PAREHONG napaawang ang labi nina Toni at Hazel ng maabutan nila si Aling Fatima na ang sarap ng tulog, napapalibutan ito ng mga puzzle na sa palagay nila ay ilang araw ng sinusubukan na buohin. “Akala ko ba ay may sakit si Aling Fatima?” kunot ang noo na tanong ni Toni kay Joemar na kadarating lamang. “A-Ah, o-oo, may sakit nga siya. N-nakita mo naman, nanlalalim ang ilalim ng kanyang mga mata.” Mas mukhang puyat ang matanda, kesa ang may sakit, napansin agad iyon ni Hazel. “Pwede bang iwan mo kami ni Haz– I mean ng kaibigan ko, Joemar? Sige na, lumabas ka muna ng silid, gusto namin na makausap si Aling Fatima ng sarilinan.” Bago lumabas, saglit na tinitigan ng lalaki si Hazel, kinukurpirma na tama ang kanyang hinala. Si Hazel nga ito! Pagkalabas ni Joemar, inalis ni Hazel ang kanyang sumbrero at facemaska, saka siya naupo sa gilid ng kama na naroon. Tinapik naman ni Toni si Aling Fatima upang gisingin. Nang dumilat ang matanda, agad itong naupo at dumampot ng piraso ng puzzle
Alam ni Frank na isang kahibangan ang ginawa niya, at baka ito pa ang maging dahilan ng lalong pagkamuhi sa kanya ng dalaga. Ngunit desperado siya, umaasa na mararamdaman niya sa halik nito ang katiting na damdamin na hinahanap niya… “Hazel—“ isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha pagkatapos niyang bumitaw. Puno ng pagkamuhi ang mata ni Hazel na nakatingin sa kanya… pandidiri at pagkadismaya. “Desperado ka nga, Mr. Evans. Sana ito na ang huling beses na lalapat sa labi ko ang maruming labi mo, dahil talaga naman na nakakasuka.” Umalis na si Hazel, naiwan si Frank sa kanyang kinatatayuan habang hawak ang pisngi na nasaktan. Noon, kapag hinahalikan niya ito, ramdam niya ang pangungulila, pagkasabik, at pagmamahal sa mga halik niya. Ngunit ngayon, wala siyang madama maliban sa kagustuhan nitong itulak siya palayo. Samantala, napahinto sa paghakbang si Hazel ng makasalubong ang kanyang magulang at si Yassie. Maging ang mga ito ay nabigla, maging si Yassie. Kumuyom ang
Lalong naluha si Yassie ng marinig ang sinabi ni Frank. Nasaktan na siya kanina sa pambabalewala nito sa kanya at pag iwan para sundan si Hazel, at maging sa sinabi nito ngayon sa harapan mismo ng kanyang magulang ay nasasaktan siya. Kasalanan ito ni Hazel! Pinahid niya ang luha. Kung magiging bayolente siya, wala itong maitutulong. Sa ngayon ay kailangan niyang sakyan ang gusto ni Frank. Malapit ng ikasal si Hazel sa iba, alam niya na matatauhan din ang binata isa sa mga araw na ito. Walang nagawa sina Ian at Yolly, nang dumating si Jobert, sumama sila dito kasama ang anak na si Yolly. Isa itong kahihiyan! Nang dahil kay Hazel ay pinalayas sila! Hindi ito katanggap-tanggap! “Ian, ano na ang gagawin natin? Hindi ito maaring kumalat! Marami ang mawawala sa atin sa oras na kumalat ang balitang ito!” Niyakap ni Yassie ang kanyang ina. “Huwag kayong mag alala, mama… hindi ako papayag na mauwi sa ganito ang lahat sa amin ni Frank… hindi mawawala ang koneksyon ng ating pamilya sa m
Hindi kumibo ang dalaga. Bago pumunta sa Montefalco Building ay hinatid muna si Toni sa Venue kung nasaan ang asawa nito ngayon. Pagkatapos magpaalam kina Tes, bumalik na siya. Bago makapasok sa kanyang opisina ay humarang na si Aika sa kanya. “Coz, bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na maraming trabaho ang naghihintay sayo ngayon? Saka bakit kapag ikaw pwedeng umabsent? Bakit kapag ako ang daming pumupuna? Pareho lang naman tayong apo ni Lolo ah!” Hindi niya pinansin ang pagsesentimyento nito. “Coz!” Sumunod si Aika kay Hazel, nang mapansin niya ang suot nito, umirap siya. “Polo shirt at pantalon? Really, Hazel? Nakalimutan mo yata na CEO ka na ngayon at hindi ordinaryong empleyado lang.” “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo akong tatawagin COZ kapag nasa trabaho tayo, Aika?” “Whatever.” Padaskol na naupo siya sa upuang nasa harapan ni Hazel. “Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?” Hindi siya pinansin ni Hazel. “Coz, nakikiusap ako sayo. Please…” Binaba ni Haz
