Share

Kabanata 0005

Author: pariahrei
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER 5

“Sorry, Sevi Baby. Hindi nakaabot si Mommy sa foundation day niyo,” nakangusong nilambing-lambing ni Neshara ang anak.

Nakaalis siya sa MedBrain ng alas-kwatro ng hapon at kung minamalas nga naman, naipit siya sa mabigat na trapiko dahil sa banggaan sa highway.

Naabutan niya si Sevi sa classroom nito na nanghahaba ang mga nguso.

This is the first time she missed Sevi’s school event. Dati naman kasi ay pinapayagan siya ni Ms. Agnes na mag-absent basta para sa anak niya.

“I promise hihingi ako ng kopya ng video mo sa lahat ng parents ng classmate mo. Hmn…”

“Ms. Mijares,” nakangiting bati sa kanya ng adviser ni Sevi na kapapasok pa lang ng classroom.

“Hello po, Ma’am.”

“Kanina pa siya ganyan.”

“Naku, kasalanan ko, Ma’am. Hindi ako nakaabot.”

“Hindi siguro, Ms. Mijares. Kasi kanina naman nagpe-perform siya, maayos naman ang mood niya. No’ng kainan lang nagbago. Ayaw ng umimik at sinusungitan na ang mga kaklase. Ang bibilis talaga magbago ng mood ng mga bata ngayon.”

Nagpasalamat siya sa teacher ni Sevi at humingi ng paumanhin sa inasal ng anak niya.

Hawak-kamay sila ng anak habang naglalakad patungong gate.

Nakanguso pa rin ito, magkakasalubong ang kilay.

Kilala niya si Sevi. Ganitong-ganito ang mukha kapag may hindi ito nagustuhan.

“What do you want para tanggapin mo ang sorry ni Mommy, hmn…?” lambing niya habang naghihintay ng taxi sa may waiting shed.

Mas sumungit ang mukha ni Sevirious at humalukipkip.

“I don’t want Mommy to have a boyfriend.”

Napanganga siya.

“A-Ano?”

Sa pagkakataong iyon, ngumiwi na ang bibig ng baby niya. Parang kahit anong oras ay aatungal na ng iyak.

“Ayaw ko po na may boyfriend ikaw. Gusto ko ako lang ang baby mo.”

Mahina siyang tumawa at niyuko ang anak para masilip ang mukha nito. Papaiyak na nga dahil namumula na ang tungki ng ilong.

“Saan mo naman nakuha ang idea na magbo-boyfriend ako?”

Parang baby na nilaru-laru nito ang maliliit na daliri. “Justine said may boyfriend ng bago ang mama niya. His dad also has other girlfriend.”

“Sevi, hindi naman ako sila.”

“But there was a man earlier. Sabi niya gusto niya ikaw makilala kasi amazing mommy ka. Baka may crush siya sa ‘yo. I don’t like.”

Namasa ang mga mata nito at cute na cute na lumabi sa kanya.

“So possessive naman ng Baby Sevi ko.” Malambing na h inalik-h alikan niya ito sa pisngi. “Hindi ako mawawala sa ‘yo. Di ba, I promised you na palagi lang nandito si Mommy kasi love na love kita.”

“Even if I'm not like other kids? And makulit po?”

“You’re like other kids naman.”

“Sabi kasi freak ako.”

Tumatak talaga sa isip nito ang mga panunukso ng mga grade three student na nam-bully kay Sevi noon. Natalo kasi ng anak niya sa all-grade math quiz bee.

Nabigyan naman na ng karampatang parusa ngunit, nadala ng anak niya ang sinabi ng mga iyon.

“You’re not a freak, okay? You’re blessed and you’re my baby.”

“I don’t have many friends.”

“At least you have. Saka balita ko, marami raw may crush sa ‘yo na classmate mo,” tukso niya at sinundot pa ang tagiliran nito.

Napakislot si Sevi at humahagikhik na nagpapalag nang niyakap niya ang maliit nitong katawan para kilitiin.

“Mommy, no. Ayoko po.”

