Pinamulahan ng mukha si Ian sa sobrang galit. “Ginamit ninyo ako para gawing baby maker ng anak ninyo… ginawa ninyo akong hay0p… anong klaseng magulang ka?” Si Aika na nakikinig, pinanlakihan ng mata at napasinghap pa. Si Frank na kadarating lamang ay nanigas sa kinatatayuan hawak ang bungkos ng bulaklak na kanyang dala para sa dalaga. Sa ikalawang pagkakataon, nakatikim ng sampal si Hazel, at mula na ito sa kanyang ama. Sa lakas ng sampal ay napaling ang kanyang mukha…namanhid ito at namula, nalasahan niya ang dugo sa loob ng kanyang pisngi. “F-Frank…” si Yassie ay nabigla ng makita ang nobyo na napakadilim ng mukha na nakatayo sa pintuan, nakatingin kay Hazel na ngayon ay nakabiling pa ang ulo at gumulo ng bahagya ang buhok sa lakas ng sampal na natamo. “Leave with your parents, Yassie… NOW.” Sanay siya sa malamig na tono ni Frank, ngunit sa pagkakataon na ito, nanginig si Yassie sa hindi malamang dahilan… batid niya na kapag hindi pa sila umalis ay may mangyayari na hindi mag
“What do you mean?” Ang takot na noo’y nakakulong sa kanyang dibdib ay muling nabuhay. No! Nabibingi lamang siya! Her fiance will never say those words to her! “Let’s end our relationship now. Hindi kita mahal, at alam kong ramdam at alam mo ito. Things between us is complicated, Yassie—“ “It’s complicated because you let it, Frank! Hindi magiging komplikado ang lahat kung hindi lamang ako ang nagsisikap na isalba ito!” Yumakap siya sa nobya ng mahigpit, “b-babe, what happened to you? Dahil ba ito sa inutos ko sayo noon? Hanggang ngayon ba ay galit ka parin sa akin dahil dito? I’m sorry, okay?” Hinawakan siya ni Frank sa balikat at bahagyang inilayo… at sinabi ang kataga na noon pa man ay kanya ng itinatanggi. “Hindi kita minahal… hindi kailanman.” Tumutulo ang luha ni Yassie kanina sa drama, ngunit ngayon ay tuluyan na itong tumutulo sa sakit ng kalooban niya. “H-hindi iyan totoo… m-mahal mo ako, Frank… mahal mo ako.” Yumakap siya sa bewang nito sa kabila ng kanyang p
“Hindi kami nagsisinungaling sa iyo, miss. Sa maniwala ka man o hindi, kaming mag asawa ay marangal na kumakayod para mabuhay, hindi namin magagawa ang bagay na binibintang mo… sa katunayan, kilala namin ang taong gumawa niyon sayo.” Nanlisik ang mata ni Aika. balak pa siyang paikutin ng mga ito. “Hindi ninyo mabibilog ang ulo ko! Anong palagay ninyo sa akin? Uto-uto?” lalong nag init ang ulo niya ng maalala ang sinabi ni Hazel sa kanya. “Hindi ninyo ako maloloko… mabuti pa ay sa presinto na kayo magpaliwanag!” Si Marga na narinig ang kumosyon ay lumabas ng clinic niya. Naabutan niya si Aika na sobra ang panlilisik ng mata. “Oh, Mr. Gozon? Anong kaguluhan ito? Aika?” Inis na tinuro sa kanya ni Aika ang mag asawa. “Naalala mo ang lalaking kinuwento ko sayo na nang-snatch ng cellphone ko? It’s him, Marga! That bastard took my phone! He’s a thief!” “Natawagan mo na ba si Spencer?” tanong ng babae sa kanyang asawa. “Yes, hon. Parating na siya.” “Aika, calm down, okay— “Look, Marg
“LOOK AT YOU, DUDE. lasing na lasing ka na, mabuti pa ay umuwi ka na.” sumenyas si Felix kay Jobert, nang makalapit ito ay nag utos siya. “Iuwi mo na si Frank. He’s drunk.” “I-I’m not drunk… i-i want to more!” Nagkatinginan sila ni Lino. it’s been 5 years simula ng maging miserable si Frank. Wala man itong sabihin, bilang kaibigan ay may duda sila kung bakit nagkakaganito ito. “Move on, Frank. Hindi ka makakamove on, o uusad kung hindi mo tatanggapin ang lahat.” “Tanggapin?” nilagok ni Frank ang lamang alak ng kanyang bago, bago malakas na ibinagsak ito, “No, Felix… hindi ako titigil hanggat hindi niya ako napapatawad. I’ve been dreaming with her for the past 5 years… nakaisip ako ng hindi magandang bagay dahil sa kanya. Ngayon pa ba ako titigil ‘ngayon kung kailan nagbalik siya?” Napailing si Lino. malayo ito sa mayabang na kaibigan na sinabi sa kanya na hindi ito naniniwala sa karma. But look at him now. “Hindi madaling hingin ang kapatawaran sa malaking kasalanan na ginawa, F
