Pagkatapos ng pag-uusap nila ng mommy ni Frank. Marami siyang napatunayan—at isa doon, na talagang mahalaga siya sa mommy nito. Malayo ito sa papa niya na kahit mali ang kapatid niya ay kakampe parin ito dito. Samantalang si tita Freya, kinakahiya niya ang nagawa ng sariling anak. Kung ganito rin sana ang papa niya. Kung marunong din sana ito na maging patas sa kanilang mga anak. Bago sumakay ng sasakyan ay mahigpit na yumakap si Freya sa dalaga. “Iha, maraming salamat sa pagpapatawad mo sa anak ko. Pero payo lang. Sana pinahirapan mo muna siya,” “Tita naman!” natawa ito ng napanguso siya. “Aba, dapat lang iyon sa kanya, iha. Pagkatapos ng ginawa niya? Kung ako sayo sa posisyon mo ay pinahirapan ko sana muna siya.” Natatawang napailing nalang ang dalaga. “Sige na, iha. Aalis na ako… magkikita nalang tayo sa susunod.” “Bye, tita!” nakangit
Dahil sa malakas na boses ni Yolly, nagsimulang magbulong-bulungan ang mga tao. Dahil laman si Hazel ng balita kamakailan lang, nakilala agad siya ng mga taong naroon. Nagsimulang maghisterikal si Yolly. “P-Pinalaki ka naman ng maayos! G-Ginawa namin ang lahat para palakihin ka ng maayos, tapos ito lamang ang igaganti mo sa amin? H-hindi mo na nga kami magawan ng maliit na pabor, pati ba naman si Frank ay aagawin mo sa ate Yassie mo? Paano mo ito nagawa, Hazel!” Agad na inalalayan ni Ian ang asawa ng umakto itong mawalan ng malay sa harapan ng lahat. “T-Tulong! Pakiabot ng tubig!” agad naman na lumapit ang staff ng restaurant at inabutan ng tubig si Ian. Nilibot ni Hazel ang tingin sa paligid. Ang lahat ng taong naroon ay nakatingin sa kanya ng may panlilibak… panghuhusga. Nang ibalik niya ang tingin kay tita Yolly ay napansin niya pagsilay ng ngisi nito sa labi, ngunit agad din na nawala. Galit na kumuyom ang kamao ni Haze
Nang dumilat si Hazel, tumambad sa kanya ang madilim na mukha ni Frank. Halatang nagpipigil lang ito ng galit.Iniwas niya ang tingin sa binata. Nahihiya siya dahil naabutan siya nitong umiiyak. Pero hindi niya mapigilan. Talagang nasaktan talaga siya sa mga sinasabi ng tao sa kanya at sa ginawa ng papa niya.Tanggap niya na mahalaga at mahal na mahal ng papa niya si Yassie. Pero kailangan pa ba na humantong sa pagpapahiya sa kanya para makuha ng mga ito gusto?Nang dumaloy ang luha sa mata niya, naramdaman niya ang mainit na hinlalaki ni Frank pinahiran ito.“M-masakit parin pala. A-akala ko kasi hindi na… akala ko sanay na ako, pero hindi parin pala. A-anak din naman niya ako, Frank… dugo at laman niya ako, pero kung tratuhin niya ako ay parang hindi niya ako kadugo… b-bakit ganung klase siyang ama?” Labas niya ng hinanakit habang impit na umiiyak sa dibdib nito.Hinayaan siyang umiyak ng binata… niyakap siya nito ng mahigpit at hinayaa
Dahil sa nangyari, pinili ni Hazel na manatili muna sa bahay ni Frank. Bukod sa masama ang loob niya sa papa niya, gusto rin niyang ipahinga muna ang isip niya ngayong araw. Bukas nalang siya papasok at magpapaliwanag sa lolo niya. Yumakap sa likuran niya s aFrank. Napahagikgik siya ng maramdaman ang paghalik nito sa batok niya. “Ano ba, Frank, nakikiliti ako,” narito siya ngayon sa kusina at pinagluluto ito. Nag-request kasi ito sa kanya ng morcon beef kaya pinagluluto niya ito. “Hmm, hindi ko mapigilan na amuyin ka. Mas mabango ka kasi sa niluluto mo, baby.” malambing nitong sabi sabay halik ulit sa kanya. “Frank!” binitiwan niya ang hawak na sandok at tumatawang humarap dito. “Ang kulit mo talaga. Paano ako matatapos neto—” naputol ang anumang sasabihin niya ng sakupin ng labi nito ang labi niya. Kaya naman napailing nalang siya. Lumalabas talaga ang side nito na parang bata kapag silang dalawa lang ang magkasama. Nang bumitaw ito sa kanya ay tumitig sa kanya ang malamlam n
