Home / Romance / Scarlet Night / Kabanata 2.2

Share

Kabanata 2.2

Author: D.C. Montero
last update Last Updated: 2022-01-14 13:55:31

Kabanata 2.2: Agdangan

"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.

"Kamusta ka, Apo? Pasenya na at hindi ako nakakapunta sayo. Hindi na kaya ng katawan ko ang mahabang biyahe," aniya at saka nilagay ang nakaharang kong buhok sa aking tainga.

"Huwag kang mag-alala, mula ngayon, masaya akong dito ka na tityra at malayo sa Tita po," dagdag ni Lola at saka ito tumayo. "Thank you po." Pagpapasalamat ko.

"Kayo po kamusta na? Ako na po ang magsasampay ng mga nilabhan nyo kanina," sabi ko.

"Nakakaraos pa naman. Simple ang pamumuhay pero masaya," sabi ni Lola. "Yung mga nilabhan ko, isampay mo iyon doon sa sampayan malapit sa puno ng Mangga. Nag tanghalian ka na ba? Kumakain ka ba ng ubod ng saging? Masarap ito, masustansya. Tawagin kita kapag luto na. Wag kang masyadong layo kapag natapos ka na mag sampay."

Tumango ako habang nilunok ang nilabon na saging. Sinundan ko si Lola sa kusina at saka tinapon ang balat ng saging. "Mag sasampay lang po ako," sabi ko.

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi dahil sa pakikitungo ni Lola. Parang walang maraming taon ang nakalipas.

Nagtungo muna ako sa kwarto para kunin ang aking telepono na nasa bag. Tiningnan ko kung may message si Clarence pero wala akong natanggap. Ang huling message niya ay yung kukunin daw ni Tita Miriam ang kaniyang telepono.

Napabuntong hininga ako dahil alam kong mahirap ang mararanasan ni Clarence.

Nang makalabas na ako ay kinuha ko ang nilabhan ni Lola at saka nagtungo sa sampayan. Isa-isa kong inipit ang mga damit habang dinadama ang init na tumatama sa aking balat.

Kaunti lang ang mga damit na sinampay ko kaya nagtungo muna ako sa lilim ng puno ng Mangga para sumilong. May mga natatanaw akong mga kabataang naka motor at napakabilis nilang magpatakbo.

"Aryan, Hija! Kakain na," tawag ni Lola sa akin kaya nagmadali akong bumalik sa bahay.

Tinulungan ko si Lola na magayos ng hapag-kainan at nag dasal muna kami bago kumain. Masarap ang luto ni Lola at napadami ako ng kain.

"Wala po ba tayong kapitbahay dito? Bakit ang layo po ng bahay?" tanong ko habang nasubo ng ulam.

"Mayroon tayong kapit-bahay kaya nga lang, malayo-layo ito ng kaunti. Ay tamang-tama pala, pupunta ako sina Lena bukas ng hapon para mag hapunan. Isama kita para makilala mo mga apo niya. Halos kasing edaran mo rin sila," ika ni Lola.

"Lena? Sino po siya?" tanong ko. Nabanggit din pala siya ni Manong driver kanina.

"Si Lena, matalik kong kaibigan. Iyong nakwento ko sayo noon na kakilala ko mula bata kami. Kami nga'y nag pupustahan na kung sino ang unang mamatay Hahahah!" hagalpak na tawa ni Lola Amira. Hindi ko matandaan na nakwento yon ni Lola pero naki-oo nalang ako.

Matapos naming magtanghalian ay kumain ako na nag naghugas ng aming pinagkainan habang si Lola ay nanunuod ng Eat Bulaga. Naririnig ko pa ang tawa ni Lola Amari. Tawang-tawa siya kay Jose Manalo.

Nagsabi rin ako sa kaniya na mag lilibot-libot muna ako pagkatapos ko mag hugas. Mag-ingat daw ako at isinuot sa akin yung kwintas na pang-protekta raw sa mga engkanto at mga masasamang elemento. Noong una parang ayoko pa suotin pero wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto ni Lola.

Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga engkanto o elemento na iyan.

Nabanggit sakin ni Lola na malapit lang kami sa may ilog baka gusto ko maligo o ano. At dahil sa sobrang init ngayon papunta ako sa ilog na hindi ganoon kalayo sa bahay.

Damit lang ang dala ko at tuwalya.

