Share

CHAPTER 2

"The baby is fine. No need to worry. You were unconscious for a few hours and the dizziness that you're feeling is quite normal sa mga taong buntis."

Napahinga naman ako ng maluwag. Nag-usap pa kami ng doctor at sinabi niyang anytime ay pwede na akong makalabas. 

Napahimas naman ako sa tiyan ko at napangiti. 

'Mabuti at safe ka anak.' Saad ko sa isipan.

Lumapit naman sa akin si Pria at kinwento ko sakan'ya ang lahat na nangyari sa coffee shop. Parang matatawa ako sa mukha niya dahil kita kong galit na galit siya.

"Nako Sab. Kung ako sayo tinadyakan ko ang mga 'yon!!" Nanggigigil niyang saad.

Tinawanan ko lang siya at kita kong inis na inis pa rin siya.

"Ano ka ba Pria. Ayos lang tsaka baka ano pa isipin ni Dylan."

"Si Dylan na naman? Dapat ang iisipin mo ay ang sarili mo. Ewan ko ba bakit inlove na inlove ka sa peste na 'yon?! Mas gwapo pa yung lolo ko noong kabataan niya kesa don!" Inirapan niya ako bigla kaya natawa nalang ako.

Kahit kelan ay ang arte talaga nito.

"So, ano? Jojowain ko ba ang lolo mo?" Pangtritrip ko sakan'ya.

"Gaga patay na yon."

"Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Sabi niya at nag sign of the cross pa.

"Tsaka baka tadyakan ka ng lola ko."

Sabi niya at nag sign of the cross ulit.

Nakalipas ang ilang oras at puro lang kami tawanan ni Pria. Kahit ang bigat ng kalooban ko'y parang nagiging okay na rin ako. Siguro kailangan ko na ring alagaan ang sarili ko. Pansin kong tumaba ako ngayon dahil sa stress at ang kadahilanan noon ay ang pananakit at ang pambababae ni Dylan. Lagi akong nag i-stress eating at nawala na rin ang self confidence ko.

Ang taba mo na Sabrina. 

Ang panget mo Sabrina. 

Yan ang palaging sinasabi sa akin ni Dylan dahil hindi ko na raw inaalagaan ang sarili ko, pero hindi niya alam na siya naman ang dahilan kung bakit ako naging ganito.

Kinausap pa kami ng doctor at sinabihan niya kaming pwede na akong umalis at may binigay siyang suggestions at vitamins na dapat kong inumin pagkatapos ay nagpasalamat naman kami at umalis na.

Habang naglalakad paalis ng hospital ay naisipan kong bisitahin si Johnny. Isa ko ring kaibigan at kalandian ni Pria.

"Pria punta tayo kina Johnny." Sabi ko.

Hinawakan ko siya sa braso at nag puppy eyes.

"Luh, ayoko nga!" Sigaw niya at inirapan pa ako.

"Sige na, diba kayo na?" Pagpupumilit ko sakan'ya.

Bigla naman kaming tumigil sa paglalakad at mukha siyang parang natatae.

"Sab, ayoko nga... Ghinost ko na kasi si Johnny hehe." Sabi niya at kinamot ang batok.

Ganyan talaga si Pria. Kapag na-bo-bored sa kalandian ay ghino-ghost niya lang. Ewan ko nalang diyan baka kapag nahanap niyan ang katapat niya'y iiyak yan tsaka mag sa-sad girl posting.

"Osige, ihatid mo nalang ako dun." Suhestiyon ko kaso bigla namang umilaw ang mukha niya.

"Sige, punta nalang tayo don. Sama ako, pagtritripan ko si Johnny eh. Nag s-sad boy posting ang kupal!" Sabi niya at tumawa pa ng malakas. 

Sumabit siya sa braso ko tapos naglakad na kami papunta sa bahay ni Johnny.

Malaki ang bahay nina Johnny, halos mga mansion din ang mga katapat na bahay nila. Nang makarating sa paroroonan namin ay kakatok na sana ako kaso ito namang si Pria bigla nalang pumasok at hinala pa ako sa loob.

"Hello Johnny, miss me?" Malakas na sigaw ni Pria.

