Nang makita ni Steve si Hazel ay nilapitan agad ito ng binata. “Where have you been? Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Katya.” nang matawa si Hazel ay natawa na rin siya. “You know my sister very well, Hazel. Hindi niya ako titigilan hanggat hindi ka niya nahahanap.”Daig pa ng dalawa ang magkapatid. Nang nasa Amerika pa sila ay mas madalas na magkasama ang dalawa kesa sa kanila ng nobya. Paano ay walang inatupag si Katya kundi ang guluhin sila kapag may pagkakataon. Siguro dahil naghahanap ng sister figure ang dalawa, at natagpuan nila iyon sa isa’t isa.Hinawakan ni Steve ang braso ni Hazel na namumula. “Napano ito?” Saglit na nag-isip si Hazel ng maidadahilan. “Hmm, may maduming bagay kasi na dumapo sa balat ko.”“Hazel!” kumaway si Katya sa dalaga ng makita ito. “Pumayag si Kuya na pumunta tayo ng Paris next week!” masayang balikat nito. Tumingin si Hazel sa nobyo, tumango naman ito.,“Ano ang magagaw ako? Sigurado naman ako na hindi niya ako titigilan kapag hindi kita pinayaga
Nang subukan ni Frank na habulin si Hazel ay ikinawit naman ni Yassie ang kamay sa braso nito.“Come on, Frank. Mukhang marami ka ng nainom.” sinubukan niya na yakagin ang nobyo paalis ngunit hindi ito nagpadala, nasa mukha ng binata ang kagustuhan na si Hazel ay habulin pa.“Are they a lovely couple, right? Just like the two of you, Mr. Evans.”Hindi sumagot si Frank, nakapinid ang kanyang labi habang nakatingin sa apo nitong papalayo kasama si Steve. Damn! Gusto niya itong habulin.“Steve is a good man. Kung may lalaki man ako na gusto para sa aking apo, siya iyon at wala ng iba.” may riin na dugtong ni Henry, na ikinaigting ng panga ni Frank. “Nabalitaan ko na naging malapit kayo sa isa’t isa noon ng aking apo. Salamat sa pagiging parte NOON ng buhay ng aking apo, Mr. Evans. Hindi mo na siya kailangan alalahanin ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan, kasama ako, at si Steve na kanyang pakakasalan.”Noon? Pakakasalan? Dama ni Frank ang riin sa bawat katagang iyon na sinabi n
Nalaman niyang si Aika ang pinsan niya 5 years ago dahil pinakita sa kanya ng lolo niya ang pictures nito kasama ang tita niya. Nagulat siya dahil ang babae na nanakit sa kanya bigla noon, at ang pinsan niya na tinutukoy ng lolo niya ay iisa pala.‘Mang aagaw ka!’Saka niya nalaman ang ibig nitong sabihin sa kanya ng malaman niya na mahal pala nito ang fiance niyang si Steve.Kaibigan din pala ito ni Yassie. Ang liit nga naman ng mundo.“Where’s kuya?” tanong ni Katya na kadarating lang“May pupuntahan lang daw siya saglit.”Maging ito ay napailing ng makita na nagtatalo sila Yassie at Aika, habang umaawat ang kaibigan na si Marga.“I really hate their guts. Pare-pareho sila.” natawa ng mahina si Hazel, kaya tumingin dito si Katya. “Do you hate them? I mean, hindi mo ba naisip na gantihan sila? Nabalitaan ko ang ginawa sayo noon ni Aika, at ng kapatid mo. They are monsters, Hazel. They deserve to be punished for what they have done to you.”“Katya, bahala na ang Diyos sa kanila. As lo
“Ha? Para sa akin?” Tiningnan ni Hazel ang mga bulaklak na dala ni Aling Nita. “Imposible naman na galing kay Steve iyan.” “Kaya nga nagtataka din ako. Kanino kaya galing ito?” Nagtataka din na tanong nito. “May lakad ka? Nakabihis ka yata.” Winaglit niya ang tungkol sa mga bulaklak. “Ah, oho. Balak ko kasing puntahan sila Aling Fatima at sila Toni para ipaalam na buhay pa ako. Sigurado ako na nasaktan sila noon sa nangyari sa akin.” “Ang bilin sa akin ng lolo mo ay wag kang hayaan na umalis ng walang bantay. Kaya hindi ka pwedeng umalis ng walang kasamang bodyguards.” Tinawag ng matanda ang mga bodyguards at binilinan. “Wag na wag mong hayaan na mawala si Hazel sa paningin ninyo. Kung hindi ay pareho tayong malilintikan kay Chairman.” “Anong kaguluhan ito?” “Lolo!” Lumapit ang dalaga sa abuelo at humalik sa pisngi nito. “Ang aga niyo naman bumalik. Nasaan na si Allan?” Tukoy niya sa personal nurse nito. “May inutos lang ako saglit sa kanya.” KUMUNOT ANG NOO ni Frank ng
