“Yes, baby. No exes…” tumatawang sagot pa ni Frank. Pagkahatid ni Frank sa kanya ay agad din itong umalis. Mag aalas nueve na kasi. Ganon nalang ang gulat ni Hazel ng madatnan ang lolo niya sa loob ng opisina niya. “L-lolo, kayo pala.” Kabadong tumikhim siya at bumati dito at humalik sa pisngi nito. “Good morning, lolo. Pasensya na hindi na ako nakauwi kagabi,” Handa na sana siyang magdahilan ng magsalita ito. “Nabanggit ni Nita na nalasing ka sa bahay ng kaibigan mo at doon na natulog?” Bumuntong-hininga si Henry bago muling nagsalita. “Pasensya ka na, apo. Hind ko alam na maski ikaw ay nagdaramdam sa pag atras ni Steve sa kasal ninyo.” Kumunot ang noo ni Hazel. “Nasabi sa akin ni Arcellie na sa palagay niya ay nasaktan ka din sa ginawa ni Steve. Pagpasensyahan mo na ang lolo mo kung nag-isip ako ng hindi maganda.” Napipilan si Hazel. Sinabi ng tita Arcellie niya iyon? Pero bakit? “Hayaan mo, Hazel. Ginagawa ko ang lahat para matuloy ang kasal ninyo.
“COZ!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Aika. Nang makapasok sa opisina ni Hazel ay nakiusyoso agad ito. “Nakita ko kanina na nanggaling dito si mommy. May sinabi ba siya tungkol sa inyo ni Frank?” Nang kumunot ang noo ni Hazel ay agad siyang nagpaliwanag. “Nakita ko kasi sa kwarto niya ang mga pictures niyong dalawa. Mukhang pinapasundan ka ni mommy, coz. Mag iingat ka.” “Sayo, hindi ko ba kailangan mag ingat?” Ngumuso ito. “Wow ha. Nag aalala na nga ako sayo tapos ganyan ka pa. Alam kong bitch ako at hindi na magbabago ang tingin sa akin ng ibang tao. But believe me, nakakapagod din maging masama.” Tinaasan niya ng kilay si Hazel. “Napapansin ko na palagi kang wala sa bahay. So, totoo nga ang hinala ko… kayo na ni Frank Evans?” Imbes sagutin ay inirapan lang ito ni Hazel. “Ang aga pa para maki-tsismis ka. Bakit hindi ka nalang bumalik sa station mo at magtrabaho. O kaya naman, asikasuhin mo ang ‘NOBYO’ mo na palagi mong nilalait kesa ang i-tsismis ako
Paano nangyari ito?! Hindi mapakali na palakad-lakad si Arcellie habang hawak ang report na nabasa niya. Nagtaka naman ang secretary na nakakakita sa hindi mapalagay na amo niya. PAGDATING sa restroom, nanginginig na naglabas ng sigarilyo si Aika sa kanyang bulsa. Itinigil na niya ang paninigarilyo. Nguniy kailangan niya ito, lalo na ngayon na masama ang loob niya. Matapang man siya sa harapan ng mommy niya, ngunit malayo iyon sa tunay na nasa loob niya. Natatakot siya para sa kanila ni Spencer. Kinuha ng dalaga ang cellphone at tinitigan ang wallpaper niya… ang kuha nilang dalawa ng binata. Wala naman talaga sa plano niya na gustuhin ito. Bukod sa hindi ito mayaman, malayong-malayo ito sa lalaking tipo niya. Masyadong mabilis ang pangyayari. Natagpuan niya ang sarili na unti-unting nagugustuhan ang lalaki. At ngayon nga ay wala na siyang balak bumitiw dito. “My god… ano ba itong nangyayari sa love life ko.” Akala niya ay si Hazel lang ang kakilala niya
Hindi na matutuloy ang kasal, pero bakit nasa balita pa rin ang tungkol dito? Hindi maitago ni Frank ang pagdidilim ng mukha. Nang mapansin nila Freya at Rose ang ekspresyon ng binata, nagkatinginan sila. Nang subukan na kunin ni Rose ang newspaper na nilukot ni Frank, mabilis na kinuha ito ni Mike at itinapon sa pinakamalapit na trash can. “Mabuti pa ay kumain na tayo, lalamig na ang pagkain.” Hinaplos ni Mike ang tiyan. “Kanina pa gutom ang mga bata… hindi sila uminom kahit gatas lang kanina. They wanted to eat with their uncle.” Ani Mike para alisin kay Frank ang atensyon ng asawa. Sa kalagitnaan ng pagkain ay hindi napigilan ni Freya ang ungkatin ang tungkol kay Yassie. Hindi na ito napigilan pa ni Alexander. “Frank, kailan mo balak na pakasalan si Yassie?” “Oo nga, Frank.” Segunda ni Rose. “Kung buntis siya, hindi niyo na dapat patagalin pa ang kasal niyo. Hello, wala kayang babae ang gustong maglakad ng malaki ang tiyan sa simbahan.” Lalong dumilim ang mu
