Share

Sabrina's Mistake
Sabrina's Mistake
Author: Miyashe26

CHAPTER 1

"Dylan, I'm pregnan--" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na ang malakas na pwersa sa pisngi ko.

Ramdam ko ang mainit na pagdapo ng kan'yang palad at sabay nun ang pagtulo ng mga luha ko. For the nth time, sinaktan niya na naman ako.

"Stop it, Sabrina. Sawang-sawa na ako sayo!" Malakas niyang sigaw at tinapon ang bote ng alak na hawak niya.

Napaupo nalang ako sa sahig at walang ginawa kundi umiyak.

Sa dalawang taon naming pagsasama, ramdam ko palagi ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil isa lang naman akong babaeng pinakasalan niya dahil sa kasunduan ng mga magulang ko at ng mga magulang niya.

Lakas loob akong nagsalita. "D-Dylan, ni minsan ba h-hndi mo ba ako m-minahal?" 

"Minahal? Are you f*cking serious Sabrina? Tinatanong pa ba yan? Tignan mo nga yang sarili mo sa salamin at itanong mo kung may mag mamahal ba sayo!!!" Malakas niyang sigaw at nilapitan ako.

Nakaupo pa rin ako at ramdam ko ang hapdi ng mga mata ko. Minahal ko ng todo si Dylan, kaya kahit ganun ang pakikitungo ko ay iniintindi ko siya. Kahit na tagos sa bato kung magsalita sya sakin ay pilit kong iniintindi.

He suddenly grabbed my hair.

"A-Aray, Dylan. Nasasaktan ako!" Naiiyak kong sambit at sinusubukang kunin ang mahigpit niyang hawak.

"Let me remind you Sabrina. Hindi kita minahal at kahit kailan ay hindi kita mamahalin." Mariin niyang sambit at mas lalong hinigpitan ang hawak sa buhok ko.

Bigla niya akong kinaladkad papunta sa kwarto namin.

"Dylan, t-tama na. Nasasaktan ako," Kahit anong pakiusap ko ay parang hindi niya ako naririnig.

Bigla niya akong hinagis sa mga maleta.

"Inempake ko na ang mga gamit mo. Umalis ka na at permahan mo na rin ang divorce paper." Malamig niyang sambit at tinalikuran na ako.

"P-Pero b-buntis ako Dylan! Buntis a-ako! P-Panagutan mo naman ako pakiusap..."

"Wala akong pake. Ipalaglag mo ang bata." Malamig niyang sambit at mas lalo lang bumuhos ang luha ko.

Parang wala lang sa kan'ya ang anak namin. Bigla akong tumayo at binitbit ang mga maleta ko. Hinimas ko ang tiyan ko at pinermahan ang divorce paper.  

Para sa anak ko ay ilalayo ko siya sa panganib at kay Dylan. Papalakihin ko siya mag-isa na walang ama, ako ang magsisilbing ina at ama niya!

Habang paalis ay rinig na rinig ko si Hiro na may kausap sa telepono. Rinig ko ang tawa niya na sa pagsasama namin ay hindi ko 'yan narinig. 

"Yes, I love you." Galak niyang sambit sa telepono. Alam kong kausap niya na naman si Khea, his mistress and the woman he loves.

Dinala ko na ang maleta at kahit umuulan ay wala akong magagawa. Bumubuhos ang ulan at sabay ding bumubuhos ang mga luha ko.

The first time I met him, I know it was love at first sight. I met him sa school namin. He's a popular guy, lahat ng mga babae ay nagkakandarapa sakan'ya. Kahit sino ay mahuhumaling sakanya. I viewed him as someone who's smart, a gentleman and hindi ko matatanggi ang kagwapohan niyang taglay.

Noong pinakilala ako ng parents ko kina Tita at Tito, everything went well. At first, tutol ito sa kasunduan nila, pero sa katagalan ay pumayag din. Mayroon din silang kasunduan na hindi niya makukuha ang mana kapag hindi niya ako pinakasalan. Out of all guys, sya lang talaga ang nagpatibok ng puso ko at hindi ko inakala na sya pa talaga ang papakasalan ko.

