TULALA ako na binuhat ang anak ko.Tumahan na ito mula sa kakaiyak ng nasa mga bisig ko na siya. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko, naging emotional ako bigla.Tinitigan ko siya ng maayos at may pamilyar na mukha akong nakikita sa anak ko. Napakaganda niyang bata. Maputi, matangos ang ilong,at ang kanyang pilikmata na makapal na kahit kakalabas lang niya ay makikita mo talaga sa kanyang mga mata ang kapal at ganda nitong mabilog na mata. At agad na sumagi sa isip ko ang lalaki na tumulong sa akin magpaanak. Nakakahiya man ang mga pangyayari na ‘yon pero ayaw ko ng isipin dahil tapos na at nangyari na. Sigurado naman akong hindi ako pagtatawanan ng tao na ‘yon, kasi normal lang naman ang manganak. Pero bakit ko naman iniisip ang lalaking yon? Napailing na lang ako. “Mamay, ang ganda niya no?” tanong ko kay Mamay habang ang mga mata ay hindi maalis-alis sa bata. She is really pretty.Hindi ko maiwasan na matuwa habang nakatitig sa kanyang maamong mukha. Nakakawala ng pago
KANINA pa ako tinatanong ni Mamay kung ano ang pangalan ng bata.Hindi ko alam kung anong magandang pangalan para sa kanya. Hindi ko talaga na paghandaan ang pangalan niya. Kailangan ko na kasing trabahuin ang birth certificate ng bata e. “Wala pa bang pangalan ang bata?” biglang sulpot ni Sir Ven, mula sa likuran namin. HIndi ko alam pero naiilang talaga kapag nariyan siya. “Wala pa,sir e,Baka po kayo may naiisip?” biglang tanong ni Mamay na ikina-kunot ng noo ko. “Bakit si sir naman ang tinatanong mo niyan,May?” nahihiya kong wika.Tumawa naman si Mamay. “Pwede naman kunin sa pangalan ni sir eh, siya naman nagpaanak sayo,” natatawa na wika ni Mamay.Hindi ko naman mapigilan na mahiya at umiwas ng tingin kay sir Ven na seryosong nakatingin sa akin. Simula talaga nung araw na manganak ako ay hindi na niya ako tinantanan.Lagi siyang nasa bahay namin, minsan dinadalhan niya kami ng pag-kain sa bahay kapag wala si Mamay, dahil may trabaho sa mansyon. Binibilhan niya rin si baby
KINUHA ni sir Ven sa akin si baby. Panay iyak niya kanina. Ayaw din dumede. Nagulat ako dahil tumahimik si baby kakaiyak ng nasa bisig na siya ni sir, at bumalik na sa pag-tulog.Kunot noo ko namang nilingon si Mamay na nakatayo lang sa gilid. Baka gusto lang ni baby magpa-hele. Iniisip ko rin kung sino ang tatay ng bata. Wala kasi sinabi si Mamay sa akin. Sabi niya lang nung magising ako sa hospital na umuwi ako n may bata na sa sinapupunan ko. Pero hindi ko na iniisip pa kung sino ang papa ni baby. Mahalaga ngayon ay alagaan siya at suportahan sa lahat. Aalagaan ko siya ng buong-buo at magsisikap ako para sa kanya,kasama si Mamay. “She stops crying,” nakangiting saad ni sir ven habang nakatitig kay baby. I felt something in my heart.Yun bang parang may humahaplos sa puso ko, that makes me felt relieved. Ang gaan sa pakiramdam. “Ang galing mo pag-dating sa bata sir ah.Sanay na sanay?” nakangiting wika ni Mamay. “Ganito rin ginagawa ko noon kay Matt.Lagi kasi siyang umiiyak,ta