Pagkarating ko sa kalsada ay may makitid na simentadong daan sa kabilang bahagi kaya tinahak ko iyon. Hawan ang daan pero ang mga makakapal na halaman ang nakakapagpakitid dito. Sagana rin ang mga puno ng saging tapos napatigil pa ako sa paglakad dahil sobrang laki nung puso ng saging na nadaanan ko. Ngayon lang ako nakita ng ganoon. Matapos ang ilang minuto ay nawala na ang mga malalagong halaman sa may kanang parte ng daan at napalitan ito ng napakalawak na palayan. May mga ilang scare crow pa akong nakita at may ilang mga magsasaka na nakaupo sa may kubo at nag memeryenda. Natanaw nila ako at kumaway sa akin kaya wala akong nagawa kundi ngumiti at kumaway rin.

Sa kabilang parte naman, kaliwang bahagi ng daan at puro puno ng duhat. May mga nalalaglag ng mag bunga sa ilalim ng puno tapos meron ring mga nabubulok na.

Nang matapos ang simentadong daan ay tumabad sa akin ang isang malaking butas na mas mataas pa sa akin. Sa kabilang dulo nito ay puro bato at kaunting umaagos na tubig.

Sumuot ako sa butas at may mga ugat pang nakalabas sa itaas. Madulas paibaba kaya hindi ko napigilang humawak sa mga ugat sa gilid para alalayan ang sarili ko.

Napahabol pa ako ng hininga dahil sa malamig na tubig na dumampi sa paa ko pagkatapos ko makababa. Nang maayos ko na ang sarili ko ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ganda ng paligid. Matataas na puno, mga ibon tapos isama mo pa malamig pero napakalinaw na tubig. Tumingin ako sa kaliwa ko at sinundan ang agos ng tubig.

Deretso sa tubig ang mga dahong nahuhulog sa mga puno. Ang tahimik dito at ang tanging mariring mo lang ay ang kalikasan.

Umahon ako sa tubig nang mapansin kong lumalalim na ito. Lakad lang ako ng lakad at parang walang katapusan ang ilog na ito. Napag desisyunan kong mag pahinga sa malaking bato na nakita ko at saka maligo dahil malalim ng kaunti ang tubig na nasa tapat nito.

--

Halos mag sampung minuto na akong nakababad dito sa tubig at hindi ko magawang umahon dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganitong katahimikan. Biglang pumasok sa isip ko yung nakita kong parang kweba sa may ilalim ng malaking puno na tinitingnan ko ngayon.

Sisisid na sana ako ng biglang kong naisipang lumingon at napansin na may repleksyon ng tao sa ang nakatingin sa akin. Nag dalawang-isip pa ako kung tutuloy ako o aahon.

Kaagad akong huminga ng maka-ahon ang ulo ko sa tubig at humarap sa dereksyon ng tao.

"Ayos ka lang?" Tanong ng lalaking nakasakay sa kabayo pero hindi ako sumagot at patuloy lang siyang tinitigan.

"Nakita kita kaninang sumisid habang pababa ako," sabi niya habang tinuturo yung daan na nakita ko kanina mula sa may itaas nitong malaking bata. "Tapos mag dalawang minuto na hindi ka pa naibabaw kaya akala ko nalunod kana," aniya habang bumaba sa kabayo.

"Are you okay?" Tanong niya pero hindi parin ako sumagot. Bigla siyang tumingin sa kaniyang paligid at kumapit sa tali ng kaniyang kabayo.

"Shit. . . you're not answering. Paumanhin na po mahiwagang Diwata at naabala ko kayo. Patawarin nyo po ako," sabi niya at sinubukang sumakay sa kabayo.

"Mahiwagang Diwata?" Nakakunot kong tanong. Tiningnan ako ng lalaki at saka ako lumapit para umalis na sa tubig.

"Hindi ako diwata and besides. . . they're not real," sabi ko at saka lumakad papunta sa tuwalayang nakalatang sa bato.

"Yes, they are. At bakit hindi ka nagsalita. Nakailang tanong ako sayo ah."

"Kasi akala ko engkanto ka," sabi ko habang tinutuyo ang buhok ko.

"So naniniwala ka sa mga engkanto?"

"Hindi. Sinusunod ko lang bilin ng Lola ko sa akin. Excuse me," sabi ko at saka kinuha nag aking damit at naglakad sa daan pabalik.

"Saglit!" Sigaw nung lalaki pero hindi na ako lumingon. Wala pang isang minuto ay naglalakad na siya sa right side ko habang hawak ang tali ng kabayo.

"My name is Leo. Parang ngayon lang kita nakita dito. Bago ka? Sino lola mo?" tanong ni Leo.

"Aryan. Kakadating ko lang kanina at sa lola ko ako mag stay," sagot ko sa kaniya.

"Hmm galing ka Manila o Makati o basta hindi parteng Quezon province. Tama ba?" Tumingin ako sa kaniya kaya saka siya tumawa. "Yung tagalog mo kasi walang punto," aniya.