“May crush ka na ba, Baby ko?”

“No.” Sevi’s laugh is music to her ears. “I don’t like any girls. I want mommy.”

“Love mo si Mommy?”

“Super love,” sigaw nito at kumunyapit na sa kanyang leeg.

Kinailangan niyang buhatin si Sevi nang huminto ang taxi sa harap ng condo building dahil nakatulog ito. Mabuti na lang at mabait ang driver na ito na mismo ang naglabas sa sasakyan ng mga gamit nila.

Mabigat si Sevirious kaya ibinilin niya muna sa gwardiya na makikiiwan muna siya ng gamit. Isa iyon sa mga pagkakataon na nahihirapan siya sa pagiging solo parent niya.

Pero anong magagawa niya kundi kayanin ang lahat.

Napangiti siya nang makita ang pangalan ng kanyang kapatid sa screen ng kanyang cellphone nang tumunog iyon.

“Teptep,” masayang bati niya sa kapatid nang sinagot ang video call.

Maligayang kumaway sa kanya si Stephanie. “Miss na miss na kita, Ate ko. Nasaan ang baby Sevi natin?”

“Tulog na. Kumusta ka? Sina Mama?”

“Kauuwi ko lang from university. Si Papa nga pala, kinukulit ako no’ng isang araw pa na pauwiin ka raw.”

Noong isang taon lang sila nagka-ayos ng papa niya. Ilang taon din na pinutol niya talaga ang koneksyon niya kina Stephanie.

Kahit nang mga panahong nag-aagaw buhay ang baby niya sa ospital, hindi niya kinontak ang kanyang pamilya para humingi ng tulong.

Bukod sa hiyang-hiya siya, ayaw niya rin bigyan pa ng dagdag alalahanin ang mga ito. Lalo na nang tumuntong ng kolehiyo si Teptep, mas dumami ang gastusin ng kaniyang mga magulang.

“Miss na miss niya na kayong dalawa ni Sevi,” patuloy si Steph sa kabilang linya. “Sabi ko nga, siya na lang ang tumawag sa ‘yo. Ayaw niya raw, kasi hiyang-hiya pa sa nangyari noon.”

“Si Papa talaga,” iling niya, nangingiti na rin. Ramdam niyang may linya pa rin sa pagitan nila ng ama. Kapag bumibisita sila ni Sevi, ramdam niya na awkwardness nito sa kanya.

“Kapag free ko, bibisitahin kita.”

“Sige. Kapag hindi busy sila mama, isama mo sila.”

“Okay,” kapagkuwan ay parang may naalala ito. “May sasabihin pala ako sa ‘yo. Wait lang.”

Nanakbo si Steph para sumilip sa pintuan nito. Nang makitang walang tao ay bumalik sa harap ng cellphone matapos niyang marinig ang pag-lock ng pinto.

Bumusangot si Amara Stephanie.

“Kanina, may pumunta sa university. Sponsors ng bagong second gymnasium na ipapatayo.” University Instructor ang kanyang kapatid sa unibersidad sa kanilang lugar.

“Guess what, Ate? Ka-apelyido ng gagong ex mo ang sponsor. The h ell!”

Kumunot ang kanyang noo.

“Well, sinigurado ko na hindi ang ex mo iyong sponsors namin. Mag-asawa. Ka-edad lang nina Mama. Roman and Florence Rocc. Kilala mo ba sila?”

Sh!t!

“Huwag kang magpapakita sa kanila, Tep,” iling niya. Nanunuyo ang kanyang lalamunan sa mga pangalang iyon.

“I knew it!” Amara Stephine snapped angrily. “Magulang iyon ng t arantadong Sebastian na iyon di ba? Anong ginagawa nila dito sa probinsya? Guguluhin na naman ba nila ang buhay mo? Mga g agu iyon, ah!”

Tanging ang kapatid niya lamang ang nakakaalam kung sino ang ama ni Sevi. Kahit ang tungkol sa nangyaring pagkahulog ni Mrs. Rocc sa hagdan ay walang kaide-ideya ang kanyang mga magulang.

