Share

Chapter 7

Chapter 7

Hinayaan ko na lamang ang nga kumakalat na balita tungkol sa pagiging nagkarelasyon ni Tristan at Blaire.

May ilan ding reporters ang nais na mainterview ako, pero lahat sila ay tinanggihan ko. Hindi na nila kailangan pang marinig ang panig ko tungkol sa dalawa.

Tristan cheated on me.

Ayoko namang sabihin iyon sa media dahil lalo lamang gugulo ang sitwasyon. Ayoko rin naman siyang ipagtanggol at sabihing mutual decision ang paghihiwalay namin.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa paggawa ng mga bagong design para sa fashion line ko. Natapos ko na rin ang fairy theme collection ko.

"So, kumusta ka namab nitong mga nakaraang linggo Annika? " Tanong sa akin ni Ate Lyrica. Naririto ako sa bahay nila sa Cebu upang magbakasiyon at para na rin makapag unwind. Namimiss ko na rin kasi ang mga pamangkin ko.

"Okay lang ate. Walang bago."

"Si Tristan? "

"Ganun pa rin. Palagi akong kinukulit na makipagbalikan na ako sa kanya. " Naiiling na turan ni Annika.

Simula ng maghiwalay sila ay palagi siya nitong tinatawagan, pinapadalhan ng mga bulaklak at kung ano pang mga bagay. Lahat ng ipinapadala sa kanya ng manlolokong si Tristan ay itinatapon niya.

"He really has a gut to do that. Palagi pa rin silang nagpopost ng sweet sweetan nila Blaire, tapos ganyan ang gagawin niya sayo. " Galit na sabi ni Ate.

"Hayaan mo na ate, wala akong panahon para sa kanila. " Napabuntong hiningang sabi ko kay Ate Lyrica.

"May iba pa bang bumabagabag sa isip mo? "

Natahimik naman ako dahil sa tanong ni Ate. Simula rin kasi ng may nangyari sa kanila ng estrangherong lalaki na tumulong sa kanya noon sa bar ay hindi na niya iyon malimutan. Unti unti ring bumalik sa kanya ang kapusukan niya ng gabing iyon.

FLASHBACK

"You're cute! Anong pangalan mo ha? " Humahagikhik na sabi ni Annika sa lalaking may buhat sa kanya ngayon.

"Stop it, Blevine. " Napabuntong hiningang sabi sa kanya ng lalaki.

"Ayokong umuwi. " Mabilis na sabi ng dalaga.

"San mo gustong pumunta? " Malumanay na tanong sa kanya ng lalaki.

"Hindi ko alam. Pwede sa langit? Peaceful doon, right?"

"Stop it. Damn it, Annika! "

"Wait, bakit pala kilala mo ako? Close ba tayo? " Nagtaka namang bigla abg dalaga kaya naman napaiwas ng tingin sa kanya ang lalaki.

"Tsk, you want me to bring you in heaven huh? "

"Kaya mo ba? " Nanghahamong sabi ni Annika kahit hindi niya alam kung ano ang pinapatungkulan ng lalaki.

"Yes, I will. Gladly." Ngumisi ang lalaki at saka siya ipinasok sa sasakyan nito.

Nang makaikot sa driver's seat ay nagulat si Annika ng bigla siya nitong halikan.

"Hmmmp! "Hindi kalaunan ay gumanti na rin ng halik si Annika sa lalaki.

"Hmmm, wait..." Paungol na sabi niya.

"Yes, baby? " Hinihingal silang pareho dahil sa mas nakakalasing na halikan nilang dalawa.

"You're single, right? Ayoko ng may sabit."

Napangisi naman ang lalaki.

"Yes. I'm very much single baby." Muling hinalikan ni Annika ang binata dahil sa sinabi nito.

"Hmmm... " Ungol ni Annika ng bumaba ang halik ng lalaki sa kanyang leeg, maging sa kanyang may tenga ay naglandas ang labi nito.

"Come with me, baby." Bulong ng estranghero sa kanyang tenga. Para namang nahipnotismo si Annika at mabilis na tumango.