NASA PARKING LOT na kami. Nakita ko na si sir Ven sa kotse niya habang hawak-hawak pa rin si baby. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero mukhang hindi naman siya galit. Hindi ko na kasalanan kung nag hintay siya. Siya lang naman nag presenta na ihatid kami ni baby eh. “Nay, salamat po sa inyo.Okay lang naman po ako eh,. Naabala ko pa tuloy kayo,” mahinang salita ko at tumayo na mula sa wheelchair.“Wag mo na isipin ‘yon,anak. Magpahinga ka pa, hindi maganda sa bagong panganak pa lang ay nag-kilos-kilos na.” saad naman ni Nanay Pasita,iyong may salamin.Halos nasa 60’s na sila at may dalawa na nasa 70’s na.Pero hindi talaga halata sa kanila ang kanilang mga edad. Nagulat pa sila kanina ng sabihin ko na nasa 35 years old na ako. Kasi hindi raw halata sa akin.Mukha lang daw akong nasa bente anyos. “Pasensya na kayo, sir Ven ah. At naghintay ka pa tuloy. Ang bilis mo kasing mag lakad eh, hindi ka na naabutan ng asawa mo.” saad ni Nay Hilda,siya iyong kumuha ng wheelchair at pin
HINDI pa rin kami nakaabot sa bahay.Ewan ko ba kung bakit ang tagal naman dumating, hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin kanina.At kanina lang din akong hindi kini-kibo ni Sir.Bakit naman n’ya ako kikibuin?Pero kanina kasi ay ang kulit n’ya e, paulit-ulit niya akong tinanong kung ano ang nasa isip ko. Hindi ko naman siya sinagot.“Sir, hindi po ba pwedeng sa akin na itong nasa isip ko?At hindi ka rin naman kasama sa na-isip ko e,” nakanguso na wika ko at umiwas ng tingin sa kanya. Bigla naman siyang tumawa ng mahina,kaya agad akong lumingon sa kanya.Pati rin kuyang driver ay napa-silip rin sa backseat at nagtataka rin kung tumawa ang boss niya.Mas ngumisi siya ng nakakaloko.Ayaw ko talaga sa ngisi niya para lang akong niloloko at pinagtatawanan. “Okay,sabi mo eh.” Hindi na siya umimik after niya sabihin ‘yon.Pero ewan ko ba,para akong nasaktan.Naging seryoso ang kanyang mukha,at nakakatakot siyang tingnan.Hawak pa rin niya si baby at parang walang balak na ibigay ito sa akin.
NGAYONG ARAW ang 1st month ni baby.June 05,2024 ko si baby pinanganak. Isang buwan na si baby Venus at nakakatuwa dahil ang lakas niyang dumede,at ang cheeky pa ng pisngi niya. Baka bukas o makalawa ay naglalakad na siya, o di kaya ay nag-aaral na.Ang bilis ng panahon. Hindi ko na namamalayan ang takbo ng oras.At may takot rin ako sa puso ko na hindi ko mawari kung ano. Wala namang kaganapan sa unang buwan ni baby, gusto ko lang ng tahimik na ipagdiwang ang unang buwan ng anak ko.Kahit konting handa lang.Ayaw ko rin na kung sino na lang ang hahawak kay baby, kung maaari ay ako lang o si Mamay ang hahawak sa bata. “Nakatulala ka na naman r’yan, halika at kumain na tayo.” tawag ni Mamay.Tumango lang ako at pumasok na sa kusina karga si baby.Bumili pala si Mamay ng cake para kay baby.Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko.Naging emotional na talaga ako laely. Panay iyak ko tuwing gabi, at walang gana sa lahat ng bagay.Ayaw ko ng ganito, ang sikip-sikip sa dibdib.Sa tuwing tinititiga
DALAWANG ARAW na ang lumipas simula nung 1st month ni baby.Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung para saan nga ba ang bulaklak na pinabigay ni sir.Masaya naman ako dahil may bulaklak na natanggap.Pero nalulungkot din kasi hindi siya mismo ang nagbigay.Nilagay ko lang dito sa flower vase ang bulaklak para hindi malanta.Ang bango pa ng amoy.Hindi ako mahilig sa bulaklak at wala akong alam na pangalan ng bulaklak, pero gustong gusto ko itong bulaklak na nasa harap ko ngayon. Ilang linggo ko ng hindi nakita si sir.Sabi ni Mamay ay bumalik raw sa Maynila at hindi pa nakauwi.Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko siya.Na mi-miss ko lang siguro ang presensya niya, kahit tatlong araw ko lang naman siyang nakilala.Pero hindi naman ata imposible na magustuhan mo ang isang tao sa loob ng tatlong araw, hindi ba? Nahihibang na nga ata ako.“Ano ang tinatawa-tawa mo d’yan?” biglang sulpot ni Mamay.“Wala po,May may iniisip lang po,” tugon ko agad at umiwas ng tingin.“Asus!Kitang-