“Watch your mouth!” Hinawakan ni Hazel si Steve sa kamay, mahinahon na hinarap niya ang kapatid. “Gabi na para dumalaw ka, Yassie. Hindi rin bukas ang pintuan namin para sa iyo, o sa inyo ng magulang mo. Ano ang kailangan mo at napasugod ka ng ganitong oras?” Kumuyom ang kamao ni Yassie. Ang kalmado at mahinahon na pagharap sa kanya ni Hazel ay lalong nagpapagalit sa kanya. Pakiwari niya ay kinukutya siya nito ng harapan at minamaliit siya. “Plastik ka!” Hinablot niya ang buhok ni Hazel, agad naman na umawar si Steve, mayamaya, naramdaman niya ang pagtanggal ng malakas na kamay sa kamay niya na nakahawak sa buhok ni Hazel. “Let go of her, Yassie.” “F-frank!” Ang kasiyahan sa kanyang mukha ay agad na napalitan ng sakit ng may hinala na umukupa sa kanyang isipan. Nanlilisik ang mata na tumingin siya kay Hazel. “Siya ba, Frank? Siya ba ang dahilan kaya nakipaghiwalay ka sa akin?! Umamin ka nga! Hindi ka nakipaghiwalay dahil lamang nakokonsensya ka, tama ba ako? Gusto mo ba ang
Saka lamang nakahinga ng maluwag si Yassie ng ibaba ng mga tauhan ng matanda ang mga armas na nakatutok sa kaniya. Hinawakan niya sa braso si Frank ng subukan nitong humakbang paabante upang lapitan sina Hazel, ngunit tinabig ng binata ang kanyang kamay. “Hindi ko masusunod ang gusto mong mangyari, Chairman. Limang taon kong inakala na wala na siya, kaya ngayong nagbalik siya, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito upang maitama ang pagkakamali ko na nagawa noon sa kanya.” Si Hazel na narinig ang sinabi ng binata sa kanyang abuelo ay napahinto sa paghakbang. Nagkausap ba si Frank ang kanyang abuelo? Ang mukha ni Henry ay dumilim. Hindi humaharap sa binata na ito ay nagsalita. “Hindi ako manonood lang, Mr. Evans… walang sinuman ang makakaputol ng sumpaan ng aming mga pamilya, kahit ang mga Evans pa!” Nagbigay ito ng signal sa mga tauhan. “Isara na ang tarangkahan!” “Yes, Chairman!” Sabay na tugon ng mga tagasunod ni Chairman, bago isinara ang gate. DESIDIDO talaga a
Si Joemar ay napalunok ng laway ng magsimulang tumawa si Frank, si Jobert naman na katabi nito ay napailing na lamang. Pagkaraan ng ilang sandali ay napasabunot si Frank sa kanyang buhok… “Tara na… mag iwan ng ilang tao para mag ulat sa akin kung saan siya pupunta. Gusto kong ireport sa akin ang lahat ng lugar at taong kakatagpuin niya. Maliwanag ba?” “Yes, boss!” Mabilis na tugon ni Jobert bago bumaba ng kotse para magbilin sa iba pang mga kasama. “Tara na, Joemar.” “Yes, sir!”“ANO ang ibig mong sabihin na tinapos ni Frank ang lahat sa inyo?” Hindi sumagot si Yassie, patuloy lamang ito sa pagluha, kaya naman hindi na nakatiis si Ian, nilapitan niya ang anak at niyugyog ito sa balikat. “Sabihib mo na hindi totoo ang mga sinabi mo?!” Maging si Yolly ay bakas ang pagkabahala sa mukha ng dumating ang kanilang anak dala ang nakakagulat na balita dito sa kanilang tinutuluyang hotel ngayon.“Totoo ang mga sinabi ko, papa! Hiniwalayaan na niya ako! Iniwan na niya ako, papa! Hi
PAREHONG napaawang ang labi nina Toni at Hazel ng maabutan nila si Aling Fatima na ang sarap ng tulog, napapalibutan ito ng mga puzzle na sa palagay nila ay ilang araw ng sinusubukan na buohin. “Akala ko ba ay may sakit si Aling Fatima?” kunot ang noo na tanong ni Toni kay Joemar na kadarating lamang. “A-Ah, o-oo, may sakit nga siya. N-nakita mo naman, nanlalalim ang ilalim ng kanyang mga mata.” Mas mukhang puyat ang matanda, kesa ang may sakit, napansin agad iyon ni Hazel. “Pwede bang iwan mo kami ni Haz– I mean ng kaibigan ko, Joemar? Sige na, lumabas ka muna ng silid, gusto namin na makausap si Aling Fatima ng sarilinan.” Bago lumabas, saglit na tinitigan ng lalaki si Hazel, kinukurpirma na tama ang kanyang hinala. Si Hazel nga ito! Pagkalabas ni Joemar, inalis ni Hazel ang kanyang sumbrero at facemaska, saka siya naupo sa gilid ng kama na naroon. Tinapik naman ni Toni si Aling Fatima upang gisingin. Nang dumilat ang matanda, agad itong naupo at dumampot ng piraso ng puzzle
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k