Share

Kabanata 0007

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2023-01-22 23:23:04

CHAPTER 7

“Mommy, hindi po ikaw nag-say ng hi sa lolo and lola. Rude po,” wika ni Sevi at nginusuan pa siya nang mai-upo niya ito sa loob ng restaurant.

“Gutom na kasi si Mommy, Anak. Nagustuhan mo ba ang violin?”

“Yes, Mommy.” Pero hindi pa pala tapos si Sevi sa pagdaldal nito tungkol sa dalawang matanda. “Pulot ko po kasi ang wallet ng lola. I’m kind daw po tapos bibili niya ako ng reward. Sabi ko; no, thank you po.”

Ngiti ang isinagot niya sa anak. Kahit ang totoo ay hindi niya gusto ang nangyayari lalo pa’t nakita niya ang pagpasok ng mag-asawang Rocc sa bukana ng restaurant. Nakatingin ang dalawa sa kanila—kay Sevi.

Gusto niyang itago ang anak. Hilahin paalis si Sevirious at lumayas na sa mall para huwag na silang masundan. Pero kapag ginawa niya iyon, mas magiging mukhang may itinatago siya.

Ang mga ito ang may kasalanan sa kanya. Wala siyang ginawang mali kaya bakit siya ang aalis.

“Hello po, Lola.” Maligayang kumaway si Sevi kay Florence Rocc nang lumapit ang dalawa sa kanila.

Ngitngit na ngitngit siya pero hindi niya magawang palayasin ang mag-asawa.

Lumapit pa talaga! Ang kakapal ng mga mukha.

“Hello,” bakas sa boses ni Florence ang lambing. Nginitian nito ang anak niya. “Your name is Sevi?”

“Opo. My name is Sevirious Mijares. I’m five. And this is my mommy, Neshara Mijares.”

Malamig na tingin ang ibinigay niya sa mag-asawa. “May kailangan po kayo?”

“Nothing,” si Roman ang sumagot sa pormal na tinig. “We just want to talk to this kid.”

Nakita niyang hinawakan ni Mrs. Rocc ang braso ng asawa. Kumibot ang labi niya sa iritasyon.

Bahagya lang siyang nakahinga ng maluwag nang dumating inorder nila. Habang iginiya naman ng waiter ang mag-asawa sa kabilang mesa.

Nakalimutan niya ang mga ito nang maglambing na sa kanya ang anak.

Neshara Fil loves every time her son acts like this.

Mature kasi itong mag-isip kaya madalas ay hindi na naglalambing sa kanya.

“Here, Ma’am.”

Natigilan siya sa pagsubo kay Sevi nang lumapit sa kanila ang waiter. Inilapag nito ang ice cream cake mesa.

“Kuya, hindi po namin ito inorder.” Nasa two thousand five hundred ang isang scoop ng ice cream cake kaya kahit gusto ni Sevi ay pinapili niya ito ng iba.

“Don’t worry about it, Ma’am. Sagot po ng mag-asawang kausap niyo kanina.”

“Yey!” excited si Sevirious nang kinuha nito ang tinidor para tikman ang dessert. Lumingon pa ito sa mesa ng mga magulang ni Sebastian at nag-thank you.

Wala na siyang nagawa nang binawasan na iyon ng anak niya. Ayaw niya rin naman pawiin ang kasiyahan nito.

Nang matapos kumain, sinamahan niya ito sa restroom.

“Samahan kita sa loob,” wika niya nang pigilan siya nito sa may pinto.

“Wait here po. Bigboy na ako.”

“No, you’re not.”

Cute na cute na ngumuso ang anak niya kaya tumawa siya at hinayaan na lang ito. “Tawag ka na lang kapag kailangan mo ng tulong ko, okay?”

Nag-thumbs up lang sa kanya ang baby niya at pumasok na sa loob.

Napapailing na sumandal na lang siya sa gilid ng pinto ng restroom.

“Is he Sebastian’s?”

Nawala ang ngiti niya nang lumingon siya kay Mrs. Rocc. Mukhang kanina pa ito nakamasid sa kanila.

“No.”

Akala niya ay tatantanan na siya nito ngunit hindi pala. May nais ipunto ang mga salita nito.

“He’s five years old.”

Umayos siya ng tayo at sinalubong ang tingin ni Florence. “Hindi, Mrs. Rocc.”

