A month has already passed and I still remember the feeling of how he held my hand that day. I can still remember how I felt that electricity, that spark. It felt like it happened yesterday, pero isang buwan na ang nakalipas.
Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin lang sa kisame. Tinaas ko ang isa kong kamay and I reminisced that moment at napangiti lang ako ulit.
"Oy, Sab! Nababaliw ka na ata? Anong nginingiti mo diyan?" Tanong nito sabay upo sa kama.
Tumingin din siya sa kisame at nakataas ang kilay na sinusuri kung ano bang meron."Ano tinitignan mo? Butiki?" Pagtataray nito sabay tayo.
May kinuha siya sa drawer ko at hinagis ito sa kama.
"Ano 'yan?" Nagtataka kong tanong.
Binigyan niya naman ako ng 'What-is-this-stupidity' face.Kinuha ko nalang at binuksan ang box. Lagi nalang galit 'tong si Pria. Mataray 'yan sa akin minsan pero tolerable ang kamalditahan tsaka sanay na ako sa ugali niyan.
"Pepper spray? Sa'n ko to gagamitin?"
Napatampal nalang siya sa noo niya"Pepper spray for protection syempre. Diba nga muntik ka nang maholdap dati?" Ay oo nga pala. Kinakailangan ko nga 'to.
Naglakad na siya sa pintuan pero bago siya lumabas ay may pahuli pa siyang sinabi.
"Tsaka diba mamaya na ang uwi ng mga magulang ni Dylan? Pwede mo gamitin kay Dylan para makarma rin ang gagu na 'yon." Nang-aasar niyang saad sabay tawa pa at tuluyan na siyang umalis kasi may gala pa raw siya.
Muntik ko nang makalimutan ang usapan namin ni Dylan. Alam kong hahanapin ako mamaya kapag hindi ako nagpunta at baka magtaka pa sila.Tumayo nalang ako at maliligo na sana kaso napatingin ako sa repleksyon ko sa full body mirror. Medyo lumalaki na rin ang tiyan ko. Napangiti ako pero parang nalungkot ako nang makita ko ang mukha ko.
Ang laki na ng eyebags ko, tsaka halatang hindi ko na naaalagaan ang sarili ko. Mas tumaba ako at ang gulo ng buhok ko.Nawala ang atensyon ko sa sarili ko nang tumunog nalang bigla ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha para tignan kung sino nagtext.
From unknown number: Sabrina you're coming tonight, okay? Let's meet again, same place at 3PM May i-di-discuss ako sayo.
And btw, may mag de-deliver diyan ng dress mamaya.Iyan ang natanggap kong mensahe at alam kong kay Dylan 'yon galing.
Dali-dali akong naligo at nag-ayos. Hindi ko alam kung ano ang nag-uudyok sa akin para mag-ayos at mag mukhang presentable. Parang gusto kong makita ako ni Dylan na maayos ang pagmumukha.Naglagay ako ng konting make up at napangiti ako nang makita kong maayos at hindi ako mukhang haggard.
Nang tuyo na ang buhok ko ay sinuklay ko ito at tinirintas. Parang ang ganda ko tignan ngayon.
Tapos na ako sa pag-aayos kaya kinuha ko ang cellphone ko at nilagay ito sa bulsa. Baka tawagan pa ako ni Dylan at mainip kakahintay.
Napatingin ako sa orasan at 2:45 na. Dali-dali naman akong naglakad papunta sa pintuan para tignan kung sino ang kumakatok.
"Sandali lang po!" Nagmamadali kong sigaw sabay bukas ng pinto pero napakunot ako ng noo.Walang na yung tao?
Napatingin ako sa paligid kung sino ang kumatok pero wala nang tao sa labas, baka namali lang ng bahay. Isasara ko na ang pinto nang may mapansin akong malaking box.
Bigla ko namang naalala ang text ni Dylan na may dress na padating. Siguro ito na 'yon.
Grabe alam niya ang size ko?
Binitbit ko na box at sinara ang pintuan. Pagkapasok sa kwarto ay pinatong ko sa kama ang box.Bubuksan ko ba? Baka may bomba 'to o ipis? I don't fully trust Dylan pero may chance na patawarin ko siya at kalimutan ang lahat.
Dahan-dahan kong binuksan ang box at napangiti ako sa damit na nasa loob nito. Isang violet na dress na kumikislap at alam kong saktong sakto sa akin at may kasama itong mask.
Para saan ang mask?
Nawala ang ngiti ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito at tinignan kung sino ang nagtext."Where are you?"
Oo nga pala! Si Dylan. Namangha pa ako sa damit eh, tas sinuri ko pa ng matagal. Plano ko pa sanang sukatin kaso istorbo naman itong lalaking 'to tsk!
