Home / Romance / Scarlet Night / Kabanata 1.1

Share

Scarlet Night
Scarlet Night
Author: D.C. Montero

Kabanata 1.1

Author: D.C. Montero
last update Huling Na-update: 2022-01-14 13:51:16

Kabanata 1.1: Simula

"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.

Kita ko ang repleksyon niya sa salaming nasa harapan namin at para siyang manghang-mangha. "Maganda rin naman ang buhok mo, Clarence," tugon ko. Nag buntong-hininga ang pinsan ko at saka ibinaba ang suklay.

"Alam mo naman ate na gustong-gusto ko talaga nang mahabang buhok kaso ayaw ni Mama," aniya. Humarap ako sa kaniya at pilit siyang kinomport.

Ayaw kasi ni Tita Miriam na magpahaba ng buhok si Clarence at hindi namin alam kung ano ang dahilan.

Si Tita Miriam ang nanay ni Clarence at nasa puder nila ako ngayon mula nung namatay ang mga magulang ko. Asawa ni Tita Miriam ang bunsong kapatid ni Mama kaya nung tuluyan akong naulila, sila Tita na ang nag alaga sa akin. Tinayo ko si Clarence at lumabas na kami sa aking kwarto dahil pauwi narin si Tita. Ayaw niyang pumapasok ang anak niya sa aking kwarto dahil baka raw mahawaan ng malas.

Hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni Tita dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kaniyang asawa, limang taon na ang nakakalipas. Namatay si Tito dahil sa isang aksidente sa kaniyang trabaho sa pabrika.

Malinaw sa akin na tutol talaga si Tita Miriam nung gusto akong ampunin ni Tito Peter kasi dagdag palamunin pa raw ako pero dahil gusto rin ni Clarence na magkaroon ng kapatid at wala naman ng ibang tao ang mag aalaga sa akin nung mga panahon na yon, napapayag narin si Tita. Isinara ko ang pinto ng aking kwarto at nagtungo sa kusina para magluto ng hapunan. Si Clarence naman ay nag simula nang mag saing.

"Ate tingin mo kailan magiging mabait sayo si Mama?" Tanong ni Clarence habang nag tatakal ng bigas.

"Hindi ko rin alam pero ayos lang kahit hindi na. Ako naman ang may kasalanan kung bakit nagulo pamilya nyo. Patawad." Malungkot kong sabi.

"Alam mong hindi iyan totoo, ate. Hindi mo rin kasalanan kung bakit namatay si Papa at saka ano naman ang konek mo doon sa bakal na nahulog kay Papa sa trabaho? Aksidente yung pagkamatay ni Papa. Ako dapat ang humihingi ng tawad sayo ate dahil hindi ka dapat ganito trato ni Mama sayo," sabi ni Clarence at saka humakbang palapit sa akin pero natabig niya ang bigasan at tumaob ito.

Saktong narinig namin ang pagbukas ng pinto at alam naming si Tita Miriam iyon. Kagad kaming lumuhod sa sahig para damputin ang mga bigas na natapon pero hindi pa namin nakalahati ay dumating na si Tita sa kusina. Kagad niyang binababa ang kaniyang bag sa upuan at sumugod sa akin.

Kinuha niya ang aking buhok at pinag mumura.

"Ang tanga! Bakit ang tanga mo! Pag tatakal lang ng bigas hindi mo pa magawa!" Sigaw sa akin ni Tita habang dinuduro-duro ang aking ulo.

"Mama, ako po ang may kasalanan at hindi si Ate Aryan," dinig kong sabi ni Clarence habang umiiyak na. Hinawakan niya ang braso ng kaniyang nanay pero tinabig lang siya nito.

"Ipagtatanggol mo pa itong bruhang 'to! Halika!" Sigaw ni Tita Miriam at saka ako kinaladkad papunta sa sala.

"Namumuro kana! Kailan ka ba magtitino at gagawa ng maayos? Palamunin ka na nga tapos gagawa ka pa ng mga palpak na bagay!" aniya at saka ako hinagis sa sahig at nauntog ang ulo sa matigas na bahagi ng sofa.

"Diecisiete kana bakit hindi ka mag hanap ng trabaho para makatulong ka naman! Huwag kang puro landi!" Bawat sigaw ni Tita ay ramdam ko ang kaniyang galit. Kahit isang mali kong nagawa ma-triggered ang galit niya sa akin at ibubuhos na niya lahat. At hindi ko rin alam bakit lagi niya ako tinatawag na malandi? Dahil ba sa mga gustong mangligaw sa akin? Hindi ko naman sila pinapayagan.

"Mama tama na po. Ako po talaga ang may kasalanan," sabi ni Clarence at pilit na niyayakap ang kaniyang nanay para tumahan.

