BUONG LAKAS ko siyang tinulak ng naabutan niya ako sa main entrance ng bahay. Ito lang ang may pinakamalaking pintuan sa lahat ng pinto na nakita ko. SImula ng dalhin ako sa lugar na ito ay hindi na ako makalanghap ng sariwang hangin. HIndi ko na nakikita ang labas. Kahit umakyat man ako sa rooftop ay may bantay rin. HIndi ko rin alam kung marami bang mga bantay na umaaligid sa buong bahay. Kaya hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Napasigaw siya na nagbigay atensyon sa mga tauhan na naka bantay sa labas. Agad kong kinuha ang baril sa bag ko,at walang pag dalawang isip na barilin si Harold sa tuhod. Napa sigaw siya ng malakas.Lumapit ako sa kanya at ginawang hostage, dahil sa sakit ng tama ng baril alam kong hindi niya ako malalabanan. “Tumayo ka,at sumunod sa akin kung ayaw mo na iputok ko ang baril sa bungo mo.” pananakot ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa liig habang nakatutok ang baril sa kanyang tagiliran. Tumayo naman siya. SUnod-sunod na ang pag-labas ng mga tauhan
Keifer was behind her, frightened. “Takot ka ba Kieffer na mawalan ulit ng kapatid? If you will help me,I will allow you to touch me on our way out. What do you think?” I said.Alam kong bibigay siya dahil sa sex addiction niya. Hindi alam ito ng mga magulang niya, but I do. Alam ko dahil sinabi sa akin yun ni Diego nung buhay pa siya. Lagi niya nga akong pinapaiwas sa mga kapatid niya dahil sa kanilang addiction. “Come on, Kieffer. Save your brother,” I said. Mukhang naging maliwanag naman ang mukha nito at dahan-dahan na akong nilapitan. Nanlaki naman ang mata ni Stiffany at hindi makapag salita ng tuluyan na ngang lumapit si Kieffer sa akin.“Open the door and get her car,so we can leave. Sasama ka sa akin sa langit,” bulong ko sa kanya. Para siyang na hypnotized sa ginawa ko. Iba talaga kapag may sex addiction. Tumalikod na si Kiefer at binuksan ang pinto, sumunod naman ako sa kanya habang nakatutok pa rin ang baril. Hindi na gumalaw si Harold at parang mahihimatay na. Naubusa
LAHAT ay abala sa kani-kanilang ginawa, habang ang iba naman ay busy sa pagtawag sa isang doktora,dahil manganganak na nga ako. Kanina pa si Mamay umiiyak, hindi ko alam kung bakit siya umiiyak, e ako naman ang manganganak. Na sa bahay lang kami ngayon, dito lang ako manganganak dahil hindi naman required na manganak talaga sa hospital. Kumpleto naman ang isla na ito, may hospital,at may mga grocery stores. Malaki naman kasi ang isla na ito na pagmamay-ari ng amo ni Mamay. Hindi ko pa nakita kung sino yang amo ni Mamay pero nasa abroad daw yun. Sabi ni Mamay kapag nanganak na ako ay sa mansion na ako magtatrabaho. Malapit naman na daw babalik dito sa pinas ang amo niya. Ayaw kasi akong pag-trabahuin ni Mamay dahil nga maselan ang pag-bubuntis ko,matapos ang nangyaring aksidente ko, pitong buwan na ang nakalipas. Sabi ni Mamay nahulog daw ako sa bangin, mabuti raw at na buhay pa ako, at ang baby ko na 2 months na pala raw sa sinapupunan ko. “Rosita, okay ka lang ba,nak?” kinakabahan
TULALA ako na binuhat ang anak ko.Tumahan na ito mula sa kakaiyak ng nasa mga bisig ko na siya. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko, naging emotional ako bigla.Tinitigan ko siya ng maayos at may pamilyar na mukha akong nakikita sa anak ko. Napakaganda niyang bata. Maputi, matangos ang ilong,at ang kanyang pilikmata na makapal na kahit kakalabas lang niya ay makikita mo talaga sa kanyang mga mata ang kapal at ganda nitong mabilog na mata. At agad na sumagi sa isip ko ang lalaki na tumulong sa akin magpaanak. Nakakahiya man ang mga pangyayari na ‘yon pero ayaw ko ng isipin dahil tapos na at nangyari na. Sigurado naman akong hindi ako pagtatawanan ng tao na ‘yon, kasi normal lang naman ang manganak. Pero bakit ko naman iniisip ang lalaking yon? Napailing na lang ako. “Mamay, ang ganda niya no?” tanong ko kay Mamay habang ang mga mata ay hindi maalis-alis sa bata. She is really pretty.Hindi ko maiwasan na matuwa habang nakatitig sa kanyang maamong mukha. Nakakawala ng pago
