Kabanata 1.2: Simula
"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.
Ilang beses ko palang nakikita si Lola at ang huling memorya ko kasama si Lola ay noong dumalaw siya sa bahay namin dito sa Manila. Sana nga kay Lola nalang ako hinabilin ni Tito edi sana hindi galit sa akin si Tita Miriam.
"Ate kakausapin ko si Mama baka pwede pa maayos ito," sambit ni Clarence. Umupo ako sa tabi niya at saka kinuha ang kaniyang palad. "Clarence, ayokong iwan ka pero kasi natatakot na ako sa mga pwedeng gawin ni Tita. Kanina lang ako nalinawan sa mga pwede pa niyang gawin sa akin lalo na kung galit nag alit siya katulad kanina. Natatakot ako para sa buhay ko Clarence," naiiyak kong sagot.
Niyakap ko siya ng mahigpit at pinaintindi na wala talaga akong puwang sa puso ng kaniyang nanay. Matagal ko na rin gustong umalis kaso natatakot ako kasi wala akong kilalang ibang tao. May isa pang kapatid si Mama pero nasa Zamboanga siya at wala rin akong ideya kung paano siya ma-contact.
Fifteen years old lang si Clarence at halos limang taon na rin kaming magkasama at kapatid na ang turing namin sa isat-isa. Mabait siya sa akin hindi katulad ng kaniyang nanay at hindi rin niya ako sinisisi sa pagkamatay ng kaniyang tatay.
"I will always be your ate," sabi ko at saka kumalas sa pagkakayakap. Pinahid ko ang kaniyang luha at saka hinalikan ang kaniyang noo.
"Matagal ka paba? Lumayas ka na at ng mabakante na ang bahay!" dinig naming sigaw ni Tita. "Ate. . ." naiiyak na tawag na naman ni Clarence. Binigyan ko siya ng ngiti at saka isinuot sa kaniyang braso yung paborito kong pangtali ng buhok.
"Keep this, okey? I will contact you kapag maayos ang signal sa probinsya. I love you," sabi ko at saka siya niyakap ng mahigpit. Hindi ko narin napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
Nang matapos na ako mag impake ay sinamahan ako sa labas ni Clarence. Napahinga ako ng malalim dahil alas nuebe na ng gabi ngayon at mas delikado sa daan. Inilagay ko ang perang binigay ni Tita sa akin. Dala ko rin ang two thousand na ipon ko at yung binigay na isang libo na ipon ni Clarence. Kahit umayaw ako ay hindi ko siya matanggihan dahil natatakot din akong magkulang ang pera ko ay hindi ako makarating kay Lola.
"Kuya Michael kayo na po ang bahala kay Ate ah. Please po mag-ingat po kayo." Habilin ni Clarence kay Kuya Michael. Matagal na naming kilala si Kuya at tinuturing narin namin siyang kapatid.
"Clarence! Gabing-gabi na andiyan ka pa sa labas! Pumasok ka na dito sa bahay!!" Malakas na sigaw ni Tita Miriam kaya niyakap ko ng mahigpit si Clarence bago sumakay sa tricycle ni Kuya.
"Ako na ang bahala kay Aryan," sagot ni Kuya habang pinaandar ang tricycle. Isinara ko ang aking jacket at saka nilingon si Clarence habang papalayo na kami.
"Aryan, bakit ka ngayon ba-byahe? Gabing-gabi na," sabi ni Kuya habang nasa daan kami.
"Ngayon na po ako pinapalayas ni Tita, Kuya. Kahit natatakot po ako, wala akong magagawa dahil baka saktan niya ulit ako," sabi ko.
Pinagmasdan ko ang mga ilaw sa daan at kung gaano ka busy ang buong paligid. Lahat ng tao kanya-kanyang trabaho at karamihan hindi na alam kung paano maging masaya. "Sakto ba ang iyong pamasahe?" tanong ni Kuya at sinabi ko naman na may sapat akong pera.
"Kuya ilang sakay po kaya bago ako makarating ng Agdangan?" tanong ko habang papalapit na kami sa sakayan ng bus.
"Agdangan? Saan iyon?" tanong ni Kuya habang ibinaba ang bag ko.
"Quezon Province po," sagot ko habang inabot ang bayad ko. Pero tinanggihan ito ni Kuya Michael. "Malapit po sa Lucena City," dagdag ko.
