Share

Kabanata 0003

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER 3

“Uy, Nesh. Ano ‘to?” tanong ni Arnaiz nang inabot niya ang maliit na Goldilocks cake.

“Pa-thank you lang para kahapon.”

Nawalan siya ng malay sa comfort room nang umatake na naman ang anxiety niya. Si Arnaiz ang nagdala sa kanya sa klinika.

Hindi napaghandaan ng kanyang sistema ang muling pagtatagpo ng mga landas nila ni Sebastian.

Kahit sa panaginip ay hindi niya hiniling na makita itong muli matapos ang nangyari sa ospital.

Ipinakaladkad siya nito sa security nang gabing iyon at talaga namang kaawa-awa siya.

Ang ama nito ay nakatingin lang sa kanya; walang ginawa para pigilan ang kagaguhan ng anak nito.

Pinakasumpa-sumpa niya ang pamilyang Rocc.

“Wala iyon. Sandali lang—”

“Nesh, pinapatawag ka na ni Sir,” sulpot ni Erika na bagong head ng marketing department.

“Sige, susunod ako. Hindi pa naman alas otso.”

“Ngayon na raw. Magkasalubong na ang mga kilay,” pinanlalakihan siya nito ng mga mata. “Ang sungit pala no’n. Baka madamay kami.”

Napakamut-kamot siya sa ulo. Walang nagawa kundi umakyat sa palapag ng opisina ng CEO.

“You’re late, Ms. Mijares,” asik agad sa kanya ni Sebastian.

Prenteng nakasandal ito sa kanyang mesa. Ang aga-aga, hindi na ma-ipinta ang mukha.

“Pardon, Sir. Hindi pa po eight.”

“My office hours start at seven. You need to be here before me.”

Hindi siya sumagot bagkus, ay dinukot niya ang ginawang resignation letter kagabi.

“What’s this?”

“Resignation letter, Sir.”

Mapang-insultong tumaas ang sulok ng labi nito.

“Ms. Agnes doesn’t know how to keep her word. She has the audacity to ask for numerous favors from Rocc’s Corporation when this company is near bankruptcy."

Hindi niya nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig nito.

“You’re lying. Hindi pa bankrupt ang MedBrain.”

“I see. Nagsinungalin din siya sa ‘yo.” Tumangu-tango ito, hindi pinansin ang pagpipigil niyang sariling sipain ito. “Tell you ex co-workers to pack their things. Wala na silang trabaho.”

“What?”

Itinaas nito ang resignation letter niya. “I’m not satisfied with what she left. Hindi ko rin ibibigay ang mga pabor na hiningi niya.”

Napanganga siya nang isinarado nito ang pinto ng opisina.

Sh!t! Hindi pwede!

Ano na lang ang sasabihin sa kanya ni Ms. Agnes kapag nalaman nitong pinabayaan niya ang kompanyang tinanggap siya kahit hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.

Wala siyang utang na loob gayong nang mga panahong kailangan na kailangan niya ng trabaho ay tanging MedBrain lamang ang sumalo sa kanya.

Kagat-labing binuksan niya ang computer at nagpadala ng IM kay Sebastian.

Ilang sandali lang ay narinig niya na ang malamig nitong boses sa intercom.

“I need my schedule.”

Ayaw niyang makasama si Sebastian pero anong magagawa niya? Siguro naman ay ilang araw lang ang hihintayin niya para makahanap ng bagong sekretarya nito.

Boss na boss ang dating ni Sebastian Rocc sa klase ng pagkakaupo nito sa malaking swivel chair.

Ang lakas pa rin talaga ng karisma ng hudyo.

“At lunch, you will have a meeting with Mr. Volazo for the reconstruction of the laboratory,” wika niya sa pormal na tinig habang nakatayo sa harap.

“Cancel my appointment on Friday afternoon.”

Tumango siya at nilinyahan ang tinutukoy nito. Eksakto, iyon rin ang araw ng event ni Sevi sa eskwela.

