Share

111

SOLISE RESIDENCES…

NASA labas na siya ng Mansyon ng mga Solise. Isang dekada na rin ng huli siyang nakapunta sa mansyon. Kaya parang naninibago siya. Habang nakatingin sa mala-palasyong tahanan kung saan nakatira ang unang taong minahal niya ay nakaramdam na naman siya ng kirot sa kanyang dibdib. Bagay na nakalimutan na niya. Hindi man niya aminin, pero nangungulila pa rin siya taong ‘yon. Ang unang tao na kanyang minahal.

Palinga-linga siya sa paligid, marami nga talagang nagbago at nawala na rin ‘yung puno kung saan sila minsan tumatambay kapag bibisita silang mag-asawa sa mansyon. May duyan kasi na nilagay dun si Diego.

Nung matanggap n’ya ang invitation ay talaga namang nagulat siya at nagdadalawang isip kung pupunta ba siya o hindi. Ngunit kinumbinsi siya ng kanyang ama na pumunta. Akala n’ya ay hindi na siya makakabalik pa sa mansyon, dahil alam niya ang galit ng pamilya matapos siyang akusahan at makukong ng walong taon dahil sa pagkamatay ng anak nila. na si Diego.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status