Kabanata 3: Familia
“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.
“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.
“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.
Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.
“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi ni Lola habang inupo niya ako sa higaan. Tiningnan ko siya at hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya.
“Patawad apo at hindi kita naprotektahan pero pinapangako ko wala ng mananakit sayo ngayon,” mahinahong sambit ni Lola bago ko naramdaman ang halik niya sa aking ulo.
“Matulog ka na muna at gigisingin nalang kita mamaya para kumain. Mamalengke pa tayo mamaya para may dadalhin tayo kina Lena,” aniya at saka umalis ng kwarto.
Wala akong nagawa kundi humiga at sinunod ang utos ni Lola. Hindi pa pala ako nakakapagpaalam kay Lola na babalik ako ulit sa ilog.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi parin ako nakakatulog. Masyado akong naaliw makipag titigan sa butiking nasa kisame. Kanina ko pa siya hinihintay na tumalon pero nakadungaw lang siya at hindi rin inaalis ang tingin sa akin.
“Hi. Ako si Aryan. Ikaw anong pangalan mo?” Mahina kong saad pero biglang nagtago na ang butiki.
Natatawa akong tumagilid at humarap sa bintana. Ano bang pinag-gagawa mo Aryan? Butiki yon. Hindi yon sasagot sayo.
Ang huli kong naisip bago tuluyang makatulog.
--
“Handa ka na ba?” tanong sa akin ni Lola Amari habang nilolock niya ang pinto ng bahay. Papunta na kami ngayon sa bayan para mamalengke. Mag ala-una at katatapos lang din namin mananghalian.
“Opo,” sagot ko at saka binitbit yung bayong ni Lola. Kanina pa sana kami lalabas kaso hindi pa pala nadidiligan yung mga alagang halaman at bulalak ni Lola tapos hindi parin nalagyan ng pataba.
“Mag lalakad tayo papuntang bayan, ayos lang ba iyon sayo?” Tumango naman ako at saka humawak si Lola sa braso ko.
Halos mag limang minuto na kami nag lalakad pero wala paring nadaang sasakyan. Ganito ba talaga ka dalang ang sasakyan dito.
“La.”
“Bakit?”
“Bakit nga pala po ulit kayo nakatira sa malayo? Bakit ayaw nyo sa may maraming kapitbahay? Ang dalang po ng sasakyang nadaan dito oh,” sabi ko habang lumingon sa kabilang dulo ng daan. Kaming dalawa lang talaga ni Lola ang tao dito.
“Kasi gusto ko ng tahimik na paligid. May kapitbahay naman tayo. Sina Lena at Raul,” sagot ni Lola.
“Oo nga po pala. Nakita ko po si Tatang Raul kahapon sa may palayan papuntang ilog. Mag kamukha daw po tayo noong kabataan nyo sabi ni Tatang,” sabi ko at biglang natawa si Lola.
“Kamukha? Hindi ko lang sigurado Hija. Wala akong litrato noong kabataan ko at hindi ko na tanda kung ano ang aking itsura noon. Pero alam kong maganda ako, sa ganda mong iyan kanino ka pa ba magmamana? Sakin,” sabi ni Lola at saka tumawa ulit.
“Kaibigan nyo po si Tatang kagaya ni L-lena po? Lola Lena po ang dapat ko itawag sa kaniya?” sabi ko.
“Mag kaibigan kaming tatlo nila Raul at Lena. Madam Lena o Lola Lena ang itawag mo sa kaniya. Mabait siya kaya ayos lang kahit ano itawag mo basta huwag nakakabastos.”
“Madam Lena nalang po,” sabi ko at saka natawa ng kaunti.
Pagkatapos noon ay katahimikan na ang bumalot sa buong paligid habang kami’y naglalakad. Tahimik pero hindi awkward.
“Lola. . .” tawag ko kay Lola Amari habang lumakas ang hangin.
“Hmm?”
“Lola ayos lang po ba talaga na dito na ako sa inyo titira? Baka nakakaabala po ako o pabigat,” sabi ko. Tumigil si Lola at saka ako tiningnan.
“Hindi ka pabigat, hindi ka abala at ayos na ayos na dito ka titira kasama ko. Kung ang pinoproblema mo ang mga gastusin huwag kang mag alala may pera ako at kung nahihiya kapa rin, tumulong ka nalang sa mga gawaing bahay. Ayos ba iyon?” Tumango naman ako at saka nag pasalamat.
“Tama na ang pag papasalamat. Lola moa ko. Nag aalala ako sayo at ang tanging gusto ko lang ay ang kasiyahan at kaligtasan mo. At ito pa, kung tutulong ka sa mga gawaing bahay huwag yong napakaaga, ha? Hahah huwag kang mag alala hindi ako magagalit sayo kung tanghali ka na magising.”