“May lakad po kayo, Sir?”

Nagtaas siya ng paningin dito nang hindi ito nakasagot. Kinagat niya ang dila nang makitang nakatitig ito sa kanya habang ang isang kamay ay pinaglalaruan ang hawak na sign pen.

“I-I mean po, if may another meeting kayo somewhere and my presence is needed for assistance.”

“None, Ms. Mijares.” Halos hindi bumuka ang bibig nang magsalita.

Ano bang tinitingin-tingin nito sa kanya? Kung makatitig, ay parang wala itong ginawang kahay upan?

“Imo-move ko na lang po next week ang mga Friday office appointments niyo. The hiring of your secretary nga po pala starts tomorrow. I’ll assist you po if you want to evaluate yourself the applicants.”

“You’ll resign after that,” he said with a smug look on his face.

“Babalik po ako sa marketing department.” Aalis talaga siya pero hindi niya pwedeng sabihin. “May iba pa po kayong iuutos, Sir?”

Umanggulo ang ulo nito. “How’s the baby?”

Lihim niyang nakuyumos ang folder na hawak-hawak. Pekeng-peke ang ngiti niya. “Baby, Sir?”

“Ang pinagbubuntis mo, six years ago. You said it’s mine.”

“Pina-abort ko, Sir.” Hindi niya pinansin ang pagkagulat sa mukha nito. “Tama ka po. Wala naman magandang maidudulot ang batang iyon sa buhay ko.”

Maling-mali ito. Ang laki ng kasayahang ibinigay sa kanya ni Sevi.

Binigyan ng direksyon ng anak niya ang kanyang buhay. Puro at inosenteng pagmamahal ang ibinigay sa kanya ng baby niya.

At kahit kailan, hindi iyon mararanasan ni Sebastian.

Sa kanya lang si Sevi.

Tahimik siya nagpaalam dito na babalik na sa kanyang working station nang mukhang wala na itong sasabihin.

“Nesh, lunch na tayo.”

Maga-alas dose na pala nang tanghali. Masyado siyang subsob sa trabaho na hindi niya namalayan ang oras.

“Susunod na lang ako sa cafeteria.”

“Sa pantry, Nesh. May pina-deliver na pagkain si Sir,” ngiting-ngiting sabi nito bago umeskapo na.

Nagtipa siya ng text message para sa adviser ng kanyang anak. Tinatanong kung kumain na ba ang baby boy niya.

Maya-maya pa ay tumatawag na ito sa kanya.

“I already eat lunch na po,” malambing na wika ng anak niya sa kabilang linya.

“Kumusta ang school?”

“Practice po ako mag-violin.”

“Inubos mo ba ang lunch mo?”

“Opo. Thank you for the yummy food.”

“You’re welcome. I love you.”

“Love you more po.”

Nag-uusap sila ng adviser ni Sevi tungkol sa darating na foundation day ng King Royale’s School nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sebastian.

Nakatingin ito sa cellphone na nasa kanyang tainga.

Mabilis naman siyang nagpaalam sa kausap at hinarap ito.

“Yes, Sir?”

“Why are you still here? It’s twelve.”

“Papunta na rin po ako sa pantry.”

“Hurry up,” seryosong wika nito at tinalikuran siya.

Muli sana siyang uupo sa office chair nang nilingon ulit siya nito. Magkakasalubong na ang mga kilay.

“I said hurry up, Miss Mijares. Ipagpapalit mo talaga ang pakikipag-telebabad, sa pagkain? I don’t want any tardiness at my office. Ayaw kong kakain ka sa oras ng trabaho.”

“Ito na po.”

Hinablot niya ang cellphone sa mesa at patakbong sinundan si Sebastian.

Naabutan niya ito sa may pinto ng pantry. Masamang titig muna ang ibinigay nito sa kanyang hawak-hawak na cellphone bago pumasok.