Napatingin naman kami kay Johnny na kumakain ng pizza sa sofa habang yakap-yakap ang teddy bear. Nang makita niya si Pria ay bumusangot ang mukha nito. 

"Ano ginagawa mo dito ghoster!" Nagtatampo niyang sambit at nang makita niya ako'y lumapit siya sa akin.

"Sabrina kamusta kana!" Nagagalak niyang sambit at niyakap ako ng mahigpit.

"Oy, oy! Layo-layo sa bff ko, may junakis diyan sa loob ng tiyan." Pagtataray ni Pria at hinila si Johnny papalayo sa akin.

Nagseselos lang talaga yan. Alam kong may gusto pa rin yan kay Johhny. Medyo pa-hard to get lang itong babaeng 'to tsk.

Napatitig ito sa tiyan ko. Malaki ang ngiti ni Johnny kanina pero parang bigla itong naglaho. Parang namutla siya at nag-iba ang exspresyon ng mukha niya.

Nakilala ko si Johnny kasi matalik na magkaibigan sila ni Dylan, pero noong nalaman niyang sinasaktan ako ni Dylan ay kinalimutan na niya ang pagkakaibigan nila. 

"Sabrina alam mo na ba?" Kinakabahan niyang tanong.

"Ang alin?" Tanong ko pero pinaupo niya muna ako at pinainom ng tubig.

Kinakabahan naman ako. Baka trip lang 'to ni Johnny.

"Nabuntis ni Dylan si Khea. She's 2 weeks pregnant."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nakatulala lang ako at iniisip kung gaano siya ka-unfair.

"Sab..." pag-aalalang sambit ni Johnny.

Papalaglag ko raw ang anak ko sabi ni Dylan, pero yung kabit niya papanindigan niya? 

"Gagu talaga ang lalaking 'yon!" Inis na inis na sambit ni Johnny at umupo sa sofa sabay kain din ng pizza.

Gusto kong umiyak, pero parang sawang-sawa na ang mga mata ko. Nagulat ako, pero alam kong hahantong din sa ganito. 

"Paano nagkakilala si Dylan tsaka Khea?" Tanong ko at kahit parang binugbog na ang puso ko sa sakit. Ni isang luha ay wala nang tumutulo sa mga mata ko.

Napakamot muna si Johnny sa batok niya at inisip niya muna. 

"Parang assistant ata ni Dylan si Khea." Sabi niya habang nakatingin sa kisame na parang nag-iisip.

"Hindi ko ma gets yang ex mo. May problema ata yan sa utak." Komento ni Khea.

Bigla akong napaisip. Kelan ko nga nalaman na nagtataksil si Dylan?

Nalaman ko ang pagtataksil nila ni Khea dahil noong naiwan niya ang cellphone niya sa bahay, may tumawag sakan'ya.

'Baby, please pick me up na.' That was the exact words na sinabi niya sa akin. I confronted Dylan about the call, pero he kept on denying it. I don't know why he'd just bluntly deny her, tapos ibabalik niya lang sa akin na I'm cheating with Johnny daw na wala namang pruweba. 

"I already saw Khea, but I don't think that she knows it's me."

"Mga kabit talaga sarap sakalin. Kung ako sayo magpapakulo ako ng tubig tapos ibubuhos ko sakanila!" Sambit ni Pria at sinakal pa si Johnny.

"Oh, bakit ako na naman? Umalis ka nga dito Pria. Kasi ghoster ka!" Galit niyang sambit at biglang sumabit sa braso ko.

"Kaso Sabrina, di lang ako sure na buntis si Khea ha. Ewan ko ba dun sa source ko baka hindi totoo." Kinuha niya naman ang cp niya at chineck ang gc nilang magkakaibigan.

"Wala naman akong pake kung hindi totoo, pero alam naman nating doon pa rin papunta." Kalma kong sambit.

"Di pa ako kinikick ni Dylan sa gc oh. Mag s-spy muna ako." Nag scroll up muna siya para mag back read at bigla namang lumiwanag ang mukha niya.

Tumawa ito saka nagsalita. "Sorry Sabrina, fake news pala. Nagtanong si Edison kung totoo ba ang chismis tapos dineny ni Dylan na hindi totoo tsaka wala pa naman daw sinasabi si Khea. Kanina lang to oh," sabi niya at bumalik ang ngiti sa mukha niya.