Dali-dali akong lumabas at ni-lock ang pintuan. May susi ako sa bahay ni Pria kasi palagi ay gumagala yung isa kaya kapag tapos na ang trabaho ko at wala pa siya ay hindi ko na kailangan pang maghintay sa kan'ya sa labas.Sumakay na ako sa isang taxi at mabilis kaming nakarating sa restaurant. Medyo malapit lang siya sa amin kaso kung pipiliin kong maglakad, baka ma late lang ako. Nang makarating ay napatingin ako sa cellphone ko at saktong 3:00 PM na.
Sinilip ko muna sa labas ng restaurant si Dylan kasi baka nakabusangot na 'yon kaso 'di ko siya makita sa labas kaya pumasok nalang ako. Nilibot ko ang paningin ko at nang matanaw ko siya'y umupo ako ka agad sa upuang nasa harapan niya na may malawak na ngiti.
"Thank goodness. You're here," Nakangiti niyang saad.
"Uhm. You look beautiful today." Dagdag niya at napaiwas ng tingin.
Sus, bolero. Alam niya kasing I'm doing him a favor kaya nagpapakabait dahil kung susungitan niya ako ay papagalitan siya ng mga magulang niya kapag hindi ako dumalo at malalaman nila ang pinaggagawa niya sa akin.
Pero hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti kasi ito ang kauna-unahang beses na pinuri niya ako. Kaya medyo kinilig ako ng kunti, kunti lang naman mga 1 percent ganon.
"So, ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ko sakan'ya.
Mukha siyang maamong tuta na nahihiya. Umubo muna siya at tumingin sa akin diretso sa mata.
"Magsisimula ang party mamaya around 8 PM. Noong nakauwi sina mom and dad, ikaw ang una nilang hinanap sa akin, so I told them na nagbakasyon ka for a week and you're coming home tonight."
"I told them that you're coming home tonight." Pag-uulit nya pa.
"What if 'di ako makapunta mamaya?" Tanong ko.
Dylan leaned forward at nanigas ako sa kinauupuan ko. Tinignan niya ako sa mata na parang nagmamakaawa at hinawakan niya ang kamay ko.
"Please, Sabrina."
Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi maproseso ng utak ko ang pinaggagawa niya.When he told me that we're separating, parang wala lang sakan'ya pero ngayon parang may halaga na ako sakan'ya. Bakit nagbago siya ka agad?
"Alam kong marami akong nagawa sayo na hindi tama at kahit ilang sorry pa ang sasabihin ko, hindi na makukuha ang sakit na pinaramdam ko sa'yo. I can assure you that I've changed," he calmly said and he gave me a soft smile.
Nagbago na kaya siya? Ayaw kong mamatay na may galit kay Dylan o sa kahit na kaninong tao mn dito sa mundo.
"At patawad dahil pinalaglag mo ang anak natin." Malungkot niyang sambit at napatingin sa tiyan ko.
"Alam kong tumaba ka rin dahil sa stress kaya sana Sab, makabawi manlang ako sa'yo."
What? Akala niya pinalaglag ko ang anak namin?
"Dylan, the truth is--" Naputol ako sa pagsasalita nang may sumulpot na babae.
"Baby, kelan tayo aalis?" Malanding sambit ni Khea sabay upo sa tabi ni Dylan.
Who am I kidding? Ang tanga-tanga ko. Akala ko, merong chansa. Kahit konting chansa baka maayos pa namin kaso parang wala na.
"Oh, so this tanga girl is your ex?" Pang-iisulto nitong saad sabay kapit sa braso ni Dylan.
"Mabuti nalang at nag upgrade ka, baby. Hindi ako makapaniwala na pinatulan mo pa 'yan. Ang panget at ang taba-taba," pang-iisulto niya sa akin habang naka smirk pa.
"Love," malambing na tawag ni Dylan kay Khea na parang sinasabi na tumigil siya.
"Ugh, okay." Pagrereklamo nito.
Tumingin ulit sa akin si Dylan at ngumiti ng konti."I hope pagkatapos nitong party ay makakapag move-on na tayo. I'm gonna announce something later. Sasabihin ko ang totoo na wala na tayo at ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay."Parang binuhusan ako ng malamig na tubig."Alis na siguro kami, Sab. May aasikasohin pa kami sa party and the theme of the party is masquerade. Request 'yon ni mom eh," mahina niyang sambit sabay ngiti sa akin at inalalayan pa si Khea tumayo.
Nang makalayo sila ay nararamdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko.
Kapag ba sinabi kong hindi ko pinalaglag ang anak namin, babalikan niya kaya ako? Susubukan kong sabihin sa kanila mamaya kasi umaasa din akong panindigan niya kami ng anak niya. Alam kong nagbago na si Dylan.
