KINUHA ni sir Ven sa akin si baby. Panay iyak niya kanina. Ayaw din dumede. Nagulat ako dahil tumahimik si baby kakaiyak ng nasa bisig na siya ni sir, at bumalik na sa pag-tulog.Kunot noo ko namang nilingon si Mamay na nakatayo lang sa gilid. Baka gusto lang ni baby magpa-hele. Iniisip ko rin kung sino ang tatay ng bata. Wala kasi sinabi si Mamay sa akin. Sabi niya lang nung magising ako sa hospital na umuwi ako n may bata na sa sinapupunan ko. Pero hindi ko na iniisip pa kung sino ang papa ni baby. Mahalaga ngayon ay alagaan siya at suportahan sa lahat. Aalagaan ko siya ng buong-buo at magsisikap ako para sa kanya,kasama si Mamay. “She stops crying,” nakangiting saad ni sir ven habang nakatitig kay baby. I felt something in my heart.Yun bang parang may humahaplos sa puso ko, that makes me felt relieved. Ang gaan sa pakiramdam. “Ang galing mo pag-dating sa bata sir ah.Sanay na sanay?” nakangiting wika ni Mamay. “Ganito rin ginagawa ko noon kay Matt.Lagi kasi siyang umiiyak,ta
NASA PARKING LOT na kami. Nakita ko na si sir Ven sa kotse niya habang hawak-hawak pa rin si baby. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero mukhang hindi naman siya galit. Hindi ko na kasalanan kung nag hintay siya. Siya lang naman nag presenta na ihatid kami ni baby eh. “Nay, salamat po sa inyo.Okay lang naman po ako eh,. Naabala ko pa tuloy kayo,” mahinang salita ko at tumayo na mula sa wheelchair.“Wag mo na isipin ‘yon,anak. Magpahinga ka pa, hindi maganda sa bagong panganak pa lang ay nag-kilos-kilos na.” saad naman ni Nanay Pasita,iyong may salamin.Halos nasa 60’s na sila at may dalawa na nasa 70’s na.Pero hindi talaga halata sa kanila ang kanilang mga edad. Nagulat pa sila kanina ng sabihin ko na nasa 35 years old na ako. Kasi hindi raw halata sa akin.Mukha lang daw akong nasa bente anyos. “Pasensya na kayo, sir Ven ah. At naghintay ka pa tuloy. Ang bilis mo kasing mag lakad eh, hindi ka na naabutan ng asawa mo.” saad ni Nay Hilda,siya iyong kumuha ng wheelchair at pin
HINDI pa rin kami nakaabot sa bahay.Ewan ko ba kung bakit ang tagal naman dumating, hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin kanina.At kanina lang din akong hindi kini-kibo ni Sir.Bakit naman n’ya ako kikibuin?Pero kanina kasi ay ang kulit n’ya e, paulit-ulit niya akong tinanong kung ano ang nasa isip ko. Hindi ko naman siya sinagot.“Sir, hindi po ba pwedeng sa akin na itong nasa isip ko?At hindi ka rin naman kasama sa na-isip ko e,” nakanguso na wika ko at umiwas ng tingin sa kanya. Bigla naman siyang tumawa ng mahina,kaya agad akong lumingon sa kanya.Pati rin kuyang driver ay napa-silip rin sa backseat at nagtataka rin kung tumawa ang boss niya.Mas ngumisi siya ng nakakaloko.Ayaw ko talaga sa ngisi niya para lang akong niloloko at pinagtatawanan. “Okay,sabi mo eh.” Hindi na siya umimik after niya sabihin ‘yon.Pero ewan ko ba,para akong nasaktan.Naging seryoso ang kanyang mukha,at nakakatakot siyang tingnan.Hawak pa rin niya si baby at parang walang balak na ibigay ito sa akin.