END OF FLASHBACK

Napangiwi si Annika dahil sa naalala ko.

"What? " Nakakunot noong tanong ng kanyang ate Lyrica.

Napatikhim namab ako dahil doon.

"Wala ate. Naalala ko lamang ang ginawa sa akin ni Tristan. Ngayon ko lang talaga napagtantong ako lamang ang gumagawa ng paraan para maging maayos kami noon."

"Magfocus ka na lang sa fashion line mo, Annika. Siya nga pala, ito ipinabibigay ng kuya Lucian mo. "

Napanganga naman si ako dahil sa plane ticket na ibinigay sa akin ni ate.

"For real?! Oh my gosh! "

"Regalo iyan sayo ng kuya mo. Magliwaliw ka raw muna para makalimot ka." Natatawang sabi sa akin ni Ate Lyrica.

Hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa ibinigay ni kuya. Simula ng grumaduate ako ng kolehiyo ay ngayon lamang ulit ako binigyan ni kuya ng regalo.

"Gosh! Thank you ate! " Tuwang tuwa naman ako dahil ngayon lamang ulit ako makakalabas ng bansa.

THIRD PERSON'S POV

"Sir Zak, may schedule po kayo ng meeting with Mr. Yamamoto tomorrow. He wants to meet you in person." Sabi ng sekretarya ni Zakari sa kanya.

"Okay. Ipaready mo ang private plane, Jes."

"Sige po, Sir."

Matagal nang nililigawan ni Zakari Theodore ang hapon na si Mr. Yamamoto, nais niya itong maging partner sa isang project plan. Si Zakari Theodore Fenris ay isang CEO ng isang construction company. Bukod doon ay mayroon pa siyang ibang bussiness na inaasikaso. Dahil sa pagiging abala ay wala na siyang panahon para sa nga babae, palagi nga siyang ipinagtutulakan ng kanyang ina sa mga anak ng mga kaibigan nito.

"Hello, Sean? Kumusta ang pinapasundan ko sayo? " Tanong ni Zakari sa hinire niyang bodyguard para kay Annika. Matagal ng may gusto si Zakari sa dalaga. Nakilala niya ito noon sa isang event ngunit mukhang hindi siya naaalala nito.

Simula ng magkanobyo ito ay pinanood na lamang niya ang dalaga mula sa malayo.

"Okay naman po Sir, mukhang paalis na po siya ng Cebu ngayon. "

"Okay. Alamin mo kung saan siya pupunta."

Creepy mang pakinggan ay doon na lamang nakuntento ang binata.

"Sige po sir." Pinatay ni Zakari ang tawag at saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Zakari, anak! " Napabuntong hininga na lamang si Zakari ng marinig ang boses ng ina.

"Ma, anong ginagawa niyo rito?"

"Ikaw talaga hijo, palagi na lang iyan ang sinasabi mo kapag dumadating ako." Nakasimangot na sabi ng ina nito.

"Ma naman, alam mong madami rin akong ginagawa. Uuwi naman ako mamaya dahil paalis ako bukas." Malumanay na sabi ni Zakari sa kanyang ina.

Ang kanyang ina na si Priscilla Elwyn- Fenris ay isang beauty queen ng kabataan nito. Ngayon ay katulong na ito ng kanyang asawa na si Eldrin Fenris sa kanilang sariling kompanya.

"Oh, tamang tama hijo. Bibisita mamaya ang amiga ko kasama ang anak niya. Kaya nga ako naparito para personal na sabihin sa iyo." Nakangiting sabi nito kay Zak.

"Ma." May halong pagbabanta sa boses ni Zak.

"Anak, makipagdate ka naman. Alam mo, sabik na sabik na talaga ako sa apo. Hmmp! "

"Ma, huwag kang mag alala okay? May nililigawan na ako."

"Sino? Iyong matagal mo ng gusto? Akala ko ba may boyfriend na iyon? Ilang taon mo ng gusto ang babaeng iyon, anak."

"Ma, she's the one I like. "

"Hindi na basta pagkagusto iyan. Ilang taon na ang lumipas." Napabuntong hiningang sabi ni Priscilla sa anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status