MUNTIK na akong mahulog sa inuupuan ko.Mabuti na lang at nahawakan ako ni Roger. Gwapo talaga itong si Roger, matangkad rin, maganda pumorma, moreno, medyo singkit ang mata. Ilang buwan ko rin siyang hindi nakikita. “Kumusta ka na?” pormal na tanong ko sa kanya. “Ikaw ang kumusta na? Nasaan si baby?" Tanong niya at palinga-linga pa sa aking paligid hinanap si baby. “Nasa kwarto lang si baby, natutulog pa.” Sagot ko naman sa kanya. “Nag dinner ka na ba?” “Hindi pa, kaya nga gusto ko pumunta dito eh, dahil alam kung ipagluluto mo ako,” nakangusong wika nito. Ang cute talaga niya kapag nag papa cute. “Nako, tagal na rin na wala akong bisita na dumalaw sa akin dito.Si Mamay naman sobrang busy na sa mansyon. “Ganun talaga.Isa kasi si Mamay na pinagkakatiwalaan ni sir, kaya mahirap makalabas sa mansyon.Sobrang higpit din kasi ni sir,” salita naman niya. “Oo nga e,” sagot ko naman. Naghahanda na ako ng lutuin, wala naman espesyal sa lulutuin ko ngayon.Adobong manok, at gagawa na
“Surpresa!” sabay-sabay na sigaw ng lahat nang buksan ni Caroline ang pinto. Napaatras naman siya, tila nagulat sa dami ng mga taong nagkakantahan at nagpapalakpakan sa sala. Hindi naman maiwasan ni Caroline ang matuwa, dahil ang iba sa mga bisita ay mga empleyado niya. At kumpleto rin ang kanyang pamilya,.maliban Sa isang tao. Sa gitna ng lahat, si Raven ay nakangiti habang may hawak na ang bunso nilang anak na si Venus.“You thought we forgot, didn’t you?” Raven said with a teasing smile.Bago ang kaganapan, sobrang abala si Caroline sa kumpanya dahil nagkaproblema sila sa isang investor. Dahil sa tindi ng kanyang pagka-busy, hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala ang nakalipas, at maraming nangyari sa panahong iyon.Si Diego at Dina ay pumunta na sa ibang bansa para sa operasyon ni Diego. Masaya naman si Caroline dahil sa wakas ay magagamot na ang dati niyang asawa. Para kay Dina naman, magsisimula na ito ng negosyo sa ibang bansa. Tinulungan sila ni
Alam kong may konsensya pa rin si Dina hanggang ngayon, at ako rin naman. Hindi mawala sa isip ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Sobrang dinurog ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabawi sa kanya. "Uhm... ano ba ang susunod nating hakbang? Paano natin mapapasaya si Caroline? Wala akong maisip na pwedeng gawin..." litong sabi ko. "Paano kung ayain natin sina Raven at Caroline mag-date? Sa tingin ko magandang ideya 'yun, di ba?" masiglang mungkahi ni Dina habang nag-iisip pa. "Sa tingin mo, okay lang sa kanya? Hindi kaya siya magalit?" tanong ko nang may pag-aalinlangan. Hindi ko rin kasi masyadong kilala si Caroline, lalo na't hindi naman kami nagtagal. Nakilala ko lang naman si Caroline noon nung sinabi sa akin ni Dad na siya ang papakasalan ko. Dahil sa maganda siya at napakamasipag na babae. Agad rin nahulog ang loob at puso ko sa kanya. Pero nagloko pa rin ako sa kanya. She's the perfect woman na sana, kaso isang akong tanga kaya ngayon wala na siya sa akin.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata, at agad na bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng ospital. Nakakasulasok ang amoy, at ayoko nito. Paano ako napunta sa lugar na 'to? Kasama ko lang si Mamay kanina; baka naman naghahallucinate lang ako. Pero nasa kwarto lang talaga ako ngayon at hindi sa ospital. Ibinaling ko ang aking ulo sa kaliwa at tumingin sa paligid. Nasa ospital nga talaga ako. Pero anong ginagawa ko rito? "Babe, you're finally awake. Thank goodness," bungad na sabi ni Raven. "Pinag-alala mo ako. Sorry..." umiiyak na sabi ni Raven. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano ba ang problema? "Why are you crying?" mahina kong tanong. “Nasa ospital ka, babe. Hindi ka nagising kagabi, kaya nag-alala ako. Lahat kami nag-alala. Pasensya na, sorry kung napaiyak kita ulit.” “Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang mali, ah...” tanong ko. “Mamay told me. Umiiyak ka raw, at sobrang sama ng loob ko. Alam ko kasi kung bakit ka umiiyak kahapon. Akala mo siguro may k
[CAROLINE] Bumuhos na naman ang aking mga luha. Kakaayos lang namin, pero may nalaman na naman ako. Bakit ganito? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Gusto ko lang naman na maging maayos kami, kahit na pinagtaksilan nila ako. Pero bakit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsisinungaling? Bakit ganito? Agad akong pumasok sa kotse at humagulgol. Pilit kong inaayos ang lahat—sinubukan kong tanggapin at patawarin sila. Binigay ko ang gusto nila para maayos na. Kahit labag sa loob ko, ginawa ko, para kahit papaano'y maibsan ang bigat ng dinadala ko. Bakit ba ang hirap magpakatotoo? "Why do I have to experience this? Gusto ko nang maayos ang lahat sa amin, tapos bigla na lang malalaman ko na ang murderer ng asawa ko noon ay ang kabit niya pala? This is so frustrating!" Dapat ba akong maawa kay Diego? Pero siguro sapat na itong mga nalaman ko. Tama na ang kadramahan. Gusto nilang magsama, sige, hahayaan ko na sila sa buhay nila. Ibibigay ko na at magpopokus na lang ako sa buhay k
Nagulat si Caroline sa paghingi ng basbas ni Diego sa kanya. She felt something touch her heart, at pakiramdam niya'y napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi sakit at selos ang nararamdaman niya ngayon, kundi saya sa kanyang puso. The way humingi si Diego ng basbas sa kanya ay para bang sigurado na siya kay Dina—na para bang ito ang babaeng habang buhay niyang mamahalin.Tears streamed down her cheeks. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dina na wala pa ring malay at pagkatapos ay tumingin kay Diego, na para bang sinasabi, "Please, let us be happy together.""C-Caroline, sorry. Please, don't cry. H-hindi na kita tatanungin tungkol sa bagay na 'yon. I am sorry, masyado lang ata akong desperado," he said in panic as he held Caroline's hand.Akala ni Diego ay galit pa rin si Caroline sa kanilang dalawa. Alam ni Caroline na hindi madaling maghilom ang sugat na dinulot nila."Maybe giving them a chance isn't bad, right?" sa isip ni Caroline.Pinahiran niya ang kanyang mga luha, at mahi
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Stiffany nang magkita silang dalawa sa hideout nila. Nagulat si Stiffany sa ginawa ni Dina, sa biglaang pagsampal na hindi niya alam ang dahilan. Dahil dito, sinampal din niya si Dina ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Nanlilisik ang kanilang mga mata, at tila konti na lang ay mag-aaway na sila at magdadambahan."Ano ba ang problema mo?" singhal ni Stiffany kay Dina."Ikaw! Kayo ng mga kuya-kuyahan mo! Ano ang ginawa ninyo kay Diego?" nanlilisik ang mga mata ni Dina habang nagsasalita.Inirapan ni Stiffany si Dina at tinalikuran ito. "He deserves to die," ani Stiffany. "Dahil sa ginawa niya, nawala sa amin ang lahat. Sinumbong niya kay Daddy kung ano ang ginawa namin nina Kuya. Kung tumahimik lang sana siya, hindi siya mapapahamak." Nanggigigil na sambit nito."Paano mo nagagawa 'yon sa kapatid mo? Hindi ba baliw na baliw ka kay Diego? Ano'ng kapahamakan ang ginawa ninyo sa kanya?" sigaw ni Dina. "Mabait si Diego sa inyo, paano ni