Dinala ni Kuya Michael ang aking bag at sinamahan ako papunta sa bus na masasakyan. "Lucena City? Saglit parang may kilala akong nabiyahe mula dito hanggang doon. Tara puntahan natin at para hindi ka na papalit-palit ng sasakyan. Ako'y siyang nag aalala sayo, kung pwede ka lang magpalipas muna ng gabi sa bahay namin edi sana bukas ka nalang mag biyahe kaso tiyak na mabungangaan ako ng Tita Miriam mo," sagot niya. Mag kapit-bahay lang kasi kami ni Kuya at katulad ko, takot din siya kay Tita.
Lumagpas kami sa mga nakaparadang bus at tumuloy sa mga van. May hinanap si Kuya Michael sa mga nakaupong driver at kumaway siya sa isang lalaking nasa 40s na. "Oy Tito Jef!" Sigaw ni Kuya habang lumapit kami sa lalaki.
"Tito may biyahe ba kayo sa Lucena ngayon?" tanong ni Kuya at tumanggo yung Tito Jef.
"Oo hijo, bakit?"
Inakbayan ako ni Kuya Michael at saka nagsalita. "Pupunta po sana itong kapatid ko sa Agdangan. Malapit daw yun sa Lucena kaya nag babakasali po ako na kung pwede nyo siya isabay," sabi ni Kuya kaya tiningnan ako nung Tito Jef.
"May pangbayad naman po ako," ika ko.
"Sige, sa terminal ba papuntang Agdangan kita ihahatid?" tanong ni Tito Jef kaya tumango ako. "Oh siya may mga pasahero naring papuntang Lucena sa loob ng Van. Tapusin ko muna yung kape ko at aalis na tayo," sabi ni Tito Jef at saka bumalik sa kaniyang mga kausap na ibang driver.
Naiwan kaming dalawa ni Kuya at nagtungo sa van. "Wag kang magalala, kilala ko si Tito Jef at safe siya mag drive," sabi ni Kuya at tumayo kami sa labas ng van.
May inabot siya sa kamay ko at pagtingin ko ay five hundred pesos ito. Kaagad kong binalik ito kay Kuya pero hindi niya ito tinanggap. Alam kong nahihirapan din kumita ng pera si Kuya at halos mahigit sa sapat ang dala kong pera. "Kuya okey na po itong dala kong pera. Sainyo na po ito," sabi ko pero seryoso ang mukha ni Kuya.
"Iyan nalang ang maitutulong ko. Alam mong matagal ko ng gustong isumbong ang Tita mo sa mga pinaggagawa niya sayo pero lagi mo kaming pinipigilan. Ayaw mong tumatanggap ng tulong mula sa amin pero kahit ngayong oras na ito Aryan. Kahit ngayon lang, please hayaan mo akong tumulong sayo. Alam kong napakaliit na halaga nitong five hundred. ."
"Malaking halaga po ito kuya," pagputol ko sa sasabihin niya.
"Maging masaya ka Aryan. Babantayan ko si Clarence kaya wag kang magalala sa kaniya. Alam kong magiging mapayapa ang buhay mo sa probinsya," sabi niya at saka ako niyakap ng mahigpit.
Binuksan ni Kuya ang passenger seat ng Van. Umupo ako sa katabi ng driver's seat at saka binigay ni Kuya ang aking bag. May mga nakaupo narin sa likod pero hindi ko nalang sila nilingon. Ilang taon lang ang tanda ni Kuya sa akin, siguro nasa early 20s na siya. Turing niya sa akin ay kapatid dahil halos kasing edad ko lang din yung namatay niyang kapatid. Nagkaroon ng infection sa dugo yung kaniyang kapatid at dahil sa sobrang hirap ng buhay, hindi na nila nadala sa hospital.
--
Kasalukuyan kaming nasa biyahe at kakatapos ko lang kausapin si Clarence sa text. Sinabihan ko siya na matulog na muna dahil sobrang gabi na at maubusan narin ako ng load. Lumingon ako kay Tito Jef at focus na focus siya sa pagmamaneho.
"Ilang taon ka ba, neng? Bakit gabing-gabi ka na mag biyahe?" tanong ni Tito. Hindi naman siya makapaniwala dahil seventeen years old palang daw ako at kasing edad ko yung kaniyang mapangalawang anak. Hindi kiniwento na pinalayas ako at sinabi ko lang na mag bakasyon ako kay sa probinsya.