Natatakot siya na baka kapag sinabi niya sa mga ito, hindi rin maniwala sa kanya.

Tama na, na naubos siya nang gabing hindi siya pinaniwalaan ni Sebastian.

“Huwag ka na lang magpapakita sa kanila. Sigurado, aalis din naman ang mga iyon.”

Ngunit hindi pa tapos ang kapatid niya sa pagmumuryong. “Kapag nakita ko si Sebastian, makakatikim siya sa akin ng uppercut na l intik siya! Boring ba sila sa ibang bansa kaya nandito na naman sila?”

“They have company to manage here, Steph.”

“Bakit mo alam?”

“Binili niya ang MedBrain.”

“Pucha!” malutong na mura ng kapatid at napatayo pa.

“Sekretarya niya ako ngayon.”

“T angina ‘yan!”

“Tep, sino kaaway mo riyan?” katok ng mama nila sa may pinto nito.

Hindi pa siya tapos. “Tinanong niya sa akin ang baby namin.”

“A mputa!”

She laughed. “Sabi ko pinalaglag ko katulad ng sinabi niya noon.”

“Tamang behavior. Taguan mo ng anak. Lintik lang ang walang ganti! At lintik din ang mga magulang niya, tatarayan ko ang mga iyon kapag bumalik sa university.”

Gigil na gigil si Amara Stephanie habang nagpapalakad-lakad ito sa kwarto.

“Wala rin naman siya sa aking hahabulin. Hindi ako papayag na makalapit siya kay Sevi.”

“Dapat lang! Baka kunin niya pa si Sevi natin tapos hahayaang maltratuhin ng asawa niya.”

Comments (19)
goodnovel comment avatar
Lady Angel Cruzado
nakakasabik
goodnovel comment avatar
Nenita Olleras
more chapters please
goodnovel comment avatar
Orlyn S. Amandog
chapter 73 plng ako biglang nglaho ito kaya search ulit ako from the start na nmn kainis
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0006

    CHAPTER 6 Ilang linggo matapos nilang maghiwalay, nagkalat na sa telebisyon at mga pahayagan na engage na si Sebastian kay Lolita. Habang nagpapakapagod siya magtrabaho para may ipon siya sa panganganak, ang dalawang iyon ay palaging nakikita ng media na magkasama. Hindi malayong mangyari an

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0007

    CHAPTER 7 “Mommy, hindi po ikaw nag-say ng hi sa lolo and lola. Rude po,” wika ni Sevi at nginusuan pa siya nang mai-upo niya ito sa loob ng restaurant. “Gutom na kasi si Mommy, Anak. Nagustuhan mo ba ang violin?” “Yes, Mommy.” Pero hindi pa pala tapos si Sevi sa pagdaldal nito tungkol sa dal

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0008

    CHAPTER 8 “What is it, Mom?” kaswal na tanong ni Sebastian sa ina nang mapansing pasilip-silip ito sa kanya na parang may gustong sabihin. His dad cleared his throat and put down his fork. “What’s your plan, Sebastian?” “Wala akong plano.” Sa pagkakataong iyon ay nagsisimula na naman bumal

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0009

    CHAPTER 9 (PART 1) “Miss, hindi pa po ba magsisimula?” “I’m sorry po, wala pa kasi si Sir,” hingi niya ng paumanhin sa aplikante na nagtanong. “May inasikaso lang siyang importante. He’s on his way here.” “Sige po. Kahapon pa kasi kami naghihintay.” Awkward na nginitian niya ang mga aplikan

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0010

    CHAPTER 9 (PART 2) “Okay na po kayo, Ma’am?” “Opo. Pero iyong boss natin, siguradong hindi pa okay. Ang arogante ng bwisit.” Hindi siya natakot na baka isumbong siya nito kay Sebastian dahil tumawa ang lalaki at inalalayan siya pababa. Bawat madaanan niyang pasilyo ay may logo ng kompanya.