“Kuya Yael!” Nagliwanag ang mukha ni Hazel ng makita ang kuya niya sa lobby. Nang makita sila nito ay agad itong tumayo at lumapit sa kanila. “Hazel!” “Kuya!” Parang bata na yumakap siya dito, na agad naman nitong ginantihan. Nang bumitaw siya sa kapatid niya ay tumingala siya dito. “Bakit hindi mo naman sinabi na dadalaw ka pala ngayon dito. Buti nalang ay naabutan mo kami. Kasama mo si ate Sharrie?” Mahinang pinisil nito ang pisngi niya. “Hindi. Alam mo naman na pinaghahandaan niya ang nalalapit na eleksyon. Siya nga pala. Saan kayo pupunta? Lunch? Sabay na ako.” Hindi maiwasan ni Steve ang mapangiti sa tuwa habang nagmamaneho. Lumalabas ang kakulitan ni Hazel kapag kausap si Yael o ang ate Sharrie nito. Walang nakakaalam na buhay si Hazel sa loob ng limang taon, maliban sa kanila. Noong una ay hindi sang ayon si lolo Henry na ipaalam sa dalawang kapatid ng dalaga ang totoo. Ngunit nakiusap ito, bukod kay Aling Nita na isinama sa ibang bansa, gusto ni Hazel na malaman ni
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na sina Hazel at Steve kay Yael. Bumaling ang dalaga sa nobyo. “Ayos ka lang ba? Bakit ang tahimik mo yata?” imbes sagutin ang kanyang tanong, hinawakan nito ang kanyang kamay. Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ito ang paraan ni Steve kung paano maglambing. “Ihahatid na kita. Baka mapag-initan ka ng Tita Arcellie mo kapag hindi ka pa bumalik. Alauna na.” niyakap ni Steve ang nobya hanggang sa makasakay sila ng kotse. “Sige na, wag mo na akong ihatid sa taas, okay na ako dito. Bye, Steve!” Kumaway si Steve sa dalaga, nang mawala ito sa kanyang paningin ay unti-unting nawala ang kanyang ngiti. Pagkagaling sa Montefalco building, dumiretso siya sa bahay ng mga ito. “Si Lolo Henry?” agad na tanong niya kay Mr. Mendoza ng makita ito. “Nasa kanyang kwarto sa itaas, nagpapahinga. Hayaan mo, ipapaalam ko sa kanya na narito ka.” magalang na ani ni Ranz bago umakyat sa itass at ipaalam sa amo na narito ang binata. “Nasa ibaba si Sir Steve, Chairman.” “P
“Mr. Evans, wala kaming nakitang kakaiba sa mga CCTV footage na kuha sa mga kalapit na gusali, sa palagay namin ay isang inside job ang naganap. Kaya naman isa-isa namin inalam ang mga background ng lahat ng mga manggagawa ng gusali.”Magalang na inilapag ng isang investigator ang isang folder na naglalaman ng lahat ng mga dokumento tungkol sa lahat ng mga trabador ng tinatayong gusali ng panahon na iyon.“Bukod sa walong tao na ito, wala ng iba pang naglabas-masok sa gumuhong gusali maliban sa kanila. May hinala kami na sa kanila dapat simulan ang imbestigasyon, at hindi sa labas.”Humarap si Frank at kinuha ang folder at isa-isang tiningnan ang mga files na naglalaman ng person of interest ng mga ito.“Ang Engineer na si Mr. Oldimo at ang kanyang mga tauhan ang nakita na madalas na magpabalik-balik sa loob ng gusali. Napag-alaman din naman na ang lahat ng security na nakaduty noong panahon na iyon ay madalas na ma-ospital dahil sa biglaang pagkakasakit. Kaduda-duda, kaya sa palagay
KUMUNOT ang noo ni Hazel ng makita si Frank na naghihintay sa kanya sa parking lot. Kataka-taka na wala ang mga bodyguards niya ngayon para bantayan siya. “Good evening.” Sinabi niya sa binata na huwag siyang bibigyan ng bulaklak, hanggang kailan nito balak na bigyan siya ng walang kwentang bulaklak na ito? Hindi niya tinanggap ang bulaklak na inabot sa kanya ni Frank. Sinubukan niya itong lagpasan, ngunit pinigilan siya nito sa kamay. Mabilis na lumipad ang kamay niya sa mukha ng binata, ngunit imbes na ito’y salagin, tinanggap ito ni Frank. “You can slap me all you want, Hazel. Ayos lang sa akin, kung ang kapalit naman nito ay makikita at mahahawakan kita.” Nahihibang na ba ang lalaking ito?! Pinakalma niya ang sarili, sinubukan niyang hilahin ang kamay ngunit humigpit ang hawak nito sa kanya. “Alam mo bang harassment ang ginagawa mo? Pwede kitang idemanda sa ginagawa mo!” Balak niya na takutin lamang ito, bilang kilala at mataas at kinikilalang tao sa lipunan, alam niya na