Alam kong kaya niyang maging isang mabuting ama."Dylan, I'm pregnan--" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na ang malakas na pwersa sa pisngi ko.Ramdam ko ang mainit na pagdapo ng kan'yang palad at sabay nun ang pagtulo ng mga luha ko. For the nth time, sinaktan niya na naman ako."Stop it, Sabrina. Sawang-sawa na ako sayo!" Malakas niyang sigaw at tinapon ang bote ng alak na hawak niya.Napaupo nalang ako sa sahig at walang ginawa kundi umiyak.Sa dalawang taon naming pagsasama, ramdam ko palagi ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil isa lang naman akong babaeng pinakasalan niya dahil sa kasunduan ng mga magulang ko at ng mga magulang niya.Lakas loob akong nagsalita. "D-Dylan, ni minsan ba h-hndi mo ba ako m-minahal?" "Minahal? Are you f*cking serious Sabrina? Tinatanong pa ba yan? Tignan mo nga yang sarili mo sa salamin at itanong mo kung may mag mamahal ba sayo!!!" Malakas niyang sigaw at nilapitan ako.Nakaupo pa rin ako at ramdam ko ang hapdi ng mga mata ko. Minahal ko ng
"The baby is fine. No need to worry. You were unconscious for a few hours and the dizziness that you're feeling is quite normal sa mga taong buntis."Napahinga naman ako ng maluwag. Nag-usap pa kami ng doctor at sinabi niyang anytime ay pwede na akong makalabas. Napahimas naman ako sa tiyan ko at napangiti. 'Mabuti at safe ka anak.' Saad ko sa isipan.Lumapit naman sa akin si Pria at kinwento ko sakan'ya ang lahat na nangyari sa coffee shop. Parang matatawa ako sa mukha niya dahil kita kong galit na galit siya."Nako Sab. Kung ako sayo tinadyakan ko ang mga 'yon!!" Nanggigigil niyang saad.Tinawanan ko lang siya at kita kong inis na inis pa rin siya."Ano ka ba Pria. Ayos lang tsaka baka ano pa isipin ni Dylan.""Si Dylan na naman? Dapat ang iisipin mo ay ang sarili mo. Ewan ko ba bakit inlove na inlove ka sa peste na 'yon?! Mas gwapo pa yung lolo ko noong kabataan niya kesa don!" Inirapan niya ako bigla kaya natawa nalang ako.Kahit kelan ay ang arte talaga nito."So, ano? Jojowain
Parang bumabalik na naman ang trauma na nakuha ko sa kan'ya kaya dali-dali kong hinala ang kamay ko para bitawan niya at tatalikuran na sana siya, pero kinuha niya ito ulit at mas hinigpitan pa ang hawak."I said we need to talk." May diin niyang sambit."N-Nasasktan ako Dylan, b-bitawan mo ako!" Sabi ko.Hindi ko na iiyakan ang taong 'to dahil sawang-sawa na ako, pero bakit umiinit ang mga mata ko at nararamdaman kong aagos na ang mga luha ko?Bigla niyang binitawan ang kamay ko at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks. Nakasuot siya ng suit at ang buhok niya'y medyo magulo pero bumabagay din sakanya at mas lalong nagpapagwapo sa kanya."Sorry," mahina niyang sambit at umiwas ng tingin.Si Dylan nag so-sorry? Himala! Ano kayang nakain nito? Noong sinasaktan niya ako, ni isang sorry ay wala akong natanggap. Ito na ba ang epekto ni Khea sakan'ya?Pinunasan ko nalang ang mga luha ko't tinignan siya nang diretso sa mata."Ano ba kailangan mo? Ako na nga ang umiiwas."Nak
Akala niya'y makukuha niya ako sa pa ganyan-ganyan niya."And here." Patago niyang nilagay sa harapan ko ang isang sim card.Inasikaso naman ng kasamahan ko ang order nila. Kinuha ko nalang ang sim card at dali-daling nilagay sa bulsa ko.Mamamatay na ba siya kaya ang bait-bait nya sa akin?Nang makuha niya na ang order nya ay tinitigan pa niya pa ako nang matagal. "Come on, baby." Naiiinip na sambit ni Ava sabay hila kay Dylan.Nang makaalis na sila ay napahinga ako ng maluwag. Bagay talaga silang dalawa. The beast and the beast, walang beauty kasi kung ibabase natin sa ugali, parehas asal hayop.Pero napapaisip ako sa inaasal ni Dylan, siguro nagbago na talaga siya. Kapag tuloy-tuloy 'to ay posible na patawarin ko siya pero hindi na ako magpapadala sa mga katangahan ko dati."Oy, kilala mo ba 'yon?" Tanong ng kasamahan ko sabay sundot sa tagiliran ko."Hindi ah!" Sabi ko sabay iwas ng tingin."Ampogi naman no'n. Pakilala mo ko Sab." Sambit niya sabay tawa at inasikaso ang ibang c