Pagkatapos ng usapan na iyon ay mas lalo pang gumaan ang dibdib ko. Hindi ko maiwasang tumingala para hindi tuluyang pumatak ang aking luha.
“Lola Amari?” May tumigil na tricycle sa tapat namin at tinawag si Lola. Halos kasing edad ko lang yung lalaki.
“Oh Clyde, Hijo. Saan ka pupunta?” tanong ni Lola habang nag bless sa kaniya yung Clyde.
“Sa bayan po bibili ng karne. Pabayan din po ba kayo? Tara na po,” ay ani Clyde kay Lola kaya masaya itong tinanggap ni Lola Amari.
“Oh sya, mukhang may libreng sakay na tayo Aryan,” ika ni Lola at saka kami pumasok sa loob ng tricyle.
“Ito nga pala ang apo ko Clyde. Si Aryan,” sabi ni Lola at nginitian ko si Clyde noong yumuko siya para makita ako.
“Si Clyde, isa sa apo ni Lena,” sabi ni Lola. Inabot ni Clyde ang kaniyang kamay sa akin para makipag-shake hands kaya tinanggap ko iyon.
“Asan ang motor mo? Bakit gamit mo ang tricycle ni Sergio?” tanong ni Lola.
“Sira po yung motor ko kaya hiniram ko muna ito kay Tatang,” magalang na sagot ni Cylde.
Sa buong biyahe ay nag uusap lang sila Lola at Clyde para sa mga magaganap mamayang gabi. Isang taon lang ang tanda ni Cylde sa akin at kanina ko lang din nalaman na eight silang mag kakapatid.
Nag bago narin ang isip ni Lola. Mga prutas nalang daw ang dadalhin niya kasi napilit siya ni Cylde na sumama na kami paguwi niya para hindi na namin kailangan maglakad papunta sa kanilang bahay.
“Napakamahal ng mga orange ngayon,” bulong ni Lola habang sinilid ang sampung orange sa bayong. Ayon kay Lola, mahilig si Madam Lena sa orange kaya madami ang binili niya ngayon.
“Okey na po?” tanong ni Clyde habang inalalayan si Lola pumasok sa loob. “Oo, Hijo. Salamat.”
Pasimple akong tumingin kay Clyde habang pinapaandar niya ang tricyle. Mga nasa 5’9 si Clyde tapos tanned ang kaniyang kutis at agaw pansin yung half sleeve tattoo niya sa kanang kamay.
“Ang gwapo ano?” bulong ni Lola.
“Ha? A-ano po?” nauutal kong sagot pero tinawanan lang ako ni Lola habang umiling-iling. “Maganda ang kanilang genes. Gusto mo magpalahi?” Tanong ulit ni Lola kaya parang may buong laway akong nalumod at biglang nasamid.
Tawa lang ng tawa si Lola at sumilip pa ako kay Cylde para siguraduhing hindi niya narinig ang mga sinabi ni Lola.
“Biro lang, apo. Biro lang.” Tawa parin ng tawa si Lola habang pinipispis ang likod ko. “May problema po ba?” tanong ni Clyde habang nakafocus parin siya sa daan. “Wala, Hijo. Nag joke lang itong si Aryan tapos nakakatawa kaya tawa ako ng tawa.”
“Okey po,” tipid na sagot ni Cylde.
--
Matapos ang ilang minuto ay nalagpasan na namin yung daan papuntang bahay. Pataas ng pataas ang daan kaya humaharorut narin ang tricycle. Napakahigpit ng kapit ko kasi pakiramdam ko titigil sa gitna yung tricyle tapos mag gugulong ito pababa.
“Ayos ka lang!?” tanong sa akin ni Lola kaya tumango nalang ako habang mahigpit parin ang kapit.
Pinarada ni Cylde ang tricycle kalapit ng apat na motor na nasa harapan ng bahay. “Nasa loob po si Grandma,” sabi ni Clyde bago kami samahan paloob ng bahay. High ceiling ang bahay pero puro kahoy ang paligid tapos may mga halaman sa pader at pati narin sa ceiling.
“Anong klaseng bahay ito?” wala sa sarili kong tanong. “Parehas kaming mahilig ni Lena sa halaman pero mahahalata mo kung sino yung mas malala sa aming dalawa.” Tumingin ako kay Lola at sinundan siya papasok sa isang kwarto.