"Matulog ka na muna. Malayo-layo pa ang biyahe," malumanay na sambit ni Tito.
Itinaas ko ang aking hood at inilagay ang bag ko sa may bintana at saka sinandal ang ulo. Mag ala una palang ng gabi ngayon at mukhang matatagalan nga dahil napakalaki ng traffic. Bawat pikit ko ay nakikita ko parin ang mga nangyari kanina kaya hindi ko maiwasan na mapaluha ng patago.
Malayo na ako kina Tita Miriam pero bakit hanggang ngayon nakikita ko parin siya.
Mama. . . Papa. . . I missed you. .
--
Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Pilit kong minulat ang aking mga mata at tiningnan ang paligid. Nakasakay parin ako van pero maliwanag na ang paligid. Tiningnan ko ang aking orasan at mag eight palang ng umaga. Umayos ako ng upo at tumingin sa likod at nakitang mga tulog pa ang ibang mga sakay.
"Oh gising ka na pala. Malapit na tayo, pasenya na at natagalan. Na flat yung dalawang gulong sa huli kaya pinabombahan ko pa. Ginigising kita kanina at para tanungin kung gusto mo mag banyo o kumain pero napakahimbing ng tulog mo," paliwanag ni Tito Jef.
"Ilang oras pa po?" tanong ko habang itinali ang aking buhok. Naramdaman ko narin na nagugutom ako.
"Mga thirty minutes nalang, Ineng," sagot niya. Tumingin ako sa bintana at may nadaanan pa kaming Jolibee at halos kumalam ang sikmura ko dahil sa gutom.
Matapos ang mahabang minuto ay nakarating na kami sa terminal. May liwanag narin at nagsisibabaan na ang mga pasahero. Tinuro ni Tito Jef ang Van papuntang Agdangan at kinausap din niya ang driver bago siya tuluyang umalis.
"Mag agahan lang po ako," sabi ko at saka iniwan ang aking bag sa upuan at saka umalis sa van. Mga eight to nine pa naman daw ang biyahe kaya may mahigit isang oras pa ako para kumain at mag liwaliw.
Tanaw na tanaw ko ang SM dito kaya walang alinlangan akong pumasok sa loob. Tiningnan pa ako ng guardja dahil ako palang siguro ang pinaka-una.
Kaagad kong hinanap ang Jolibee pero nadismaya ako dahil hindi pa ito bukas.
"Hindi pa bukas ah. Sayang." Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Humarap siya sa akin pero bago pa ulit siya makapagsalita ay tumalikod na ako't lumayo.
"Oyy saglit lang. Ikaw yung nasa van 'di ba? Nandoon din ako pero sa may likod ako nakaupo," aniya habang lumapit ulit sa akin.
"Papunta ka ring Agdangan? Good thing papunta rin ako doon. Mag bakasyon ka doon? Sino nanay at tatay mo? Baka kilala ko, doon na ako lumaki eh. Baka ma-wierduhan ka kung bakit ko alam. Narinig ko lang usapan nyo ng kuya mo kanina. Naghahanap ka rin ng makakainan? Tara tingnan natin sa KFC baka bukas na. Pero Jolibee talaga nag the best no? Kaso nga hindi pa bukas. Oyyy." Sunod-sunod na salita ng lalaki. Tumigil ako at saka siya hinarap.
"He-he ako nga pala si Fabian," sabi ng lalaki at tiningnan ko lang ang kamay nito. Nakahalata naman ito kaya tumawa ulit.
Napakunot ang noo ko ng bigla niyang kunin ang kamay ko at saka inilapit sa kanya at saka kami nag shake hands. "Ikaw si Aryan, 'di ba?" tanong ni Fabian. Kaagad kong inalis ang kamay ko at saka siya tiningnan ng masama.
"Grabe pagka-friendly mo, nakakatakot," sabi ko at saka palihim na kinapa ang wallet ko. Baka modus ito ng mga holdaper.
"Nakakatakot? Sa cute kong ito, nakakatakot ako?" sabi niya at saka pilit na nag pretty eyes. Nanindig ang balahibo ko sa kaniyang ginawa at nagmadaling umalis.
Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.
Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.
Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n
Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.
Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n
Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.
Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.
Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.
Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.