Tinulungan ni Frank si Hazel na maghain pagkatapos magluto. Nakangiting pinagmasdan ng dalaga ang nobyo na naglalagay ng pagkain sa mesa. Pagkatapos nilang mag-usap kanina, tumahan din agad siya. Hindi niya kailangan matakot dahil nandiyan naman si Frank para protektahan siya. Malaki ang tiwala niya dito kaya naniniwala siya na balang araw ay lalabas din at malalaman nila ang totoo. Kumuha siya ng kutsara at sumandok ng luto niya. Lumapit siya sa nobyo at sinubuan ito. “Masarap ba?” nag-aral siya magluto ng iba’t ibang klase ng putahe sa ibang bansa kaya naman alam niyang hindi siya mapapahiya kay Frank. Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Akala niya ay hindi na matitikman ni Frank ang luto niya noon, but look at them now. Magkasama na ulit silang dalawa. “Hmm, ang sarap… pero mas masarap ka pa rin,” pilyong sagot nito sa kanya. Namumula ang pisngi na kinurot niya ito sa tiyan. “Ewan ko sayo, bolero ka!” aniya kunwari, kahit ang totoo ay kinikilig siya. Nang makita nito ang n
[Hazel] Nang dumating si aling Fatima at nakita ang ginagawa niya. Lumapit agad ito at pinigilan siya. Inagaw nito ang ginagawa niya. “Ako na di’yan, Hazel. Hindi mo trabaho ito,” “Aling Fatima naman, parang hindi naman ho ako sanay.” Nakangiting wika niya at tumulong parin sa kabila ng pagtutol nito. Habang nagliligpit, napansin niya na nakatingin sa kanya ang matanda. Kaya humawka siya sa pisngi niya at nagbiro. “Gumanda po ba lalo ako?” Tanong niya. Gusto lang naman niya na magpatawa. Pero nagulat siya dahil mukhang maluluha pa ito dahil namula ang kanyang mata. “Matagal ka ng maganda, Hazel. At hanggang ngayon ay wala kang pinagbago,” naluluhang sabi nito. “Aling Fatima naman. Paano po ako maniniwala kung iiyak ka. Binobola mo lang yata ako. Siguro inutusan ka ni Frank para bolahin ako,” imbis matawa, tuluyan na itong naluha. “Nagpapalasamat lang ako sa itaas dahil ligtas ka at buhay. Walang araw na hindi ko pinagsisihan na pinayagan kitang lumipat noon—“ niyakap it
[Hazel] Pagkarating nila sa kanila ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Hindu siya gustong umuwi ni Frank pero hindi pwede, baka kasi makahalata na ang lolo niya. Nakakaunawa naman si Frank sa gusto niya. Sa ngayon ay ililihim muna nila ang relasyon nila. Nangako naman ang binata sa kanya na pipigilan ang pagkalat nf gulo na ginawa ng magulang niya kanina sa restaurant. Hinapit siya ng nobyo sa bewang at mahigpit na niyakap. “Gusto ko sana na makasama ka pa. Kulang na kulang ang isang araw para sa akin, baby.” Lumayo siya dito at pinisil ang pisngi nito. “Wag kang mag-alala, kapag kinasal na tayo ay makakasama mo na ako ng matagal. Baka nga magsawa ka na lang kasi wala ka ng ibang makikita kundi ako.” “Never gonna happen, baby. Hinding-hindi ako magsasawa na makasama ka.” Ngumuso siya at umirap dito, kahit ang totoo ay kinikilig siya sa sinabi nito. “Bolero ka talaga. Sige na, Frank. Papasok na ako sa loob. Baka may magsumbong pa kay lolo na nandito ka sa labas.” Tumingkayad s
[Aika] Umiiyak na pumunta siya sa silid ng mommy niya. Naabutan niya ito na nakaupo sa harapan ng vanity mirror nito habang umiinom ng alak. Nang makita ni Arcellie ang anak, binaba nito ang hawak na wine glass. “Ginawa mo na ba ang inutos ko sayo? Hiniwalayan mo na ba ang lalaking iyon?” Tumayo siya at nilapitan ang anak. “Look, Aika. Kung ipagpapatuloy mo ang relasyon sa kanya, sigurado ako na magsisisi ka. Masisira ang pamilya natin.” Natigilan ito ng makita na umiiyak siya. “P-pero matagal ng nasira ang pamilya natin.” “Aika—“ “Wala akong daddy, lumaki ako na walang ama at… at walang malapit sa akin. Akala ko noong una ay dahil iyon sa kilala at mayaman ang pamilya natin kaya walang lumalapit sa akin. But not until I realized na hindi pala iyon ang dahilan. I-it because of us.” “Ano ba’ng sinasabi mo, Aika?” Galit na tanong ng ginang. Nguniy imbes na sagutin, nagtanong ito sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng marinig ang tanong nito sa kanya. “I-ikaw ba ang may kagagaw
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k