Damn, sabi ko kay Willy ay iligaw niya ang mga reporters. Are you okay, baby?" Nag aalalang tanong sa akin ni Zak."Oo naman, Zak. Pasensiya ka na, sigurado akong pati ikaw ay aabalahin nila." Malumbay na sabi ko."It's fine, baby. " Marahang hinawakan ni Zak ang baba ko para mapatingin ako sa kanya. Padampi niyang hinalikan ang labi ko. I can see the lust