Gulat ang ginang sa kalmado niyang boses. Bakas pa rin ang ganda ni Florence no’ng kabataan. Walang duda na sa Ginang namana ni Sebastian at Sevirious ang kulay berdeng mga mata.

“He’s five years old,” ulit nito. “And he has green—”

“Hindi lang ang anak niyo ang may kulay green na mga mata. Hindi lang din siya ang mapera.”

Gumuhit ang galit sa mukha ni Florence.

“Iniwan ako ni Sebastian, wala akong nahitang pera sa kanya. So, bakit ako magtitiis? I looked for another guy. Katulad niyo rin, mayaman.”

“Where is he then?” pigil ang galit sa boses nito.

“May ibang pamilya. Sinusustentuhan niya naman si Sevi kaya—bakit ba ako nagpapaliwanag? Look, Mrs. Rocc. Matagal na akong wala sa buhay ng anak niyo. Hindi ko na rin kayo ginugulo. Sana naman, huwag niyo na rin kaming guluhin.”

“P-Pinaglaruan mo ang anak ko?”

Nagkibit-balikat siya sa galit na nitong boses. Hindi niya pinansin ang nanunubig nitong mga mata.

“Mommy, done na po ako.”

Ibinaling niya na ang tingin kay Sevi. “Naghugas ka ba ng kamay?”

“Opo.” Kumaway ito sa kausap niya na wala ng kangiti-ngiti. “Thank you po sa ice cream cake, Lola.”

“Let’s go na, Sevi.” Hinawakan niya na ang kamay ni Sevirious.

Pansin niyang hinintay ng anak niya ang pagtugon ng matanda. Na kahit nakalayo na sila ay nililingon pa rin nito ang ina ni Sebastian…

Nakatulog ang anak niya habang sakay sila ng taxi. Pigil na pigil niya ang pag-alpas ng kanyang hikbi habang nasa backseat.

Pakiramdam niya ay bumalik lahat ng sakit na naranasan niya nang mga panahong pinagbubuntis niya si Sevi.

Akala niya, balewala na lang sa kanya kapag nakita niya ulit si Florence Rocc dahil matagal na rin iyon. Pero ganon pala ang pakiramdam na makita ulit ang taong puno’t dulo ng lahat ng paghihirap niya….

“NESH, oh my God!” salubong sa kanya ni Erika pagkapasok niya pa lamang sa lobby ng MedBrain. “Narinig mo na ba ang balita? Binigyan ng suspension memo si Arnaiz.”

Gulat na napalingon siya sa kaibigan. “Bakit daw?”

“I don’t know. Usap-usapan kahapon pa. Six months daw ang duration. Galing sa itaas.”

Kalat na kalat sa buong kompanya ang nangyari. Iba ang haka-haka kung bakit suspension lang ang ibinigay kay Arnaiz at hindi termination kung may ginawa man ngang kasalanan ang lalaki.

Napapa-isip din siya dahil maayos pa naman si Arnaiz nang huling beses na hiningi niya rito ang budget list para sa reconstruction ng laboratory. Hindi rin naman toxic ang lalaki.

“Good morning, Sir,” pormal na bati niya kay Sebastian nang makitang lumabas ito sa sa elevator.

Seryoso ang mukhang tinapunan siya nito ng tingin sa halip na batiin siya pabalik. Supladong pumasok sa loob ng opisina.

Kinuha niya ang schedule list ni Sebastian at sumunod sa opisina nito.

Awtomatiko ang paglipat niya ng tingin sa iPad na hawak-hawak nang h ubarin nito ang suot na suite.

D amn those veiny arms!

“You have meeting with Engineers for reconstruction at nine, and then…” Natigilan siya nang mabasa ang kasunod. May access si Sebastian sa digital schedule planner na ginawa niya. “May lunch po kayo with…Mr. and Mrs. Rocc.”

Palihim siyang umusal ng pasasalamat nang hindi siya nautal.

“And?”

“Mamayang one po ang hiring ng bago niyong secretary.”

“You’ll come with me,” wika nito at parang haring umupo sa malaking swivel chair.

“Yes, Sir. Gusto niyo po ba na magpre- interview—”

“You’ll come with me for lunch.”

“Po?”

“Get me coffee, Ms. Mijares.”

Naguguluhan na tumango na lang siya. Hindi naman siguro seryoso si Sebastian sa sinabi nito.

Nasa harap na nang computer nito si Sebastian nang inilapag niya ang kape. Tumaas ang sulok ng labi nito nang masulyapan iyon.

