Kabanata 2.1: Agdangan
Kasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.
Lumiko ako at ganon din ang kanilang ginawa. Kapag naman lilipat ako ng side na lalakadan, ganon din ang kanilang gagawin. Hindi ko sila mamukhaan dahil may mga mask silang suot. Ang baho rin nila kahit medyo malayo pa ang agwat nila sa akin.
"Mahal!" May isang lalaki na siguro mga nasa 20s niya ang tumatakbo papunta sa akin. Ngumiti ito ng pagkalaki at saka ako kinindatan bago ako akbayan. "Kanina pa kita hinahanap. Sino itong mga 'to?" Tanong niya habang tinuro ang dalawang lalaki na nasa tigkabilang gilid ko.
"Anong kailangan nyo sa girlfriend ko?" Tanong ng lalaki. Yung dalawa naman ay bumagal sa paglalakad. Nag tinginan pa sila bago unti-unting naglakad palayo.
"Stay calm and act like you're my girlfriend," bulong ng lalaki sa akin habang pinapanuod naming palayo ang dalawang lalaki. Sinunod ko naman ang sinabi niya at saka siya inakbayan pabalik. Nahirapan ko pang abutin ang kaniyang balikat dahil hanggan balikat lang niya ako.
"Sino ka?" Inalis na niya ang pagkakaakbay at saka ako hinarap. Matangkad siyang lalaki at may pagkamaputi ang balat. "Are you hurt? It doesn't matter kung sino ako. I saved you from those guys," aniya habang tumalikod na. Ganon-ganon na lang? Matapos ako tawaging Mahal?
"Pero tinawag mo akong girlfriend mo?" Lumapit ako sa kaniya at sinabayan siya maglakad.
Huminga ng malalim yung lalaki at saka ako tiningnang. "Look, I'm not hitting on you. I have a fiancé and I love her. I acted like we're in a relationship so that those scumbags will leave you alone," aniya.
"O-okey. Thank you."
"You're welcome. May mga nababalita dito na kidnapan kaya sigurado ako na yung dalawang yon ay - - -"
"Ki-kidnapin ako?" Putol ko sa kaniyang sinasabi.
"Maari pero pwede rin na holdapin ka," sagot ng lalaki kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi sa hindi ko pa naranasan na maholdap pero yung kidnap? Ibang usapan na iyon.
"Saan ka ba pupunta? I'll escort you," sabi ng lalaki at dahil sa sinabi niya kanina ay nawala rin ang tiwala ko sa kaniya. Baka mamaya kidnapper ito.
"Wala. I'm okey now. Thank you," sabi ko at saka naglakad palayo. Malapit narin ang sakayan dito kaya pwede ko na takbuhin.
Tumango lang yung lalaki. Narinig ko pa nag ring ang kaniyang telepono bago ako umalis.
"Hey Mahal. Opo, malapit na ako. I'll be there in an hour." Rinig ko habang tumakbo ako palayo. Sana all, Mahal.
--
"Saan ka sa Agdangan?" Tanong ni Fabian na nasa kaliwa ko nakaupo. Halos one hour and thirty minutes from Lucena to Agdangan at mula nung umalis itong van hindi na tumigil si Fabian sa kakadaldal sa akin.
"Taga población dos ako, ikaw ba? Saan?"
"Matutulog ako. Pagising nalang kapag andoon na tayo," sabi ko at pumikit.
"'wag na. Sixteen minutes nalang kaya 'wag ka na matulog. Aryan!" Malakas na tawag niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi makinig sa kaniya. Kaming dalawa lang ang pasahero ni Manong. Sa likod talaga ako umupo para makapag-isa ako pero itong si Fabian, tinabihan ako kasi ayaw niya raw akong maging lonely.
I appreciate the thought pero masyado na siyang nagiging friendly. We're basically a stranger to each other pero halos lahat ng family history niya ay na kwento na niya sa kin.
Taga La Union si Fabian at taon-taon siya pumupunta sa Agdangan dahil daw napaka tahimik at simple ng buhay dito.
"Pasensya na at napakadaldal ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng kaparehas ko ng pupuntahan tapos magkasing edad pa," aniya habang nag-unat ng kamay.
"Seventeen years old ka rin?" tanong ko.
"Seventeen? Eighteen na ako. Akala ko eighteen kana rin," tugon niya at saka napakamot sa ulo. "Haha mukhang mali ang hula ko," dagdag niya.
"Hindi naman. Nasobrahan lang ng isa," natatawa kong sagot para hindi siya ma-awkward.
Sa mga nakalipas na minuto ay unti-unti akong naging komportable kay Fabian at sinabi pa niyang pwede niya ako i-tour lalo na doon sa napakagandang simbahan ng Agdangan.
"Andito na tayo."
Tumingin ako sa bintana at may dinaanan kami na maliit na tulay at may umaagos na tubig sa ilalim nito.