“Mam, pasensya na ho. Pero hindi talaga kayo pwedeng pumasok,” Muling tiningnan ng security guard ang name list ang mukha ng nasa banning list. Nang masiguro, muli itong bumaling kay Yassie. “Pasensya na ho, pero sumusunod lang kami sa utos.” “Utos? By who?!” Sinubukan ni Yassie na agawin ang list, ngunit mabilis na iniwas ito ng security guard. “Huwag kayong mag eskandalo, mam. Kami din naman ay nagtataka kung bakit kasama kayo sa pina-ban sa amin ng security department. Kung may reklamo man kayo, huwag kayo sa amin magreklamo. Ginagawa lang namin ang mga trabaho namin.” Paliwanag nito. Kumuyom ang kamao ni Yassie. Nang ilibot niya ang tingin sa paligid, napansin niya na marami na ang nakatingin sa kanya. Dahil sa ingay na nilikha niya, umugong ang usap-usapan. “Nabalitaan niyo na ba? Hiwalay na daw sila ni Sir. Ayon nga sa usap-usapan, limang taon na silang hiwalay pero ngayon lang napatunayan iyon,” Wika pa ng babae. “Mukhang may bago na si Sir dati pa. Ang
Nanlaki ang mata ni Hazel ng makita na si Tita Freya ito kasama si Yassie. “S-see? Magkasama silq ngayon at n-niloloko nila ako! Tita, they’ve been cheating on me since Hazel came back… w-who knows, baka matagal na nila itong ginagawa sa akin!” Humahagulhol pa si Yassie ng iyak. Napaawang ang labi ni Hazel sa narinig. Nang tumingin siya sa mommy ni Frank ay may pagkadismaya itong nakatingin sa kanila, especially sa kanya. “Tita—“ Napahinto si Hazel sa pagsasalita ng humarang si Frank sa harapan niya. “You don’t have to explain yourself, baby. Wala tayong ginagawang masama.” Galit na dinuro ng binata si Yassie, na ngayon ay nagtatago sa likuran ng kanyang ina. “You bitch! Hiwalay na tayo, Yassie! At pwede ba, tigilan mo na ang pagpapanggap na buntis ka!” Napahawak sa ulo si Freya. Sinabi na nga ito sa kanya ng anak. Ngunit ginigiit ni Yassie na buntis ito. Sumasakit ang ulo niya. Sinong mag-aakala na mayron palang relasyon sina Frank at Hazel. All this time, inakala niya
“Bawiin mo ang sinabi mo, Frank!!!”Hindi pinakinggan ni Frank ang pagsisigaw ni Yassie, lumabas siya ng silid upang habulin ang ina. Ngunit natigilan siya ng makita si Rose, masama ang tingin nito sa kanya.‘Great. Mukhang hindi lang ang galit ng kanyang ina ang haharapin niya ngayon—kundi maging ang galit ng kanyang kapatid.’“Good luck, Frank. Sa palagay ko ay talagang ginalit mo si mommy sa pagkakataong ito.” Ani Rpse bago tinalikuran ang kanyang kapatid. Natampal ni Frank ang noo. Sa nakita niya kanina, mukhang tama ang kapatid niya. Nakikita lamang niya ang galit na ekspresyon ng kanilang ina sa tuwing nagagalit ito sa kanilang ama. Kanina habang nakatingin ito sa kanya. Nakita niya ang ekspresyon na iyon.Damn! Kasalanan ito ni Yassie.Pero mabuti na rin na nangyari ito. Tama si Hazel. Darating ang araw na malalaman ng lahat ginawa nila ni Yassie noon.“Frank! Bawiin mo ang sinabi mo!” Humabol si Yassie sa binata, nang maabutan ito, mabilis siyang kumapit sa braso nito. “Frank
Sa tuwing pumupunta ito sa Law Firm nila ay sinisikap niya na magdahilan para ibigay ang kaso nito sa iba. Hindi niya masikmura na panigan ang baluktot na katwiran nito. At alam ni Rose na napansin na iyon ng babaeng ito. Nanlisik ang mga mata ni Yassie. Puno ng galit ang mga mata na tumingin siya sa kapatid ni Frank. Sa totoo lang, kung hindi ito kapatid ni Frank ay matagal ng nakatikim sa kanya ang babaeng ito. Noon pa, napansin na niya ang pangungutya sa mga tingin nito, at ramdam niya at nakikita ang tahasang pag-ayaw nito sa kanya. Ngayon na wala na sila ni Frank at buking na siya. Wala ng dahilan para makipag-plastikan sa babaeng ito. Malakas niyang tinulak si Rose palayo sa kanya at malakas na sasampalin niya sana ito, ngunit biglang may sumalo dito bago pa matumba sa malamig na semento, at may maagap na humawak sa pulso niya. “Subukan mong saktan ang asawa ko. I swear, masasaktan ka.” tiim-bagang na sambit ni Mike na kadarating lang. “You monster! I hate you! Inaway
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k