“What do you mean?” Ang takot na noo’y nakakulong sa kanyang dibdib ay muling nabuhay. No! Nabibingi lamang siya! Her fiance will never say those words to her! “Let’s end our relationship now. Hindi kita mahal, at alam kong ramdam at alam mo ito. Things between us is complicated, Yassie—“ “It’s complicated because you let it, Frank! Hindi magiging komplikado ang lahat kung hindi lamang ako ang nagsisikap na isalba ito!” Yumakap siya sa nobya ng mahigpit, “b-babe, what happened to you? Dahil ba ito sa inutos ko sayo noon? Hanggang ngayon ba ay galit ka parin sa akin dahil dito? I’m sorry, okay?” Hinawakan siya ni Frank sa balikat at bahagyang inilayo… at sinabi ang kataga na noon pa man ay kanya ng itinatanggi. “Hindi kita minahal… hindi kailanman.” Tumutulo ang luha ni Yassie kanina sa drama, ngunit ngayon ay tuluyan na itong tumutulo sa sakit ng kalooban niya. “H-hindi iyan totoo… m-mahal mo ako, Frank… mahal mo ako.” Yumakap siya sa bewang nito sa kabila ng kanyang p
“Hindi kami nagsisinungaling sa iyo, miss. Sa maniwala ka man o hindi, kaming mag asawa ay marangal na kumakayod para mabuhay, hindi namin magagawa ang bagay na binibintang mo… sa katunayan, kilala namin ang taong gumawa niyon sayo.” Nanlisik ang mata ni Aika. balak pa siyang paikutin ng mga ito. “Hindi ninyo mabibilog ang ulo ko! Anong palagay ninyo sa akin? Uto-uto?” lalong nag init ang ulo niya ng maalala ang sinabi ni Hazel sa kanya. “Hindi ninyo ako maloloko… mabuti pa ay sa presinto na kayo magpaliwanag!” Si Marga na narinig ang kumosyon ay lumabas ng clinic niya. Naabutan niya si Aika na sobra ang panlilisik ng mata. “Oh, Mr. Gozon? Anong kaguluhan ito? Aika?” Inis na tinuro sa kanya ni Aika ang mag asawa. “Naalala mo ang lalaking kinuwento ko sayo na nang-snatch ng cellphone ko? It’s him, Marga! That bastard took my phone! He’s a thief!” “Natawagan mo na ba si Spencer?” tanong ng babae sa kanyang asawa. “Yes, hon. Parating na siya.” “Aika, calm down, okay— “Look, Marg
“LOOK AT YOU, DUDE. lasing na lasing ka na, mabuti pa ay umuwi ka na.” sumenyas si Felix kay Jobert, nang makalapit ito ay nag utos siya. “Iuwi mo na si Frank. He’s drunk.” “I-I’m not drunk… i-i want to more!” Nagkatinginan sila ni Lino. it’s been 5 years simula ng maging miserable si Frank. Wala man itong sabihin, bilang kaibigan ay may duda sila kung bakit nagkakaganito ito. “Move on, Frank. Hindi ka makakamove on, o uusad kung hindi mo tatanggapin ang lahat.” “Tanggapin?” nilagok ni Frank ang lamang alak ng kanyang bago, bago malakas na ibinagsak ito, “No, Felix… hindi ako titigil hanggat hindi niya ako napapatawad. I’ve been dreaming with her for the past 5 years… nakaisip ako ng hindi magandang bagay dahil sa kanya. Ngayon pa ba ako titigil ‘ngayon kung kailan nagbalik siya?” Napailing si Lino. malayo ito sa mayabang na kaibigan na sinabi sa kanya na hindi ito naniniwala sa karma. But look at him now. “Hindi madaling hingin ang kapatawaran sa malaking kasalanan na ginawa, F
“Watch your mouth!” Hinawakan ni Hazel si Steve sa kamay, mahinahon na hinarap niya ang kapatid. “Gabi na para dumalaw ka, Yassie. Hindi rin bukas ang pintuan namin para sa iyo, o sa inyo ng magulang mo. Ano ang kailangan mo at napasugod ka ng ganitong oras?” Kumuyom ang kamao ni Yassie. Ang kalmado at mahinahon na pagharap sa kanya ni Hazel ay lalong nagpapagalit sa kanya. Pakiwari niya ay kinukutya siya nito ng harapan at minamaliit siya. “Plastik ka!” Hinablot niya ang buhok ni Hazel, agad naman na umawar si Steve, mayamaya, naramdaman niya ang pagtanggal ng malakas na kamay sa kamay niya na nakahawak sa buhok ni Hazel. “Let go of her, Yassie.” “F-frank!” Ang kasiyahan sa kanyang mukha ay agad na napalitan ng sakit ng may hinala na umukupa sa kanyang isipan. Nanlilisik ang mata na tumingin siya kay Hazel. “Siya ba, Frank? Siya ba ang dahilan kaya nakipaghiwalay ka sa akin?! Umamin ka nga! Hindi ka nakipaghiwalay dahil lamang nakokonsensya ka, tama ba ako? Gusto mo ba ang
