NUNG malaman ni Diego ang tungkol sa kanyang anak ay palihim siyang nag-imbestiga at inalam ang mga bagay-bagay tungkol kay Matthew. Masaya siya sa kanyang mga nalaman, at hindi makapag-antay na makilala ito. Pero lagi rin sumasagi sa isip niya na baka hindi siya kilalanin na ama ng anak. Na paano kung may galit itong nakatago sa puso niya, dahil sa pag-iwan sa kanya at sa mommy niya. Marami siyang what if. At natatakot rin siya.And this time sa kauna-unahang pagkakataon ay makakaharap na niya ang anak. Grabe ang kanyang pagsisisi na kanyang nararamdaman nang makita ang anak na masayang tumakbo papalapit sa kanya. Kumakabog ang dibdib sa sobrang saya ng kanyang puso. Kung hindi lang San niya tinakasan ang kanyang utang ay masaya at buo sana ang kanyang pamilya. Pero dahil sa kanyang katangahan ay mas pinili niya ang magtago at lumayo sa kanyang asawa. Nagdusa pa ang asawa dahil sa kanyang ginawa. “Daddy," sigaw ni Matthew habang papalapit kay Diego. Parang hinugutan ng matatalim n
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Niloko mo siya nang paulit-ulit, tapos gusto mo siyang balikan. Gusto mo siyang bawiin sa akin? Diego, look. Ang fiance ko ay hindi bagay na pwede lang bawiin kung kailan mo gusto. Tao siya, may nararamdaman at nasasaktan," Raven firmly said. “Mahal ko si Caroline, at hindi ko siya ibabalik sa ‘yo. At wala akong balak na ibalik siya sa ‘yo,” mariin na salita ni Raven. “Babalik siya sa akin, dahil mahal niya ako. She loves me for a decade, at hindi madali na kalimutan ang pagmamahal niya sa akin. Alam ko na mahal pa rin ako ni Caroline. Na mahal pa rin ako ng asawa ko. Galit lang siya sa akin, kaya pilit siyang lumalayo," ani Diego na ipinaglalaban pa rin ang kanyang nararamdaman. Namumula na rin ang mukha nito sa pagpipigil ng kanyang galit. Natatawa na lang si Raven sa inasal ni Diego. “Matagal nang nawala ang pagmamahal niya sa ‘yo, Diego. Kung ako sa ‘yo, ayusin ko na lang ang buhay ko. At humingi ng tawad kay Caroline in public, and expose
GABI na nang makauwi si Dina. Tulog na ang lahat ng kanyang mga kasama sa bahay, at ang mommy naman niya ay nasa ibang bansa for business. Habang binubuksan ang pintuan ay may kakaiba siyang naramdaman. Na para bang may taong nakatingin sa kanya sa Hindi kalayuan. Naninindig ang kanyang balahibo at nagsisimula manginig ang kanyang kamay habang dahan-dahan na pinihit ang doorknob. Pagkabukas niya sa pintuan ay dali-dali niya itong ni-lock at sumilip pa siya sa bintana sa gilid ng pintuan. Nang wala naman siyang makita o nakakapanghinala na mga galaw ay umakyat na siya sa kanyang kwarto. Kinakabahan pa rin siya, pero pilit niyang pinapakalma ang sarili. “This is crazy," bulalas ni Dina sa sarili. Pabagsak siyang umupo sa sofa at ipinahinga ang sarili. Hindi mawala sa isip niya ang takot na kanyang nararamdaman kanina lang. “Bakit parang may tao talagang nakatingin sa akin kanina," usal niya sa sarili. “Maybe, I am just hallucinating dahil sa stress. I’ve been busy this past few days
MAAGA ngang bumalik si Diego sa mansyon ng mga Woodsman. Ngunit wala si Caroline at ang batang si Matthew, dahil may pasok sa trabaho at school ang dalawa. Pumasok si Caroline sa kumpanya ngayon dahil ilang araw din siyang hindi pumasok sa kumpanya. Pumasok si Caroline bilang empleyado sa W.Incorp. Dahil hindi pa siya handa na humawak ng kumpanya makalipas ang ilang taon. Gusto na muna niyang magsimula sa baba, bago i-ahon ang sarili paitaas katulad noon. Nasa pool si Raven ng dumating si Diego. Sinalubong naman agad si Diego ng matandang katulong. Pina-upo muna ng matanda si Diego sa sofa at pumunta ito sa likuran bahagi ng mansyon kung nasaan ang pool. Tinawag ng matanda si Raven na may bisita, at mukhang alam na agad ni Raven kung sino 'to."Dalhin mo s'ya dito, Manang. Thank you," saad ni Raven at lumusob sa tubig, at isang langoy lang ang ginawa nito upang maabot ang kabilang dulo ng pool. Maya-maya ay dumating na ang bisita na sinasabi ng matanda. Umalis si Raven sa tubig at h
