Share

CHAPTER 3

Parang bumabalik na naman ang trauma na nakuha ko sa kan'ya kaya dali-dali kong hinala ang kamay ko para bitawan niya at tatalikuran na sana siya, pero kinuha niya ito ulit at mas hinigpitan pa ang hawak.

"I said we need to talk." May diin niyang sambit.

"N-Nasasktan ako Dylan, b-bitawan mo ako!" Sabi ko.

Hindi ko na iiyakan ang taong 'to dahil sawang-sawa na ako, pero bakit umiinit ang mga mata ko at nararamdaman kong aagos na ang mga luha ko?

Bigla niyang binitawan ang kamay ko at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks. Nakasuot siya ng suit at ang buhok niya'y medyo magulo pero bumabagay din sakanya at mas lalong nagpapagwapo sa kanya.

"Sorry," mahina niyang sambit at umiwas ng tingin.

Si Dylan nag so-sorry? Himala! Ano kayang nakain nito? Noong sinasaktan niya ako, ni isang sorry ay wala akong natanggap. Ito na ba ang epekto ni Khea sakan'ya?

Pinunasan ko nalang ang mga luha ko't tinignan siya nang diretso sa mata.

"Ano ba kailangan mo? Ako na nga ang umiiwas."

Nakakainis. Kung saan gusto ko nang mag move on, doon naman siya mangungulit ulit.

"'Wag tayong mag-usap dito. Let's talk somewhere private. Siguro doon sa favourite restaurant ni mom." Mahina niyang sambit at naglakad papalayo para kunin ang kotse niya.

"And what makes you think na sasama ako sayo?"

"Alam kong sasama ka. I know you Sabrina." Seryoso niyang saad.

He really knows me huh? Pwes tignan natin. Naglakad ako sa ibang direksyon at hindi siya sinundan. Lakad lang ako ng lakad sa side walk nang may sasakyang nakasunod sa tabi ko.

Naglakad lang ako nang mabilis. Binaba niya naman ang car window niya at nag smirk lang sa akin.

Ang pogi. 

No, Sabrina. Hindi tayo magiging marupok for today. Isipin mo ang pananakit at trauma na binigay niya sayo. 

Wag tayong magpakatanga okay!

"Sabrina, I have to tell you something kaya sumakay ka na." Seryoso niyang saad.

Pwede niya namang sabihin dito ah? Kailangan ko pang sumama sa kan'ya. Ano siya sineswerte?

"Look I'm trying to be nice, okay?" Naiinis niyang saad.

Eh, di noon palang ay nagpakabait na siya sa akin. Hindi ko lang siya pinansin at naglakad pa papalayo.

"Ginusto mo talaga to." Bigla niyang hininto ang kotse at bumaba sa sasakanyan.

Bigla siyang lumapit sa akin at nang makalapit siya sa akin ay napatingala ako sakan'ya. Paano ba naman eh, ang tangkad niya! Napalunok nalang ako kasi ang lapit niya sa akin ng sobra. 

Nako hearty, wag kang tumibok ng sobra. Napangisi bigla si Dylan at mas lalo lang tumibok ang puso ko. Nakatulala lang ako sa kan'ya parang na hihipnotismo ako ng mga mata niya at doon nalang ako nabalik sa katinuan ng mapansin kong hinila niya na ako sa kotse niya at nakasakay na ako. 

Dali-dali naman siya sumakay at pinaandar ang kotse. Kaya wala akong magawa kundi umupo nalang.

Sabrina, bakit kasi ang rupok mo pero 'di na ako magpapadala sa katangahan ko dati. Let's just get this over with para hindi na niya ako kukulitin. I have my priorities at ang anak ko 'yon! Nakatatak na sa puso ko ang mga sinabi ni Dylan sa araw na 'yon.

Enjoy na enjoy ako sa paghigop ng milkshake ko habang todo kwento si Dylan. 'Di ko siya maintindihan bahala siya diyan basta ang sarap nitong milkshake.

"Sabrina, are you listening to me?" Tanong niya nang mapansing hindi ako nakikinig.

"Hindi." Sagot ko habang nakangiti sa iniinom ko.

"Geez, sa lahat ng sinabi ko. Ano ang hindi mo naintindihan?" Naiinis niyang tanong.

"Lahat, kasi hindi naman ako nakikinig." Walang pake kong sagot sabay kagat ng straw.  

