Really time can heal... pero may mga bagay na tayo mismo ang kailangan mag-ayos para maghilom tayo. At may mga circumstances na hindi tayo gagaling sa bagay na siyang nakasakit sa atin.
"Nagkausap na pala kayo ni Doktro Fuentes?" tanong ni Tito GH na kasabay ko sa agahan. Tumango lang ako habang nakangiti ng tipid. "Bakit tila umiiwas ka pa rin sa kanya gayong ang sabi mo'y maayos ka na?"
Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman po lahat ng bagay, kayang ayusin ng panahon. Huwag na lang po natin siyang pag-usapan," sabi ko kaya bahagya siyang tumango at nag-shut up na lang. Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa ni Lino. Kaya niyang lokohin ang sarili niyang asawa? Nakakaturn off, sobra. May dalawang anak na siya. Kahit iyon man lang, isipin niya. May awa pa naman ako sa sarili ko. Kahit mahal ko siya, hindi ako mang-aagaw ng asawa. "Nais ko pong pumunta sa Salvacion," sabi ko kaya napatingin siya sa'kin na may gulat. "Hindi po ako magtatagal. May kailangan lang po akong mah
"Sinabi ni Lino na nalaman ng Gobernador-Heneral ang tungkol sa kanyang ginagawa kaya pinababalik siya sa Espanya. At mabuti na rin daw iyon upang makabalik siya sa pag-aaral at mahanap ka. Hindi ba kayo nagkita sa Espanya?"Umiling ako. "Masyadong malaki ang Espanya at hindi rin ako madalas lumabas."Natawa siya nang kaunti. "Kaya pala iniisip mo na anak namin ang nakita mo noon."Bahagya akong natawa. "Pasensya na. Iba pala ang napangasawa niya."Kumunot na naman ang noo niya. "Bakit iniisip mong may asawa na si Lino?"Napangiti ako ng mapait. "Nakita ko siya sa barko noong papunta ako rito. Pinakilala niya pa nga iyong anak niya sa'kin. Hindi niya pa ako nakilala," natatawang sabi ko."Kung gayon, nakahanap siya ng iba sa Espanya. Kamusta naman ang iyong puso?"Nagcringe ako sa tanong niya. Kulang na lang ay mapangiwi ako. "Puso pa naman," natatawang sabi ko kaya bahagya rin siyang natawa. Ang hinhin niya pa ring babae."Hin
"Ha? Teka, i-ikaw 'yung---" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko kasi tumango na siya. Napapikit na lang ako ng mariin at napasapo sa noo. I used to keep those roses sa office ko kasi nakakagaan ng atmosphere tapos sa kanya pala galing. Ugh! Nakita niya bang dinidisplay ko ang mga iyon?"Kung nalaman mo bang sa akin galing lahat ng iyon, tatanggapin mo pa rin?" tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin."Hindi mo iyon sulat kamay," sabi ko."Pinasusulat ko sa aking Amigo," aniya. Matalino nga. Ayaw pahuli."Bakit hindi ka nagpakita?""Tiyak na ipagtatabuyan mo ulit ako. At baka hindi ko pa kayanin lalo pa't abala rin ako sa aking pag-aaral.""Bakit ngayon, pinaalam mo na?""Tapos na ako sa pagpapakadalubhasa sa medisina. Nakikita ko rin sa iyong mga mata na hindi pa rin ito nagbabago. Mahal mo pa rin ako, tama ba?" mahinahong tanong niya kaya hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Alam na alam niya talaga kung a
Ilang araw rin kaming magkasama ni Lino sa barko at marami na kaming napag-usapan maliban sa plano ko sa Salvacion. Pansin kong marami siyang katanungan pero pinipigilan niya lang ang sarili niya."Nandito na nga tayo," manghang sabi ko habang nililibot ang tingin sa Salvacion at kakababa lang namin ni Lino sa kalesa. Bitbit niya pa ang tampipi ko. Para naman may pakinabang ang pagsama niya sa'kin dito. Nag-check in muna kami sa isang hostel bago namin napagpasyahang lumabas. Syempre, magkahiwalay ang silid namin. Baka kung ako pa ang magawa ko sa kanya e. "Naaalala mo pa ba lahat ng nalaman ni Berto tungkol sa'kin nang pinapunta mo siya rito?" tanong ko kay Lino habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Hapon na kaya marami ang tao sa paligid. Pinagtitinginan tuloy kami. Baka may nakakaalala sa'kin dito bilang Liwanag."Marami, Liwan. Ano ba ang iyong nais malaman?" kunot-noong tanong niya. Tumatama kasi sa mukha niya ang sinag ng araw. Para tuloy siyang galit.
"Liwan, hindi ako makakatulog kakaisip," aniya kaya natawa ako."Ako rin!" sagot ko at hindi pa rin siya tumitigil sa pagkatok. "Awat na, Lino!" suway ko kasi baka makaistorbo na kami sa ibang taong nandito. Dahil hindi siya tumitigil, mabilis kong binuksan ang pinto kaya nakatok niya ang noo ko."Liwan, pasensya na. Masakit ba?" nag-aalalang sabi niya habang chinicheck ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tipid siyang ngumiti at hinalikan na lang ang noo ko. "May laman naman," biro niya kaya hinampas ko ang braso niya dahilan para mapadaing siya."Mukha ba akong niyog?" nakapoker face na tanong ko kaya umiling siya habang natatawa. "Tumigil ka na kasi. Baka makaistorbo na tayo---Lino!" mahinang sabi ko nang bigla niya akong hilahin palabas ng hostel. Nakarating kami sa labas kung saan walang dumadaang tao maliban sa mga Guardia Civil na nagmamasid. Hindi nila kami sinisita kasi ganun sila, hindi pantay ang tingin sa mga tao. Nakakagalit!"Siguro n
Natawa lang siya sa naging reaction ko. "Palagi mo kasi akong hinahampas at kinukurot," tawa niya kaya hinampas ko na naman siya then hinawakan niya lang iyon."Bakit mapang-asar ka pa rin?" pagtataray ko."Hindi ka nga maaaring maging doktor. Napakabigat ng iyong kamay," pang-aasar niya na naman habang hinahaplos nang marahan ang kamay kong hawak niya.Matatagalan ko ba ang mga pang-aasar sa'kin ni Lino? Pero ang mahalaga, hindi siya takot sa'kin. Nagsasawa na kasi akong makakita ng taong takot sa'kin. Gusto ko lang naman, maging komportable rin sila sa'kin kasi napapagod na rin akong magpanggap na malakas. Na kaya ko ang lahat ng 'to.Nagpapasalamat pa rin ako kasi nandiyan si Lino, hinahayaan niya akong maging mahina minsan kasi kailangan ko rin ng tutulong sa'kin... hindi ko kailangang magpanggap na malakas."Maaari ba kitang tawaging Lemon?" tanong niya habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ko at nakahiga kami sa damuhan habang nag-sstargazin
"Lino, Mon," nagtatakang sambit ni Berto at mukhang hindi niya alam ang sasabihin niya sa'kin."Kamusta?" tanong ko na lang. Ang awkward kasi. Tapos pinagtitinginan pa kami rito ng mga kapitbahay nila."Mabuti pa'y pumasok na muna tayo sa aming tahanan," sabi ni Maria at giniya niya na kami papasok sa kanila. May nakita akong dalawang batang naglalaro sa loob at pinakilala nila iyong mga anak nila. Ang cute nila both! Gawa sa magandang kahoy ang kanilang bahay. May silong ito. Presko sa loob at may kalakihan din. Kasyang-kasya ang apat na miyembro ng pamilya."Berto," tawag ko nang puntahan ko siya rito sa likod ng bahay kasi magluluto raw siya ng merienda namin. "Gusto ko sanang humingi ng tawad dahil sa mga nangyari noon," dagdag ko kaya humarap na siya sa'kin."Matagal na panahon na iyon, Mon. Maayos na kami. Ikaw?" tanong niya naman."Heto," sabay kibit-balikat. "Tao pa naman," biro ko kaya napangiti na siya at tumango. "Maaari ba kitang tulung
"Sigurado ka na ba rito?" tanong ni Catalina."Hindi kaya masyadong mabilis?" tanong naman ni Maria."Paano ang inyong mga magulang? Tiyak na magagalit sila," dagdag ni Catalina."Walang maghahatid sa iyo, Mon," sabi pa ni Maria.Napangiti na lang ako habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. "Malaki na ako. Kaya ko ng mag-isa. Maglalakad lang naman ako," tawa ko."Ngunit nakaugalian na rito na kailangan kang ihatid ng iyong mga magulang sa iyong mapapangasawa. Tanda na ipauubaya ka na nila sa kanya," sabi naman ni Catalina."Hindi naman masamang sumuway sa nakaugalian," nakangiting sabi ko kaya tumahimik na lang sila habang inaayusan nila ako. Ang saya ko pero sobrang kinakabahan ako dahil ikakasal na ako. At ikakasal ako kay Lino. Sobrang saya ko kaya natatakot ako na baka may mangyaring masama at hindi ito matuloy.Nagpadala na ako ng invitation kay Tito GH, Nina at kina Miranda at Lucio. Kahapon pa sila nakapunta rito at dito
"Kayo na ang bahalang maglinis ng mga kalat, ha," sabi ko dun sa mga tagapagsilbi at yumuko lang sila bago nagsimulang ligpitin ang ilang kalat sa labas. Dito sa loob ng bahay ay nag-iinuman pa sina Señor Manuel, Señor Galicia, Don Danilo, Gavino, at Lino. Sina Berto at Agustino ay kakauwi lang din kasama 'yung mga asawa nila. Gabi na at hindi dapat sila magpalalim pa ng gabi. Si Tito GH, nagbigay lang siya ng message kanina then kinailangan niya na ring makabalik sa Maynila.Nakakapagod... pero ang saya.After the wedding, ang dami pang activities na naganap sa reception. As in bihira lang yata akong nakaupo. Puro sayawan, message and soooo many activities na hindi ko na alam kung ano na ang mga pinanggagagawa namin ni Lino. Feeling ko, pinagtitripan lang nila kami."Narito na pala ang misis ni Doktor Fuentes," ani Señor Manuel na mukhang lasing na kaya natawa na lang ako. Until now, kinikilig ako kapag sinasabing misis ako ni Lino. Gosh! "