“You need something?” tanong ni Rocc nang mapansing hindi pa siya umaalis.

“Si Mr. Purisima po, Sir.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang mapansing nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit siya na-suspend?”

Umigting ang panga ni Sebastian na parang galit sa kung ano.

“That’s not your concern, Mijares.”

“Nagtatanong po kasi ang mga empleyado dahil sa ‘yo raw po galing ang memo. Tinatanong din ako kasi sekretarya niyo ako.”

Iritadong tiningnan siya ni Sebastian. “Tell them to mind their own business.”

Hindi siya nakasagot. Bahagya na lang siyang yumuko para umalis na.

Ngunit, hindi pa man siya nakadalawang hakbang, tinawag ulit nito ang apelyido niya.

“Who’s with you the other night?”

Kulang na lang ay umikot ang mga mata niya sa brusko at arogante nitong boses.

“With all due respect, it’s not your business din po, Sir.”

Tumalim ang tingin nito sa kanya. Kumuyom ang kamao na nasa ibabaw ng mesa. “Answer me.”

“Wala, Sir.”

“Binabaan mo ako ng tawag. Is that how you treat your superior?”

“Hindi naman na po kasi iyon office hours.”

“Your salary is double for a normal secretary. I am paying you for twenty-four hours. Every second matters to me. Kahit gabi, nagtatrabaho ako. Kailangan ko pa bang triplehin ang sahod mo para maging available ka?”

“Hindi po.”

Nahiya siya ng kaunti.

Hindi iyon nabanggit sa kanya ni Ms. Agnes. Wala siyang masyadong alam sa pagiging sekretarya. Siguro kapag talaga assistant ng CEO ng naglalakihang kompanya ay bente-kwatro oras dapat available.

“Good. Now, answer me.”

“B-Boyfriend ko po, Sir.”

“What?!”

Napatalon siya sa kinatatayuan nang hampasin ni Sebastian ang mesa.

“Boyfr—”

“Get out, Mijares.” Hindi agad siya nakagalaw sa gulat. “Now!”

Takbo siya palabas ng opisina nito.
Mga Comments (27)
goodnovel comment avatar
Fatima Matalam
hahahahahahah
goodnovel comment avatar
charmae lazaga
selos yern
goodnovel comment avatar
Lady Angel Cruzado
exitinv sa kasunod
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0008

    CHAPTER 8 “What is it, Mom?” kaswal na tanong ni Sebastian sa ina nang mapansing pasilip-silip ito sa kanya na parang may gustong sabihin. His dad cleared his throat and put down his fork. “What’s your plan, Sebastian?” “Wala akong plano.” Sa pagkakataong iyon ay nagsisimula na naman bumal

    Huling Na-update : 2023-01-23
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0009

    CHAPTER 9 (PART 1) “Miss, hindi pa po ba magsisimula?” “I’m sorry po, wala pa kasi si Sir,” hingi niya ng paumanhin sa aplikante na nagtanong. “May inasikaso lang siyang importante. He’s on his way here.” “Sige po. Kahapon pa kasi kami naghihintay.” Awkward na nginitian niya ang mga aplikan

    Huling Na-update : 2023-01-25
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0010

    CHAPTER 9 (PART 2) “Okay na po kayo, Ma’am?” “Opo. Pero iyong boss natin, siguradong hindi pa okay. Ang arogante ng bwisit.” Hindi siya natakot na baka isumbong siya nito kay Sebastian dahil tumawa ang lalaki at inalalayan siya pababa. Bawat madaanan niyang pasilyo ay may logo ng kompanya.

    Huling Na-update : 2023-01-25
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0011

    CHAPTER 9 (PART 3) “S-Sa conference po.” “I’m not old, Neshara Fil.” Gulat na itinuro niya ang sarili. “Kilala niyo po ako?” “Come on, I’ll buy you a drink. Sebastian doesn’t know how to keep you.” Hinayaan niya itong hilahin siya sa elevator. Mukha namang harmless ang lalaki kahit nakaka-

    Huling Na-update : 2023-01-25
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0012

    CHAPTER 10 (PART 1) Kiming nginitian ni Neshara ang tatlong sekretarya ni Sebastian na nag-aantay rito nang makabalik sila sa opisina nito. Ang matangkad na lalaking nasa gitna ang unang lumapit sa kanila. May ipinakita kay CEO Rocc sa hawak-hawak nitong iPad. “Gayle, show Ms. Mijares the

