Share

Kabanata 0002

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER 2

SIX YEARS LATER…

“Come in, Nesh,” nakangiting wika sa kanya ni Ms. Agnes nang isinilip niya ang kanyang ulo sa pinto ng opisina nito.

Katatapos pa lang ng meeting nila—kasama ang lahat ng empleyado ng MedBrain para sa pagdating ng bagong may-ari. Nalulungkot sila—lalo na siya nang malaman na ipinagbili na pala ni Ms. Agnes ang kompanya.

Ang MedBrain ang sumalo sa kanya at nagdala kung nasaan na siya ngayon. Kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay tinanggap siya. Naging head of marketing pa kalaunan.

“Bakit po, Ma’am?” Ang mga mata niya ay mabilis na napansin na wala na ang mga gamit nito roon.

“The new owner of MedBrain will be here anytime today.”

Nabanggit nga nito sa kanila kanina.

“Yes, po. Why? Ready naman po ang marketing team kung—”

“No. No,” pigil sa kanya ni Ms. Agnes. “Not about that, Nesh. The CEO doesn’t have a secretary yet. Ikaw ang nirekomenda ko.”

“Ano po?!”

“Pansamantala lang naman hanggang sa makapag-hire siya. He’s a very busy man running their other businesses.”

“Ma’am, marketing head po ako.”

“I know. But with your consistent good record at work, ikaw ang naisip ko agad. Madiskarte ka, masipag, kayang-kayang makipagsabayan sa ibang empleyado na may degree. You haven’t finished your studies but I saw how good you at work.”

Hindi agad siya nakasagot.

“Look, Nesh. Ang totoo kasi niyan, ayaw ko talagang ibenta ang MedBrain. Pinaghirapan itong itayo ng mga magulang ko. But I also want to be with my son. Ilang taon ko na siyang hindi nakakasama dahil bumuo na siya ng pamilya sa America.”

Bakas sa mukha ng ginang ang pananabik nito sa anak. Alam niya ang pakiramdam na iyon.

“So, I have no choice but to make a deal with the corporation. Aalaagaan nila ang kompanyang ito kahit nasa ilalim na ng pamumuno nila. I don’t want the CEO to be disappointed. I am doing my best to put everything in its place before I leave the country.”

Kumislap ang mga mata niya niya nang sabihin nito kung magkano ang magiging sahod. Umarangkada agad ang utak niya kung paano at saan niya ilalagak ang iipunin na pera para sa anak.

“The salary is triple compared to what you have right now. Hundred thousand is a good start para sa pag-aaral ni Sevi.”

Nangingising niyakap niya ang hawak na folder. “Kailan po ako magsisimula?”

“Right now, Nesh. Sasamahan mo ako sa lobby para salubungin ang may-ari. They’re at the parking lot now.”

Tarantang sumunod siya kay Ms. Agnes. Panay ang hagod niya sa buhok para maging presentable kahit papano. Ang dami nilang tinapos kanina sa marketing department kaya haggard siya.

Nakalinya ang mga head ng kanya-kanyang departamento. Sa likod ay ang iba pang mga empleyado.

Sumenyas siya kay Arnaiz—head ng financial department—na kasama siya ni Ms. Agnes nang itinuro nito ang katabing pwesto. Dahil hindi siya nakatingin, muntik na siyang masubsob sa likuran ng kanyang boss.

“Welcome to the MedBrain, Mr. Sebastian Rocc!”

Mabilis siyang nag-angat ng paningin.

Mistula siyang nakakita ng multo nang lubos niyang mapagmasdan ang kaharap. Kumuyom ang kanyang mga palad nang salubungin ang kulay berdeng mga mata ni Sebastian.

“This is Neshara Mijares,” pakilala ni Ms. Agnes sa kanya. “She will be your temporary secretary.”

Pasimple siyang siniko ng kanyang boss nang nanatili ang mga mata niya kay Sebastian na malamig ang tingin na ibinibigay sa kanya.