NGAYONG ARAW ang 1st month ni baby.June 05,2024 ko si baby pinanganak. Isang buwan na si baby Venus at nakakatuwa dahil ang lakas niyang dumede,at ang cheeky pa ng pisngi niya. Baka bukas o makalawa ay naglalakad na siya, o di kaya ay nag-aaral na.Ang bilis ng panahon. Hindi ko na namamalayan ang takbo ng oras.At may takot rin ako sa puso ko na hindi ko mawari kung ano. Wala namang kaganapan sa unang buwan ni baby, gusto ko lang ng tahimik na ipagdiwang ang unang buwan ng anak ko.Kahit konting handa lang.Ayaw ko rin na kung sino na lang ang hahawak kay baby, kung maaari ay ako lang o si Mamay ang hahawak sa bata. “Nakatulala ka na naman r’yan, halika at kumain na tayo.” tawag ni Mamay.Tumango lang ako at pumasok na sa kusina karga si baby.Bumili pala si Mamay ng cake para kay baby.Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko.Naging emotional na talaga ako laely. Panay iyak ko tuwing gabi, at walang gana sa lahat ng bagay.Ayaw ko ng ganito, ang sikip-sikip sa dibdib.Sa tuwing tinititiga
DALAWANG ARAW na ang lumipas simula nung 1st month ni baby.Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung para saan nga ba ang bulaklak na pinabigay ni sir.Masaya naman ako dahil may bulaklak na natanggap.Pero nalulungkot din kasi hindi siya mismo ang nagbigay.Nilagay ko lang dito sa flower vase ang bulaklak para hindi malanta.Ang bango pa ng amoy.Hindi ako mahilig sa bulaklak at wala akong alam na pangalan ng bulaklak, pero gustong gusto ko itong bulaklak na nasa harap ko ngayon. Ilang linggo ko ng hindi nakita si sir.Sabi ni Mamay ay bumalik raw sa Maynila at hindi pa nakauwi.Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko siya.Na mi-miss ko lang siguro ang presensya niya, kahit tatlong araw ko lang naman siyang nakilala.Pero hindi naman ata imposible na magustuhan mo ang isang tao sa loob ng tatlong araw, hindi ba? Nahihibang na nga ata ako.“Ano ang tinatawa-tawa mo d’yan?” biglang sulpot ni Mamay.“Wala po,May may iniisip lang po,” tugon ko agad at umiwas ng tingin.“Asus!Kitang-
MUNTIK na akong mahulog sa inuupuan ko.Mabuti na lang at nahawakan ako ni Roger. Gwapo talaga itong si Roger, matangkad rin, maganda pumorma, moreno, medyo singkit ang mata. Ilang buwan ko rin siyang hindi nakikita. “Kumusta ka na?” pormal na tanong ko sa kanya. “Ikaw ang kumusta na? Nasaan si baby?" Tanong niya at palinga-linga pa sa aking paligid hinanap si baby. “Nasa kwarto lang si baby, natutulog pa.” Sagot ko naman sa kanya. “Nag dinner ka na ba?” “Hindi pa, kaya nga gusto ko pumunta dito eh, dahil alam kung ipagluluto mo ako,” nakangusong wika nito. Ang cute talaga niya kapag nag papa cute. “Nako, tagal na rin na wala akong bisita na dumalaw sa akin dito.Si Mamay naman sobrang busy na sa mansyon. “Ganun talaga.Isa kasi si Mamay na pinagkakatiwalaan ni sir, kaya mahirap makalabas sa mansyon.Sobrang higpit din kasi ni sir,” salita naman niya. “Oo nga e,” sagot ko naman. Naghahanda na ako ng lutuin, wala naman espesyal sa lulutuin ko ngayon.Adobong manok, at gagawa na
AT DITO na nga nag-hapunan ang dalawa.Nasa hapag kainan na ang dalawa at ako naman ay hawak si baby dahil nagising ito at umiyak.Hindi ko na nga napag-tuunan ng pansin ang dalawa sa kusina na kumakain dahil nasa kwarto lang ako pinapatulog ulit si baby.Ng makasiguro na tulog na nga si baby ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina kung saan nag-hapunan ang dalawa.Hindi pa nga ako nakaabot sa kusina ay narinig ko na ang boses ni sir at Roger na para bang nag-babangayan.Dahan-dahan akong sumilip at tiningnan kung ano ang pinag-awayan ng dalawa.Dahil hindi ako pwedeng magka-mali sa naririnig ko, nag-away nga ang dalawa.“Ikaw nga diyan sir e,kahit may girlfriend na kayo ay nakikipag-landian ka pa rin kay Rosita.Ako pa kaya na single,” natatawa na nakakaloko na wika ni Roger na para bang inaasar niya si sir. Pero totoo nga ba ang sinabi ni Roger? Na may girlfriend na si sir, at nakipag-landian pa sa akin?“Bakit, bawal ba makipag-landian?Ang sabihin mo ay wala kang laban sa aki
NASA balkonahe kaming tatlo, hindi pa rin umuwi ang dalawa at parang walang balak talaga na umalis ng bahay.Parang nasa bahay lang nila sila,feel a home kasi.Ayaw ko naman na paalisin,ewan ko rin sa sarili ko.Kanina nag-banggayan rin sila pero mabuti na lang at tahimik na.Kapal lang talaga siguro mga mukha nila na maglabas ng mga salita sa harap ko pa mismo. Rinig narinig ko paano nila ako pag-agawan at kung paano nila makukuha ang loob ko. Akala siguro ng dalawang ‘to na makukuha nila ako sa mga salita nilang puro lang kasinungalingan lang naman.Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dalawa.Kaya pala inaantok na ako dahil alas-onse na pala ng gabi. Tumayo na ako at pumasok sa loob at tumungo sa kwarto ko.Bahala na silang dalawa na ubusin ang mga iniinom nila. Nag-iinuman nga pala silang dalawa kanina pa.Tinawagan kasi ni sir ang driver niya na dalhan siya ng alak, mabilis pa sa alas kwatro ang driver na si Jasper, nakadala agad ng apat na case ng beer. Hindi pa nga ata naubos ang