HAPON na nang makauwi si Caroline. Nadatnan niya ang mag-ama sa sala na naglalaro. Naglalakad na rin kasi si Venus kaya may katuwaan na si Raven at nakikipaglaro na sa anak. Napangiti naman si Caroline at napawi ang pagod na kanyang nararamdaman kanina. Sinalubong naman ni Raven si Caroline ng yakap at halik sa labi. Nasa lapag lang si Venus naglalaro. Isinandal naman ni Caroline ang kanyang ulo sa dibdib nito dahil sa pagod. Hindi na kasi sanay si Caroline na gumawa ng report at humarap sa laptop buong araw. Hindi tulad noon na sanay siya sa trabaho. “Kumusta ka? You look tired? May gusto ko ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Raven at hinagod-hagod ang likod ni Caroline."Hindi na talaga sanay katawan ko sa trabaho sa kumpanya. Masakit ang likod ko kakaupo buong araw,” reklamo ni Caroline at ngumiwi pa ‘to dahil sa sakit ng likod. "Do you want me to give you a massage?" ani Raven. “Come here," biglang binuhat ni Raven si Caroline at dinala sa sofa.Marahan niyang nilapag si Caroline
“Diego?” gulat na sambit ng babae.Nagulat at hindi makapagsalita si Diego nang makita ang babae, pero agad namang napalitan ng nakakalokong ngiti ang kanyang labi. Si Dina naman ay parang tinakasan ng dugo sa katawan sa sobrang putla.“Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nakakita ng multo," natatawang sabi ni Diego at humakbang papalapit kay Dina.“D-Diego, paan—” pinigilan siya ni Diego na magsalita gamit ang hintuturo."Shh… Let's just talk some other time. Kasama ko kasi ang anak ko," bulong ni Diego.Napasinghap si Dina at umatras. “I-I have to go," tarantang sabi ni Dina at tumakbo palayo kay Diego.Ngumisi nang nakakaloko si Diego habang sinusundan ng tingin si Dina,at napatakip sa bibig. Umayos siya ng tayo at tiningnan ang anak na abala pa rin sa pagtingin ng mga laruan.“Anak, may napili ka na ba?" malambing na tanong nito sa anak.“Yes, dad. I’ll just have this po," sagot ni Matthew at ipinakita sa kanyang ama ang mga laruan na napili.“Okay, son. Let's go sa counter."Na
Umawang ang labi ni Dina.Hindi niya matingnan si Caroline sa mata dahil sa titig nitong tila tumatagos hanggang sa kaluluwa. Huminga ng malalim si Dina, pilit na hindi pinapahalata na siya'y nanginginig.“Aaminin ko, naging other woman ako ng asawa mo. Pero noon lang 'yon,” matapang na pag-amin ni Dina. “We already broke up bago pa may nangyari sa kanya,” dagdag pa niya.Caroline rolled her eyes. “And, do you even think na hanggang doon lang?" ani Caroline habang tumatayo.Dahan-dahan itong lumapit kay Dina, na halata ang takot at kaba sa mukha. "Caroline, please, mag-move on na tayo. Matagal nang wala kami, at nakukunsensya na rin ako sa ginawa ko sa'yo. Hindi ko rin sinasadyang mahulog sa kanya," mangiyak-ngiyak na pahayag ni Dina.“And you think maniniwala ako sa'yo? And you think madali lang mag-move on? Nasaktan ako! Nawalan ako ng anak dahil sa 'yo! Tapos sasabihin mo lang na mag-move on?" galit na tugon ni Caroline.“I treated you like a sister. Naging mabuti ako sa'yo, hindi
Mabilis na inagaw ni Dina ang cellphone kay Caroline at itinapon ito. Halata sa mukha ni Dina ang kaba. Wala na siyang kawala sa mga kamay ni Caroline. Kung wala siyang gagawin, maaaring mawala sa kanya ang lahat, lalo na't may "sugar daddy" siya ngayon. Ayaw niyang masira ang kanyang imahe; baka masira rin ang lahat ng pinaghirapan niya, pati na rin ang reputasyon ng kanyang ina. "Please, don't! Puwede kong ibalik sa'yo ang kumpanya mo at ang perang nawala sa'yo. Gagawin ko ang lahat para maibalik ito sa'yo. H-hindi pa ako h-handa na humarap sa media at aminin ang nagawa ko sa'yo at sa asawa mo,” nanginginig at nauutal na wika ni Dina. Taas-kilay naman si Caroline. “Ang lakas mong kumabit, pero takot ka sa mga konsekuwensya? Grabe ka talaga, Dina. Hindi pa talaga kita lubusang kilala. Sayang lang ang mga taon na naging matalik kitang kaibigan," ani Caroline habang iginulong ang mga mata. "Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo, at pinagsisisihan ko ito. Nagsisisi ako noon pa