At first, I thought I was the luckiest girl. Sa una naming pagsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa, okay naman ang lahat. Lagi ko syang pinagsisilbihan, pero ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Ginawa ko ang lahat para mapasaya siya, pero parang kulang pa rin, parang kulang ako para sakan'ya. 

Maraming beses na ring may nangyari sa amin, pero pagkatapos noon ay umaalis lang siya bigla. Sinasabi niya na may dapat siyang ayusin sa kompanya nila, pero ang hindi niya alam ay alam kong may babae siya. Hindi niya alam na habang sumisikip ang dibdib ko sa lungkot ay palagi ko pa rin siyang pinapatawad. 

Kapag binabanggit ko ang babae niya, palagi nalang umiinit ang ulo niya at sinasaktan niya ako. Binugbog, sinasampal, sinasabunot, sinusuntok sa tiyan. Lahat ng sakit at mura ay nakuha ko, pero kahit ganun ay nakukuha ko pa rin siyang patawarin at mahalin.

Pero iba na ngayon. Pipiliin ko muna ang sarili ko at ang anak ko. Kahit saktan ako ng ilang beses ni Dylan, huwag niya lang saktan ang anak ko dahil ako na ang makakalaban niya.

_

1 month later

After the accident happened, wala na akong bahay na matutuluyan. Last year, noong bibisita sana ang mga magulang ko sa amin, nahulog ang bus na sinasakyan nila. It was night time and may nakasalubong silang truck na nawalan ng preno at dahil doon ay nagpanic ang bus driver. Isa ang mga magulang ko sa nasawi sa aksidenteng 'yon. Doon din nagsimula na gumuho ang buhay ko. 

I poured my heart and soul to Dylan. I showered him with love and kindness, pero pananakit lang ang binalik niya sa akin. Siya nalang ang natitira sa akin kaya pinahahalagahan ko siya ng sobra. 

Hindi naman kami mayaman, pero nagkataon na magkaibigan ang mga magulang ko at ang mga magulang ni Dylan. Nasa states sila kaya wala din silang kaalam-alam kung ano ba ang kalagayan namin.

For a month nagtratrabaho ako sa isang coffee shop para may makain ako at mapalaki ko nang maayos ang anak ko. Medyo maayos din ang pasahod nila, malaki-laki rin at sakto lang para sa akin. Hindi na rin ako nahihirapan sa paghanap ng matitirhan dahil tinulungan ako ng matalik kong kaibigan na si Pria. Lagi siyang nakabantay sa akin at kung may masakit man sa akin ay inaasikaso niya ako.

"Sabrina, bakit ka nakatulala diyan?! Kita mong may customer oh!" Sigaw ng kasamahan ko sa trabaho.

"Sorry po."

Napatingin ako sa customer na nasa harapan ko. Masama ang tingin niya sa akin na parang gusto niya akong kainin. Napatingin ako sa kan'ya. Ulo hanggang bewang. May katangkaran at maganda ang katawan niya.

"Miss, kanina pa ako nakatayo dito. Ayusin mo naman ang trabaho!" Naiinis niyang sambit at inirapan ako.

"Sorry po, ma'am." Pagpapaumanhin ko at inasikaso ang order niya.

Naghanap siya ng mauupuan at umupo doon. Nakatingin lang siya sa mga daliri niyang bagong manicure. Maganda din siya, pero ramdam ko ang inis niya sa akin kaya nag bago ang isip ko, ampangit nya pala para sakin.  

Matapos kong maasikaso ang order niya'y inutusan din ako ng kasamahan ko na ako na ang lumapit sa table niya at ako na ang magbibigay ng order niya.

Binitbit ko na ang order niya at nang papalapit sakan'ya ay nakaramdam ako ng hilo. May kausap siya sa cellphone niya kaya parang hindi niya ako napansin.

"Yes, babe. Paalis na ak-"

Nabitawan ko ang tray at nabuhos ang dalawang kape sa puti niyang damit. 

"What the hell!" Matindi niyang sigaw at napatayo sa upuan.

Nararamdaman kong matutumba ako kaya napahawak ako sa lamesa. Lumalabo ang mga mata ko at parang nabibingi ako. Kita kong sumisigaw siya, pero hindi ko siya marinig ng maagi. 