KANINA pa ako tinatanong ni Mamay kung ano ang pangalan ng bata.Hindi ko alam kung anong magandang pangalan para sa kanya. Hindi ko talaga na paghandaan ang pangalan niya. Kailangan ko na kasing trabahuin ang birth certificate ng bata e. “Wala pa bang pangalan ang bata?” biglang sulpot ni Sir Ven, mula sa likuran namin. HIndi ko alam pero naiilang talaga kapag nariyan siya. “Wala pa,sir e,Baka po kayo may naiisip?” biglang tanong ni Mamay na ikina-kunot ng noo ko. “Bakit si sir naman ang tinatanong mo niyan,May?” nahihiya kong wika.Tumawa naman si Mamay. “Pwede naman kunin sa pangalan ni sir eh, siya naman nagpaanak sayo,” natatawa na wika ni Mamay.Hindi ko naman mapigilan na mahiya at umiwas ng tingin kay sir Ven na seryosong nakatingin sa akin. Simula talaga nung araw na manganak ako ay hindi na niya ako tinantanan.Lagi siyang nasa bahay namin, minsan dinadalhan niya kami ng pag-kain sa bahay kapag wala si Mamay, dahil may trabaho sa mansyon. Binibilhan niya rin si baby
KINUHA ni sir Ven sa akin si baby. Panay iyak niya kanina. Ayaw din dumede. Nagulat ako dahil tumahimik si baby kakaiyak ng nasa bisig na siya ni sir, at bumalik na sa pag-tulog.Kunot noo ko namang nilingon si Mamay na nakatayo lang sa gilid. Baka gusto lang ni baby magpa-hele. Iniisip ko rin kung sino ang tatay ng bata. Wala kasi sinabi si Mamay sa akin. Sabi niya lang nung magising ako sa hospital na umuwi ako n may bata na sa sinapupunan ko. Pero hindi ko na iniisip pa kung sino ang papa ni baby. Mahalaga ngayon ay alagaan siya at suportahan sa lahat. Aalagaan ko siya ng buong-buo at magsisikap ako para sa kanya,kasama si Mamay. “She stops crying,” nakangiting saad ni sir ven habang nakatitig kay baby. I felt something in my heart.Yun bang parang may humahaplos sa puso ko, that makes me felt relieved. Ang gaan sa pakiramdam. “Ang galing mo pag-dating sa bata sir ah.Sanay na sanay?” nakangiting wika ni Mamay. “Ganito rin ginagawa ko noon kay Matt.Lagi kasi siyang umiiyak,ta
NASA PARKING LOT na kami. Nakita ko na si sir Ven sa kotse niya habang hawak-hawak pa rin si baby. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero mukhang hindi naman siya galit. Hindi ko na kasalanan kung nag hintay siya. Siya lang naman nag presenta na ihatid kami ni baby eh. “Nay, salamat po sa inyo.Okay lang naman po ako eh,. Naabala ko pa tuloy kayo,” mahinang salita ko at tumayo na mula sa wheelchair.“Wag mo na isipin ‘yon,anak. Magpahinga ka pa, hindi maganda sa bagong panganak pa lang ay nag-kilos-kilos na.” saad naman ni Nanay Pasita,iyong may salamin.Halos nasa 60’s na sila at may dalawa na nasa 70’s na.Pero hindi talaga halata sa kanila ang kanilang mga edad. Nagulat pa sila kanina ng sabihin ko na nasa 35 years old na ako. Kasi hindi raw halata sa akin.Mukha lang daw akong nasa bente anyos. “Pasensya na kayo, sir Ven ah. At naghintay ka pa tuloy. Ang bilis mo kasing mag lakad eh, hindi ka na naabutan ng asawa mo.” saad ni Nay Hilda,siya iyong kumuha ng wheelchair at pin
HINDI pa rin kami nakaabot sa bahay.Ewan ko ba kung bakit ang tagal naman dumating, hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin kanina.At kanina lang din akong hindi kini-kibo ni Sir.Bakit naman n’ya ako kikibuin?Pero kanina kasi ay ang kulit n’ya e, paulit-ulit niya akong tinanong kung ano ang nasa isip ko. Hindi ko naman siya sinagot.“Sir, hindi po ba pwedeng sa akin na itong nasa isip ko?At hindi ka rin naman kasama sa na-isip ko e,” nakanguso na wika ko at umiwas ng tingin sa kanya. Bigla naman siyang tumawa ng mahina,kaya agad akong lumingon sa kanya.Pati rin kuyang driver ay napa-silip rin sa backseat at nagtataka rin kung tumawa ang boss niya.Mas ngumisi siya ng nakakaloko.Ayaw ko talaga sa ngisi niya para lang akong niloloko at pinagtatawanan. “Okay,sabi mo eh.” Hindi na siya umimik after niya sabihin ‘yon.Pero ewan ko ba,para akong nasaktan.Naging seryoso ang kanyang mukha,at nakakatakot siyang tingnan.Hawak pa rin niya si baby at parang walang balak na ibigay ito sa akin.