Ang sarap kaya kagat-kagatin ang straw.

He clenched his fist at alam kong inis na inis na siya. Edi mainis siya! Huminga muna siya ng malalim at biglang ngumiti sa akin.

Parang ang weird makita siyang nakangiti. Si Dylan ba talaga 'to? Baka kakambal niya lang. Kahit minsan ay 'di ko siya nakitang ngumiti, laging nakabusangot.

"Okay, from the top."

Humigop muna siya sa kape at tumingin sa akin ng seryoso.

"I'm sorry for everything Sab."

Napatingin ako sa mga mata niya. 

Hindi ko malaman kung sincere ba siya o ano. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react. Matutuwa ba ako o malulungkot dahil kahit ilan pang sorry ang sabihin niya'y 'di ko siya mapapatawad.

"Okay and I don't forgive you Dylan."

Napataas naman ang kilay nito. 

"Nag so-sorry na ako oh!"

"And it does not mean that I should forgive you. Saying sorry is not enough." Naiinis kong sagot.

Akala niya sa ganon-ganon lang ay makikipag-ayos ako sa kan'ya?

"Sabihin mo nalang kung ano ang pakay mo." Malamig kong sambit.

"Dad sent me a message this morning. Uuwi raw sila ni mom in 2 months."

"In 2 months, babalik ka sa bahay. Hindi pa rin nila alam na nag divorce tayo and you know that they will be very disappointed. I'm gonna plan a huge party for them and I want you to be there." Mahina niyang sambit.

"Pwede mo namang sabihin na wala na tayo." At bakit isasali pa ako ni Dylan dito. Kung saan nananahimik na ako'y doon niya naman ako ginugulo.

"Well, I'm gonna announce something sa party." Parang masama ang pakiramdam ko sa party na 'to.

"What is it?" Nag-aalala kong tanong.

"Secret," sambit niya sabay ngiti ng malaki.

Nagdududa pa rin ako sa inaasal ni Dylan. Nang matapos ang diskusyon namin ay hinatid niya pa ako kina Pria. Halatang may kailangan siya sa akin kaya nag babait-baitan. Parang 'di na ako nasanay sa ugali niyan na kapag binibisita kami nina Tita at Tito sa bahay, ang sweet-sweet. Kini-kiss pa ako sa noo at pinagsisilbihan pero kapag wala na sila ay tinuturing naman akong katulong.

Napaka plastic at mapagkunwaring lalaki!

Nang makababa sa sasakyan niya'y sakto ding kakauwi lang ni Pria at kasama niya pa si Johnny na may bitbit na cake. Binubuksan niya ang bahay at nagulat nang makita akong bumaba sa isang sasakyan. 

Umalis naman ka agad si Dylan. 

Tumakbo sila ka agad papunta akin at kita ko sa mukha nila ang pag-aalala.

"Sab! Oh my god! Sino kumidnap sayo?" Nag-aalala niyang tanong sabay check sa akin.

"Oy, Sab. Ayos ka lang ba? Sino ang gagong 'yon ha?! Ano uupakan na ba namin?" Galit na galit na tanong ni Johnny.

Tinawanan ko lang sila dahil ang epic ng pagmumukha nila. "Kwento ko sa inyo sa loob. Natatakam ako sa cake."

Nang makapasok ay pinaupo nila ako ka agad at pinainom ng tubig. Alagang-alaga talaga ako sa mga kaibigan kong ito. 

"Ano na Sab?" Naiinip na tanong ni Pria at binuksan ang cake.

"Ipag-slice mo muna ako, nagugutom ako." Sambit ko sabay puppy eyes.

"Jusko! Pabitin naman ne'to." Naiinip niyang sambit sabay slice sa akin ng cake.

Kinain ko muna ang cake sabay kwento.

"Sho ganito ang nangyawi. Shi Dylan kinaushap akwo," kwento ko habang punong-puno ng cake ang bibig ko.

"Ano? Kaloka ka 'di kita maintindihan!" Naiinis na sabi ni Pria.

"Sabi niya kinausap daw siya ni Dylan." Pag-eexplain ni Johnny kay Pria.

Napahinga naman ng maluwag si Pria.

"Oh, akala ko nakidnap kinausap lang pal-" Nang ma-realize niya ay kita kong pumula ang buo niyang mukha. 

Nilalamon ko lang ang cake dahil gutom na gutom ako at takam na takam.

