Paano nangyari ito?! Hindi mapakali na palakad-lakad si Arcellie habang hawak ang report na nabasa niya. Nagtaka naman ang secretary na nakakakita sa hindi mapalagay na amo niya. PAGDATING sa restroom, nanginginig na naglabas ng sigarilyo si Aika sa kanyang bulsa. Itinigil na niya ang paninigarilyo. Nguniy kailangan niya ito, lalo na ngayon na masama ang loob niya. Matapang man siya sa harapan ng mommy niya, ngunit malayo iyon sa tunay na nasa loob niya. Natatakot siya para sa kanila ni Spencer. Kinuha ng dalaga ang cellphone at tinitigan ang wallpaper niya… ang kuha nilang dalawa ng binata. Wala naman talaga sa plano niya na gustuhin ito. Bukod sa hindi ito mayaman, malayong-malayo ito sa lalaking tipo niya. Masyadong mabilis ang pangyayari. Natagpuan niya ang sarili na unti-unting nagugustuhan ang lalaki. At ngayon nga ay wala na siyang balak bumitiw dito. “My god… ano ba itong nangyayari sa love life ko.” Akala niya ay si Hazel lang ang kakilala niya
Hindi na matutuloy ang kasal, pero bakit nasa balita pa rin ang tungkol dito? Hindi maitago ni Frank ang pagdidilim ng mukha. Nang mapansin nila Freya at Rose ang ekspresyon ng binata, nagkatinginan sila. Nang subukan na kunin ni Rose ang newspaper na nilukot ni Frank, mabilis na kinuha ito ni Mike at itinapon sa pinakamalapit na trash can. “Mabuti pa ay kumain na tayo, lalamig na ang pagkain.” Hinaplos ni Mike ang tiyan. “Kanina pa gutom ang mga bata… hindi sila uminom kahit gatas lang kanina. They wanted to eat with their uncle.” Ani Mike para alisin kay Frank ang atensyon ng asawa. Sa kalagitnaan ng pagkain ay hindi napigilan ni Freya ang ungkatin ang tungkol kay Yassie. Hindi na ito napigilan pa ni Alexander. “Frank, kailan mo balak na pakasalan si Yassie?” “Oo nga, Frank.” Segunda ni Rose. “Kung buntis siya, hindi niyo na dapat patagalin pa ang kasal niyo. Hello, wala kayang babae ang gustong maglakad ng malaki ang tiyan sa simbahan.” Lalong dumilim ang mu
"Freya, mag-usap tayo," ang mensahe ni Alexander kay Freya. Napagkasunduan nilang dalawa na magkita sa hotel kung saan sila madalas na magkita. Bago umalis, nag-ayos muna si Freya at nagpaganda para sa nobyo. Dahil batid ng dalaga na hindi lang basta usapan ang gagawin at magaganap sa pagkikita nilang dalawa. Pagkapasok pa lamang ng hotel room ay agad na sinunggaban ng malusok na halik ni Alexander si Freya habang buhat-buhat ang dalaga papunta sa ibabaw ng malaking kama. Pareho silang lasing sa pagnanasa at hindi paawat. Habang walang putol ang kanilang paghahalikan ay kanya-kanya nilang hinuhubad ang kanilang mga kasuotan. "Ohhh... god..." Napakagat si Freya sa labi nang maramdaman ang mainit at basang dila ni Alexander sa pagitan ng kanyang mga hita. Ang sarap ng ginagawa nitong paghimod sa kanyang gitna. Bawat pag-ikot at paglalaro ng dila ni Alexander sa kanyang perlas ay napapasabunot siya sa malambot nitong buhok. Nasasarapan siya sa ginagawa ng binata, para siyang kakapusin n
Sa loob ng marangyang at malawak na mansyon ng mga Evans, nagsiksikan ang mga bisita, pawang mga kilalang personalidad at mga mahahalagang tao sa bansa. Ang malaking bulwagan, na pinalamutian ng mga mamahaling kristal na chandelier at mga gintong estatwa, ay nagsisilbing perpektong lugar para sa pagtitipon. Ang mga pader ay natatakpan ng mga mamahaling pintura, habang ang sahig ay gawa sa makintab na marmol. Ang hangin ay puno ng halimuyak ng mga bulaklak, at ang musika mula sa isang live orchestra ay nagbibigay ng eleganteng ambiance sa lugar. Lahat ay naghihintay sa pormal na anunsyo tungkol sa nalalapit na kasal ng binata, ang kilalang anak ng pamilya sa bansa, ang mga Evans. "Raven, gawin mo akong pinakamaganda ngayong gabi. Gusto kong hindi maalis ni Alexander ang tingin sa akin kapag nakita niya ako," pakiusap ni Freya kay Raven, ang kanyang matalik na kaibigan na siyang nag-aayos sa kanya ngayon upang mas maging maganda at kaakit-akit. Mahinahon na natawa ang kaibigan si Rav