"Bitawan mo ako kung hindi matatamaan kang bata ka." Mariing sambit ni Tita Miriam sa kaniyang anak. Kumalas si Clarence sa pagyakap at lumayo.  

Lumapit si Tita sa drawer at may kinuhang gunting. "Tingnan natin kung hindi ka pa mag tanda sa gagawin ko," aniya at saka lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang aking ulo pero pilit kong hinawakan ang gunting para hindi niya magupit ang aking buhok. Hindi ako makakapayag na putulin niya ang buhok ko. Noong nabubuhay pa si Mama ay alagang alaga niya ang buhok ko at lagi niya itong sinuksuklay tapos gusto nila Papa at Mama na hanggang bewang ko ang haba nito.

"Please Tita, wag po," sabi ko habang hinawakan ang talim ng gunting pero hindi nag papigil si Tita.

Lumapit na si Clarence at pilit na nilalayo si Tita Miriam sa akin pero hindi nag papapigil si Tita. Hinawakan niya ang ulo ko pero hindi parin ako bumitaw sa gunting at naramdaman ko na nagugunting na ni Tita ang kamay ko dahil sa sobrang gigil.

Puro sigaw naming tatlo ang maririnig sa buong kabahayan. Wala naring nakikialam na mga kapitbahay dahil nagsawa narin sila siguro. Alam kong galit si Tita pero masyado na itong ginagawa niya.

"Tita!" Sigaw ko habang patuloy na ang pag-agos ng aking luha. Pilit na hinugot ni Tita ang gunting sa kamay ko at ramdam ko ang pag agos ng dugo.

Akmang sasaksakin na ako ni Tita kaya bigla kong hinarang ang aking palad at saka pumikit. Matapos ang ilang segundo ay walang sumaksak sa akin o gumipit sa buhok ko. Naramdaman kong inalis na ni Tita ang kaniyang kamay. Minulat ko ang aking mata at nakita na nag lakad na siya palayo.

Binaba ko ang aking nanginginig na kamay habang mahigpit akong niyakap ni Clarence at paulit-ulit na humihingi ng tawad. Hindi ko narin napigilan ang pag sigaw ko dahil sa sobrang takot sa mga nangyari kanina. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan habang mahigpit na nakakapit sa damit ni Clarence.

"A-ano na-nagawa ko b-bakit. . . b-bakit nangyayari ito sa akin." Walang humpay ang pag-iyak ko. Habang naririnig ko na iyong tunog ng pinapakuluan kong tubig kanina.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas ulit si Tita kaya kaagad akong yumakap ng mahigpit kay Clarence at tinago ang mukha ko. Natatakot ako sa mga gagawin niya sa akin.

"Oh pera at lumayas ka na sa pamamahay ko," aniya at nakita ko na may mga nahulog na mga tig-isang daan na pera sa sahig. Lumuwag ang yakap ni Clarence sa akin at humarap ng bahagya sa kaniyang nanay. 

"Mama naman. Wag nyo naman palayasin si Ate Aryan, wala po siyang matutuluyan," pagmamakaawa ni Clarence.

"Pumunta siya sa probinsya at manirahan don sa nanay ng nanay niya. Parehas naman kayong walang kwenta kaya kayo na ang magsamang dalawa," aniya at saka may hinagis na bag sa sahig.

"Ayan ang bag, ilagay mo lahat diyan ang mga damit mo at siguraduhin mong wala kang maiiwan dahil ayoko na makita pagmumukha mo dito," dagdag ni Tita Miriam bago siya umalis sa sala.

"Yung tubig kumukulo na!" Sigaw ni Tita kaya humiwalay si Clarence sa pagkakayakap sa akin at tumakbo papuntang kusina.

Naiwan akong mag-isa dito sa sala at nakatingin sa malaking itim na bag na nasa harap ko. Yung mga pera ay nagkalat rin sa sahig.

Kaugnay na kabanata

  • Scarlet Night   Kabanata 1.2

    Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.

    Huling Na-update : 2022-01-14
  • Scarlet Night   Kabanata 2.1

    Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.

    Huling Na-update : 2022-01-14
  • Scarlet Night   Kabanata 2.2

    Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.

    Huling Na-update : 2022-01-14
  • Scarlet Night   Kabanata 3

    Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n

    Huling Na-update : 2022-02-12

Pinakabagong kabanata

  • Scarlet Night   Kabanata 3

    Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n

  • Scarlet Night   Kabanata 2.2

    Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.

  • Scarlet Night   Kabanata 2.1

    Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.

  • Scarlet Night   Kabanata 1.2

    Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.

  • Scarlet Night   Kabanata 1.1

    Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status