CHAPTER 1
Ngiting-ngiti si Nesahara habang nasa loob ng elevator paakyat sa palapag kung nasaan ang kanyang boyfriend na si Sebastian. Nasa ICU ang ina nito dahil nahulog sa hagdan nang nagkasagutan sila kahapon.
Sumama siya kay Sebastian sa bahay ng mga magulang sa pag-aakalang sandali lang sila roon. Hindi kasi siya gusto ng ina ni Sebastian. Harap-harapang sinabi sa kanya ni Mrs. Florence Rocc na ayaw nito sa kanya.
Nang ipinatawag ng padre de pamilya si Sebastian, hinarang siya ni Mrs. Rocc sa may hagdan.
Pinisikal siya ng ginang matapos ipagduldulan nito sa kanyang mukha na hindi siya nababagay sa anak nito dahil galing lamang siya sa pangkaraniwang pamilya. Habang ang pamilyang Rocc ay kabilang sa mga taong nasa mataas na antas ng lipunan.
Pilit siya nitong kinaladkad pababa.
Nagmatigas siya dahil hindi naman nito kailangan pang kaladkarin siya na parang aso. Nagkamali ng tapak si Florence at gumulong pababa ng hagdan.
Ang sigaw ng kasambahay ang sumunod na narinig habang naga-akusa ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Sumunod siya sa ospital kahapon kahit ramdam niyang hindi siya welcome roon. Hindi man magsalita ang ama ni Sebastian, alam niyang galit din ito sa kanya.
Kung hahayaan lamang siya nitong magpaliwanag ay maaayos ang lahat.
Pinanghahawakan niya lang pagmamahal ni Sebastian at ang kalinisan ng kanyang konsensya na wala siyang ginawa sa ina nito.
Neshara was hoping with her good news, their moods could lift somehow.
Galing siya sa Ob-gyne. Ilang araw na niyang napapansin ang mga sintomas. Kinumpirma ng doktor kanina na buntis siya.
Third year college pa lamang siya ngunit alam niya, at sigurado siyang walang magiging problema dahil pananagutan siya.
Hindi niya nakita si Sebastian sa harap ng ICU kaya nagtanong siya sa dumaang nurse. Itinuro naman nito ang fire exit.
“Seb, I know you’re just playing. Leave her now!”
Bumagal ang kanyang mga hakbang nang marinig ang pamilyar na boses sa may hagdan.
“Alam ko naman na hindi ka papatol sa cheap girl. She has no class. Walang-wala ang charity case na iyon kumpara sa akin. And now, she’s a murderer! Baka nga patay na si Tita!”
“Hindi mamamatay si Mommy!”
Napatalon siya sa galit na bulyaw ni Sebastian.
“I-I was just telling possibilities. H-Huwag ka naman magalit sa akin. Hindi naman ako ang tumulak sa mommy mo.”
“F uck!”
“Seb—”
Sumilip siya sa pinto nang matahimik ang dalawa.
Natuod siya sa kinatatayuan. Uminit ang gilid ng kanyang mga mata at malakas ang loob na tinawag ang pangalan ng nobyo.
“S-Sebastian…”
Nanigas ang lalaki nang marinig ang kanyang boses. Subalit, sandaling-sandali lang iyon dahil hinawakan nito ang magkabilang balikat ng kah alikan at walang lakas na inilayo.
Inaasahan niyang itutulak nito ng marahas si Lolita katulad ng palagi nitong ginagawa sa mga babaeng pinagseselosan niya.
“A-Anong ibig sabihin nito?”
“You saw what we did.” Nanuot ang lamig ng boses ni Sebastian sa kanyang pulso at lalamunan.
Binalot ng selos ang puso niya nang maingat nitong pinatabi si Lolita para makadaan.
Napaluha na siya nang lagpasan lamang siya ng lalaki.
May ngising aso si Lolita habang nakatingin sa kanya.
“Seb,” habol niya, pumiyok na ang boses.
Dapat sinampal niya na ang lalaki at nakipaghiwalay na rito. Pero dalawa na sila ng anak niya ngayon.
Hindi man lang lumingon sa kanya si Sebastian kahit tinawag niya na ito ng ilang ulit pa.
Ayos naman sila kahapon. Hindi man siya nito kinausap—wala itong sinabi sa kanya.
“S-Seb,” hinawakan niya ito sa braso at pilit na pinaharap sa kanya, “ano ‘yon?”
“You’re not blind, are you?”
Nanginig ang kanyang mga kamay sa sagot nito. “Girlfriend mo ako!”
“Let’s break-up, then. Laru-laro lang naman ito.”
“Hindi pwede!” paos ang kanyang boses.
Bakit ba siya sinasaktan nito?
“Let’s end this,” iritado na ang boses nito.