“H-Hello, Sir.” Pekeng-peke ang kanyang ngiti. Mababasag yata ang kanyang bagang sa pagpipigil na huwag umalpas ang galit na namumuo sa dibd ib.

Parang hindi kilalang nilagpasan siya nito nang yayain ni Ms. Agnes para ipakilala sa ibang head ng mga departamento.

Kumukulo ang dugo niya. Ang kamay ay nanginginig…

“I want to see my office,” wika nito sa walang emosyon na boses.

“Sure, Mr. Rocc.” Nilingon siya ni Ms. Agnes at sinenyasan na sumunod.

Babawiin niya na ang pagtanggap sa trabahong iyon. Hindi niya kakayanin na lumagay sa iisang lugar kasama si Sebastian.

Ilang taon na ang nakalilipas pero ang galit at takot para rito ay nasa sistema pa rin niya.

Ang pinakamalaking silid ang ibinigay kay Sebastian. May office station sa tabi ng pinto niyon para sa sekretarya.

“My lawyer already sent the copy of contract and the favors I asked,” si Ms. Agnes na umupo sa visitor’s chair.

Boss na boss ang dating ni Sebastian nang umupo ito sa likod ng mesa.

Tumango lang kay Ms. Agnes at iniba na ang usapan. Literal na pinutol pa ang mga sinasabi ng dati niyang boss nang sinubukan nitong i-bring up ang mga tungkol sa hinihingi nitong pabor.

“Ikukuha ko lang po kayo ng kape,” paalam niya.

Hindi niya na hinintay pang sumagot ang dalawa nang tumalikod siya. Ini-imagine niya ng lalagyan niya ng l ason ang inumin ng d emonyong iyon.

Pumasok siya sa banyo, nanginginig na ang mga labi. Hilam ng luha ang kanyang magkabilang pisngi nang magsimulang sumikip ang kanyang dibd ib.

All the things she suffered after he dumped her, came back to her system like a raging flood!

Akala niya hindi na babalik ang anxiety niyang umaatake nitong mga nakaraang taon kapag naaalala niya ang mga panahong hirap na hirap siya.

Isang kita niya lang dito, bumalik na naman.

Kinabog niya ang sariling dibd ib nang pangapusan siya ng hininga. Napaupo siya sa marmol na sahig. Ang kanyang mga kamay at paa ay nangangalay.

“H-Huwag ngayon. Please, huwag n-ngayon,” she huffed for air. And another one.

Ilang sandali siyang pilit naghahabil ng hininga bago niya naramdaman na umikot ang paningin.

Tumama ang kanyang likuran sa malamig na pader ng comfort room bago sumalampak ang kanyang katawan sa marmol na sahig.

Narinig niya ang marahas na pagbukas ng pinto ng comfort room bago siya tuluyang nawalan ng malay.

“MOMMY!” Ang magandang ngiti ni Sevirious ang una niyang nakita nang puntahan niya ito sa playground ng King Royale School.

Sa edad na lima, bibong-bibo si Sevi at angat sa mga ka-edad nito. Ni-enroll niya ito sa grade one dahil sa angking talino at talento.

“Kumusta ang school?” Hinalikan niya ang pawisan nitong noo’t pisngi. Kapagkuwan ay inaya niya sa pinakamalapit na bench.

“May star po ako ulit, Mommy. Sabi ni Teacher, very good student daw po ako.”

“Very good ka naman talaga. Talikod ka, ‘Nak. Pupunasan ko ang likod mo.”

“Sabi ni Teacher, magpe-play ako ng violin.”

“Wow!” halakhak niya nang matapos itong lagyan ng bimpo sa likod. “Kailan daw? Manonood ako.”

“Nonood ka, Mommy ha? Play ko iyong nakita ko sa TV.” Kita ang galagid ni Sevi nang bumungisngis.