Dinala nina Raven at Caroline si Diego sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Kahit ayaw nitong magpadala sa ospital, dinala pa rin nila ito upang magamot din ang mga sugat niya. May bantay sa kwarto niya upang walang sinuman ang makapasok. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa kwarto ni Diego sa ngayon dahil sa nangyari. Nagsimula na rin mag-imbestiga ang mga pulis sa bahay ni Diego, at nagbigay na rin ng pahayag sina Raven at Caroline. Ayon kay Diego, ang mga kapatid niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Nagpaiwan si Caroline sa ospital upang bantayan si Diego, na hindi pa rin nagigising simula nang dinala nila siya roon. May nais ding malaman si Caroline. Gusto niyang maintindihan kung bakit laging sinasabi ni Diego na masakit ang kanyang ulo. Sinabi rin ni Raven na uminom si Diego ng pain reliever bago sila umalis ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na nang mahawakan niya ang ulo ni Diego at mapansin ang labis na pagkalagas ng buhok nito. Malakas ang kutob niya na
HATING-GABI na nang makatanggap ng tawag si Raven mula kay Diego. Mukhang hinihingal ito at nahihirapan sa paghinga. Nang oras na iyon, nasa kanyang opisina siya sa loob ng bahay, samantalang si Caroline ay natutulog na sa kanilang kwarto. Kunot-noo man si Raven dahil sa biglaang tawag nito, hindi niya magawang balewalain dahil mukhang may nangyari.Mabilis na kinutuban si Raven kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayo at kunin ang susi ng kanyang kotse. Alam niyang hindi pa sila lubusang nagkakasundo ni Diego, pero hindi na niya ito kalaban ngayon. Wala na siyang kailangang patunayan dahil alam niyang si Caroline at ang mga bata ay sa kanya pa rin"Nasaan ka?" kalmadong tanong ni Raven habang pinapaandar ang kanyang sasakyan."Sa bahay ko, alam mo na kung saan 'to, dahil nakapunta ka na rito noong dinala mo si Matthew," hirap na hirap nitong sabi. Rinig na rinig din ni Raven ang mabigat na paghinga ni Diego.Dinala niya kasi ang bata sa bahay nito isang beses, dahil gustong maki
Natameme si Diego sa narinig. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, nanghina ang kanyang mga tuhod, at napaluhod siya. Hindi siya makapaniwala na ang kabit pala ang dahilan ng pagkawala ng panganay niyang anak—at kasalanan niya rin iyon. Isa siyang pabaya na asawa. Napahilamos siya sa kanyang mukha, at sunod-sunod na nagsilabasan ang kanyang mga luha. Tahimik siyang napahagulgol habang ang kanyang mga kamay ay nasa mukha pa rin. Ngayon, mas lalo siyang nagsisisi dahil sa kanyang nagawa. Napakalaki ng kasalanan niya kay Caroline, at hindi katanggap-tanggap ang kanyang ginawa. "Patawad," humihikbing sabi ni Diego. "Walang kapatawaran ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Kasalanan ko ang lahat," hagulgol niya. "Patawarin mo ako, Caroline. Labis kitang nasaktan. Napaka-gago kong tao—irresponsable, manloloko, sinungaling. Hindi mo deserve ang isang katulad ko. Nabigo akong maging lalaki para sa'yo, nabigo akong maging ama, at nabigo akong maging asawa. Pinabayaan kita, Caroline," pat