Chapter 17"Zak!" Awat ko sa kanya. Hubad na ang pang itaas ko at kitang kita niya ang dibdib ko. "Yes, my love? " Mapungay ang mga matang tumitig sa akin si Zak. "Stop it. Baka may makakita sa atin." Pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya ng bigla niya akong buhatin papunta sa isang cubicle. "Ano ba? Tumigil ka nga." i hissed. "You don't miss me? " Yumakap ito sa akin at parang mas lasing pa siya kesa sa akin. "Lumabas na tayo. Mauna ka, baka may makakita sa atin." Seryosong sabi ko sa kanya. "Sa bahay ka ba uuwi? " Tanong niya. "May sarili akong bahay, Zak. " Seryosong sabi ko. "Galit ka pa rin? " "No. I'm just busy, Zak. Ikaw rin, alam kong abala ka. " "Ihahatid na lang kita pauwi, Annika." Malamig na sabi nito. "May sasakyan ako. Kaya kong umuwi mag isa." Diretsang sabi ko. Parang nawala na sa sistema ko ang alak dahil sa pagkikita naming dalawa. "Oh, c'mon. I'm bringing you home." Walang sabi sabing binuhat ako ni Zak na parang isang sakong bigas. "Ano ba? Ibaba
Chapter 1"Kendra, ayos na ba yung gown for Ms. Celine? Sabihin niyo agad kapag nagka aberya. Ayokong makarating iyon sa kanya ng hindi pulido ang gawa natin. Nakakahiya dahil VIP natin siya.""100% okay na po Ms. Blevine. Idedeliver na po siya tomorrow morning. " Magalang na sabi nito sa akin habang nakangiti."Okay, good job Kendra but check it again Mahaba pa ang maghapon para doon." Sabi ko rito at pumasok sa aking opisina. Hay, nagsisimula pa lamang ang araw ko pero parang pagod na pagod na agad ako. Damn this period.Nang makaupo sa aking swivel chair ay inumpisahan ko na ang magsketch ng mga gowns sa aking fairytale theme collection. Specially request ito ng pamangkin kong sina Lyra at Lyla, labing dalawang taon na ang dalawa pero mahilig pa rin ang mga ito sa mga ganoong theme ng kanilang mga damit. Mahirap mang aminin ay naspoiled ko ang aking mga pamangkin, pero hindi naman ibig sabihin noon ay iba ang kanilang mga ugali. "Tsk, ang sakit ng balakang ko." Reklamo ko sa sari
Chapter 2Dalawang araw ng walang paramdam sa akin si Tristan. Sa telebisyon ko na lamang nabalitaan na mayroon pala siyang out of town photoshoot kasama ang ilan pang kilalang modelo sa Pilipinas. "Oh, girl bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa? " Salubong sa akin ni Aleyah at saka nakipagbeso sa akin. Napagpasyahan naming tatlong magkakaibigan na .agkita ngayo dahil pare pareho kaming walang schedule ngayon."Malamang nag away na naman sila ng boyfriend niyang main character." Saad naman ni Pixie. Si Pixiie ang kanyang kaibigan na pinakatutol sa naging relasiyon nilang dalawa ni Tristan.Naririto kami ngayon sa isang sikat na restaurant upang doon magtanghalian. Kasal na silang dalawa ay mayroon na silang mga anak. Si Aleyah ay may dalawa ng anak habang si Pixie naman ay mayroon ng isa at ako? Ito, dakilang ninang ng mga anak nila. "Mabuti na lang at walang trabaho ngayon si Dave. Siya ang naiwan sa mga bata. " Sabi ni Aleyah ng makaupo ito."So, anong bago ? " Tanong p
Chapter 3Matapos ang encounter ko sa poging lalaki kanina ay umuwi na rin ako. I checked all my emails para maclear ko na ang sched ko bukas. Kapag ganitong walang schedule si Tristan ay dito lang kami sa condo ko namamalagi, ayaw ko rin ng lumalabas kami dahil madalas ay sa fans na lamang nauubos ang oras niya. Thankful ako sa mga fans niya dahil sa suporta nila sa nobyo ko pero Tristan and I also need some privacy. Gusto ko na mayroon kaming alone time. Iyon na rin kasi ang pinakapahinga naming dalawa.Malapit na akong matapos sa aking ginagawa ng biglang tumunog ang phone ko. Nang makita ko ang caller noon ay agad ko iyong sinagot."Hi ate! Kumusta? " Excited na sabi ko, si Ate Lyrica iyon at nasa Spain sila ngayon ng pamilya niya para magbakasiyon. "Eto ayos lang naman, kinukulit ako ng kambal na tawagan ka raw namin." Natatawang sabi nito sa akin."Sus, kukulitin lang ako ng dalawang iyan. ""Tita, grabe ka naman sa amin ni Lyra! " Bibong sabi sa akin ni Lyla. Magkamukhang magk