“Hindi nga pwede.”
“Stop being desperate!” bulyaw nito sa mukha niya. “Ayaw ko na. P utangina! Ano bang hindi mo maintindihan? You’re good in bed but Lolita is better, you hear me?”
Sa gilid ng kanyang nanlalabong mata, nakita niya ang pagdating ni Roman Rocc.
Hinawakan niya ang impis pa niyang tiyan.
“B-Buntis ako.”
Hindi niya napigilan ang paghikbi nang kahit kaunti man lang ay hindi nabago ang ekspresyon ni Sebastian.
Malamig pa rin—sinusugatan ang buong sistema niya.
“Ipalaglag mo.”
“Sebastian!”
“You heard me.”
Para siyang sinampal sa mga sunod-sunod na masasakit na salitang lumalabas sa bibig nito.
“A-Anak mo ito.”
“Yours. “
Umigting ang panga nito nang bumaba ang tingin sa kanyang kamay na nakahawak sa kanyang tiyan.
“Ipalaglag mo kung ayaw mong mapagbalingan ko ‘yan ng galit ko.”
“H-Hindi ko itinulak ang mommy mo.”
Bigla nitong dinaklot ang kanyang braso na kina-igik niya. Marahas siyang hinila palapit.
“Sinong maniniwala sa ‘yo? Kitang-kita ng maid na ikaw ang tumulak. T angina! Sana hindi na lang ako nakipaglaro. Wala sana si Mommy sa kwartong iyan.”
Muntik na siyang matumba nang walang pag-iingat na pinakawalan nito ang kanyang braso.
Sunod-sunod siyang umiling. Umiiyak na nilunok niya ang kanyang dignidad.
She slowly bent her knees ‘til it made contact on the floor.
Nanginginig ang mga kamay na yumakap siya sa binti ni Sebastian.
“Huwag mong gawin ito. Maawa ka sa amin ng anak mo.”
Mahal na mahal niya si Sebastian at ang isipin na tuluyan siyang burahin sa buhay nito ay pinapangapusan siya ng hininga.
Hindi niya kakayanin na palakihin mag-isa ang bata.
“Kahit para na lang sa anak natin, Seb. K-Kahit para na lang sa kanya. Huwag mo naman siyang ipagtulakan.”
Balot ng luha at pawis ang kanyang mukha nang tiningala niya ito. Nagmamakaawa ang mga mata.
Ngunit, kahit siguro sumuka siya ng dugo ay hindi na niya mababago pa ang isip ng lalaking kaharap.
“Get up! Hindi mo ako madadala sa mga pa-iyak mo. Baka nga sa ibang lalaki pa ‘yan.”
Mabilis siyang umiling. “Sa iyo ito. Maniwala ka naman, oh. Anak mo ito. Please maniwala ka naman.”
“Tumayo ka!”
Tuluyan na itong napikon sa kanya nang muli siyang umiling.
Ito na mismo ang umuklo at hinawakan ang magkabilang gilid ng kanyang ulo.
Walang kasing-lamig na tumitig ito sa kanyang mga mata.
This is not the Sebastian she loves. Suddenly, he became a stranger to her.
“Kapag may nangyaring masama sa Mommy ko, hinding-hindi kita mapapatawad. If you gave birth to him, I’ll choke him to death.”
Tinakasan siya ng kaluluwa sa sunod na ibinulong nito sa kanya. “At isusunod kita.”
NAHILO siya at muntik ng matumba nang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng ama nang sabihin niyang nagdadalang-tao siya.
“Hindi kita pinaaral para lang magpabuntis! Hindi kami naghirap ng Mama mo para lang sirain ang buhay mo sa huli,” mabalasik na sigaw ng kanyang ama.
Namumula ang buong mukha nito at naglalabasan ang ugat sa galit.
“Sino ang nakabuntis sa ‘yo?! Hindi mo man lang naisip ang paghihirap namin at talagang lumandi ka pa? Iyan ba ang nakuha mo sa pagpapaaral namin sa ‘yo sa siyudad?”
“Pa…sorry.”
“Huwag mong mababanggit-banggit iyan. Sinadya mo. Nagpabuntis ka. P uta!”
Mas lalo siyang napayuko nang mas dumami pa ang luhang nagsituluan sa kanyang mga mata.
“Ano ang ipapakain mo sa batang iyan? Nagkakandakuba na nga kami ng mama mo para lang may pantustos kayo ng kapatid mo tapos magdadagdag ka pa? Nasaan ang utak mo, Neshara?”
Mas lalong nagalit ito nang hindi siya sumagot.
Malakas siyang napa-igik kasabay ng sigaw ni Amara Stephanie nang hablutin ng ama niya ang kanyang buhok.