    Huling Na-update : 2023-01-25
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0013

    CHAPTER 10 (PART 2) Hindi sumagot si Sebastian kaya hinila niya na ang kamay niya. “Sa labas ko na lang kayo hihintayin, Sir.” Marahas itong bumuga ng hangin at inunahan siya sa paglabas. Parang batang nagdadabog pa. Mabilis naman siyang sumunod dito papasok sa malaking front door. Awtom

    Huling Na-update : 2023-01-29
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0014

    CHAPTER 11 (PART 1) Inagaw niya ang cellphone kay Sebastian. Lihim siyang napausal ng pasasalamat nang makitang hindi iyon video call. Nanginginig na ni-off niya ang loud speaker button. “Nasaan ang mommy mo?” Tumalikod siya kay Sebastian at nagkunwaring busy. “Pinakialaman mo na naman ba an

    Huling Na-update : 2023-01-29
  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0015

    CHAPTER 11 (PART 2) Tuluyan niyang hindi malunok ang pagkain. Kinuha niya ang pinagkainan upang hugasan. Katabi lang ng dining room ang malawak na kitchen ng mansyon. Walang tao roon kaya mabilis siyang pumwesto sa sink. Lalayas na talaga siya sa bahay na iyon. Nakakairita! “Joy, can you g

    Huling Na-update : 2023-01-30

Pinakabagong kabanata

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0400

    “Pa, huwag niyo ng ibuking ang apo niyo. Malaking mama na ‘yon. May mga anak na,” singit ni Mommy Nesh. Tinawag nito si Reirey at Dos na agad naman naglambing sa mga matatanda. Sevirious’ family is warm and she loves it. Ang ideyang kabilang na siya sa pamilyang iyon ay paran

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0399

    CHAPTER 230 “Wala pa po ba si Sevi?” marahan na tanong ni Kaye kay Mommy Nesh habang hinahaplus ang tiyan na may umbok na. “May inaasikaso pa raw siya sa Rocc Corp. Hindi ba tumawag sa ‘yo?” Umiling siya. Kagabi niya pa hinihintay ang tawag nito. Cellp

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0398

    “Mamila, tulog pa po iyong baby bunso mo po na babae?” “Reirey, it’s your auntie.” Hindi sumagot si Reirey ngunit halata sa mukha nito ang disgusto. “Pasensya na po, Mommy. Ang tagal makalimot ni Reirey.” “I understand. Sevi na sevi ang talas ng isip,”

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0397

    Ilang sandaling natahimik ang private room bago muling narinig ni Rios ang boses ng kanyang asawa. “Daddy, I love you so much and I’m so happy that you’re alive. Na binalikan mo kami ni Ahmed. But…” “Mia Bella—” Khair’s voice broke. “Please huwag ka munang magpapa

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0396

    CHAPTER 229 Iyak nang iyak pa rin si Kaye kahit ilang araw na ang nakalilipas simula nang ipaalam sa kanya ng ama ang nangyari sa Mommy niya. Dumalaw na si Khair sa puntod ni Janech pero siya ay hindi sumama. Hindi niya kaya dahil pakiramdam ni Kaye ay kasalanan niya ang nang

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0395

    “It’s okay, Mimi. I understand. You’re here now.” Inilapat nito ang isang kamay sa pisngi niya. Balik sa pagiging inosente ang mga mata nito at cute na cute na naman ang labas na gilagid na ngisi. “Good morning, Babe.” A kiss on her cheek made her look up. Maaliwa

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0394

    “Yeah. Yes! F uck yes!” Ngiting-ngiti na pinagmasdan niya ang suot na singsing. Kapagkuwan ay may naalala. “Nasaan pala iyong singsing ko kahapon?” “Here!” May dinukot ito sa ilalim ng suot na longsleeve at ipinakita sa kanya ang singsing na naging pendant kasama

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0393

    CHAPTER 228 “Kaye, Baby…” He almost cried while still kneeling in front of her. “No pala ha?” ganti niya at humalukipkip. “I said that because I was supposed to ask you. Please, marry me. Have mercy on me! I won’t stand until you agree to marry me.”

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0392

    Sunod-sunod na nagsidatingan ang missed calls mula kay Rios at Ahmed. Ngunit, pansin niya na ilang oras na ang nakalilipas simula nang huling beses na text at tawag sa kanya ni Rios. ‘Palagi mo na lang pinapasakit ulo ni Rios.’ Simangot na simangot na ni-replay-a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status