"Teka... anong ibig sabihin nito?!" Galit na tanong ni Raven habang nakakuyom kamao. "Alexander, anong kalokohan na ito? Bakit siya ang papakasalan mo gayong ang kaibigan ko ang fiance mo? Paano ang kaibigan ko?! Ano, bitiwan mo ako, Freya, ano ba!" Angal ni Raven nang hilahin siya ni Freya palayo sa nagkukumpulang mga bisita. "R-Raven, n-nakikiusap ako... gusto ko nang umuwi!" Garalgal ang boses na pakiusap ni Freya. Saka lamang kumalma si Raven nang makita ang kanyang luhaan at nakakaawang mukha. Wala pa ring patid ang kanyang pagluha, pati ang labi niya ay nanginginig sa matinding sakit. Ang kaninang masaya at maliwanag niyang aura ay napalitan ng hindi masukat na lungkot. "F-freya..." awang-awa si Raven na nakatingin kay Freya. Alam niya kung gaano kamahal ng kanyang kaibigan si Alexander. Simula ng mamatay ang magulang ni Freya ay sa lalaki na umikot ang buhay nito. Kaya alam ni Raven na sobra itong nasasaktan ngayon. Awang-awa na yumakap si Raven kay Freya para damayan it
Five years later... "Kailangan mong ayusin ang problemang 'to, Alexander! Huwag mong kalimutan na may obligasyon ka!" Pinilig ni Alexander ang ulo saka nilagok ang lamang alak ng hawak na baso. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses na ‘yon sa kanyang isip. Ang boses ng kanyang madrasta, paulit-ulit itong nag-uutos at nagdidikta sa mga bagay na kailangan niyang gawin, na para bang isa pa rin siyang bata na kailangan pasunurin. Hindi maipinta ang mukha na nilibot niya ang tingin sa paligid. Nakakabingi ang ingay sa paligid, isa ito sa dahilan kaya hindi siya mahilig dumalo sa ganitong klase ng events. Maingay, nakakairita. Bilang CEO at tagapagmana ng Evans Industry, ang nangungunang kumpanya sa larangan ng Artificial Intelligence. May mabigat na obligasyon si Alexander na kailangan patunayan. Hindi lamang sa pamilya niya, kundi sa buong mundo. Kilala man bilang maraming napatunayan at narating, para sa kanya, kulang pa ang lahat ng natamo niya, gusto pa niyang umunlad. Lumapit
Hindi nagsalita si Alexander pagkatapos sabihin ni Freya iyon. Nanatiling nakapinid ang labi nito habang ang malamig na mata ay nakatingin sa kanya. Katulad noon, hindi mabasa ni Freya ang emosyon sa gwapo nitong mukha, o maging ang naglalaro sa isipan nito. Kaya hindi masabi ni Freya kung nagulat ba ito, o hindi sa ginawa niyang pagsagot. Pero sigurado siya sa isang bagay—hindi ang pagkikita nilang ito ang makakapagpalabas ng emosyon ng ex-fiance niya. Hindi ni Freya namalayan na nakakuyom na pala ang kamao habang nakikipaglaban ng tingin sa lalaking kaharap. Pinilit ng dalaga na tatagan at ipakitang hindi siya apektado sa muli nilang pagkikita. Subalit nagsisimula na siyang makadama ng sakit at galit. Lahat ng masasakit na alaala na dinulot ni Alexander sa kanya ay dumaloy na at rumagasa na parang tubig sa bilis. 'Galit ako sa kanya!' Sigaw ng utak niya. Naghahatid kay Freya nang inis ang katotohanan na kailangan ng Wilson Company ang kooperasyon ng Evans Industry upang mapagan
Nahahapong sumandal si Freya sa pintuan ng mapakasok sa kanilang bahay. Ang bigat ng dibdib niya... hindi naman niya gustong saktan si David, pero hindi rin naman niya gusto itong paasahin. Mas mabuti nang tapatin niya ito sa katotohanan kaysa ang paniwalain na kaya niyang bigyan ito ng pag-asa at lugar sa puso niya. Humiga siya sa kama pagkatapos maligo. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang bumuntong-hininga. Bawat hininga ni Freya ay parang nagdadala ng mabigat na pasanin. Inaasahan naman niya na magkikita sila ni Alexander sa event, sa katunayan ay hinanda niya ang sarili na makaharap ang lalaki. Subalit hindi pala iyon gano'n kadali katulad ng inaakala niya. Totoo nga ang kasabihan na kahit ano pa ang gawing limoy sa sakit o nakaraan ay babalik at maaalala mo pa rin ito. Mapait na ngumiti si Freya ng maalala ang unang araw na nakita at minahal niya si Alexander... alaalang naging isang bangungot para sa kanya noon. NAPAHINTO SI FREYA SA PAGLABAS ng gate ng makitang may