Share

Chapter 48

Natawa lang siya sa naging reaction ko. "Palagi mo kasi akong hinahampas at kinukurot," tawa niya kaya hinampas ko na naman siya then hinawakan niya lang iyon.

"Bakit mapang-asar ka pa rin?" pagtataray ko.

"Hindi ka nga maaaring maging doktor. Napakabigat ng iyong kamay," pang-aasar niya na naman habang hinahaplos nang marahan ang kamay kong hawak niya.

Matatagalan ko ba ang mga pang-aasar sa'kin ni Lino? Pero ang mahalaga, hindi siya takot sa'kin. Nagsasawa na kasi akong makakita ng taong takot sa'kin. Gusto ko lang naman, maging komportable rin sila sa'kin kasi napapagod na rin akong magpanggap na malakas. Na kaya ko ang lahat ng 'to.

Nagpapasalamat pa rin ako kasi nandiyan si Lino, hinahayaan niya akong maging mahina minsan kasi kailangan ko rin ng tutulong sa'kin... hindi ko kailangang magpanggap na malakas.

"Maaari ba kitang tawaging Lemon?" tanong niya habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ko at nakahiga kami sa damuhan habang nag-sstargazin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status