“Opo.”

“Lab kita, Mommy ko.” Sevi is the sweetest towards the people he loves.

“Love you, Sevi Baby.”

Neshara can’t help but to realize again and again that she will never regret keeping the baby.

Kahit madami siyang kinailangan isakripisyo at hirap na pinagdaanan para lamang maipanganak si Sevirious at maayos itong lumaki.

“Marunong ka ng magbihis, di ba? Ilagay mo sa basket ang maruming damit,” wika niya nang makarating sila sa condo unit na tinutuluyan nila.

“Opo, Mommy.” Nanakbo si Sevi papasok sa kwarto nila.

May ngiti sa labing dumiretso naman siya sa kusina para magluto ng hapunan.

“Mommy, Mama-Ninang is calling,” sigaw ng anak niya sa living room.

Excited na pumasok ito sa kusina at winawagayway pa ang kanyang cellphone.

“Answer it, please.”

Parang unggoy na umakyat si Sevi sa monoblock chair bago ngiting-ngiting sinagot nito ang tawag.

“Mama-Ninang po!”

“Sevi Baby,” malambing ang boses ng kanyang bestfriend na si Heather sa kabilang linya.

Dala-dala ang gulay na lulutuin, sumilip siya sa cellphone.

“Hi! Kumusta ang bakasyon?”

“This is not vacation, Nesh. Gosh! So, tiring here!” Rumulyo ang mata nito na ikinatawa niya.

Heather is her best friend for years now. Ito ang nakasakay sa kotseng makakabangga sana sa kanya nang naisipan niyang magpakamatay na lang.

Dinala siya nito sa ospital nang mawalan siya ng malay. Nang magising siya ay wala na ito ngunit may iniwan sa pera para sa kanya.

Ang sabi sa kanya ng nurse, nagmamadali raw itong umalis pagkatapos mabayaran ang hospital bills.

Ginamit niya ang dyes-mil na ibinigay para makapagrenta ng mumurahing apartment. Malaking tulong din habang naghahanap siya noon ng pwedeng pasukang trabaho.

Kabuwanan na niya nang muli silang magkita ni Heather.

Nalaman niyang estudyante rin pala ito ng St. Benilde College, galing sa ibang departamento kaya ni minsan ay hindi niya nakita.

Naubos ang lahat ng ipon niya nang ipinanganak niya si Sevi. Mabuti na lang at handang tumulong si Heather Falcon. Hindi man lang ito kumurap nang binayaran nito ang daang libong halaga ng hospital bills niya.

She owes her big time! Ito ang naging pamilya at kinakapitan nang mga panahong halos sumuko na siya.

“Mama-Ninang, magpe-play po ako ng violin. Nood ka po?”

Lumabi si Heather. “Sorry, Sevi-Baby namin. Baka kasi nasa work pa si Mama-Ninang at that day.”

“Work ka rin po? I saw on internet kapag maraming pera, hindi na magwo-work. Your house is big and your cars are cool. Marami kang money di ba, Mama-Ninang?”

Heather chuckled. Amuse na amuse na naman sa anak niya. “Marami kasing kaartehan si Mama-Ninang kaya kailangan kong mag-work. Baka maubos ang money, wala na akong pang-spoil sa ‘yo at sa Mommy mo.”

Tumangu-tango naman si Sevi. “Okay po, Mama-Ninang ko. Work well. Video po ulit na lang? Bi-Bidyow ni Mommy na lang?”

Tumango siya. Ni-note niya sa kalendaryo ng kanyang cellphone ang araw na tinutukoy ng anak para hindi niya makalimutan.

Malalim na ang tulog kanyang anak, mulat na mulat pa rin si Neshara. Hinawakan niya ang kamay ni Sevi at maingat na binuhat ito para mayakap niya.

Gumalaw ang baby niya, ikinuskos ang ilong sa kanyang braso bago muling bumalik sa pagkakahimbing.