Saka lamang nakahinga ng maluwag si Yassie ng ibaba ng mga tauhan ng matanda ang mga armas na nakatutok sa kaniya. Hinawakan niya sa braso si Frank ng subukan nitong humakbang paabante upang lapitan sina Hazel, ngunit tinabig ng binata ang kanyang kamay. “Hindi ko masusunod ang gusto mong mangyari, Chairman. Limang taon kong inakala na wala na siya, kaya ngayong nagbalik siya, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito upang maitama ang pagkakamali ko na nagawa noon sa kanya.” Si Hazel na narinig ang sinabi ng binata sa kanyang abuelo ay napahinto sa paghakbang. Nagkausap ba si Frank ang kanyang abuelo? Ang mukha ni Henry ay dumilim. Hindi humaharap sa binata na ito ay nagsalita. “Hindi ako manonood lang, Mr. Evans… walang sinuman ang makakaputol ng sumpaan ng aming mga pamilya, kahit ang mga Evans pa!” Nagbigay ito ng signal sa mga tauhan. “Isara na ang tarangkahan!” “Yes, Chairman!” Sabay na tugon ng mga tagasunod ni Chairman, bago isinara ang gate. DESIDIDO talaga a
Si Joemar ay napalunok ng laway ng magsimulang tumawa si Frank, si Jobert naman na katabi nito ay napailing na lamang. Pagkaraan ng ilang sandali ay napasabunot si Frank sa kanyang buhok… “Tara na… mag iwan ng ilang tao para mag ulat sa akin kung saan siya pupunta. Gusto kong ireport sa akin ang lahat ng lugar at taong kakatagpuin niya. Maliwanag ba?” “Yes, boss!” Mabilis na tugon ni Jobert bago bumaba ng kotse para magbilin sa iba pang mga kasama. “Tara na, Joemar.” “Yes, sir!”“ANO ang ibig mong sabihin na tinapos ni Frank ang lahat sa inyo?” Hindi sumagot si Yassie, patuloy lamang ito sa pagluha, kaya naman hindi na nakatiis si Ian, nilapitan niya ang anak at niyugyog ito sa balikat. “Sabihib mo na hindi totoo ang mga sinabi mo?!” Maging si Yolly ay bakas ang pagkabahala sa mukha ng dumating ang kanilang anak dala ang nakakagulat na balita dito sa kanilang tinutuluyang hotel ngayon.“Totoo ang mga sinabi ko, papa! Hiniwalayaan na niya ako! Iniwan na niya ako, papa! Hi
PAREHONG napaawang ang labi nina Toni at Hazel ng maabutan nila si Aling Fatima na ang sarap ng tulog, napapalibutan ito ng mga puzzle na sa palagay nila ay ilang araw ng sinusubukan na buohin. “Akala ko ba ay may sakit si Aling Fatima?” kunot ang noo na tanong ni Toni kay Joemar na kadarating lamang. “A-Ah, o-oo, may sakit nga siya. N-nakita mo naman, nanlalalim ang ilalim ng kanyang mga mata.” Mas mukhang puyat ang matanda, kesa ang may sakit, napansin agad iyon ni Hazel. “Pwede bang iwan mo kami ni Haz– I mean ng kaibigan ko, Joemar? Sige na, lumabas ka muna ng silid, gusto namin na makausap si Aling Fatima ng sarilinan.” Bago lumabas, saglit na tinitigan ng lalaki si Hazel, kinukurpirma na tama ang kanyang hinala. Si Hazel nga ito! Pagkalabas ni Joemar, inalis ni Hazel ang kanyang sumbrero at facemaska, saka siya naupo sa gilid ng kama na naroon. Tinapik naman ni Toni si Aling Fatima upang gisingin. Nang dumilat ang matanda, agad itong naupo at dumampot ng piraso ng puzzle
Alam ni Frank na isang kahibangan ang ginawa niya, at baka ito pa ang maging dahilan ng lalong pagkamuhi sa kanya ng dalaga. Ngunit desperado siya, umaasa na mararamdaman niya sa halik nito ang katiting na damdamin na hinahanap niya… “Hazel—“ isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha pagkatapos niyang bumitaw. Puno ng pagkamuhi ang mata ni Hazel na nakatingin sa kanya… pandidiri at pagkadismaya. “Desperado ka nga, Mr. Evans. Sana ito na ang huling beses na lalapat sa labi ko ang maruming labi mo, dahil talaga naman na nakakasuka.” Umalis na si Hazel, naiwan si Frank sa kanyang kinatatayuan habang hawak ang pisngi na nasaktan. Noon, kapag hinahalikan niya ito, ramdam niya ang pangungulila, pagkasabik, at pagmamahal sa mga halik niya. Ngunit ngayon, wala siyang madama maliban sa kagustuhan nitong itulak siya palayo. Samantala, napahinto sa paghakbang si Hazel ng makasalubong ang kanyang magulang at si Yassie. Maging ang mga ito ay nabigla, maging si Yassie. Kumuyom ang