Parang nawala ang tinik sa dibdib ko. Kahit naman magka anak sila ay wala akong magagawa.

"Gagu ka Johnny! Kinabahan 'tong bff ko oh! Baka sipain ka ng junakis niyan pag lumaki nako, bawal pa naman sa mga buntis ma stress." Galit na sambit ni Pria tas inirapan si Johnny.

Nakahiga lang ako at nakatulala sa kisame. Ano kaya pwedeng gawin habang naka leave of absence? Naisipan kong maglinis ng kwarto, kaso burara kasi si Pria. Baka hanapin pa sa akin ang mga gamit niya. 

Nakahiga lang ako at hinimas ang tiyan nang biglang may pumasok sa kwarto at kita ko ang tuwang-tuwa niyang itsura.

"Sabrina bessy!" Galak niyang sigaw at tumalon sa kama at parang kilig na kilig pa.

"Oh, bakit parang excited ka na parang kiti-kiti?" Pang-aasar ko kay Pria pero ngumuso lang ito.

"Ta da!" Malakas niyang sigaw at binigay sa akin ang isang paper bag.

"Oy, ano to."

"Edi tignan mo. Tanong ka ng tanong. Silipin mo nalang dali!" Pagtataray niya at inirapan pa ako.

Tinignan ko kung ano nga ba ang nasa loob ng paper bag at isang itong box ng iPhone? At ang latest model pa talaga ang binili niya. Napatingin ako kay Pria na malapad ang ngiti kaya dali-dali ko siyang niyakap.

"Salamat, Pria. Ang swerte ko talaga kasi kaibigan kita." Naiiyak kong sambit at niyakap siya ng mahigpit.

Mayaman din naman ang pamilya nila Pria kaso mostly is nagpapalibre pa siya sa akin kaya akala ng iba ay wala siyang pera.

"Oh, tahan na Sab." Tinapik niya naman ang likod ko.

Nag-usap pa kami ng saglit at napatingin siya sa relo niya.

"Alis muna ako ha. May pupuntahan pa ako eh." Nang sinabi niya yun ay niyakap ko pa siya ng isang beses. 

Kumaway sya sakin at nagpaalam na.

Dahil doon ay umalis din si Pria ka agad at sinabihan niya akong sasamahan niya sana ako sa pagbili ng sim card, kaso kung pwede raw ay ako nalang muna mag-isa ang bibili. Kaya noong paalis siya ay inayos ko na rin ang damit ko at dinala ang wallet ko. May mga bilihan ng sim card na malapit sa amin kaya hindi ko na kailangan na pumunta pa sa mall.

Lumabas na ako at ni-lock ang pintuan kaso may napansin ako. Pakiramdam ko parang may nakatingin sa akin. Napalingon ako at napatingin sa paligid, ngunit wala akong makitang tao na kahina-hinala. 

Nang magsimula akong maglakad ay nararamdaman ko ring may sumusunod sa akin.

Weird.

Nang makalayo-layo na ako'y parang nawala na rin ang kaba na nararamdaman ko.  

Baka guni-guni ko lang talaga.

Nakatingin pa ako sa likod ko habang tumatawid kaso may malakis na busina ng sasakyan akong narinig.

Napatingin ang direksyon ko sa sasakyan at parang nasimento ako sa kinatatayuan ko, kita kong papalapit ang sasakyan pero hindi ako makagalaw. Napapikit nalang ako pero naramdaman kong may humila sa kamay ko. 

Hindi pa rin nag p-pprocess ang mga pangyayari kaya nakatulala lang akong nakatingin pa rin sa sasakyan.

Nang matauhan ay napatingin ako sa taong tumulong sa akin. Mabuti at hinila niya ako dahil kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa akin at sa baby ko.

"Stupid," malamig nitong sambit pero nanlamig at namutla ako nang marinig ang pamilyar boses na 'yon.

"We need to talk Sab."

Napatingin ako sa lalaking nakahawak pa rin sa kamay ko. 'Yan din ang mga kamay na sumuntok, sumampal at ang walang awang nanakit sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status