Poging-pogi ang anak niya. Sigurado siyang marami rin maghahabol na babae rito kapag malaki na.

Hindi naman nakapagtataka iyon dahil ‘sperm donor’ ang dakilang playboy ng St. Benilde College. Talagang simpatiko noong kolehiyo sila.

Pinagpapasalamat niya lang ay pinaghalong mukha niya at ng lalaking iyon ang itsura ni Sevi. Hindi agad nito makikilala ang kanyang anak kung sakali man magkita ang dalawa.

Kaya lang, masyado yatang malakas ang genes ni Sebastian dahil kuhang-kuha ng anak niya ang kulay green nitong mga mata.

“Po-protektahan kita sa kanya,” mahina ang determinado niyang boses. “Hinding-hindi ko hahayaan na masaktan ka ng tatay mong d emonyo.”

Kay Sevirious na naka-sentro ang kanyang buhay ngayon.

Hindi siya mangingiming protektahan ito lalo na mula kay Sebastian na nagsabing papatayin nito ang bata kapag ipinanganak.

“Magkakamatayan tayo, Sebastian.”

Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Myrna Garcia
sige neshara, itago mo si sevi kay sebastian dahil papatayin lang din niya si sevi kung makita niya ito dahil pinagdududahan din niya na anak ito ng iba,, iba ang ugali ng mga mayayaman, wala ka ng magagawa kapag nakuha na nila ang kanilang hinahangad sa inyong katawan, mag ingat ka ng mabuti
goodnovel comment avatar
Nan
Nice story
goodnovel comment avatar
Arminda Ramelo
next episode pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0003

    CHAPTER 3 “Uy, Nesh. Ano ‘to?” tanong ni Arnaiz nang inabot niya ang maliit na Goldilocks cake. “Pa-thank you lang para kahapon.” Nawalan siya ng malay sa comfort room nang umatake na naman ang anxiety niya. Si Arnaiz ang nagdala sa kanya sa klinika. Hindi napaghandaan ng kanyang sistema

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0004

    CHAPTER 4 Kunot na kunot ang noo ni Sebastian nang makatanggap siya ng text message mula sa kanyang sekretarya na nagtatanong kung pupunta pa ba siya sa opisina. Magpapaalam daw kasi ito na magha-half day lang. Anong gagawin nito ngayong hapon? Makikipag-date sa lalaking pinabantay niya sand

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0005

    CHAPTER 5 “Sorry, Sevi Baby. Hindi nakaabot si Mommy sa foundation day niyo,” nakangusong nilambing-lambing ni Neshara ang anak. Nakaalis siya sa MedBrain ng alas-kwatro ng hapon at kung minamalas nga naman, naipit siya sa mabigat na trapiko dahil sa banggaan sa highway. Naabutan niya si Sevi

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0006

    CHAPTER 6 Ilang linggo matapos nilang maghiwalay, nagkalat na sa telebisyon at mga pahayagan na engage na si Sebastian kay Lolita. Habang nagpapakapagod siya magtrabaho para may ipon siya sa panganganak, ang dalawang iyon ay palaging nakikita ng media na magkasama. Hindi malayong mangyari an

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0007

    CHAPTER 7 “Mommy, hindi po ikaw nag-say ng hi sa lolo and lola. Rude po,” wika ni Sevi at nginusuan pa siya nang mai-upo niya ito sa loob ng restaurant. “Gutom na kasi si Mommy, Anak. Nagustuhan mo ba ang violin?” “Yes, Mommy.” Pero hindi pa pala tapos si Sevi sa pagdaldal nito tungkol sa dal

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0008

    CHAPTER 8 “What is it, Mom?” kaswal na tanong ni Sebastian sa ina nang mapansing pasilip-silip ito sa kanya na parang may gustong sabihin. His dad cleared his throat and put down his fork. “What’s your plan, Sebastian?” “Wala akong plano.” Sa pagkakataong iyon ay nagsisimula na naman bumal