“Ipapakilala ko muna ikaw kay Lena tapos sumama kana muna kay Clyde. Ayos lang bai yon, Hijo? Iwan ko muna sayo si Aryan?” tanong ni Lola habang binuksan ang pinto.
“Opo,” sagot ni Cylde.
Pagkabukas ni Lola ay merong matandang nakaupo at nagbabasa ng libro. “Lena, pasensya na at napaaga kami,” panimula ni Lola Amari. Kaagad namang tumayo at lumapit si Madam Lena kay Lola at saka ito niyakap. “Ano ka ba tamang-tama nga ang dating mo. Meron akong ikwe-kwento sayo,” masayang sambit ni Madam Lena habang kumawala sa yakap. Tumingin ito sa akin at saka ako ngumiti. Magkasing tangkad sila Lola Amari at parehas na kulay puti na ang kanilang buhok. Maputi ng kaunti si Madam Lena kay Lola pero mas malaman naman ng kaunti si Lola kesa kay Madam.
“Ikaw si Aryan, tama ba? Ako si Lena pero pwede mo naman akong tawaging Grandma,” aniya. Sa sobrang awkward ko ay hindi ko alam kung makikipag shakehands ba ako o tatanggapin yung yakap niya.
“Ano ka ba wag kana mahiya, Hija.” Si Madam Lena na ang yumakap sakin kaya wala na akong nagawa kundi yumakap pabalik. “Aba’y napakaganda ng apo mo, Amari,” sabi ni Madam Lena habang sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri.
Matapos ako ipakilala ni Lola kay Madam Lena ay sumama na ako kay Clyde. Ipapakilala raw niya ako sa iba niyang mga kapatid.
“Mahilig pala si Madam Lena sa mga halaman,” Pangbasag ko sa katahimikan.
“Madam Lena? Sigurado akong sinabi niyang tawagin mo siyang Lola Lena o kaya Grandma,” aniya habang lumabas kami ng bahay at bumalik kung saan niya pinarada ang tricycle. Pumunta kami sa may palikod ng bahay ay meron pond dito.
“Hindi ko naman siya kamag-anak kaya parang ang weird lang. Okey na sa akin ang Madam Lena,” sabi ko habang pinauna niya akong lumakad dahil pang-isang tao lang yung daanan sa pond papunta sa kabilang bahagi.
“Sige.” Tipid na sagot ni Cylde.
Napuno ng katahimikan na ani mo may dumaang anghel na hubo sa paligid dahil hindi na nagsalita si Clyde. Hindi naman narin ako nagsubok na kausapin siya kasi baka maging awkward lang ang usapan.
“Yung triplets lang siguro yung makikilala mo. Wala yung dalawa at yung kambal e,” pangbasag niya sa katahimikan. Nakasunod lang ako sa kaniya habang hindi parin maalis yung tingin sa kaniyang tattoo sa braso.
“Ilan kayong magkakapatid?” tanong ko.
“Eight. I’m the second oldest,” sagot niya habang umakyat kami sa hagdan.
May naamoy akong mabango at sobrang nakakarelax na feeling. “Nabanggit mo na yung triplets lang yung makikilalako? Nasaan yung apat na iba?” tanong ko pero hindi na nakasagot si Clyde dahil biglang may tumalon sa harapan namin at sinunggaban niya si Clyde.
Nanatili lang akong nakatayo at hindi nakagalaw dahil sa gulat. “Akiro! Get off!” Sigaw ni Clyde. Kumalas naman yung Akiro sa pagkakayakap kay Clyde at saka tumingin sa akin.
“Hindi mo naman nasabi na pinagpalit mo na si Ate Gail,” sabi ng bata at saka ako sinuri ng maigi. “Mali ka ng akala,” sagot ni Clyde.
“Whooaaa! Chix. Sino siya Kuya?” May sumulpot namang isang bata. “Bagong girlfriend mo? Isusumbong talaga kita kay Ate.” Tiningnan ko si Clyde at hawak niya ang kaniyang noo.
“Pwede ba patapusin nyo ako? She’s Aryan. Lola Amari’s granddaughter.” Tumingin ako dalawang batang nakatingin sa akin.
“What a cool name. I like you na,” sabi nung Akiro. Lumapit siya sa akin at saka nakipag-beso. “My name is Akiro, I’m fourteen years old. . . the youngest,” dagdag niya at saka humawak sa braso ko na nakapag-pangiti sa akin. He’s gonna be fun to be with.
“I’m yours,” napuno naman ng confusion ang mukha ko dahil sa sinabi ng isa. “Don’t mind him. Nung pinanganak kase kami siya yung unang lumabas tapos napunta sa kaniya lahat ng bad traits lalo na ang kahambugan sa buong mundo,” ika ni Akiro.