Tirik narin ang araw at mukhang busy na ang mga tao. Meron ring bandiritas na mga nakasabit sa paligid,
"Malapit na ang fiesta," aniya.
Tumigil ang Van sa tapat ng tindahan at saka kami bumama ni Fabian. Tinulungan niya akong ibaba nag aking bag kahit kayang-kaya ko naman itong ibaba.
"Paano ba yan, Aryan. Text mo nalang ako ah." Nginitian ko siya at saka tumango.
Lumapit kami sa isang tricycle at saka inilagay ni Fabian ang bag ko sa loob. "Kuya sa Silangan Maligaya po ang kaibigan ko." Hindi ko napigilan na mapangiti ng marinig ko ang salitang kaibigan. Kanina lang kami nagkakilala pero kaibigan na agad ang turing niya sa akin. Kakaibang lalaki.
"Saan sa Silangan Maligaya?" "Saan sa Silangan Maligaya ka, Ineng?" tanong ni Manong at dahil hindi ko naman alam kung saan nakatira si Lola sinabi ko nalang kung ano ang pangalan niya.
"Amari po. Amari Saavedra po." Tumingin si Manong sa ibang driver at tinanong kung saan yon.
"Ahh si Inanang Mari." -Manong 1
"Yung kaibigan ni Madam Lena." -Manong 2
"Si Inana lang naman ang Saavedra na nakatira roon." -Manong 1
Nakikinig lang kaming dalawa ni Fabian sa kanila ng kalabitin niya ako. "Apo ka ni Inanang Mari?" tanong niya kaya tumango ako. Tinanong ko siya kung bakit pero umiling lang siya.
"Oh s'ya tara Ineng," sabi ni Manong at saka ako tuluyang sumakay.
"Kitakits nalang tayo Aryan. Bye," sabi ni Fabian bago sumakay sa kabilang tricycle.
Buong biyahe ay nakatingin ako sa bawat dadaanan namin. Lapit-lapit ang bahay dito at merong mga batang naglalaro sa kalsada. May mga kabataan ding mga nagtatawanan at nag haharutan.
Tumingin ako sa harapan at puro batuhan ang dadaaan ng tricyle, Napahawak ako dahil pakiramdam ko ay tatalbog ako sa bawat pag-alog. Lumiban ang tricycle sa riles at may mga naglalarong mga bata doon. Yung iba ay nag babalance pa tapos ang iba naman ay pinapatungan ng bato yung mga bakal.
Matapos noon ay nasa simentadong daan na ulit kami pero puro puno na sa paligid. May mga bahay parin kaming nadadaanan pero mag kakalayo na ang mga ito.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong kadaming puno. May mga puno ng Narra, Niyog, meron din puno ng Mangga tapos Saging. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil buhay na buhay ang kapaligiran. Hindi ko naiwasan na mapapikit para langhapin ang malamig na hangin.
Tirik na ang araw pero napakapresko ng hangin.
Matapos ang ilang minuto ay tumigil ang tricycle sa gilid ng daan at natanaw ko ang isang maliit na bahay sa may 'di kalayuan.
"Andito na tayo, Ineng," sabi ni Manong.
Nang makaalis na si Manong ay saka ko maayos na nakita ang buong paligid. Walang bahay sa paligid at mga puno at halaman ang nasa tabi ng daan.
Inapakan ko ang mga malalaking patag na bato na sunod sunod na nakahilera mula sa kinatatayuan ko kanina papunta sa bahay ni Lola Amari.
Madaming bulaklak sa paligid ng bahay ni Lola at meron din sa gilid nitong dinadaanan ko.
Marahan kong binaba ang aking bag sa sahig at saka kumatok sa pinto. Nakatatlong katok ako pero wala paring sumasagot. "Tao po? Lola Amari?" Tawag ko at saka kumatok.
"Lola? Si Aryan po ito," sabi ko pero wala paring sumasagot.
"Aryan? Apo?" Napalingon ako sa tumawag.
"Lola!" Masaya kong sabi at saka masaya siyang nilapitan. May hawak na labada si Lola kaya dali-dali niya itong binababa para mayakap ako.
"Jusmeyo, ang laki-laki mo na. Anong ginagawa mo dito?" Aniya habang mahigpit ako na niyakap.
"Pinalayas po ako ni Tita kaya po wala na kong mapupuntahan," mahina kong sabi. Pinilit ko ang aking sarili na hindi umiyak dahil baka hindi ko kayang mapatahan ang aking sarili.
Kumawala si Lola sa yakap at napansin niya ang pasa ko kaliwang braso. Tinakpan ko ito ng kabila kong kamay kaya napatingin si Lola sa akin. "Huwag kang mag-alala, andito ka na. Kasama mo na ako, wala ng mananakit sayo," sabi niya at saka ako inaya na pumasok sa loob ng bahay.
Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.
Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n
Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.
Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.
Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n
Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.
Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.
Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.
Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.