Chapter 4Mag aalas dose na at hindi pa rin ako nirereplyan man lang ni Tristan. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako mapakali ngayon. Madalas kaming mag away pero kapag sinabihan ko siyang iupdate ako ay ginagawa naman niya, kahit na gaano kalaki pa ang pinag awayan namin. Sa huli, napagpasiyahan kong pumunta sa condo niya para tingnan kung nakauwi na ba siya. Nag aalala ako kung nakauwi na ba siya o ano ng nangyari sa kanya. Nagpalit na lamang ako ng highwaist shorts at isang oversized na tshirt, isinuot ko na lamang din ang aking dior dioract sandals at saka sinuot ang aking bucket hat. Namili na lamang din ako ng maliit na bag na kakasya ang wallet at cellphone ko. Mabilis akong bumaba sa basement para kunin ang kotse ko. Sinubukan ko ulit tawagan si Tristan habang nagmamaneho pero hindi pa rin ito sumasagot. 10 minutes away lang ang condo ni Tristan kaya naman nakarating ako agad. Naalala kong wala man lang akong kaayos ayos kaya naman naglagay na lamang ako ng Liptint bago
Chapter 5Pinauna kong lumabas ang nakasabay ko sa elevator. Nang alam kong malayo na siya ay saka ang naglakad palabas ng building."Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tanong sa akin ni Manong guard."Oo naman kuya." "Maupo po muna kayo ma'am, nanginginig po kayo. " Umiling na lamang ako sa kanya."Ayos lang po kuya, sa kotse na po ako magpapakalma. Baka ho sundan ako ni Tristan." "Alalayan ko na lang kayo ma'am, para po sure akong nakasakay kayo ng maayos sa sasakyan." Tumango na lamang ako sa kanya.Nang maihatid ako sa kotse ko ay nagpaalam na rin ito na babalik na siya sa pwesto niya. Inabot oa yata ako ng isang oras sa parking lot bago tuluyang umalis. Ni hindi man lang ako sinundan ni Tristan, kahit message ay wala rin.Napagpasyahan kong umalis na doon, chineck ko ang oras. Mag aala una na ng madaling araw kaya naman hindi ko na rin nagawang abalahin ang mga kaibigan ko. Mabilis akong umuwi sa bahay para magpalit ng damit, I think I need to chill out a bit. Hindi ko dapat sayangi
Chapter 6(flashback)"Ouch! Fuck, sobrang sakit ng ulo ko." Hinilot ko ang aking sintido. Mas nagising ang diwa ko ng mapagmasdan ang kwarto kung nasaan ako ngayon."Shit! " Napabalikwas ako ng bangon kaya naman nakita kong may katabi pala ako sa kama. Wala akong saplot at alam kong may nangyari sa aming dalawa. "Oh my god... No, no, no! " Ang tanga mo Annika! Ang tanga tanga mo! Bumaba ako sa kama at muntik pa akong matumba. Shit! Nanginginig ang tuhod ko at ang sakit ng pagkababae ko. Ano bang nangyari kagabi? Alalahanin mo Annika! Gaga ka! Sinampal sampal ko ang sarili. Mabuti na lang at masarap ang tulog ng lalaking katabi ko. Nakatalikod ito sa akin kaya naman hindi ko makita kung sino siya. Dali dali akong nagbihis at hinanap ang iba kong gamit. Napansin ko pa ang matipunong likod ng lalaki, may tattoo ito sa batok na itim na rosas. Tsk, napatingin ako sa orasan. 10 am na ng umaga. Baka may makakilala sa akin na ganito ang itsura ko kaya naman naghalungkat ako sa closet ng
Chapter 7Hinayaan ko na lamang ang nga kumakalat na balita tungkol sa pagiging nagkarelasyon ni Tristan at Blaire. May ilan ding reporters ang nais na mainterview ako, pero lahat sila ay tinanggihan ko. Hindi na nila kailangan pang marinig ang panig ko tungkol sa dalawa. Tristan cheated on me.Ayoko namang sabihin iyon sa media dahil lalo lamang gugulo ang sitwasyon. Ayoko rin naman siyang ipagtanggol at sabihing mutual decision ang paghihiwalay namin. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa paggawa ng mga bagong design para sa fashion line ko. Natapos ko na rin ang fairy theme collection ko. "So, kumusta ka namab nitong mga nakaraang linggo Annika? " Tanong sa akin ni Ate Lyrica. Naririto ako sa bahay nila sa Cebu upang magbakasiyon at para na rin makapag unwind. Namimiss ko na rin kasi ang mga pamangkin ko."Okay lang ate. Walang bago.""Si Tristan? ""Ganun pa rin. Palagi akong kinukulit na makipagbalikan na ako sa kanya. " Naiiling na turan ni Annika. Simula ng maghiwalay sila