Nilapitan siya ni Arnaiz habang nagsasalita si Sebastian sa gitna.

“Thank you pala sa cake kanina.”

“Welcome. Ililibre rin sana kita ng lunch ngayon—”

“Teka, huwag na,” bulong nito sa kanya. “Hindi naman ako ang nagdala sa ‘yo sa clinic.”

“Let’s eat!”

Bumalik ang tingin niya kay Sebastian nang tumaas ang boses nito.

Nakatingin ng masama sa direksyon niya.

“Kuha na tayo, Nesh?”

“S-Sige.” Lihim niyang inirapan si Sebastian at akmang lalagpasan sana ito.

“Ms. Mijares.”

“P-Po?”

“Get me food.”

“Ako na lang, Sir,” singit ni Arnaiz sa kanyang tabi.

Pinanood niyang luwagan ni Sebastian ang sariling necktie. “I clearly said, Ms. Mijares will get my food. Not you, Mr. Purisima.”

Hinawakan niya si Arnaiz sa braso at tinanguan. “Ako na.”

Aroganteng umismid sa kanila si Sebastian at lumayas na.

“Tulungan na lang kita, Nesh.”

Bilang sagot, ay matamis niya itong nginitian.
Mga Comments (24)
goodnovel comment avatar
Myrna Garcia
parang asong ulol kung maka utos si sebastian , parang alipin ang tingin kay neshara, mabulunan ka sana ng kakainin mo, hayop ka, porket CEO ka ganon na lang kung mag uutos sa kanyang empleyada, walanghiya talaga may gana pang magtanong tungkol da baby na gusto niyang ipapa abort noon!
goodnovel comment avatar
Lady Angel Cruzado
nakakakilig
goodnovel comment avatar
Tita Sanchez Nicolas
Ang ganda ng story.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0004

    CHAPTER 4 Kunot na kunot ang noo ni Sebastian nang makatanggap siya ng text message mula sa kanyang sekretarya na nagtatanong kung pupunta pa ba siya sa opisina. Magpapaalam daw kasi ito na magha-half day lang. Anong gagawin nito ngayong hapon? Makikipag-date sa lalaking pinabantay niya sand

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0005

    CHAPTER 5 “Sorry, Sevi Baby. Hindi nakaabot si Mommy sa foundation day niyo,” nakangusong nilambing-lambing ni Neshara ang anak. Nakaalis siya sa MedBrain ng alas-kwatro ng hapon at kung minamalas nga naman, naipit siya sa mabigat na trapiko dahil sa banggaan sa highway. Naabutan niya si Sevi

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0006

    CHAPTER 6 Ilang linggo matapos nilang maghiwalay, nagkalat na sa telebisyon at mga pahayagan na engage na si Sebastian kay Lolita. Habang nagpapakapagod siya magtrabaho para may ipon siya sa panganganak, ang dalawang iyon ay palaging nakikita ng media na magkasama. Hindi malayong mangyari an

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0007

    CHAPTER 7 “Mommy, hindi po ikaw nag-say ng hi sa lolo and lola. Rude po,” wika ni Sevi at nginusuan pa siya nang mai-upo niya ito sa loob ng restaurant. “Gutom na kasi si Mommy, Anak. Nagustuhan mo ba ang violin?” “Yes, Mommy.” Pero hindi pa pala tapos si Sevi sa pagdaldal nito tungkol sa dal

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0008

    CHAPTER 8 “What is it, Mom?” kaswal na tanong ni Sebastian sa ina nang mapansing pasilip-silip ito sa kanya na parang may gustong sabihin. His dad cleared his throat and put down his fork. “What’s your plan, Sebastian?” “Wala akong plano.” Sa pagkakataong iyon ay nagsisimula na naman bumal

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0009

    CHAPTER 9 (PART 1) “Miss, hindi pa po ba magsisimula?” “I’m sorry po, wala pa kasi si Sir,” hingi niya ng paumanhin sa aplikante na nagtanong. “May inasikaso lang siyang importante. He’s on his way here.” “Sige po. Kahapon pa kasi kami naghihintay.” Awkward na nginitian niya ang mga aplikan

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0010

    CHAPTER 9 (PART 2) “Okay na po kayo, Ma’am?” “Opo. Pero iyong boss natin, siguradong hindi pa okay. Ang arogante ng bwisit.” Hindi siya natakot na baka isumbong siya nito kay Sebastian dahil tumawa ang lalaki at inalalayan siya pababa. Bawat madaanan niyang pasilyo ay may logo ng kompanya.

