Share

Chapter 44

"Sinabi ni Lino na nalaman ng Gobernador-Heneral ang tungkol sa kanyang ginagawa kaya pinababalik siya sa Espanya. At mabuti na rin daw iyon upang makabalik siya sa pag-aaral at mahanap ka. Hindi ba kayo nagkita sa Espanya?"

Umiling ako. "Masyadong malaki ang Espanya at hindi rin ako madalas lumabas."

Natawa siya nang kaunti. "Kaya pala iniisip mo na anak namin ang nakita mo noon."

Bahagya akong natawa. "Pasensya na. Iba pala ang napangasawa niya."

Kumunot na naman ang noo niya. "Bakit iniisip mong may asawa na si Lino?"

Napangiti ako ng mapait. "Nakita ko siya sa barko noong papunta ako rito. Pinakilala niya pa nga iyong anak niya sa'kin. Hindi niya pa ako nakilala," natatawang sabi ko.

"Kung gayon, nakahanap siya ng iba sa Espanya. Kamusta naman ang iyong puso?"

Nagcringe ako sa tanong niya. Kulang na lang ay mapangiwi ako. "Puso pa naman," natatawang sabi ko kaya bahagya rin siyang natawa. Ang hinhin niya pa ring babae.

"Hin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status