Dali dali akong umupo, pero tuloy pa rin ang sigaw nung babae. Ang mga staff ay lumapit na rin at kita ko ang kaba sa mga mata nila. Nagsosorry sila at nagpapaliwanag na masama ang pakiramdam ko, pero sigaw pa rin siya ng sigaw.

"Ang mahal mahal nitong damit ko!"

Naramdaman kong bumukas ang pinto at may lalaking tumakbo papunta sa direksyon ng babae.

"Khea? Are you okay?" Parang nasimento ako sa kinauupuan ko. 

Kilala ko ang boses na yon. Dahan-dahan akong napatingin sa kanila kahit nanghihina ako. Nararamdaman ko nalang na parang nag-iinit ang mga mata ko. Ramdam kong nanunubig ang mga mata ko.

Khea? Siya si Khea? Hindi ko pa siya nakikita, pero siya ang babae ni Dylan.

"Baby, let's go nalang. Kasalanan kasi nitong tatanga-tangang staff na 'to! Ipasesante ko kaya to!" Naiinis niyang sambit.

Sinubukan kong tumayo at kumapit pa lalo sa lamesa para hindi ako matumba.

Napatingin ako kay Dylan at napatingin din siya sa akin. Nagkatitigan kami at kitang-kita ko sa mga mata niya na buhay na buhay ito, hindi katulad noon na walang kabuhay buhay. Alam kong nagulat si Dylan, pero hindi niya 'yon pinahalata.

Hanggang ngayon ay tumitibok pa rin ng malakas ang puso ko kapag nakikita ko siya. Ni isang beses ay hindi 'yon nawala. 

Sabi nga nila first love never dies. First love never dies nga naman talaga kase ang masamang damo matagal mamatay, kaya nga buhay na buhay pa yang si Dylan eh.

"Let's go, love. Hayaan mo na yan. Walang kwenta yan," malamig niyang sambit at hinila si Khea paalis pero inirapan pa ako ni Khea bago umalis.

Parang sinaksak ang puso ko nang paulit-ulit. Ang sakit magmahal, nakakatanga. Bakit kasi si Dylan pa ang minahal ko? 

Sa pagtayo ko'y naramdaman ko ang pagkahilo at parang umitim ang paligid. 

Naramdaman ko nalang na biglang bumagsak sa sahig ang katawan ko.

_

"D-Dylan..." mahina kong sambit.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid at napakalambot ng hinihigaan ko. Ilang oras na kaya akong nakahiga dito? Ramdam ko pa rin ang konting pagkahilo at medyo masakit ang ulo ko. Nilibot ko ang mga mata ko at puti ang paligid at amoy na amoy ko ang mga gamot. 

Nasa hospital pala ako.

Anong nangyari? Ang natatandaan ko lang ay ang babaeng sumisigaw... at si Dylan. Bakit ba nagkita kami ulit?

Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. Nang mabuksan ko nang maagi ang mga mata ko'y pansin kong may taong nakahiga sa lamesa, sa bandang kaliwa ko. Tuloy-tuloy lang ang pagbuhos ng mga luha kaya hindi ko na mapigilang humagulgol. 

Nagising naman ang taong nakahiga at dali-daling lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba bes?" Nag-aalalang tanong ni Pria.

Tumango lang ako habang tumutulo ang mga luha ko. Hanggang ngayon ay masakit pa rin.

"Si Dylan na naman ba? Sarap sampalin niyang ex mo!" Naiinis niyang sambit at niyakap ako bigla.

"Tahan na Sab, wag mo na isipin yung gagung 'yon! Hindi siya worth it, okay?" 

Tumango lang ako at pinunasan ang mga luha. Siguro'y uumpisahan ko nang kalimutan nga siya.

Bigla namang may pumasok kaya umalis na sa pagkakayakap si Pria. Lumapit ang doctor at tinignan ang papel na hawak.

"Ms. Salcedo, how are you feeling?" Galak niyang tanong.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Baka napahamak ang anak ko.

"I'm okay Doc. How's my baby?" Nag-aalala kong tanong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status