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0011

    CHAPTER 9 (PART 3) “S-Sa conference po.” “I’m not old, Neshara Fil.” Gulat na itinuro niya ang sarili. “Kilala niyo po ako?” “Come on, I’ll buy you a drink. Sebastian doesn’t know how to keep you.” Hinayaan niya itong hilahin siya sa elevator. Mukha namang harmless ang lalaki kahit nakaka-

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0012

    CHAPTER 10 (PART 1) Kiming nginitian ni Neshara ang tatlong sekretarya ni Sebastian na nag-aantay rito nang makabalik sila sa opisina nito. Ang matangkad na lalaking nasa gitna ang unang lumapit sa kanila. May ipinakita kay CEO Rocc sa hawak-hawak nitong iPad. “Gayle, show Ms. Mijares the

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0013

    CHAPTER 10 (PART 2) Hindi sumagot si Sebastian kaya hinila niya na ang kamay niya. “Sa labas ko na lang kayo hihintayin, Sir.” Marahas itong bumuga ng hangin at inunahan siya sa paglabas. Parang batang nagdadabog pa. Mabilis naman siyang sumunod dito papasok sa malaking front door. Awtom

Latest chapter

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0395

    “It’s okay, Mimi. I understand. You’re here now.” Inilapat nito ang isang kamay sa pisngi niya. Balik sa pagiging inosente ang mga mata nito at cute na cute na naman ang labas na gilagid na ngisi. “Good morning, Babe.” A kiss on her cheek made her look up. Maaliwa

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0394

    “Yeah. Yes! F uck yes!” Ngiting-ngiti na pinagmasdan niya ang suot na singsing. Kapagkuwan ay may naalala. “Nasaan pala iyong singsing ko kahapon?” “Here!” May dinukot ito sa ilalim ng suot na longsleeve at ipinakita sa kanya ang singsing na naging pendant kasama

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0393

    CHAPTER 228 “Kaye, Baby…” He almost cried while still kneeling in front of her. “No pala ha?” ganti niya at humalukipkip. “I said that because I was supposed to ask you. Please, marry me. Have mercy on me! I won’t stand until you agree to marry me.”

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0392

    Sunod-sunod na nagsidatingan ang missed calls mula kay Rios at Ahmed. Ngunit, pansin niya na ilang oras na ang nakalilipas simula nang huling beses na text at tawag sa kanya ni Rios. ‘Palagi mo na lang pinapasakit ulo ni Rios.’ Simangot na simangot na ni-replay-a

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0391

    CHAPTER 227 “Hoy, anong ginagawa mo rito?!” Napalingon si Kaye nang marinig ang pamilyar na nangraratrat na bibig. “Clarissa, ikaw pala.” “Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” Nagsasalubong na ang mga kilay nito. Subalit, mas napahagikhik lama

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0390

    “HUWAG mo akong titingnan ng ganyan, Ahmed. Nakakainis ka naman,” himutok niya sa kapatid dahil nangangasim ang mukha nito habang pumipili siya ng singsing. “Ikaw talaga ang magyayaya ng kasal?” “Oo. Wala naman masama do’n.” “If you’re doing this because of Dad, d

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0389

    “They are bestfriends. Kapag nagloko si Dad, na hindi malabong mangyari, mawawala sa atin si Attorney. I don’t want her hating us just because of our womanizer father.” “Hindi naman siguro,” wika niya sa tonong hindi rin sigurado. “There’s still Shane Oliver in the picture. A

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0388

    CHAPTER 226 “Text mate kayo ni Daddy?” Naniningkit ang mga mata ni Kaye sa laki ng kanyang pagkakangiti. “He only replies to me with okay or thumbs up.” Humagikhik siya nang parang baby na yumakap ito sa kanya. “He is ignoring me. Dad ignor

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0387

    Dr. Khair glared at him. “You made my daughter like that,” akusa nito na ikinamaang niya. “My little Mia Bella is a sweet and gentle baby. How come she’s like this now?” “I-I didn’t do anything, Sir.” “Shut it, Kid!” asik nito sa kanya. Kapagkuwan ay n

DMCA.com Protection Status