"Sab! Babae ka ang rupok rupok mo!" Galit na galit niyang sambit.

"Hindwi naman sha ganon. Kashi- wait kwain pa ako cake. Isha pang slice pwease." Pagpapakeut ko habang punong-puno nang cake ang bibig ko.

"Alam mo Sab. Kung hindi lang kita bff sasabunutan na talaga kita!" Naiinis na sigaw ni Pria sabay yugyog sa buo kong katawan.

"Noong umulan ng karupokan, di mo lang sinalo lahat. Nag swimming ka pa!" Dagdag pa ni Johnny.

Nang maubos ko ang kinakain ko ay sumimangot nalang ako.

"Ano ba kayo, sinabihan lang ako na pauwi sina mommy at daddy in 2 months or should I say Tita and Tito since hiwalay naman na kami ni Dylan."

"So, ano ngayon kung pauwi mama niya tsaka papa? Bibigyan ko ba siya ng medal?" Pagtataray niya.

"Iniimbitahan kasi ako ni Dylan na pumunta. Siguro para di sila mabigla ka agad. Sasabihin ko rin naman na hiwalat na kami ni Dylan." Sambit ko sabay higa ka agad sa kama.  

Inaantok ako bigla.

"Sama kami ni Pria. Syempre para maprotektahan ka namin." Pagprepresenta ni Johnny, bilang body guard ko kahit alam ko namang kaya ko ang sarili ko.

Kahit wala sila ay kaya ko ang sarili ko. Ang dami pang sinermon ni Pria tsaka Johnny kaso 'di ko na sila maintindihan dahil inaantok na talaga ako.

_

1 month later

It's been a month at medyo lumalaki na rin ang tiyan ko. Mas lalo lang akong nakakaramdam ng pagkapagod pero kaya ko pa namang magtrabaho. Ilang beses na akong pinapagalitan nina Pria tsaka Johnny pero kahit anong pilit nila ay hindi pa rin nila ako mapipigilan.

Maaga akong pumasok sa trabaho at halos puro rin sila tanong kung kamusta raw ba ako. 

"Sab kumusta pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ng kasamahan ko sa trabaho nang makita niya ako.

Kakadating niya lang eh.

"Ayos lang po ako. Hindi na masyadong masama ang pakiramdam ko." Pagkukumbinsi ko sakan'ya sabay ngiti sa mga customer na pumapasok sa pintuan.

Hmmm, palagi nalang akong nagugutom. I-te-text ko nalang siguro si Pria, magpapabili ako ng mga prutas tsaka mga gulay para healthy si baby.

Kinuha ko naman ang cellphone ko. 

Grabe ang mahal pala talaga nito! Dapat ay iingatan ko to at baka tarayan pa ako ni Pria. Nang i-te-text ko na sana sya ay napatingin ako sa signal ng phone ko. 

Napatampal nalang ako sa noo ko. 

'Great, dahil sa karupokan ko hindi pala ako nakabili ng sim card.'

Tamang check lang ako sa mga features ng phone nang may customer na palang nasa harapan ko. Ako kasi ang cashier kaya wala akong dapat gawin kundi tumayo, ngumiti at mag-asikaso sa mga order ng mga customer.

"Ehem, lutang girl." Pagkukuha ng babae sa atensyon ko.

Napatingin naman ako sa kanila na may malawak na ngiti pero napalitan din ito ng simangot. Si Dylan na naman at si Khea, nakakapit pa si Khea sa braso ni Dylan at nakataas pa ang isa niyang kilay sa akin. 

Ang taray talaga nitong babaeng 'to.

Tinataniman talaga ako ng sama ng loob eh.

"Pasalamat ka at hindi na kita pinabayad doon sa damit na sinira mo." Naiinis niyang sambit sabay irap sa akin.

Sana ma duling siya kakairap sa akin.

"Love, it's okay. Umupo ka nalang don, ako na ang mag o-order." Malambing na saad ni Dylan sabay halik sa noo ni Khea.

Di niya na kailangang gawin yan sa harapan ko. 

Nang nakaupo na si Khea ay masama pa rin ang tingin sa akin pero kapag kay Dylan nakatingin ay parang ang amo ng mukha.

"Dalawang black coffee." Order ni Dylan habang nakatingin kay Khea.

"Punta ka next month Sab." Mahina niyang sambit at tinignan ako sa mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status