“ANO? Hindi bat kabilin-bilinan ko na bawal kang lumabas ng walang bantay? Nakakalimutan mo yata na ikaw na ngayon ang CEO ng Montefalco Company.” “Eh, lolo. Wala naman akong balak maging CEO, mapilit ka lang— “Hazel!” Mahinang suway ni Aling Nita sa dalaga. Bumuntonghininga si Hazel at hindi na nakipagtalo pa. “Sir, dumating sila Ma’am Arcellie at Ma’am Aika dala ang mga gamit nila.” Tumikwas ang kilay ni Henry. “Good morning, papa.” Bati ni Arcellie, kasunod na bumati si Aika dito. “Napagpasyahan namin ni Aika na dito muna tumira para makilala ng lubos ang anak ni Harley.” Nakangiting bumaling ito kay Hazel, nagulat ang dalaga ang bume-so din ito sa kanya katulad ng anak na si Aika. “Tama ka, papa. May kasalanan din ako dahil naglihim ako. Kaya ngayon ay babawi kami sa inyo, lalo na sa anak ni Harley. Welcome home, iha. Kung nabubuhay lamang si Harley ay tiyak kong masaya siyang narito ka na.” “Coz, I’m sorry sa nagawa ko noon ha. L-lasing lang ako noon at wala sa h
“DALIAN NINYO, GUYS! We need to prepare everything in just one hour! Kailangan natin makaalis bago mag alas dyis ng umaga!” “Yes, sir!” sagot ng lahat, kabilang nina Toni at Tes.Kailangan nilang makaalis bago mag alas dyis dahil sa Batangas ang venue ng event na iki-catering nila mamayang gabi. Nauna na doon ang iba pa nilang kasama para magprepara ng iba pang kailangan gawin.“What the—” agad na tumakbo sila Aeros at sina Toni ng marinig nila ang magkakasunod ng pagkabasag ng alak.“Rade! Bakit naman hindi ka nag iingat! Alam mo naman na mamahalin ang alak na iyan—”Sabay na napanganga sina Aeros at Toni kagaya ng iba, ang kadarating lang na si Tes ay namutla at nawalan pa ng malay ng makita si Hazel na nakangiti sa kanila.“Hazel!”Walang pagtigil na kamustahan ang naganap, nang magising din si Tes ay hindi ito makapaniwala na talagang buhay ang kaibigan niyang si Hazel. Marami na palang nagbago, may mga asawa na ang mga ito. Si Giselle naman ay buntis at isa ng fulltime mom ngay
“OH MY GOD!” kilig na tili ng dalawa. “Ikakasal ka na pala!!!”Nakangiting inangat niya ang daliri at pinakita sa mga ito ang engagement ring nila ng nobyo. “Yes, ikakasal na kami after 5 months.”“Congratulations, Hazel. Nasaktan ka man noon, naging way naman yon para makilala mo si Sir Steve. Masaya kami para sayo!”Tinitigan ni Hazel ng may ngiti ang singsing niya na nasa daliri. Tama si Toni, nasaktan man siya, naging daan naman iyon para makilala niya ang tamang lalaki para sa kanya.KUMUNOT ang noo ni Toni habang nakatingin sa cellphone niya. Nagtataka siya dahil hindi sinasagot ni Aling Fatima ang tawag niya. Sa tuwing tatawag kasi siya sa matanda ay agad itong sumagot, kung may ginagawa man ito, agad itong magpapadala ng message para sabihin na busy ito.Wala na si Gladys, umalis na ito pagkatapos magpakasal sa nobyo na nakapagtapos na nang pag aaral, kaya naman ang madaldal na driver nalang ng dating amo niya ang tinawagan niya, na si Joemar. “Hello, Joemar, si Aling Fatima
“HINDI PA RIN BA siya dumarating?” irita na tanong ni Frank kay Joemar, kanina pa siya paroo’t parito sa sala habang naghihintay kay Hazel. Ngunit gabi na ay hindi parin ito dumarating.Hindi ba talaga ito pupunta ngayong araw?SAMANTALA, hindi maintindihan ni Aling Fatima kung bakit bigla na lamang siyang pina-hatiran nila Joemar ng isang set ng Puzzle board. Ayon sa lalaki, bibigyan siya ng malaking halaga sa oras na mabuo niya ito.Hmmm… mukhang mabubuo ito sa loob ng isang linggo dahil maliliit na piraso lamang ito.Matanda na siya…. Ngunit hinahamon pa ni Joemar ang talas ng kanyang mata at memorya? Mapagbigyan nga ang binatang iyon. Isip-isip ng matanda na nagsisimula ng buohin ito.“ANO ANG IBIG MONG SABIHIN na hindi kayo magkasama ngayon?” “Mommy, I don’t know, okay? Sa tingin ko nawawala din si Hazel kagaya ko.” pinahid ni Aika ang pawis niya sa noon. Kanina pa siya narito sa palengke at paikot-ikot, hinanap na niya si Hazel ngunit hindi niya ito makita. Kahit ang mga tauhan