Share

CHAPTER 4

Akala niya'y makukuha niya ako sa pa ganyan-ganyan niya.

"And here." Patago niyang nilagay sa harapan ko ang isang sim card.

Inasikaso naman ng kasamahan ko ang order nila. 

Kinuha ko nalang ang sim card at dali-daling nilagay sa bulsa ko.

Mamamatay na ba siya kaya ang bait-bait nya sa akin?

Nang makuha niya na ang order nya ay tinitigan pa niya pa ako nang matagal. 

"Come on, baby." Naiiinip na sambit ni Ava sabay hila kay Dylan.

Nang makaalis na sila ay napahinga ako ng maluwag. 

Bagay talaga silang dalawa. The beast and the beast, walang beauty kasi kung ibabase natin sa ugali, parehas asal hayop.

Pero napapaisip ako sa inaasal ni Dylan, siguro nagbago na talaga siya. Kapag tuloy-tuloy 'to ay posible na patawarin ko siya pero hindi na ako magpapadala sa mga katangahan ko dati.

"Oy, kilala mo ba 'yon?" Tanong ng kasamahan ko sabay sundot sa tagiliran ko.

"Hindi ah!" Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Ampogi naman no'n. Pakilala mo ko Sab." Sambit niya sabay tawa at inasikaso ang ibang customer.

Sus wag na. Baka bugb*gin ka rin no'n.

Hmm, siguro kapag natapilok lang si Khea ay ipapadoctor na ni Dylan. 

Ilang oras din ang nakalipas at sumakit ang likod ko ng sobra. Sa susunod ay magpapahinga na talaga ako. Medyo nagabihan ako kasi tinulungan ko pa yung isa kong kasamahan sa pag-lilinis ng coffee shop. Nang matapos na ang trabaho ko ay naglakad na ako para umuwi.

Wala nang masyadong sasakyan kaya naglakad-lakad nalang ako. Halos wala na ring tao sa labas, ilaw nalang ng poste ang nagsisilbing ilaw ko sa daan.

Napatingin naman ako sa buwan. 

Napangiti ako dahil ang ganda nito tapos full moon pa. Bigla nalang ako natawa kasi natatandaan ko ang mga kwento ni mama dati. Kapag daw full moon, may mga aswang daw na lumalabas sa gabi. 

Lumaki si mama sa probinsya kaya naniniwala siya sa mga aswang at dahil nag-iisang anak lang nila ako ay 'di na nila ako pinapalabas kapag ala-sais na ng gabi.

Kaso naramdaman kong tumaas ang balahibo ko sa kamay, bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nararamdaman kong may nakasunod sa akin. 

Naglakad nalang ako ng mabilis nang maramdaman ko rin ang yapak ng mga paang bumilis rin ang paglalakad.

Nang may nakita akong eskinita ay pumasok ako doon at nagtago sa isang basurahan.

Tumakbo naman ka agad yung taong 'yon at alam kong hinahanap niya ako pero hindi niya alam kung nasaan. Jusko, baka makita nalang nila ang katawan ko na nasa ilog.

Nang naramdaman kong wala nang tao ay tumayo na ako sa pinagtataguan ko.

Putcha, ang baho pala dito. Napasimangot nalang ako, mas mabuti nalang pala na mag-amoy basura kesa naman mam*tay.

Nang nakatayo na ako ay dumiretso na ako sa kalsada at binilisan ang paglalakad. Salamat at wala na rin siya. 

"Ang ganda ng buw-"

Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang may humila sa akin. Cinorner niya ako sa isang sulok at tinakpan niya ang bibig ko.

"Don't make any noise." Mahina nitong sambit at tumingin-tingin pa sa paligid.

Hindi ko makilala ang boses nito. Malalim ito at hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil naka mask siya tsaka hoodie.

Lord, hoholdapin na ba ako? Makikita nalang ba nila ang katawan ko sa ilog?

Sinubukan kong sumigaw kaso dahil na rin sa takot ay parang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Parang napako ako sa aking kinatatayuan at nakatingin lang ako sa mata ng lalaking nakatingin pa rin sa paligid. 

"Sorry, for scaring you." Nang mapansin niyang nanginginig ako ay kinuha niya rin ang kamay niya sa bibig ko.

Nakatingin lang ako sa singkit niyang mata, mahabang pilik mata at napaka kapal na kilay.