“Mas inuna mo pang lumandi!”
“Huwag mong sasaktan si Ate,” nagkandapiyok sa iyak ang boses ng nakababata niyang kapatid. Itinulak nito ang ama at niyakap siya. “H-Huwag po.”
“Huwag kang makialam, Estepanya!”
Hinawakan niya ang kamay ng kapatid para pigilan. Subalit, hindi siya nito pinakinggan.
“Kapag sinaktan mo siya, pareho kaming mawawala sa ‘yo. May baby siya, papatayin mo ba ang baby niya?”
“Sumasagot ka pa!” Mas bumagsik ang ekspresyon ni Stegh at tumaas na ang kamay nito para sampalin ang kanyang kapatid.
“Stegh! Itigil mo iyan.” Ang Mama niya at itinulak ito.
Natigilan si Stegh at tiningnan ang kamay nito. Kitang-kita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Stephanie pati na rin pagsisisi sa mukha ng ama.
Mas lalo siyang napaiyak.
Si Stephanie talaga ang paborito nito.
Naiintindihan niya naman iyon dahil hindi niya naman talaga tunay na ama si Stegh.
Napangasawa lang ito ng mama niya noong apat na taong gulang siya. Wala siyang kahit katiting na galit kay Stephanie pero sa pagkakataong iyon, parang ipinamukha sa kanya ng na wala talaga siyang puwang sa pamilyang iyon.
Legal man siyang inampon ni Stegh, hinding-hindi pa rin niyon mabubura ang katotohanan na hindi siya kadugo nito.
Umiiyak si Amara Stephanie habang nakayakap sa kanya. “Ate, huwag mo akong iwan. Dito ka lang.”
Hindi niya ito pinakinggan at nagpatuloy lamang sa pagtupi ng kanyang mga damit.
Pinapaalis muna siya ng ama sa bahay para sa ikatatahimik nilang lahat.
“Bunso, kailangan itong gawin ni Ate.”
“S-Saan ka pupunta? Sasama ako?”
Mahigpit niya itong niyakap at h inalikan sa magkabilang pisngi bago siya lumabas ng bahay dala-dala ang dalawang bag na naglalaman ng mga gamit niya.
Panay ang iyak ni Stephanie at ng mama niya ngunit, mas matibay ang kanyang paninindigan.
Sumakay siya sa bus patungong Naga City kung saan siya nag-aaral. Doon muna siya sa dorm niya sa St. Benilde College.
Pasado alas-dyes na nang gabi nang makarating siya. Nagsisimula na rin umambon kaya binilisan niya na lang ang paglalakad. Minabuti niyang huwag ng sumakay ng tricycle dahil two hundred pesos na lang ang kanyang pera.
Hindi niya tinanggap ang limang libo na ibinigay sana ng ina kanina.
“Sorry, Ma’am. Pero hindi ka po namin pwedeng papasukin.”
“Ano?” Parang gumuho ang mga planong binuo niya nang marinig ang sinabi ng gwardiya.
“Utos po sa taas. Inalisan na raw po kasi kayo ng scholarship kaya hindi na rin po kayo opisyal na estudyante dito.”
“Hindi pwede ‘to. Kakausapin ko si President, ang Dean, ang…” Napahagulhol na siya. Alam na yata na buntis siya kaya binawi ang kanyang scholarship.
“Sorry, Ma’am. Sumusunod lang po sa utos.”
Bagsak ang balikat na umalis siya sa harapan ng gate. Gutom na gutom na siya at nagsisimula na rin lumakas ang ulan. Gabing-gabi na, saan siya pupunta?
Hindi kasya ang two hundred pesos kung magho-hotel siya o kahit maliit na apartment man lang.
Umiiyak na sumilong siya sa makipot na waiting shed nang bumuhos na ang malakas na ulan. Tulalang ibinagsak niya ang dalang bag sa basang sahig.
Ano bang ginawa niya para maparusahan siya ng ganito?
Salat man sa yaman ay hindi niya na-imagine noon na mararanasan niya ang sitwasyon niya ngayon.
Kampante siya noon dahil alam niyang matalino siya at magaling dumiskarte sa mga bagay-bagay. Pero dumarating talaga ang pagkakataon na bubulusok ka pa-ilalim na hindi mo alam kung makakabangon ka pa ba?
“Baby,” hinaplos niya ang kanyang impis na puson. “Gusto kang mawala ng daddy mo. Gusto niya na rin akong mamatay. Iyon ba ang makakapagpasaya sa kanya?”
Ilang sandali siyang nakipagtitigan sa madilim na kalsada bago humakbang ang kanyang mga paa papunta sa gitna.
Tulalang ibinuka niya ang magkabilang kamay at hinintay na sumalpok sa kanya ang paparating na kotse.