"Ahh taga Manila ako," sagot ko at saka mas binalot pa yung tuwalya sa katawan ko. Hindi ko nagawang makapag-bihis dahil dito kay Leo.

"Saan sa Manila?" tanong ni Leo pero hindi ako sumagot. Ang lamig ng hangin.

"Aryan, diba? Ang unique naman ng pangalan mo."

"Ikaw din," matipid kong sagot.

"Pero mas unique mga pangalan ng kapatid ko."

"Talaga?"

"Oo. Yung isa nga pangalan Akiro," Natatawa niyang saad. Dahil sa kadaldalan ni Leo hindi ko namalayan na malapit na kami sa butas kung saan ako lumusot kanina.

"Akiro? Pangalan naman talaga yon diba? Japanese name," sabi ko at narinig ko siyang tumawa.

"That's the point. Japanese name pero wala namang Japanese sa pamilya namin," sabi ni Leo kaya hindi ko rin napigilan kundi tumawa.

"Well, kanya kanyang trip nalang daw. Malakas trip ng magulang mo pero magandang pangalan ang Akiro," sagot ko ng makarating kami sa tapat ng butas.

"Ano palang ginawa mo dito?" tanong ni Leo. Sinabi ko sa kanya na gusto ko mag libot at maligo narin. Siya naman daw ay ganoon din. Pinapraktis din daw niya yung kaniyang pangangabayo at pagkatapos noon ay isang nakakailang katahimikan ang lumibot sa aming dalawa.

"Sige dito na ako," sabi ko at tumango naman siya.

"Saglit Aryan!" tawag ni Leo ng makarating na ako sa ibabaw.

"Ilang taon ka na? Hindi ka naman siguro nasa 20s na diba? Mukha ka namang nasa edad ko lang," tanong niya. Ngumiti ako at saka umiling. "I'm seventeen years old!" sagot ko at bigla siyang nalungkot kaya nagtaka ako kung ano ang problema. "Bakit?" tanong ko.

"Edi. . . Ate kita Aryan," mahina pero rinig kong sagot ni Leo.

"Bakit? Ilang taon ka na ba, Leo?" tanong ko habang mas lalong hinigpitan ng kapit sa tuwalya. Nilalamig na talaga ako.

"Fifteen," sabi niya.

"Fifteen? You don't look like you're fifteen. Mukha kang kasing edad ko. You don't have to call me Ate," sabi ko at saka siya tumingala sakin at ngumiti.

"Talaga?" tanong niya at tumango ako.

"Uwi na ako Leo. Sobrang lamig na," sabi ko.

Nakangiti lang ako habang naglalakad pauwi. Malapit lang daw dito nakatira si Leo at sinabi niyang pwede nya akong samahan sa paglibot dito. May mga alam pa raw siyang lawa at sapa at mag kita daw ulit kami bukas. Napakasaya ko. Maliban kay Fabian meron na ulit akong bagong kaibigan.

"Oh Ineng ang ganda ng ngiti mo ah," sabi ng isang Tatang na kinawayan ko kanina. Namumulot siya ng mga duhat.

"Wala po," wala sa sarili kong sabi. Tumawa si Tatang Raul at ibinagay sa akin ang isang bag ng duhat. "Apo ka talaga ni Amari. Parehas kayong palangiti," sabi niya.

"Kilala nyo po si Lola?" tanong ko.

"Aba'y oo naman. Mag kaklase kami sa school. Naikwento kaniya sa akin dati at halatang ikaw yung apo niya alam mo kung bakit?"

"Bakit po?" Ngumiti si Tatang Raul at pinatong ang kamay niya sa ulo ko.

"Dahil kamukha mo siya noong kabataan niya. Sobrang ganda."

Mula ng narinig ko iyon ay hindi na nawala ang aking ngiti sa labi hanggang sa makauwi ako ng bahay.

I feel appreciated. 

Related chapters

  • Scarlet Night   Kabanata 3

    Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n

    Last Updated : 2022-02-12
  • Scarlet Night   Kabanata 1.1

    Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.

    Last Updated : 2022-01-14
  • Scarlet Night   Kabanata 1.2

    Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.

    Last Updated : 2022-01-14
  • Scarlet Night   Kabanata 2.1

    Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.

    Last Updated : 2022-01-14

Latest chapter

  • Scarlet Night   Kabanata 3

    Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n

  • Scarlet Night   Kabanata 2.2

    Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.

  • Scarlet Night   Kabanata 2.1

    Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.

  • Scarlet Night   Kabanata 1.2

    Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.

  • Scarlet Night   Kabanata 1.1

    Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status