"Napansin ko kasing may sumusunod sa'yo. I'm sorry if I scared you, miss." Nahihiya niyang sambit sabay kamot sa batok niya

Hinila niya ako ka agad at nakatulala pa rin ako. 

"Miss, are you okay? May ginawa ba siya sayo? You look traumatized." Nag-aalala niyang tanong at pinaikot ako sa harapan niya.

"I'm okay po."

Naramdaman ko nalang na nakahawak nalang bigla ang kamay ko sa kamay niya at may kakaiba akong naramdaman. 

Para bang nakuryente ako. 

Nang naglakad siya ay parang sumunod nalang din ang katawan ko. Sino kaya 'to? Ang bait naman niya at tinulungan niya pa ako. Nakakahiya naman na pinag-isipan ko pa siya ng masama.

Nang makalayo-layo na kami ay tumigil na rin kami sa paglalakad at sabay din no'n ang pagbitaw niya sa kamay ko. Tumingin siya sa akin bigla at alam kong ngumiti siya dahil biglang nawala ang mata niya. Singkit siya eh.

"Okay lang ba kung dito kita ihatid? Baka mapahamak ka ulit." mahina pero may pag-aalalang sambit nito.

Napansin kong malapit na rin pala ako sa bahay. Konting lakad nalang ay nasa bahay na ako ni Pria. Alam kong nag-aalala na ang babaeng 'yon sakin.

"Ayos na po ako dito, maraming salamat po." nakangiti kong tugon.

Nang nasuri niya ang paligid ay nag-umpisa na siyang maglakad papalayo at tinignan pa ako ulit. Alam kong nakangiti siya ulit dahil nawala ulit ang mga mata niya. 

"Salamat po, kuyang--" napatigil ako kase hindi ko pala alam ang pangalan niya.

Great, Sab. Bakit nakalimutan mo pang itanong ang pangalan nya. 

"Kuya! Ano ang pangalan mo?" Sigaw ko ng malakas pero hindi ko na siya makita.

Kumakanta ako habang naglalakad. Ewan ko bakit umuukit sa mga labi ko ang isang ngiti. Siguro tuwang-tuwa lang ako dahil may tumulong sa akin at panatag ang loob kong pauwi sa bahay. 

Natatanaw ko na ang bahay sa malayo at kitang-kita ko sina Johnny at Pria na nag-uusap. Rinig na rinig ko pa ang kaingayan nila.

"Kinakabahan ako. Baka kinidnap na talaga si Sab." Nag-aalalang sambit ni Johnny.

"OMG! Baka dinala na siya sa isang abandonang building at baka hinihingan ng ransom!" Dugtong pa ni Pria sabay sabunot kay Johnny.

Nako, kung ano-ano namang kabaliwan ang naisip nila. Bagay talaga sila.

Parehas siraulo.

"Aray! Ano ba! Bakit ka nananakit ha? Ano suntukan nalang." Pag-aaya ni Johnny sabay tayo.

"Ew, di ako pumapatol sa mga panget." Nandidiring tugon ni Pria sabay umaktong nasusuka.

Malapit na ako sakanila pero nagbabangayan pa rin sila. 

"Ehem," pagkukuha ko sa atensyon nila.

Kita kong napatalon pa si Johnny at biglang namutla.

"Ay kabayong kamukha ni Pria na may bukol sa mukha!" Gulat niyang sigaw tapos napahawak pa sa dibdib niya.

Tinignan naman siya ni Pria ng masama tapoa inirapan. 

"Jusko, babae ka! Sa'n ka na naman galing ha?" Galit na galit na sigaw ni Pria.

Lumapit ako sakan'ya tsaka inakbayan siya kaya kita ko sa pagmumukha niya na parang kumalma.

"Chill Pria. Okay lang ako oh."

Umakbay din si Johnny kaya nasa gitna nila ako pero kita kong nag-aaway pa rin sila. Dumidila si Johnny sabay hand sign ng loser tapos si Pria naman ay nakataas ang kilay at pinapakyuhan si Johnny.

"Oy, Johnny! Umuwi ka na sa inyo. Lagi ka nalang nakatambay dito!" Sigaw ni Pria kay Johnny tapos tinulak niya pa sa pagkaka-akbay sa akin.

"Oy, tama na 'yan. Dito ka nalang matulog, Johnny. Sleep over ganern." Suhestiyon ko at hinila silang dalawa papasok.

May plano pa atang mag wrestling sa labas, pero nang makapasok sila ay may naramdaman akong kakaiba.

Parang may nakatingin sa amin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status