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0009

    CHAPTER 9 (PART 1) “Miss, hindi pa po ba magsisimula?” “I’m sorry po, wala pa kasi si Sir,” hingi niya ng paumanhin sa aplikante na nagtanong. “May inasikaso lang siyang importante. He’s on his way here.” “Sige po. Kahapon pa kasi kami naghihintay.” Awkward na nginitian niya ang mga aplikan

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0010

    CHAPTER 9 (PART 2) “Okay na po kayo, Ma’am?” “Opo. Pero iyong boss natin, siguradong hindi pa okay. Ang arogante ng bwisit.” Hindi siya natakot na baka isumbong siya nito kay Sebastian dahil tumawa ang lalaki at inalalayan siya pababa. Bawat madaanan niyang pasilyo ay may logo ng kompanya.

Pinakabagong kabanata

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0395

    “It’s okay, Mimi. I understand. You’re here now.” Inilapat nito ang isang kamay sa pisngi niya. Balik sa pagiging inosente ang mga mata nito at cute na cute na naman ang labas na gilagid na ngisi. “Good morning, Babe.” A kiss on her cheek made her look up. Maaliwa

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0394

    “Yeah. Yes! F uck yes!” Ngiting-ngiti na pinagmasdan niya ang suot na singsing. Kapagkuwan ay may naalala. “Nasaan pala iyong singsing ko kahapon?” “Here!” May dinukot ito sa ilalim ng suot na longsleeve at ipinakita sa kanya ang singsing na naging pendant kasama

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0393

    CHAPTER 228 “Kaye, Baby…” He almost cried while still kneeling in front of her. “No pala ha?” ganti niya at humalukipkip. “I said that because I was supposed to ask you. Please, marry me. Have mercy on me! I won’t stand until you agree to marry me.”

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0392

    Sunod-sunod na nagsidatingan ang missed calls mula kay Rios at Ahmed. Ngunit, pansin niya na ilang oras na ang nakalilipas simula nang huling beses na text at tawag sa kanya ni Rios. ‘Palagi mo na lang pinapasakit ulo ni Rios.’ Simangot na simangot na ni-replay-a

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0391

    CHAPTER 227 “Hoy, anong ginagawa mo rito?!” Napalingon si Kaye nang marinig ang pamilyar na nangraratrat na bibig. “Clarissa, ikaw pala.” “Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” Nagsasalubong na ang mga kilay nito. Subalit, mas napahagikhik lama

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0390

    “HUWAG mo akong titingnan ng ganyan, Ahmed. Nakakainis ka naman,” himutok niya sa kapatid dahil nangangasim ang mukha nito habang pumipili siya ng singsing. “Ikaw talaga ang magyayaya ng kasal?” “Oo. Wala naman masama do’n.” “If you’re doing this because of Dad, d

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0389

    “They are bestfriends. Kapag nagloko si Dad, na hindi malabong mangyari, mawawala sa atin si Attorney. I don’t want her hating us just because of our womanizer father.” “Hindi naman siguro,” wika niya sa tonong hindi rin sigurado. “There’s still Shane Oliver in the picture. A

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0388

    CHAPTER 226 “Text mate kayo ni Daddy?” Naniningkit ang mga mata ni Kaye sa laki ng kanyang pagkakangiti. “He only replies to me with okay or thumbs up.” Humagikhik siya nang parang baby na yumakap ito sa kanya. “He is ignoring me. Dad ignor

  • Sebastian's Downfall   Kabanata 0387

    Dr. Khair glared at him. “You made my daughter like that,” akusa nito na ikinamaang niya. “My little Mia Bella is a sweet and gentle baby. How come she’s like this now?” “I-I didn’t do anything, Sir.” “Shut it, Kid!” asik nito sa kanya. Kapagkuwan ay n

DMCA.com Protection Status