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0011

    CHAPTER 9 (PART 3) “S-Sa conference po.” “I’m not old, Neshara Fil.” Gulat na itinuro niya ang sarili. “Kilala niyo po ako?” “Come on, I’ll buy you a drink. Sebastian doesn’t know how to keep you.” Hinayaan niya itong hilahin siya sa elevator. Mukha namang harmless ang lalaki kahit nakaka-

Pinakabagong kabanata

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0395

    “It’s okay, Mimi. I understand. You’re here now.” Inilapat nito ang isang kamay sa pisngi niya. Balik sa pagiging inosente ang mga mata nito at cute na cute na naman ang labas na gilagid na ngisi. “Good morning, Babe.” A kiss on her cheek made her look up. Maaliwa

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0394

    “Yeah. Yes! F uck yes!” Ngiting-ngiti na pinagmasdan niya ang suot na singsing. Kapagkuwan ay may naalala. “Nasaan pala iyong singsing ko kahapon?” “Here!” May dinukot ito sa ilalim ng suot na longsleeve at ipinakita sa kanya ang singsing na naging pendant kasama

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0393

    CHAPTER 228 “Kaye, Baby…” He almost cried while still kneeling in front of her. “No pala ha?” ganti niya at humalukipkip. “I said that because I was supposed to ask you. Please, marry me. Have mercy on me! I won’t stand until you agree to marry me.”

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0392

    Sunod-sunod na nagsidatingan ang missed calls mula kay Rios at Ahmed. Ngunit, pansin niya na ilang oras na ang nakalilipas simula nang huling beses na text at tawag sa kanya ni Rios. ‘Palagi mo na lang pinapasakit ulo ni Rios.’ Simangot na simangot na ni-replay-a

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0391

    CHAPTER 227 “Hoy, anong ginagawa mo rito?!” Napalingon si Kaye nang marinig ang pamilyar na nangraratrat na bibig. “Clarissa, ikaw pala.” “Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” Nagsasalubong na ang mga kilay nito. Subalit, mas napahagikhik lama

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0390

    “HUWAG mo akong titingnan ng ganyan, Ahmed. Nakakainis ka naman,” himutok niya sa kapatid dahil nangangasim ang mukha nito habang pumipili siya ng singsing. “Ikaw talaga ang magyayaya ng kasal?” “Oo. Wala naman masama do’n.” “If you’re doing this because of Dad, d

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0389

    “They are bestfriends. Kapag nagloko si Dad, na hindi malabong mangyari, mawawala sa atin si Attorney. I don’t want her hating us just because of our womanizer father.” “Hindi naman siguro,” wika niya sa tonong hindi rin sigurado. “There’s still Shane Oliver in the picture. A

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0388

    CHAPTER 226 “Text mate kayo ni Daddy?” Naniningkit ang mga mata ni Kaye sa laki ng kanyang pagkakangiti. “He only replies to me with okay or thumbs up.” Humagikhik siya nang parang baby na yumakap ito sa kanya. “He is ignoring me. Dad ignor

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0387

    Dr. Khair glared at him. “You made my daughter like that,” akusa nito na ikinamaang niya. “My little Mia Bella is a sweet and gentle baby. How come she’s like this now?” “I-I didn’t do anything, Sir.” “Shut it, Kid!” asik nito sa kanya. Kapagkuwan ay n

DMCA.com Protection Status