“Shut up Akiro,” sabi ng lalaki at saka lumapit sa akin. “Eldridge,” tipid niyang pagpapakilala at saka nakipag-shake hands.
“Ayos na ba kayong dalawa? Nasaan si Saide?” tanong ni Clyde sa dalawa niyang kapatid.
“Andon nakahiga. Nag dadalamhati dahil hindi na mag tuturo si Mrs. Salvador sa Elias.” Tumuro si Akiro sa isang makapal na bush kung saan sumulpot kanina si Eldridge.
“Masyado siyang maarte. Sa ACES lang naman lilipat si Mrs. Salvador. Akala mo naman sa ibang bansa na siya magtuturo,” dinig kong sabi ni Akiro tapos nagsimula ng magtalo sila ni Eldridge pero unti-unti ko na silang hindi naririnig dahil mas natuon ang atensyon ko sa maraming bulaklak na nasa harapan namin.
Hinayaan ko na sumayad ang aking palad sa mga bulaklak na na aming madadaanan. Iba’t ibang klase ng bulaklak ang andito at sobrang bango ng paligid.
Napapalibutan ng matataas na puno ang field at merong isang dampa sa gitna ng field. May mga bato rin na nakalatag na pwede mo daanan para hindi mo maapakan ang mga bulaklak.
“It’s beautiful, right?” Mahinang tanong ni Akiro at hindi ko nagawang umangal ng siningitan niya ng white rose ang tainga ko.
Nang makarating na kami sa dampa ay merong isang lalaki na nakahiga at natutulog. Nakanganga pa ito at tulo ang laway. “His name is Saide and as you can see he’s the second worst,” sabi ni Akiro tapos tumingin siya kay Eldridge, “and you already know kung sino yung first,” dagdag niya at dahil doon nagtalo na naman yung dalawa. Ginising ni Clyde yung Saide.
--
Kasalukuyan na kaming pabalik at mag alas siete narin. Patuloy parin nagtatalo sila Akiro tapos paulit-ulit silang sinasaway ni Clyde. Si Saide naman ay tahimik lang sa paglalakad na parang hindi naririndi sa pagtatalo ng kaniyang dalawang kapatid.
Hindi magkamukha ang triplets at kung ako ang tatanungin, si Akiro ang pinaka-gwapo sa kanilang tatlo pero mukhang mas gugustuhin ni Akiro na sabihan siyang maganda kesa sa gwapo.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumeretso sa kusina. Nakita ko sila Lola kaya nag mano muna kaming lima. “Nag enjoy ka ba?” Tanong ni Lola kaya ngumiti ako bago tumango.
“Oh siya maghugas kana muna ng kamay. Mag sisidatingan narin sila Caspian.
Bumalik na ako sa hapag-kainan nang makapag hugas ako ng kamay. Akmang uupo na ako sa tabi ni Lola Amari ng biglang may dumating na dalawang lalaki. “Bakit ngayon lang kayo?” tanong ni Madam Lena.
“Ngayon lang po namin natapos yung clearance sa school,” sabi ng lalaking nakakulay itim na damit.
“He’s Usher tapos yung naka-cap naman ay si Cyrus,” bulong ni Akiro na nakaupo sa kanang tabi ko. Pinakilala ako ni Madam Lena kina Cyrus bago kami tuluyang kumain. Binilang ko sila at kulang ng dalawa. Hindi dumating yung Caspian na sinasabi ni Lola at yung pinaka panganay sa walong magkakapatid.
Maraming pagkain ang nakahain at halos naubos ng magkakapatid ito. Para rin akong ginigisa kanina dahil ang dami nilang mga tanong at mabuti nalang at sinalo ni Lola lahat ng tanong dahil parang iiyak na ako kanina dahil sa sobrang pagka-overwhelmed.
“Are you okey?” Tanong ni Akiro habang inabot ang isang basong gatas sa akin. Nandito ako sa terrace ng kwarto niya dahil napagdesisyunan nila Lola Amari at Madam Lena na dito muna kami magpalipas ng gabi.
“Yes. Salamat dito.” Suot ko rin kasi ang panjama ni Akiro.
“You’re welcome and be thankful na maganda ka at super gusto ko yung hair mo kundi hindi kita pinahiram nitong pink panjama ko,” aniya.
Sumunod ako sa kaniya at umupo sa kama. “Wala kayong kapatid na babae?” tanong ko bago uminom ng gatas.
“Duhh ofcourse they do. Anong tingin mo sa akin? I’m they’re princess,” aniya at saka hinawi yung imaginary hair niya. “But kidding aside, yes unfortunately wala kaming kapatid na babae.”
