Ilang araw rin kaming magkasama ni Lino sa barko at marami na kaming napag-usapan maliban sa plano ko sa Salvacion. Pansin kong marami siyang katanungan pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.
"Nandito na nga tayo," manghang sabi ko habang nililibot ang tingin sa Salvacion at kakababa lang namin ni Lino sa kalesa. Bitbit niya pa ang tampipi ko. Para naman may pakinabang ang pagsama niya sa'kin dito. Nag-check in muna kami sa isang hostel bago namin napagpasyahang lumabas. Syempre, magkahiwalay ang silid namin. Baka kung ako pa ang magawa ko sa kanya e. "Naaalala mo pa ba lahat ng nalaman ni Berto tungkol sa'kin nang pinapunta mo siya rito?" tanong ko kay Lino habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Hapon na kaya marami ang tao sa paligid. Pinagtitinginan tuloy kami. Baka may nakakaalala sa'kin dito bilang Liwanag.
"Marami, Liwan. Ano ba ang iyong nais malaman?" kunot-noong tanong niya. Tumatama kasi sa mukha niya ang sinag ng araw. Para tuloy siyang galit.
"Liwan, hindi ako makakatulog kakaisip," aniya kaya natawa ako."Ako rin!" sagot ko at hindi pa rin siya tumitigil sa pagkatok. "Awat na, Lino!" suway ko kasi baka makaistorbo na kami sa ibang taong nandito. Dahil hindi siya tumitigil, mabilis kong binuksan ang pinto kaya nakatok niya ang noo ko."Liwan, pasensya na. Masakit ba?" nag-aalalang sabi niya habang chinicheck ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tipid siyang ngumiti at hinalikan na lang ang noo ko. "May laman naman," biro niya kaya hinampas ko ang braso niya dahilan para mapadaing siya."Mukha ba akong niyog?" nakapoker face na tanong ko kaya umiling siya habang natatawa. "Tumigil ka na kasi. Baka makaistorbo na tayo---Lino!" mahinang sabi ko nang bigla niya akong hilahin palabas ng hostel. Nakarating kami sa labas kung saan walang dumadaang tao maliban sa mga Guardia Civil na nagmamasid. Hindi nila kami sinisita kasi ganun sila, hindi pantay ang tingin sa mga tao. Nakakagalit!"Siguro n
Natawa lang siya sa naging reaction ko. "Palagi mo kasi akong hinahampas at kinukurot," tawa niya kaya hinampas ko na naman siya then hinawakan niya lang iyon."Bakit mapang-asar ka pa rin?" pagtataray ko."Hindi ka nga maaaring maging doktor. Napakabigat ng iyong kamay," pang-aasar niya na naman habang hinahaplos nang marahan ang kamay kong hawak niya.Matatagalan ko ba ang mga pang-aasar sa'kin ni Lino? Pero ang mahalaga, hindi siya takot sa'kin. Nagsasawa na kasi akong makakita ng taong takot sa'kin. Gusto ko lang naman, maging komportable rin sila sa'kin kasi napapagod na rin akong magpanggap na malakas. Na kaya ko ang lahat ng 'to.Nagpapasalamat pa rin ako kasi nandiyan si Lino, hinahayaan niya akong maging mahina minsan kasi kailangan ko rin ng tutulong sa'kin... hindi ko kailangang magpanggap na malakas."Maaari ba kitang tawaging Lemon?" tanong niya habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ko at nakahiga kami sa damuhan habang nag-sstargazin
"Lino, Mon," nagtatakang sambit ni Berto at mukhang hindi niya alam ang sasabihin niya sa'kin."Kamusta?" tanong ko na lang. Ang awkward kasi. Tapos pinagtitinginan pa kami rito ng mga kapitbahay nila."Mabuti pa'y pumasok na muna tayo sa aming tahanan," sabi ni Maria at giniya niya na kami papasok sa kanila. May nakita akong dalawang batang naglalaro sa loob at pinakilala nila iyong mga anak nila. Ang cute nila both! Gawa sa magandang kahoy ang kanilang bahay. May silong ito. Presko sa loob at may kalakihan din. Kasyang-kasya ang apat na miyembro ng pamilya."Berto," tawag ko nang puntahan ko siya rito sa likod ng bahay kasi magluluto raw siya ng merienda namin. "Gusto ko sanang humingi ng tawad dahil sa mga nangyari noon," dagdag ko kaya humarap na siya sa'kin."Matagal na panahon na iyon, Mon. Maayos na kami. Ikaw?" tanong niya naman."Heto," sabay kibit-balikat. "Tao pa naman," biro ko kaya napangiti na siya at tumango. "Maaari ba kitang tulung
"Sigurado ka na ba rito?" tanong ni Catalina."Hindi kaya masyadong mabilis?" tanong naman ni Maria."Paano ang inyong mga magulang? Tiyak na magagalit sila," dagdag ni Catalina."Walang maghahatid sa iyo, Mon," sabi pa ni Maria.Napangiti na lang ako habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. "Malaki na ako. Kaya ko ng mag-isa. Maglalakad lang naman ako," tawa ko."Ngunit nakaugalian na rito na kailangan kang ihatid ng iyong mga magulang sa iyong mapapangasawa. Tanda na ipauubaya ka na nila sa kanya," sabi naman ni Catalina."Hindi naman masamang sumuway sa nakaugalian," nakangiting sabi ko kaya tumahimik na lang sila habang inaayusan nila ako. Ang saya ko pero sobrang kinakabahan ako dahil ikakasal na ako. At ikakasal ako kay Lino. Sobrang saya ko kaya natatakot ako na baka may mangyaring masama at hindi ito matuloy.Nagpadala na ako ng invitation kay Tito GH, Nina at kina Miranda at Lucio. Kahapon pa sila nakapunta rito at dito
"Kayo na ang bahalang maglinis ng mga kalat, ha," sabi ko dun sa mga tagapagsilbi at yumuko lang sila bago nagsimulang ligpitin ang ilang kalat sa labas. Dito sa loob ng bahay ay nag-iinuman pa sina Señor Manuel, Señor Galicia, Don Danilo, Gavino, at Lino. Sina Berto at Agustino ay kakauwi lang din kasama 'yung mga asawa nila. Gabi na at hindi dapat sila magpalalim pa ng gabi. Si Tito GH, nagbigay lang siya ng message kanina then kinailangan niya na ring makabalik sa Maynila.Nakakapagod... pero ang saya.After the wedding, ang dami pang activities na naganap sa reception. As in bihira lang yata akong nakaupo. Puro sayawan, message and soooo many activities na hindi ko na alam kung ano na ang mga pinanggagagawa namin ni Lino. Feeling ko, pinagtitripan lang nila kami."Narito na pala ang misis ni Doktor Fuentes," ani Señor Manuel na mukhang lasing na kaya natawa na lang ako. Until now, kinikilig ako kapag sinasabing misis ako ni Lino. Gosh! "
Kinaumagahan, sumakay na kami sa barko at nakasabay pa namin sina Miranda na pauwi na rin sa Maynila."Kamusta ang unang gabi bilang mag-asawa?" tanong ni Miranda sa'kin at nandito kami sa deck ng barko, sa may gilid. Tinakasan ko muna si Lino sa nirentahan naming silid dito. Umaga ngayon kaya ibinibilad ni Miranda ang baby boy nila ni Lucio."Wala. Natulog lang kami," natatawang sagot ko na kinakunot ng noo niya. Bumuntong-hininga ako. "Nakakapagod pala ang ikasal pero ang saya. I mean, pakiramdam ko, nananaginip pa rin ako," dagdag ko kaya napangiti siya at tumango."Ganyan din naman ako noon, Mon. Huwag kang mag-alala, masasanay ka rin. Kung mahal mo na si Lino, tiyak na mas mamahalin mo ang inyong magiging anak," aniya sabay halik sa noo ng anak niya kaya napangiti ako. Ang cute nila! "Wala pa ba kayong planong magkaanak agad?" she asked."Hindi ko alam," nagkibit-balikat ako. Parang gusto kong kami muna ni Lino. Pero mukhang gusto niya na magkaanak.
"Hindi ito katanggap-tanggap, Magnus," ani Ama kaya napalunok na lang ako sa kaba. Nakakatakot naman kasi talaga siya."Kahit ako'y hindi natutuwa dahil sa ginawa ng mga bata, Esteban. Ngunit nangyari na. Ano pa ba ang ating magagawa?" tanong naman ni Señor Magnus."Nais kong muli silang magpakasal dito sa Espanya," sabi ni Ina sabay tingin sa'kin kaya agad akong umiwas.Mas nakakakaba palang mamanhikan kapag kasal na kaysa sa mamanhikan para magpakasal. Disappointed silang lahat sa'min ni Lino pero wala naman na silang magagawa. 'Yun nga lang, parang nasira ko yata ang image ni Lino sa parents ko. Ayaw nilang tumanggap ng explanation e kaya kanina pa kami tahimik ni Lino dito sa upuan at pinapanood lang silang mag-usap.Nalaman kong magkakompetensya pala sina Señor Magnus at Ama lalo pa't pareho silang may ospital dito sa Espanya. Mula sa grandparents namin ni Lino, hindi na sila nagkasundo. Madalas ding nasa ospital nila si Lino kaya hindi
"Pasensya na. Nais lang naming maprotektahan ka," sabi ni Ate Lluvia matapos ang ilang sandaling katahimikan."Salamat po. Naiintindihan ko naman." but just because I understand it doesn't mean that it didn't hurts me."Bueno, kamusta naman ang bagong kasal? May nangyari na ba?" tanong niya pa na parang nang-aasar kaya bahagya akong natawa at nagpunas ng luha. "Ilang linggo rin kayong magkasama sa barko."Umiling ako. "Wala pa pong nangyayari. Birhen pa rin ang iyong kapatid." bwisit kasing Lino 'yan. Nandun na e. Ipapasok niya na lang tapos biglang natakot na baka mamatay ako sa panganganak. Sobrang advance niya mag-isip! Nakakahighblood!Natawa si Ate Lluvia at hinampas ako ng unan sa mukha. "Mahina pala ang iyong alindog, Lux!" tawa niya kaya napabangon ako sabay buntong-hininga."Ate Lluvia, natatakot kasi si Lino na baka raw mamatay ako sa panganganak. Baka raw kasi magkaroon kami ng kambal kasi nasa dugo nila iyon," malungkot na sabi ko kaya