“But tell me honestly. . . anong nangyari sa mga pasa at gasgas mo sa braso?” tanong ni Akiro na nakapagpatahimik sa akin.
Hindi ko alam ang sasagutin ko kaya tumingin nalang ako sa sahig. Sabihin ko ba na galing ito sa Tita ko?
“It’s okey. You don’t have to tell me.” Lumundag si Akiro sa kama kaya bigla akong tumayo dahil baka matapon yung gatas.
“Let’s sleep. I need beauty rest,” sabi niya bago pumunta sa kabilang parte ng kama. Napakafeminine kumilos ni Akiro at sobrang kinis ng kaniyang balat.
“Nga pala hindi dumating yung kapatid nyong isa? Yung Caspian?” tanong ko habang humiga at nagkumot.
“He’s probably wondering around somewhere in the river with his horsy horsy. Don’t worry sa aming magkakapatid, si Kuya Caspian ang pinakagala well unless kapag andito si Kuya Huni, siya ang first then si Kuya Casspian ang second.” Humikab si Akiro at saka tumalikod sa akin, “I’ll sleep now,” dagdag niya.
“Anong buong pangalan ni Caspian?”
“Leo Caspian. Let’s talk tomorrow, girl. Antok na talaga ako. Goodnighty,” mahinang sabi ni Akiro kaya hinayaan ko nalang siya.
Doon ko lang naalala yung usapan namin ni Leo kahapon. Kanina pa ako naghihinala na parang narinig ko na itong pangalan ni Akiro.
Baka kaya hindi siya nagrating kanina sa dinner dahil hinahantay niya ako?
Tumagilid ako sinabunutan ang aking sarili. Baka naman magkaibang tao sila? Bakit kasi nawala sa isip ko yung usapan namin kanina. Sana hindi siya galit sa akin. I hope he’s not mad. Ang tanga Aryan! Winakasan mo agad yung pagkakaibigan nyo.
Leo Caspian? Leo? Akiro? Kapatid? River? Kabayo?
Sino ba niloloko mo Aryan? That’s the same person!
Tumihaya ako at tinitigan ang kisame. Mga nasa limang minuto na ako nakatitig sa kisame ng marinig ko ang pagpatak ng ulan. Mas lalong tumindi ang pagka-guilty ko at pag-aalala. Bakit ba kasi Aryan nakalimutan mo. He’s only fifteen years old.
I hope Leo is okey. . .
Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.
Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.
Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.
Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.
Kabanata 3: Familia“Aryan? Hija? Bakit ang aga mong nagising?” Tanong ni Lola Amari habang lumabas siya sa kwarto. Mag ala sais pa lang ng umaga pero kanina pa akong alas kwatro gising. Kahit sobrang late ko na natulog kagabi dahil naninibago ako sa kapaligiran ko ay kusang nagising ang katawan ko.“Nasanay na po ako gumising ng ganitong oras,” sagot ko habang pinag patuloy ang pagwawalis ng sahig.“Dahil ba sa Tita Miriam mo?” tanong ni Lola habang pinispis ang aking likod. Ngumiti nalang ako at hindi sumagot. Baka dahil sa nakasanayan ko noong nakatira pa ako kina Tita.Alas kwatro ako gigising noon para maglinis at magluto para kapag nagising na si Tita ng alas siete hindi siya magalit sa akin. Kinuha ni Lola ang walis kong hawak at saka ako inakay papuntang kwarto.“Ala sais palang ng umaga, Aryan. Matulog ka na muna. Malayo ka na kay Tita mo, wala ng mananakit sayo dito,” sabi n
Kabanata 2.2: Agdangan"Pasensya na at ito palang ang naluluto ko. Sana nag pasabi ka manlang na darating ka, naku kang bata ka." Masaya kong kinuha ang nilabon na saging at saka ito binalatan.
Kabanata 2.1: AgdanganKasalukuyan akong nagmamadaling bumalik sa terminal dahil may sumusunod sa aking dalawang lalaki. Halos pagitnaan na nila ako at hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa takot.
Kabanata 1.2: Simula"Ate Aryan. . ." tawag ni Clarence habang tinutulungan ako mag impake. Pilit akong pinipigilan sa pag-alis ni Clarence pero dahil narin natatakot na talaga ako sa mga pwedeng gawin ni Tita Miriam ay napag-desisyunan ko na umalis na lang at pumunta kay Lola.
Kabanata 1.1: Simula"Ate Aryan ang ganda talaga ng buhok mo," sabi ng pinsan kong si Clarence habang sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok.